Sunday, January 27, 2013

Thesis Book 1: Chapter 1.2: Brandt

-->
“Brandt”

-->
“Shit!!!” bulalas ko. Napaatras ako at napatakip ako ng bibig nang makitang nakadilat pa ang isang mata nito na tila nakatingin pa sa akin! Habang ang isang mata ay tila hinukay mula sa kalamnan! Hindi na makikilalala ang muka nya na tila tinadtad ng icepick ng 30 beses! Sukang-suka nako! Demonyo lang ang makakagawa nito!  Mukang hindi na sya makikilala sa itsura nya!
Hingal na hingal ako at pawis na pawis sa nasaksihan ko. Isang kapareho ko ng course ang pinatay sa building na to! Gusto kong sumigaw!
Pero hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko kung bakit sa halip tumakbo ako palabas ay pinilit kong magpakatatag at suriin ang duguang  katawan.
Napakabrutal ng ginawang pagpatay sa lalakeng  ito, masahol pa sa hayop, maiisip mong isang demonyo ang may kagagawan nito. Babaliktad talaga ang sikmura mo sa umaalingasaw na dugo sa sahig (ito nga ang kanina pa namin naamoy) mukang ngayon lang sya pinatay, maging ang buong HRM uniform nya at slacks ay  halos napaliguan na rin.
Halos mapigtas na ang mga kamay nito dahil sa pagkakabaon ng talim ng bardwire na kung iisipin mo pwersahang hinila ang magkabilang kamay nito, halos nahukay na ang laman sa pulso nya at lumuwa na ang nalamog na laman at buo-buong dugo. Mas nilapitan ko pa ang bangkay at hindi kinaya ng sikmura ko ang nakita ko na akala ko nung una ay panali lamang--
Ang sarili nyang bituka na ikinwintas pa sa leeg nya habang nakakunekta pa ito sa wakwak nyang tiyan!
Bullshit!  Kailangan na naming umalis ni Aileen dito! Humangos ako ng takbo sa kinaroroonan nya.
“Aileen! Aileen! Gumising ka!” nakaupo sya at nakasandal sa sulok ng pader at tulala. Hindi ko pa rin maintindihan kung paanong napuno ng dugo ang katawan niya matapos bumagsak ang bangkay ng lalakeng ito!
“Aileen! Aileen! Duguan ka, anong nangyari sayo?! Ilalabas na kita dito!” sigaw ko at patakbo ako sa pwesto nya.
Namimilog ang mata nya na at nangingisay ang mga nakakuyom nyang mga kamay na puno ng dugo. Takot na takot sya! Nanginginig ang buo nyang katawan. Anong nangyayari sa kanya bakit punong-puno na sya ng dugo?!
Ngunit isang nakakatakot na pagngisi sa muka nya ang nakita ko.
“Isang malaking pagkakamali ang sinamahan mo ko dito.” sabi nya kasabay ng nakakakilabot at malakas nyang pagtawa. Nanlalaki ang mga mata nya at umiikot ang itim na parte nito. Muka na syang nahihibang!  Napapaatras nako sa kinatatayuan ko.
 “Aileen anong bang sinasabi mo!! Ano bang nangyayari sayo?!” sigaw ko.
“Ni hindi ka man lang nagdalawang isip, na pwede ako ang pumukol ng hollowblock sa ulo mo?!” tumayo sya at tila sinapian ng demonyo ang katawan nya. Ano bang nangyayari sa kanya? Tulala ang muka nya at mukang wala sa sarili! Paano siya napuno ng dugo sa buong uniporme nya? Ayokong paniwalaan na imahinasyon ko lang ang Aileen na kasama ko kanina mula pa nung kumapit siya sa braso ko hanggang sa nahimatay siya dito?!
“Aileen! Ano bang nangyayari sayo?! Ano bang pinagsasasabi mo!” napapaatras na’ko sa kinatatayuan ko. Gulong-gulo na’ko sa nangyayare. Hindi kaya may kinalaman sya sa bangkay na narito?!
“Nagawa ko na ang pinagagawa mo. Lumabas ka na.” wika ni Aileen na sa palagay ko’y nasa ilalim sya ng epekto ng droga! Itinaas nya ang kanyang kanang kamay na puno ng dugo, ibinuka nya ito at gumulong sa uniporme nya ang tila isang maliit na bola na puno ng dugo!
“Shit!” daing ko. Isa itong--
Fuck! Sobra na!
Ito ang ipanagawa sa kanya? Ang tanggalan ng mata ang kawawang biktima?! Hindi magagawa ng isang matinong tao ito! Sinong may kagagawan nito kay Aileen?! Isa pang pigura ng tao ang lumitaw sa likod nya! Nakasuot ito ng itim na kapa at may hawak itong icepick! Sinunggaban nya si Aileen sa likod nito at pinagsasaksak ang kaliwang dibdib ng maraming beses!
“Hinde!” sigaw ko. Wala na! Wala na si Aileen! Pinatay nya sya!! Pinatay nya siya!
Nagkandarapa nako sa  pagtakbo paatras dahil tumakbo sya na nakataas ang duguan nyang kamay at sasaksakin ako!
“lumayo ka sa’kin, mamatay-tao!”  nagngingitngit na ngipin ko sa takot. Papatayin nya ko katulad ng ginawa nya kay Aileen at sa bangkay na’to! Paatras ako papunta sa bangkay  at sobrang kabog ng dibdib ko sa nasaksihan ko. Paano ako makakalabas kung ang tanging daan ay nasa likod nya?
“Ganito pala pakiramdam ng pumatay ng mga walang kwenta mong proponents.” hindi ko maintindihan pinagsasabi nya. Hindi makita ang muka nya sa ilalim ng kapang yun!
“Ang hina mo nga lang nagpadala ka sa takot mo at nagpakamatay kang malinis ang pangalan mo.” humalakhak siya ng malakas. Parang mensahe ito patungkol sa ibang tao at hindi para saken. Ano bang pinagsasabi nya? Anong motibo nya para gawin to? Papalapit na sya saken. Lumihis ang kapa sa muka nya. Kitang-kita ko ang mukang yun! Akala ko kaboses lang nya! Pero siyang siya yun! Hindi ako makapaniwala! Kasama lang namin sya kanina! Siya ang may kagagawan nito? Bakit sya pa? Bakit nya to nagawa samin?!
“Sampung taon din yun..
At itutuloy ko ang nasimulan mo…





 Papa!” sigaw nya at patakbong pagsugod sa muka ko ng saksak! Suot pa niya ang jersey na yun!

“Hinde!!” sigaw ko. Maaatrasan ko ang bangkay!
Pero..
Ano ‘tong nangyare?!
Bakit?
Paano?
Tumagos ako
..sa katawan ng bangkay at napaupo sa sahig!
Napatingala ako sa bangkay ng lalakeng ito. Ang uniporme nya.  Ang muka nyang hindi ko nakilala sa dami ng tadtad ng saksak! Hindi ito maari!
Imposible!
Hindi ‘to totoo!
Ayokong paniwalaan---
na ang bangkay na yun ay—!






 Ako!



-End of Thesis Book I-




 
 [A/N: Who's the Killer? Swaz was already dead in the replay-like scene, the existence of Aileen there was only his imagination. All of your doubts will be answered on the following chapters. I hope you leave some comments. -aileenfiao09]



1 comment:

  1. █░░█ █▀▀█ █▀▀▄ █▀▀█ ▀▀█▀▀ █▀▀   █▀▀█ █▀▀█ █
    █░░█ █░░█ █░░█ █▄▄█ ░░█░░ █▀▀   █░░█ █▄▄█ ▀
    ░▀▀▀ █▀▀▀ ▀▀▀░ ▀░░▀ ░░▀░░ ▀▀▀   █▀▀▀ ▀░░▀ ▄

    █▀▀█ █░░ █▀▀ █▀▀█ █▀▀ █▀▀ █ █ █
    █░░█ █░░ █▀▀ █▄▄█ ▀▀█ █▀▀ ▀ ▀ ▀
    █▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▄ ▄ ▄

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^