“Urban Legend”
-->
**Swaz Lee**
“One week na lang
submission na ng proposed title! Ano nang plano natin?!” tanong ni Wesley na di mapakali sa
kinauupuan nya habang palipat-lipat sa kamay nya ang dala nyang bola. Kunwari
pa, atat na atat na talaga itong umuwi para magbasketball. Problema nga naman
ng mga tropa kong IT. Around 4pm at katatapos lang ng mga klase namin,
magkakasama kaming anim sa malaking round table dito sa cafeteria ng Norzagaray
University. Limang 4th year IT student at kasama ako na nag-iisang HRM na
graduating din. First semester na at mas pahirapan na, lalo na pag nag-Thesis
I, na siya na lang lagi nilang topic pag magkakasama kami. Actually, 7 talaga
silang magkaka-group sa Thesis I, hindi namin kasama yung 2 pa.
“Wait. Ever heard about
the controversial thesis book nung 2002 na nawala sa library natin?” mahinang sabi ni Chuck na tinatakpan
pa ang bibig nya, nakakaintrigang pakinggan. Hindi na’ko magtataka na sagap nya
lahat ng tsismis sa library since elected IT specialist sya ng library.
“Narinig ko na nga yun,
at ang 7 proponents ng Thesis Book na yun ay sunud-sunod daw na pinatay a month
before the graduation.” Sabi ni Rikku. Sa lahat ng babaeng hindi kayang magbiro o biruin ay si
Rikku lang yun. Talagang mapapaniwala ka sa kanya, siguro nga’y dahil seryoso
siya lagi at focus masyado sa pagiging dean’s lister nya. Siya lang bukod tangi
saming ilulugar mo ang salitang ‘biro’.
“Tatlo ang kopya nun;
(1) Library, (2) IT Department at (3) Student’s. Ang isa na para sa library ay
sinunog dahil sinasabi nilang malas daw,
ang ikalawang kopya para sa faculty ng I.T. Department pero pinatay din ang professor
nun isang linggo matapos ang serial killing ng 7 estudyante nya at ang ikatlong
kopya; ang student’s copy na nilagay sa library pero ito’y nawala.” pahayag ni Zeus na seryoso rin ang
tono. Para kaming nag-uusap tungkol sa malaking business deal dahil punong-puno
ng seryosong ambience dito sa malaking round table. Elected PRO ng student council si Zeus.
“Hindi sya pinatay.
Nagsuicide siya.”
biglang singit ni Wesley na nakatingin sa kawalan habang pinaiikot sa daliri
nya ang dala nyang basketball. Kanina lang di sya mapakali at mukang uwing-uwi
na, ngayon naman ay nakiki-sawsaw pa siya sa usapan. Halos alam nila ang
tungkol dun habang ako ay nagmumukang tanga sa naririnig.
“Pero ang sabi pinatay
din ito pagkatapos ng 7 estudyante. Malaki ang galit ng serial killer. Hayss.
Ewan ko ba? Isang dekada na pero unresolved pa rin ang kaso.” napapailing si Chuck habang sinasabi
yun. Aakalain mong parang sa kanya may atraso ang killer sa panghihinayang.
“Tsss.. Tigilan nyo na
nga yang urban legend na yan. Matagal na yun, pinag-uusapan nyo pa.” saway ko. Kanina pa talaga ako hindi
maka-relate. Hindi dahil sa ayaw kong pag-usapan yun kundi ang corny lang
pag-usapan pa. Ano bang mapapala nila dun? Tapos na yun.
“Hindi ‘yon totoong
nawala.” napalingon
kaming lahat kay Rikku. Nagaya lang ako sa kanila. Tss.. Tinutukoy niya ang
student copy na hindi totoong nawala sa library.
“Itinago yun ng isa sa
matagal ng katiwala ng university na’to.
Sa storage room ng abandonadong building.” dugtong pa ni Rikku. Ang tinutukoy nyang
gusali ay ang 3-storey Hamilton Building na nasa likod ng Nursing Building.
Abandoned na yun at ang nakakainis ayaw pang pagiba ng head ng school, ginawa
pang storage kuno. Tss.. Nagmimistula tuloy itong haunted building sa tuwing
nadadaan ako dun.
“Whoah..So sa storage
room na pala ang mga old books at wala na sa library?” natawa kong sagot at nababadtrip na
sa walang kakwenta-kwentang usapan.
“Anong nakakatawa Swaz?
Gusto kong makita ang librong yun! Baka makakuha tayo ng idea for our proposed
title.” masamang
tingin ang ibinato sakin ni Aileen. Eh sa nakakatawa naman talaga eh! Ngumiti
pa sya na parang nagka-idea pa. Positive thinker kasi siya bilang leader ng
group nila. Pero kilala ko siya, lakas maka-fighting spirit at hindi
nagpaphalatang weak kahit ang totoo ay desperadong-desperado sa proposed title.
“Nahihibang ka na ba?
Wala nang pumupunta sa abandonadong building na yun. At saka isa pa, libro yun
na may kinalaman sa sunud-sunod na pagpatay.” nakakakilabot pakinggan ang banta ni Wesley tungkol
sa librong yun. Konti na lang mapapaniwala nako sa kwento nila. Aakalain mong
may masamang mangyayari pag pumunta sa gusaling yun.
“Sasamahan nyo naman
ako di ba?” tumayo
si Aileen na nakapamewang pa pero lahat sila parang hindi sang-ayon. Walang
umimik. Gusto kong magtatatalon nang hindi siya sakyan ng mismong kagrupo pa
nya.
“Look, hindi natin
kelangan bumase sa mga old thesis na yan. We must think somewhat new! Yung mas
effective, mas feasible, mas unique and mas enticing sa market! Anyway, I’ll
get going, may part time job pa ko sa fastfood.” tumayo si Rikku at nagpaalam na.
Aakalain mong nagagalit siya sa tuwing magpapaliwanag pero hindi naman. Siya na
talaga maraming alam.
“Bukas na lang tayo
magbrainstorm. Easy ka lang Aileen. We’re not running out of time. Well, mauna
rin ako. May try out pa kami mamaya.” paalam ni Wesley na tumapik pa sa likod ni Aileen.
Tinanguhan ko na lang ito at nginitian. Gusto ko sanang sabihin na uwing-uwi na
naman talaga siya.
“Pasensya na, hindi sa
natatakot akong pumunta sa building na yun pero dederetso pako sa ospital,
ngayon na discharge ni mama.” paalam ni Chuck. Mga wala man lang malasakit na kagrupo.
Hays..
“Zeus? Swaz? Wag nyo
sabihing magpapaalam na din kayo?” sabi ni Aileen. Ngayon
naman samin sya nakaharap na nakapameywang pa. Hilig nya talagang gawin yun.
Hindi ko pwedeng iwan ang babaeng to kasama si Zeus. Kaklase man nya to pero
kahit na. Napapansin ko kasi na parang pinopormahan siya nito. Tss, hindi sila
bagay. Luge si Aileen kung si Zeus lang. Nasan ang hustisya?
“Sige na sasamahan ko
na kayo since wala na kong klase.” tumayo ako at nagpahalatang napilitan lang talaga para
inisin si Aileen.
“Kaya naman naming
dalawa ah, I mean HRM ka baka nakakaabala kaming mga IT sayo.” sabi ni Zeus na lakas din ng loob na
makukumbinsi ako. Hindi ko naman talaga to tropa eh.
“Sinabi ko na ngang
sasama ako.” Inis
kong sagot habang lumalabas na kaming tatlo sa cafeteria.
“Magkita na lang tayo
mga 5:30 since may klase pa kong isa.” paalam ni Aileen na nakangiti saming dalawa.
“Mauna na kayong dalawa mamaya, susunod na lang ako sa inyo. Dadaan pa
‘ko sa student council” napahinto sa paglakad si Aileen nang magsalita si Zeus. Kami pala ang
iiwanan ng ungas na yun. Bakit hindi pa sya sasabay saming dalawa? Badtrip lang
bakit ako nasasama sa paghahanap ng libro kung wala naman akong
mapapakinabangan. Natropa pa kasi ako sa mga IT students. Masyadong maraming
nalalaman si Zeus sa lintik na urban legend na yun. Baka naman nasa kanya lang
yung isang kopya.. Tss.. Since 5pm na, pumasok na si Aileen sa last subject nya
at magkikita na lang kami ng 5:30 kaya dun muna ko sa mga katropa kong HRM.
“Akala ko hindi mo na
talaga ko sasamahan dahil naduduwag ka.” pang-iinis ni Aileen, katatapos lang ng klase nya sakto
5:30. Mareklamo man ako pero alam niyang hindi naman talaga ako galit. Ang
kinaiinis ko lang, hindi ako makatanggi sa pakiusap nya o siguro na rin dahil
ayokong iwan siya mag-isa. Dismissal na lahat ng klase.
“Tsss.. Nahihiwagaan
lang ako sa lintik na librong yan.” asar kong sagot. Pinuntahan na namin yung abandoned 3-storey
building na yun. Hindi naman siya ganoong kaluma, nasunog kasi ang second floor
nito kaya delikado ng gamitin. Since yung ibang rooms okay pa naman ginawa
itong substitute as storage room. Okay pa nga ang ilang mga salaming
bintana nito at mga pinto. Yun nga lang,
nakakatakot lang akyatin lalo na’t mag-gagabi na saka ipinarinig pa nila sa akin
ang urban legend na yun. Bakit pa kasi ako sinama nito? Anong malay ko sa mga
assignment ng mga I.T. student na kagaya nya. Ayoko sa lahat yung nauutusan.
Tss..
“May tao ba dyan?
Manong Ben?” sa
kaartehan ni Aileen doon daw kami magsimula maghanap sa 3rd floor pababa. Ako
naman si oo. Binuksan nya yung daylight ng isang room. Dumidilim na kasi at
magsi-6pm na. Nagpapatay-sindi pato dahil sa kapal ng sapot at alikabok na
nakapaligid dito. May mga nagkalat pang mga hollowblocks, sako ng semento,
plywood, armchairs, blackboards dito sa 3rd floor. Sa estimate ko, bawat floors
ay composed of 8 large rooms at may maluwang na pasilyo. Yung iba walang pinto
at bintana. Basta ang kalat, ang gulo ng
mga gamit. Hindi organized.
“Kahit janitor
hindi gugustuhinng mag-stay dito. Tss..
Ang kalat na nga ang alikabok pa.” reklamo ko habang pinagsisipa yung ilang nagkalat na retaso
ng kahoy. Nakakainis kasi.. Books? Nandito? Patawa.
“Oh para san yang
hollowblock?”
natatawang tanong ko kay Aileen. May hawak syang isang piraso at tila takot na
takot na nasa likod ko.
“Swaz, it’s for self-defense. Hindi ka ba kinakabahan sa lugar nato?” tumalikod na’ko sa kanya. Ang weird
lang kasi kaya naglakad-lakad ako ng mga apat na metro palayo sa kanya. Habang
abala ako sa pagbubungkal dito sa mga patong-patong na kagamitan at lumang
libro ay narinig ko ang isa pang yabag ng mga paa. Alam ko ang tunog ng sapatos
ni Aileen kaya alam kong hindi siya yun kasabay nun ng tunog ng pagpukol ng
hollowblock! Nanlaki ang mga mata ko! Rinig ko ang pagbagsak ng katawan sa
sahig! Si Aileen! Napalingon ako! Nakahandusay si Aileen at nanghihinang
nakasandal sa pader! Bullshit! Biglang nawala yung may-ari ng yabag na yun!
Nang patakbo akong lumapit kay Aileen ay narinig ko muli ang mabilis na yabag ng taong yun kanina! Alam kong nasa likod ko na siya! Bago pa man ako
makalingon ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko sa malakas na pwersang
tumama sa ulo ko!
“Kahit janitor
hindi gugustuhing mag-stay dito. Tss..
Ang kalat na nga ang alikabok pa.” reklamo ko habang pinagsisipa yung ilang nagkalat na retaso
ng kahoy.
“Oh para san yang
hollowblock?” tanong
ko kay Aileen na hawak ang isang pirasong hollowblock at takot na takot na nasa likod ko. Teka
parang may mali? Nangyari na nga’to kanina! Itong-ito rin yung way kung saan
nakatayo ako kanina. At ang sasabihin ni Aileen ay ‘it’s for self-defense’ at
tatanungin nya ko kung kinakabahan ba ako sa lugar na’to?
“Swaz, it’s for self-defense. Hindi ka ba
kinakabahan sa lugar nato?” natulala ako sa sinabi nya! Hindi ako makapaniwala! Ano ba itong nangyayare?
Pinigilan ko ang sarili ko na maglakad ng apat na metro palayo sa kanya.
Naguguluhan na ako sa nangyayari. Hindi kaya ang susunod nito ay makakarinig
ako ng yabag ng paa at pupukulin ng hollowblock si Aileen ng taong yun at
isusunod ako?
“Dumidilim na. Swaz,
wala ka bang naaamoy?” kumapit sya sa braso ko. Ibinaba na nya yung hawak nyang hollowblock.
“Hayss, akala ko may
yabag na.“
napabuntong-hininga ako at lumuwag ang pakiramdam. Ano ba tong nangyayari
saken? Iba ang sumunod na nangyare sa inaasahan ko. Eh ano yung kanina?
Imahinasyon ko lang ba yun? Para kasing totoong totoo!
“Yabag? Wala naman ah.
Di mo ba talaga naamoy yun?” tanong ni Aileen na mas hinigpitan pa kapit sa braso ko.
“Naaamoy? Teka nga,
nasan na ba yung Zeus na yun? Grabe mag-si-6:30 na.” tiningnan ko ang relo ko. Kanina
lang magsi-6pm nung binuksan nya yung daylight. Bakit bumilis ang takbo ng oras
at nadagdagan agad ng 30 minutes? Biglang dilim na ang kalangitan! Ang weird na
ng nangyayare?! Parang may naamoy na nga akong kakaiba sa magulong silid na
ito.
“Parang may tao dun sa
kabilang room. Pagtanong kaya natin?” hinila ako ni Aileen papunta sa katapat na room. Tulala pa
rin ako sa kawirduhang nangyayari kanina at sa takbo ng oras! Naiirita nako sa
pagkapit nya sa braso ko habang lumalakad kami sa loob at hinahanap yung switch
ng ilaw. Tanging liwanag ng katapat na room lang ang tumatanglaw sa loob. Para
kong di mapakali na ewan. May tao sa kabilang room? Malinaw naman mata ko pero
parang wala naman akong nakita.
“Sigurado ka? Parang
wala naman akong nakita.” sabi ko sa kanya. Hindi ako matatakuting tao kaya anong dapat kong
ikatakot baka nga napaparanoid lang ako kanina. I’m not fond of stupid horror
movies though.
“Kyaaaaaaaaaaahhh!!” sigaw ni Aileen. Nagsara ang pinto at
madiin syang nakakapit sa braso ko. Lalong naging mas matapang ang kanina pa
namin naamoy. Ang lansa!
“Tone down your voice
Aileen!” bulyaw ko.
Wala akong makita dahil hindi pa namin nabubuksan ang ilaw sa isa pang silid
nato. Kakaiba talaga yung lansa.
“Natatakot na ko dito
Swaz. Labas na tayo! Labas na tayo!” sabi nya. Binuksan ko yung ilaw. Peste. Patay-sindi rin. Ang
kalat ng silid at tambak ng mga gamit gaya nung sa isang silid.
“Ikaw tong nagpasama
saken. Ikaw pa ngayong nag-ayang umuwe? Akala ko ba---” naputol kong sabi.
“Kyaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!”
napasigaw ulit si
Aileen sa bumagsak na malaking bagay galing sa itaas. Napaatras ako sa
kinatatayuan ko. May tumalsik na malamig na likido sa HRM uniform ko!
“Aileen!! Aileen!!” nahimatay siya at bumagsak sa sahig.
Nilingon ko ang bagay na nakalambitin na bumagsak galing sa kisame! Napatakip
ako ng bibig! Ano to?! At nang muli kong lingunin si Aileen ay wala na ito sa
tabi ko at bigla na lang nagbago ang pwesto niya at nakasandal na sa pader at
puno ng dugo ang IT uniform niya! Ano ba’tong mga nangyayare?!! Gulong-gulo
na’ko!! Lalong nanikip ang dibdib ko sa bumulagta sa harap ko. Isa itong
duguang bangkay! Nakalambitin ang
bangkay na yun na nakatali ng lubid sa leeg at dalawang brasong nakagapos sa bardwire. Bumalot ng takot sa
loob ng katawan ko kasabay pa ng pagpatay-sindi ng ilaw! Nakatalikod ang
bangkay sa harap ko!
Lalake ang bangkay at nakasuot ng uniporme na gaya saken! Hindi! Sinong hayop ang may
kagagawan nito?! May maliliit na durog na hollowblock sa ulo nito! Mukang ito
ang ginamit din sa pagpatay na halos humalo na rin sa malapot na dugo.
Nangingisay na ‘ko sa takot at pawis na pawis!
Dahan-dahang pumihit ang lubid paikot sa kanan! Nakaramdam
ako ng sobrang kaba!
Haharap sa akin ang muka ng bangkay! Haharap ito!
Kumurap ang ilaw at tuluyan pang namatay!
Sobrang dilim! Nanlamig ang buo kong katawan sa takot!
Kinapa ko yung bulsa ko para hanapin ang cellphone ko pero
biglang kumurap ang ilaw at muling bumalik sa pagpatay-sindi!
Ang bangkay!
Nakatambad na sa kinatatayuan ko!
exciting 2!
ReplyDeleteGulay! Ang intense!. Bakit ngayon ko lang nabasa ito? XD
ReplyDeleteFirst time ko na magbasa ng ganitong genre.
natatakot na ko umpis pa lang .. di ko na tinuloy .. hihi .. sorry matatakutin talaga ako .. TT---TT thumbs up! umpisa pa lang kc lucky me super intense na!
ReplyDelete