Friday, August 24, 2012

Love at Second Sight : Chapter 1

AIESHA LEE: Anyong haseyo! BAGONG AMPON lang ako, wahehe. This is MY FIRST BABY (STORY).  

SPECIAL MENTION: Kam sa hab ni da, Queen Richelle. Thank you for introducing this blog to me. I’m not really a blogger ( tinatamad kasi ako, wahehe ) pero dahil sa’yo, pumasok sa natutulog kong brain cells na biglang nagising, why not, choco nut? Makapag-blog nga din. Nang may mapaglagyan ang mga anek2 na naiisip ko. So, here I am :)) Enjoy reading! ^___^

 * * * * * * * *


CHAPTER 1


( Princess POV )



 “What?!” Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa bestfriend niyang si Cathrine. Sinabi lang naman nitong boyfriend na nito ang lalaking kinukuwento nito sa kaniya. Nakilala nito ang lalaki sa seminar na dinaluhan nito. Photographer ang bestfriend niya. And that was three weeks ago, tapos ngayon malalaman niyang boyfriend na nito ang lalaking iyon. My God! Ano bang problema nito?


“You heard me, bhest! Kami na.” ngiting-ngiting sagot nito. Pumunta ito sa bahay niya para sabihin iyon.


“Three weeks lang kayong magkakilala, okay ka lang?” Ipagpag niya kaya ang ulo nito? Baka sakaling umayos ang takbo ng utak ng kaibigan niya.


Uminom muna ito ng juice bago sumagot. “It was love at first sight, bhest.”


“Love at first sight? I don’t believe in that.” napapailing niyang sagot. Sa mga novel lang niya nababasa iyon. At sa mga novel lang na ginagawa niya. Romance writer siya. Pero hindi siya naniniwala sa love at first sight, dahil never niyang naranasan iyon sa naging boyfriend niya no’ng college at sa boyfriend niya ngayon. It all started in friendship. Not in love at first sight.


“But I do. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, bhest! Finally, I’m inlove.” kinikilig na sambit nito. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti nito. Napabuntong-hininga siya. Tiningnan niya ang bestfriend niya. It was all written all over her bestfriend’s face. After twenty four years of existing in this planet, ngayon lang niya nakita itong gano’n. They’ve known each other since they were a child. Magkapitbahay sila. Wala pa itong naging boyfriend since then. Ang dahilan nito, hindi pa daw dumadating ang lalaking para dito. So ngayon dumating na?


“I want to meet him.” sambit niya. Gusto niyang kilatisin ang first ever boyfriend ng bestfriend niya. Baka mamaya kung sinong hombre lang ‘yon at lokohin lang ang bestfriend niya. Hah! Mata lang nito ang walang latay kapag nangyari iyon.


“Hindi pwede.” sagot nito.


Kumunot ang noo niya. “At bakit hindi pwede? Aber!”


“Umalis siya, eh.”


“At saan nagpunta? Umalis na? Nagtago na? Hindi na babalik?” sunod-sunod niyang tanong.


Natawa lang ito. “Sira ka talaga! Summer ngayon ‘di ba? Umuwi siya ng probinsiya niya.”


“Kakasagot mo pa lang sa kaniya, tapos iniwan ka kaagad niya? Ano bang klaseng boyfriend ‘yan?”


Sumimangot ito. “Princess naman.”


“Okay, okay. I’m sorry.” hinging-paumanhin niya. Kapag tinawag na siya nito sa pangalan niya, naiinis na ito sa kaniya. Iintindihin na lang niya ito. “Kailan siya babalik?” tanong na lang niya.


Ngumiti na ito pero makahulugang ngiti ang pumaskil sa mga labi nito. Kumunot ang noo niya. “Alam ko ‘yang ngiti mo na ‘yan. May favor ka na namang hihingin, ‘no?”


Tumango ito. “What is it?” tanong niya.


“Ininvite niya akong magbakasyon sa kanila. Hindi—”


Hindi pa ito tapos sa litanya nito nang mag-react agad siya. “What? Pupunta kang mag-isa do’n?”


Napakamot ito ng ulo. “Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, patapusin mo muna kasi ako.”


“Okay. Go on.” Kumagat siya ng burger niyang pasalubong nito.


“Iyon nga inivite niya akong mag-bakasyon sa kanila.” ulit nito sa sinabi nito kanina.


“Saan ang probinsya nila?” singit niyang tanong.


“Romblon.” sagot nito.


“Maraming buko do’n ‘di ba?” tanong niya.


“Oo. Madami daw, lalo na sa mga bundok—teka, we’re not talking about the coconut there.” Napangiti na lang siya. Nagpatuloy na ito. “So, like I was saying, ininvite niya akong magbakasyon sa kanila. Tutal naman on-leave ka at gusto mo siyang makilala, sasama ka sa akin.” Magpoprotesta sana siya pero itinaas nito ang kanang kamay nito para patigilin siya. Okay, mamaya na lang ang speech ko. “At dahil hindi ko alam ang kanila. Sasabay tayo sa pinsan niya. Nakilala ko na ang pinsan niya last week. Ipinakilala sa akin ni Harold.” Boyfriend nito ang tinutukoy nito. “May trabaho pa kasi ang pinsan niya.” Napangiti ito. “Ngayon ko lang naisip, bagay kayo ng pinsan ni Harold. Parehas—”


“Bhest, may boyfriend na ako. And we’re not talking about your boyfriend’s cousin here.” singit niya sa sinasabi nito. “Kailan tayo aalis?” tanong niya.


“Sasama ka sa’kin, bhest?”


“Oo naman. Alangan namang hayaan kitang mag-isa na walang kasama.”


“Two days from now, aalis na tayo.”


Nagulat siya. “Two days from now? Ang bilis naman. Hindi pa ako nagpapaalam kay James.” Boyfriend niya ang tinutukoy niya.


“As if naman nagpapa-alam ka nga sa kaniya tuwing may pupuntahan ka.” kontra nito.


“Nagpapa-alam naman ako, eh.” nakangusong sagot niya.


“Nagpapa-alam ka lang kapag nando’n ka na sa pupuntahan mo. Kaya kahit hindi ka niya payagan, wala na siyang magagawa.”


“At bakit hindi niya ako papayagan? Boyfriend ko lang siya. Hindi ko siya asawa.”


“Iyon na nga, eh. Boyfriend mo siya. May karapatan siyang malaman kung nasa’n ka.”


Napatingin siya dito. “Parang iba ka ngayon, ikaw ba ‘yan Cathrine? O sinapian ka ng maligno?” Hinawakan niya ang ulo nito.


Hinawi nito ang kamay niyang nasa ulo nito. “Ano ba! Para kang timang!” natatawang sambit nito.


“Eh, pa’no naman kasi, dati ikaw pa itong sulsol ng sulsol sa’kin na hindi ko na kailangang magpa-alam sa kaniya. Tapos ngayon kinakampihan mo na siya.”


“Kasi dati hindi ako maka-relate sa paalam issue na iyan. At dahil ikaw ang best friend ko, sa’yo ‘ko kakampi.” dahilan nito.


“Bias ka, bhest. At dahil may boyfriend ka na ngayon…”


“Nakaka-relate na ako.” dugtong nito. Nag-high five silang dalawa.


Nang may maalala siya. “Nga pala, bhest. ‘Yong—”


“Alam ko na. Sagot ko ang pamasahe mo.” singit nito sa sasabihin niya.


“Bakit alam mo?” nangingiting tanong niya.


“Ano ka ba? Same wave length tayo kaya alam ko na ang tinatakbo ng isip mo.”


Natawa siya. “Nagtitipid, eh.”


“Pinapadalhan ka naman ng ate mo, ah.” Nasa Canada ang ate niya. Do’n na ito nakapag-asawa.


“Oo nga. Iniipon ko ‘yon. Ako lang naman mag-isa dito kaya kaunti lang ang gastos ko, except sa pagkain.”


“Ang takaw mo kasi.”


“Parehas lang tayo.”


“Oo na. Nag-iipon ka ba para saan? ” tanong nito.


“For the future.” sagot niya.


“Sa future ninyo ni James?” tanong ulit nito.


“Sa future ko.” sagot niya.


“Sira ka talaga.”


“Eh, ikaw seryoso ka na ba diyan sa pinasok mo?” Ngumiti lang ito bilang sagot.


* * * * * * * *



( Aeroll POV )


“OF COURSE, pare. Seryoso ako sa kaniya.” sagot ng pinsan niya sa tanong niya. Tinawagan siya nito at sinabing isabay daw niya pag-uwi niya sa probinsya nila ang girlfriend nito. Nauwi na itong umuwi no’ng nakaraan. Na-meet na niya ang babae no’ng nakaraang linggo ng ipakilala ito ng pinsan niya sa kaniya. Sanay na siya sa mga ipinapakilala nitong girlfriend sa kaniya. Pero iba ngayon, dahil ipapakilala daw nito sa grandparents nila ang girlfriend nito ngayon.


“Wala ka bang sakit?” tanong ulit niya.


Natawa lang ito sa kabilang linya. “I’m completely well.”


“So seryoso na talaga ngayon?” tanong ulit niya.


“Oo nga pare. Ang kulit mo.” Natatawa nitong sagot. “It was love at first sight. Kaya nga hindi ko na pinakawalan, eh.”


Napangiwi siya. “Love at first sight? Mero’n ba no’n?”


“Wala, pare.” sagot nito.


“Wala naman pala, eh.”


“But when I saw her, mero’n pala no’n.” Kahit hindi niya ito nakikita ngayon, ramdam niyang nakangiti ito. Tinamaan na talaga ang pinsan niyang dakilang playboy. “Finally, nahanap ko na din siya.” patuloy nito. Napailing na lang siya. His cousin is inlove. “Nasabi ko na sa kaniya na sasabay siya sa’yo. Binigay ko na sa kaniya ang contact number mo. Ise-send ko na din sa’yo ang contact number niya.”


“Sige, ako nang bahala.”


 “Thanks, insan.”


“You owe me one.”


“Sige. Ilang babae ba ang gusto mo?”


Natawa tuloy siya. “Madami na ako.  Sobra na nga.” biro niya.


Natawa din ito. “Ikaw? Kailan ka?” tanong nito.


“Anong kailan?” balik tanong niya.


“Kailan ka lalagay sa tahimik?”


“I’m still enjoying the view, pare.” nakangiting sagot niya habang nakatingin sa babaeng papalapit sa kaniya.


“What view, pare?”


“Yong magandang view na papalapit sa’kin ngayon.” Kumaway ang babae sa kaniya.


“Tsk! Magbago ka na nga.” sambit nito.


“Matagal pa. Sige, pare. Kita-kits na lang.”


Natawa ito. “Darating din ang sa’yo.” wika nito.


“Yeah, right.” Tinapos na niya ang pag-uusap nila.


“Hi, Aeroll!” nakangiting bati nito ng tuluyang makalapit ito sa kaniya.


“Hi, Chariz! Gumaganda tayo ngayon, ah.” Co-nurse niya ito.


“Talaga? Eh, bakit ayaw mo akong sagutin?” Dumikit pa ito sa kaniya.


Natawa siya ng mahina. Ladies. “You know my rules. Ayoko ng commitment. Ng totally commitment.”


“Alam ko naman ‘yon, eh.”


“One more thing, never akong nakipag-relasyon within my working environment.” Ayaw niyang magkaro’n ng conflict kung sakaling hiwalayan niya ang babae. At maaapektuhan ang trabaho niya. “And I hate complicated things.”


“Kung lilipat ako ng hospital?”


Napangiti lang siya. “Maybe.” Tiningnan niya ang relo niya. “Sige, mauna na ako. Tapos na ang break time ko.” Tumalikod na siya. Sayang ang isang ‘yon, ah. But it’s okay. There are so many fishes in the sea, Aeroll. Napangiti siya.


At sa pagtalikod niya, hindi niya napansin ang matalas na tingin na binibigay sa kaniya ni Chariz. “Magiging akin ka din, Aeroll. Hintayin mo lang.” Gumuhit ang ngiti sa labi nito.







7 comments:

  1. welcome po sa blog na 2.
    i look forward to this story since first story mo pala 2.

    ReplyDelete
  2. Congrats sayo!!! Welcome sa magulong mundo sa AegyoDayDreamer blog!!! You'll enjoy here, promise!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tandaan mo espren, isa ka sa mga nagpagulo ng blog na ito!!! at please naman yung sa WMNPMSP, powtek, excited na ako dun kahit nabasa ko na sa drafts. kelan mo ba ipopot yun???

      WELCOME AEISHA!!!

      Delete
    2. thank you guys! ngayon pa lang, enjoy na :)

      Delete
    3. espren... wag kang ganyan..tahimik akong tao kaya wag mong sabihin na ako ang nagpagulo sa blog na ito..whahaha... baka mamaya maniwala yang na-recruit ko... tanong mo pa sa lanya, tahimik lang talaga akong tao...whahahah...

      Delete
    4. oh no! maingay ka kaya, nakikita kita no'n sa school eh, haha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^