Tuesday.
 Hindi talaga ‘ko makapaniwala na kahapon lang pinag-usapan pa naming 
magkakagroup sa Thesis I ang tungkol sa kontrobersyal na Thesis Book 10 
years ago. At ngayong umaga ng Martes natagpuan ang bangkay ng kaibigan 
naming HRM na si Swaz at IT classmate and ka-team na si Aileen. Kung 
bakit ba kasi, nagpumilit pa si Aileen na hanapin ang Thesis (Student 
Copy) na yun sa abandoned building. Malas talaga ang book na yun. Tatlo 
ang copy ng book na pinapabookbind ng mga proponents ng team after 
defense: (1) ang library copy na sinunog noon, (2) student copy na 
natagpuan ngayon sa ibabaw ng bangkay ni Aileen at (3) ay sa IT 
Department. Swerte mang isipin dahil hindi ako sumama sa kanila sa halip
 dumiretso ako sa ospital dahil discharge kahapon ni Mama. Nakita ko pa 
nga ang Mama ni Rikku na lumabas sa Cardiology Room, babatiin 
ko pa sana kaya lang nagmamadali na kaming umuwe. Pansamantalang 
na-suspend ang klase ngayon dahil sa imbestigasyon. Punong-puno ang 
field ng mga estudyante a t kapulisan. Lahat kami nalulungkot sa 
nangyare. Sino kaya ang nasa likod ng pagpatay na ito? Masyadong brutal.
 Nakaririmarim. Bakit natagpuan ang librong yun sa crime scene? Anong 
motibo nya?
“Kung hindi mo tinuro kung nasa’n ang librong yun, hindi mangyayari sa kanilang dalawa ‘to, Rikku!” galit na sabi ni Zeus.
“Anong
 malay ko dun? Sinabi ko lang ang nalalaman ‘ko. Kung alam ko lang na 
ganito ang mangyayare, bakit ko naman gugustuhing mapahamak sila?!” depensa ni Rikku.
“What
 a crap! Referring to that stupid book of ten years ago? Guys, ano ba 
kayo? Hindi dahil nakita yung book na yun sa crime scene that doesn’t 
make sense para i-link sa urban legend na yun! So nonsensical!”
 taas kilay na tanong ni Keiko. Absent siya kahapon, isa pa naming 
ka-group sa Thesis I. Sa totoo lang, sang-ayon din ako sa kanya. Bakit 
ako magpapaniwala sa legend na yun na kesyo daw baka maulit muli ang 
serial killings tulad ng last ten years. Kalokohan!
“Anong malay nyo? Baka dahil sa book na yun, maulit muli ang urban legend.” seryosong sagot ni Wesley. Isa pa ‘to. Natahimik kami, paanong naiisip pa nya yun? Kamamatay lang nila.
“Hindi magandang biro yan, bro.” sabi ko.
“Malay mo Chuck, ikaw na pala ang susunod.”
 umakbay si Shone na nakangiti pa sa’kin. Absent din siya kahapon dahil 
player siya sa ligang sinalihan nya. Tinext pa niya ‘ko kahapon na 
nag-champion daw sila.
“Gago. Nagagawa mo pa talagang magbiro.”
 sabi ko. Inialis ko ang braso niya sa’kin.  Kumpleto kaming 
magkakagrupo ngayon na  nakikiusisa sa labas ng abandoned building. Ang 
dapat na 7 proponents ay 6 na lang ngayon. Rest in peace sa tumayong 
leader ng team—Aileen. Mahuli na sana ang hayop na killer na yun. Wala siyang kaluluwa!
“Saka
 pwede ba, tigilan nyo na nga si Rikku. Kung makabintang kayo kulang na 
lang pagdiinan nyong may kinalaman siya sa nangyare.” nagseryosong tono ni Shone. Nilapitan niya si Rikku.
“Nandito na’ko, okay?” sabi niShone na inakbayan si Rikku.Hindi ko alam kung ano na estado nila.
Lutang
 pa rin ang utak ko sa mga nangyari. One week na lang submission na ng 
proposed title, to be specific, sa Monday na and we need at least three 
titles in which isa lang naman ang ise-select ng IT adviser namin based 
on how we defend the best. As the assistant leader, ako ang nag-take 
over kay Aileen.
Biglang nagflashback saken ang huling 
eksena kahapon sa meeting ng buong team. Unang nagpaalam na umalis si 
Rikku going fastfood, sunod si Wesley dahil sa tryout at sunod ako going
 hospital. Tatlo na lang silang natira nun, si Swaz, Aileen at Zeus. Ang
 alam ko hindi palagay ang loob ni Zeus kay Swaz dahil pakiramdam ko 
karibal ang tingin nya dito. Bakit ko ba naiisip ‘to? Bakit sa isip ko 
parang pinagbibintangan ko na may kinalaman si Zeus sa pagkamatay ni 
Swaz? Kung sa bagay, kung siya nga yun bakit naman din niya papatayin si
 Aileen kung gusto niya ito? Bullshit lang. Bakit ko ba naiisip ‘to?
Wednesday. 
 Maaga akong nagdrive papuntang school. Wala pa ring balita tungkol sa 
krimen. Kahit kaming mga kaibigan nila Aileen at Swaz ay naimbitahan na 
rin ng mga imbestigador. Matapos ang isang dekada, ngayon lang ulit may 
nangyaring ganitong krimen sa loob ng university. Nagpatawag pa ng 
general meeting ang buong school kaninang umaga para sa insidenteng 
nangyari.
Nag-start ang klase sa Thesis I, pinag-usapan 
ang pagkawala ng classmate naming si Aileen. We offered a short  prayer 
for her. Rest in peace. Nag-discuss lang ng konte at napag-usapan ang 
isang group na sa halip consist of 7 ay 8 sila. Since anim na lang kami,
 ang isang excess sa kanila ay mapupunta sa’min. Nag-attendance check at
 wala na naman sina Keiko at si Shone. Tss..
“Margaux Luther” anounce ni Professor Collins matapos niyang mabunot yung papel.
“You’ll be joining the team of Mr. Chuck Evans.” sabi ni Sir.So kung ganun, siya’y part na ng team.
“Yes sir.” pagsagot niya. Nginitian ko na lang siya. Transferree siya dito kaya wala kong masyadong alam sa kanya.
 “Okay,
 that’s all for today. I’m reminding you guys that a week from now you 
should have presented 3 proposed titles. Class dismissed.” paalam ni Professor Collins.
Natapos
 ko na ang dalawa ko pang ibang klase. Umakyat ako sa Hilton Building, 
nakasalubong ko pa si Rikku na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Isnabera 
lang talaga. Dumiretso na’ko sa AVR para isole yung CD kay Mr.Chen nang 
aksidenteng masilip ko na may dalawang tao dun. Si Shone at isang 
babaeng naka-topless at nakaluhod sa harap niya! Tangina lang, kaya pala
 wala ang gago. Medyo dim ang light kaya hindi ko naman makilala yung 
babae dahil nakatalikod ito. Natandaan ko lang na may tattoong serpent  
ito sa may shoulder blades. Lumabas agad ako. Ang akala ko 
nagkakamabutihan na sila ni Rikku, eh ano ‘tong nakita ko? Nakita kaya 
‘to ni Rikku kaya nagmamadali siyang bumaba?
Thursday. Maaga akong pumasok ngayon. On the way na’ko sa school nang nagvibrate yung phone ko. 1 message received.
[May problema sa PC unit 7, paki-check naman, tnx. P:  qwerty]- unknown number.
 Tatawagan
 ko na  sana yung nagtext pero nag-out of coverage ito. Sa library ito 
malamang since elected ako as IT technician dun. Sino kaya tong nagtext?
 Hindi ko na nireplyan, dumiresto na’ko sa fourth floor sa library. Ang 
daming estudyante.Tinanong ko yung librarian kung siya ba yung nagtext.
“From whom? Oh well, go ahead, Mr.Evans.”
 hindi na nya hinintay pa sagot ko dahil busy siya sa desk nya.Sa study 
area naman, nandun din pala mga classmates ko saka teammates sa Thesis 
I; sila  Shone at Rikku.
“Nandito din pala kayo.” bati ko.
“Nagbabasa-basa lang baka makahanap kami ng idea for the title, bro.”
 pa-cool lang na sagot ni Shone, katabi pa niya si Rikku. Mukang walang 
alam si Rikku sa kalokohan ni Shone. Paano ko ba sasabihin kay Rikku na 
nakita kong may kasamang ibang babae si Shone kahapon sa AVR? Tss, 
mahirap namang manghimasok. Tahimik lang si Rikku as usual at may 
pagkasuplada. Si Wesley abala sa paghahanap ng Thesis Books dun sa may 
shelves area.
“Si Zeus?” tanong ko. Hindi
 ko na tinanong kung nasan si Keiko, panigurado makikita mo lang sa 
bleachers yun na pinalilibutan ng mga starplayer. At si Margaux, hindi 
ko na rin itinanong, transferee kasi at di pa naming ka-close.
“Malamang PRO si Zeus, nasa student council.” sagot ni Rikku na hindi nakatingin sa’kin. Nakakabadtrip talaga siyang sumagot.
“Ah sige thanks. Dun muna ‘ko sa PC area.” paalam
 ko.Pumunta agad ako sa unit 7, bukas ito. Sa isip-isip ko, okay naman 
ah. Pero napansin ko yung zip file sa desktop. Kailangan ng  password.  
Naalala ko yung text at binasa ko ulit. Tinype ko ang ‘qwerty’ , swerte 
at nag-open yun.
100022212_10.3GP? Kuha 
from cellphone.Anong video file naman to? Ikinabit ko yung headset at 
inopen yung file. Madilim ang kuha at patay sindi ang ilaw. May isang 
lalake ang nakalambitin na walang malay, parang HRM yung lalake dahil sa
 mga butones nito. Nabigla na lang ako nang tinadtad siya ng saksak sa 
muka ng taong nakakapa at binutas ang sikmura! Shit lang! Napailing na 
lang ako sa mga parte ng tiyan na inilalabas nito! Parang hindi ko na 
kayang panuorin! Kinabahan ako ng sobra, kuha ito sa abandoned building 
nito lang! Sa sobrang layo ng kuha, hindi malinaw na marinig ang 
pinag-uusapan nila. Kinutuban ako! Ang lalakeng sinaksak ay si Swaz yun!
 Pagkatapos, itinayo ng nakakapa yung babae, at yun ay si Aileen! May 
malay ito pero parang wala sa sarili. May nilabas siyang syringe at 
tinurukan ng gamot sa leeg si Aileen at parang kinausap nya sandali si 
Aileen pagkatapos hinalikan nya ng matiim sa labi. Sino ang naka-kapang 
yun?! Ilang sandali pa ay iniabot nya kay Aileen ang panaksak. 
Unti-unting nilapitan ni Aileen si Swaz at wala sa sariling 
pinagsasaksak nya ang muka ni Swaz hanggang sa dinukot nya yung isang 
mata nito! Pakiramdam ko ay masusuka ako sa kinauupuan ko! Wala siya sa 
katinuan! Bumalik muli yung naka-kapa, nasa likod siya ni Aileen pero 
sinaksak siya nito ng maraming ulit sa dibdib! Hindi pa nakuntento, ang 
nakalambiting si Swaz ay muli pa niyang pinagsasaksak sa muka! 
Pinagpawisan ako sa napanuod ko! Nagulo ang kuha ng video nang parang 
humarap ang killer sa direksyon ng kumukuha ng video. Mukang tumakbo ang
 witness dahil naka-on pa ang video hanggang sa doon na nagblackscreen. 
Ito ang ebidensya! May taong nakasaksi sa krimeng yun! Nakunan nya ito! 
Pero sino sya?! Bakit hindi sya nagsalita? Siya mismo ang ang naglagay 
ng file na ito dito!
Biglang nag-fire alarm. Nagkagulo 
lahat ng estudyante sa loob ng library. Kailangan kong makopya ang file 
pero nung isasaksak ko na yung USB. Nagblack-out lahat ng PCs! Tangina 
lang! Deepfreeze nga pala! Bullshit talaga! Sumabay pang magbrownout! 
Nakipagsiksikan na rin lang akong lumabas ng library at bumaba sa 
hagdan.  Peste! Hindi ko na makukuha yung file!
“Kyaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!” rinig
 ko ang malakas na sigaw sa first floor dahil nakabukas ang pinto ng 
library. Ano na naman ito? Dali-dali akong tumakbo  pababa. Akala ko may
 mga nasaktan sa kung sunog o ano pa man. Nakasalubong ko si Zeus.
“A-anong nangyare, Zeus?” napuno ng mga tao sa lady’s room. Hingal na hingal ako sa pagtakbo.
“Bakit ka bumaba dito? Galing ka na ba sa library?!” tanong nya.Paano nya nalamang galing ako dun.
“Galing na nga ko pero nag-fire alarm kaya bumaba ako dito. Ano bang kaguluhan yun?” tanong ko.Ang daming taong nagbubulungan at nagsisiksikan.
“Babaeng IT. Natagpuan patay sa cubicle.” sagot ni Zeus na nagsalubong ang kilay.
“Ano?! Sino?” May
 pinatay na naman?! Di umimik si Zeus. Biglang-bigla ako sa narinig ko. 
Isang IT na naman. Hindi ‘to maari. Nakipagsiksikan ako sa dami ng tao. 
Sino siya?
“Grabe yung ginawa sa kanya. Sa lalim ng 
pagsaksak sa batok niya konti na lang mapupugutan na siya.” 
“Nakakatakot! Ishinoot pa yung ulo nya sa toilet bowl.” 
Bulung-bulungan ng mga nakiusisa. Wala pang dumarating na mga pulis kaya
 kahit mahirap makasingit ay pinilit ko itong makita. Tumambad sa’kin 
ang naglalawang dugo sa tiles at pinto at ang duguang babae ay 
nakasalampak ng upo sa tiles. Naka-unipormeng pang-IT ito at mahuhubad 
na ang blouse. Naliligo ang buong katawan nito sa dugo at nakayuko nga 
ang ulo nya sa toilet bowl. Natuyo na ang dugo sa mahaba niyang buhok na
 tumatakip sa muka. Fuck! Sobrang sangsang ng amoy! Tama nga sila 
mahihiwalay na ang ulo nya sa leeg kung hindi lamang nakasuporta ang 
kumokonektang balat! Sobrang brutal! Kanina sa video at ngayon ito 
naman! Babaliktad na ang sikmura ko sa lansa!
“Pare, anong ginagawa mo! Umalis ka na dyan!”
 boses ni Shone. Walang naglakas-loob lumapit pero gusto ko talaga 
makilala kung sino na namang IT ito. Takip-takip ko ang ilong ko habang 
papalapit sa bangkay, napansin ko kasi ang ID sa may paanan niya na 
nakasawsaw sa natuyong dugo sa tiles. Habang inilalapit ko ang kamay ko 
sa nakabaliktad na ID nya sa sahig ay siya namang pagbilis ng kabog ng 
dibdib ko!
“Kyaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!” tili ng mga nakapalibot sa cubicle! Bullshit! Napatayo ako at napaatras! Tangina! Gumalaw ang bangkay!
Lumihis ang katawan padapa sa tiles at tuluyan nang napigtas ang ulo nito at na-shoot sa bowl!
“Shit!!!!” bulalas
 ko. Napasandal ako sa pader at abot-abot ang hininga ko! Natalsikan ng 
dugo ang slacks ko nang bumagsak sa paanan ko ang nakadapang duguang 
pugot!
Hindi ko nakita ang ID nya!
Pero ang nasa likod nya ay..
Parehong-pareho sa tattoong nakita ko kahapon!
DEAD STATUS (1)Aileen (2)Keiko
VOTE  COMMENT  TWEET FAN

beb, hindi mo pa napo-post ang chapter 1 nitong book 2 mo...
ReplyDeleteactually buong buong book1 ay chapter 1 dapat.. argh,,
ReplyDeleteah okay sige, ako imamaneobra ko na lang dun sa page nitong story mo dun sa story list natin. ^____^
DeleteParang may kutob akong si Shone ang pumapatay :/
ReplyDelete