CHAPTER 5
( Princess POV )
“What?”
gulat niyang tanong dito.
“Singa.” utos ulit nito.
“Ako
na.” Akmang kukunin niya
ang panyo nang ilayo nito iyon. Kumunot ang noo niya. “Masakit na ang ilong ko.” reklamo niya.
Inilapit ulit nito ang panyo sa ilong
niya. “Isinga mo na ‘yan.” utos ulit
nito.
“Ano
bang problema mo?” inis
na tanong niya, pero suminga na din siya sa panyong hawak nito na nakatakip sa
ilong niya. Humawak pa siya sa panyo, hindi siya aware na nakahawak na din siya
sa kamay nito.
“Okay
na?” tanong nito.
Umiling siya at suminga ulit hanggang sa maramdaman niyang hindi na masakit ang
ilong niya.
“Okay
na?” ulit nitong tanong.
“Okay
na.” sagot niya. Saka
lang niya napansin ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. Binawi niya iyon. Isinuot
na uli niya ang salamin niya sa mata. Ibinulsa nito ang panyo nito. Nanlaki ang
mata niya. “Teka, akin na ‘yang panyo.”
“Akin
‘to.”
“Alam
ko, kaya lang may ano ‘yan, eh…”
Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
“Okay
lang ‘yan. Lalabhan ko na lang pagdating samin.”
“Bibilhin
ko na lang.”
“Ayaw.”
“Ano
ba!”
“Alam
mo sa halip na mag-thank you ka. Ikaw pa itong galit.”
Napahiya tuloy siya. “Magte-thank you ako kapag binigay mo sa’kin ang panyo mo.”
“Ibibigay
ko ‘to kapag nag-sorry ka sa nangyari kahapon.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit ako mag-so-sorry? Kasalanan mo naman
talaga ang nangyari kahapon.”
Umayos ito ng upo at binaling ang tingin
sa unahan. “Akin ‘tong panyo ko.”
Huminga siya ng malalim. “Okay. Sorry.”
“Bakit
parang pilit?” hindi
tumitinging tanong nito.
Kutusan
kita diyan, eh. “I’m sorry.”
Nakita niyang ngumiti ito. Pero saglit
lang. Bruho ‘to, ah. Pinagtitripan pa
ako. Hindi tumitinging kinuha nito sa bulsa ang panyo nito at inabot sa
kaniya. Kukunin na niya iyon pero bigla nitong inilayo. Tumingin ito sa kaniya.
“Ano ulit iyon?” nakangising tanong
nito.
Ihagis
kaya kita sa palabas ng bus?
“I’m sorry.”
“You
shoud be. Oh, ayan na yung panyo ko.”
may diing sambit nito. Agad niyang kinuha iyon at isinuksok sa bag niya. “Ingatan mo ‘yan, ah. May sentimental value
‘yan sa’kin.” dagdag pa nito bago ibinaling ang tingin sa unahan.
Itapon
ko pa ‘to sa dagat mamaya, eh. Makita mo. “Binabawi ko na ang
sorry ko dahil hindi ako may kasalanan. Ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang hindi
tumitingin sa daan. You’re the one who should say sorry, not me.” Bigla
itong napalingon sa kaniya. Hindi na niya hinintay pang madinig ang reklamo
nito dahil agad niyang ipinasak ang earphone niya sa tainga niya at itinodo ang
volume. Tumingin siya sa bintana. Napangisi siya. Akala mo, ha.
( Aeroll POV )
NAPALINGON siya sa babaeng katabi niya dahil sa huling sinabi nito. Aba’t! Naisahan ako nito, ah! Nakangiti pa!
Bakit naman kasi tinulungan ko pa? Ito pa ang napala ko. Hindi man lang
marunong mag-thank you. Binawi niya ang tingin dito. Ano ba kasing pumasok
sa isip niya kanina at siya pa talaga ang humawak ng panyo? Nang maalala niya
ang itsura nito kanina ng inabot niya dito ang panyo.
She looked so cute. And so vulnerable. Parang batang naagawan ng candy. Ang layo niya sa pagiging amasona niya. Kung lagi lang siyang ganito, edi masaya. Hindi iyong laging parang susugod sa giyera. Laging may handang bala sa bawat sasabihin ko. Ang ganda pa naman niya… Kumunot ang noo niya. Am I phrasing her? Ano bang nangyayari sa’kin? Umayos ka nga, Aeroll!
She looked so cute. And so vulnerable. Parang batang naagawan ng candy. Ang layo niya sa pagiging amasona niya. Kung lagi lang siyang ganito, edi masaya. Hindi iyong laging parang susugod sa giyera. Laging may handang bala sa bawat sasabihin ko. Ang ganda pa naman niya… Kumunot ang noo niya. Am I phrasing her? Ano bang nangyayari sa’kin? Umayos ka nga, Aeroll!
“Thank
you.” Biglang siyang
napalingon sa katabi niya. Hawak nito ang earphone sa kamay nito. Tama ba ang nadinig
niya? O baka hallucination lang niya ‘yon.
“Did
I heard it right?”
tanong niya.
“Bingi
ka ba?” hindi
lumilingong balik-tanong nito.
“Alam
mo, Miss, kung magte-thank you ka lang din, sana ‘yong sincere naman. Kung
hindi mo ‘yon kaya, huwag ka nang mag-thank you. Dahil baka sa halip na
mapangiti mo ang pinasasalamatan mo, mainis pa ‘yon lalo sa’yo.”
Napabuntong-hininga ito. Bago tumingin sa
kaniya. “Thank you kanina.”
malumanay na sambit nito bago binaling ang tingin sa bintana ng bus.
Marunong naman
pala. Gusto pang masermunan, eh. Napalingon
ulit ito sa kaniya. “What?” tanong
nito. “Nag-thank you na ako ‘di ba?”
Kumunot ang noo niya. “Oo nga.”
“Then
why are you staring at me?”
“Ako?”
“Sino
pa ba?”
Hindi niya napansin na nakatingin pa din
pala siya dito.
“Stop
looking at me.” wika
nito, sabay iwas ng tingin sa kaniya. Isinandal nito ang ulo sa bintana.
Binaling na din niya ang tingin sa
unahan. At umayos ng upo. Matutulog na lang siya. Wala pa siyang tulog kahapon
dahil sa kapatid niya.
( Princess POV )
“OUCH!” Nauntog siya sa bintana ng bus. Iminulat niya ang mata niya. Nakatulog pala siya. Tiningnan niya ang relo niya. Napangiwi siya. Nakatulog ako. Nakatulog ng three minutes. Ang hirap naman kasing matulog sa bus. Nakakangawit. Untog dito. Untog do’n. Hinawakan niya ang noo niya. Wala pa naman akong bukol. Napatingin siya sa katabi niya. Buti pa ‘to, ang himbing ng tulog.
Lihim niyang pinagmasdan ito. Gwapo sana, nakakainis lang ang ugali. Sermunan pa daw ba ako kanina? Nabitin ang pag-hinga niya ng ibaling nito ang ulo sa gawi niya. Gwapo nga, at ang mga gwapo lapitin ng babae. Parang ‘yong mokong na boyfriend niya. Bumalik sa alaala niya ang nakita niya kanina. Walang hiya siya! Manloloko!
Sumandal siya sa bintana at pinagmasdan
ang bawat nadadaanan nila. Inaantok pa din siya. Wala pa siyang tulog. Madaling
araw na siya nakatulog kagabi. On-leave nga siya sa trabaho niya pero hindi
naman niya maiwasang magsulat ng nobela, lalo na’t nasa mood siya. Ipinikit
niya ang mga mata niya. Hanggang sa unti-unting hilahin siya ng antok niya.
( Aeroll POV )
NAALIMPUNGATAN siya ng may kung anong tumama sa balikat niya. Napalingon siya sa katabi niya. Natutulog ito. Nakasandal ang ulo nito sa upuan nila. Maya-maya ay bumagsak ang ulo nito sa balikat niya. On instinct siguro ay ibabalik nito ang pagkakasandal ng ulo nito sa upuan nila. Napapailing na pinagmasdan niya ito. Hindi ba ito nahihirapan sa ginagawa nito? O baka ang himbing lang ng tulog nito kaya hindi ito magising-gising. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. Wala na sa ayos ang eyeglass nito. Nang bumagsak na naman ang ulo nito sa balikat niya. Napabuntong-hininga siya. Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang ulo nitong nakasandal sa balikat niya at umusad palapit dito.
I’m
just doing this dahil naaawa ako sa kaniya. baka mamaya, magka-stiff neck na
‘to sa ginagawa nito,
depensa niya sa ginawa niya. Nang magulat siya ng sa halip na sa balikat lang
niya ito nakasandal ay napunta ang ulo nito sa pagitan ng leeg at balikat niya.
Napatingin siya dito. Napagkamalan pa ata siyang unan nito. Huminga siya ng
malalim, ng malalim na malalim.
Ano
kayang gagawin nito sa’kin kapag nagising ‘to? For sure, uulanin siya ng
umaatikabong sermon mula dito. Sasabihan siya ng manyak! Sira ulo! Lahat-lahat
na. Ano ba kasi ‘tong ginawa ko? Hindi ko
naman ‘to kilala. We’re not even friends. Napabuntong-hininga siya. Inayos niya ang
eyeglass nito na kaunting galaw na lang, mahuhulog na. Tanggalin na lang kaya
niya? Tuluyan na nga niya iyong tinanggal. At inilagay sa loob ng bag nito.
“Hmm…”
Napatingin siya dito. Kumunot ang noo
niya nang mapansin ang luha sa gilid ng mga mata nito. Umiiyak ba siya? Pinahid niya ang luhang ‘yon. Bumalik sa alaala niya ang tagpo kanina nang
makita niya ito pagbaba niya ng bus. Sino
bang nagpaiyak sa’yo? Sa tapang mong ‘yan, may nakapanakit pa sa’yo? Hindi kaya
ang boyfriend niya?
“Mama…”
Nananaginip pa ata ito. Umayos na siya ng
upo niya at inayos ang pagkakasandal o mas tamang sabihing pagkakaunan sa
kaniya nito. Wooh! Ang hirap naman ng pwesto
ko. Makakatulog ba ako nito?
...
waah!.. kinilig ako!.. ang sweet nila!na iinggit ako!.. haha
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeleteaww!! really sweet!!
kaya gusto ko nagbabasa ng stories dito kasi po nakakalimutan ko problems ko..
tulad na lang ngayon, kahit patago ang kilig ko kasi andito ako sa bomshop, napasaya pa rin ako.. hihi
thank u girls :):)
ReplyDeletekinikilig din ako :) wahehe