Monday, March 25, 2013

Thesis Book II: Chapter 3: Gates





Dumating na ang mga pulis. Inilabas na ang bangkay ni Keiko mula sa cubicle. Nakakatakot ang itsura niya. Nasa dibdib ko pa rin ang kaba. Hindi pa natatapos ang kaso nila Swaz at Aileen, ngayon ay eto na naman. Kinutuban ako sa nakita ko kahapon. Kung ganun si Keiko ang babaeng kasama ni Shone sa AVR at ngayong umaga ay natagpuan siyang patay. Hindi kaya may kinalaman si Shone? Bullshit lang! Nagsimula na naman akong mang-akusa.
Napansin kong bukas ang daylight sa lady’s room. Nagka-ilaw na! Walang sunog. False alarm lang. Umakyat ulit ako sa library baka sakali ma-retrieve pa yung videofile pero alam kong malabo na dahil ako mismo ang nag-on ng deepfreeze. Burado na yun tsak.
“Nakakatakot yung ginawang pagpatay kay Ms. Maryknoll, ang brutal. Natatakot na tuloy ako sa university na’to. Di ba classmate mo siya Mr.Evans?” tanong ng librarian nang mapadaan ako sa harap niya. Tumango ako.
“Hindi nga ho ako makapaniwala na mangyayari yun sa kanya.“ sabi ko.
“Everything’s weird. Nagfalse alarm kanina then nagbrown-out. May ilaw na sa baba ah, bakit tayo lang walang power? Paki-check naman Mr.Evans.”  utos ni Mrs.Robinson. Oo nga, dito lang ang wala. Hinanap ko yung fusebox. Bakit nakababa? Hindi kaya may nagbaba nito kaninang nag-firealarm? Kung ganun, nandito lang kaya kanina ang killer at natunugan niyang ilalantad ang video ng witness? Pero bakit sa akin gustong ibigay ng witness? Bakit hindi na lang siya magsumite nito sa pulis?
May kinalaman kaya ito sa pagkamatay ni Keiko? Naguguluhan na’ko. Anong motibo ng pagpatay sa kanya?
Naalala kong may login form na sina-sign ang mga estudyante sa tuwing gagamit sila ng PC dito sa library. Chineck ko yung papel na naglogin sa PC Unit 7. Siya ang unang nag-time out ngayong umaga. Si Wilson, Holly BSN 204-A. Nagsadya agad ako sa Nursing Building para hanapin ang sophomore na’to. Baka siya ang naglagay ng video file. Personal kong kilala yung Holly Wilson na yun pero nakauwi na daw ito.
Mga 7pm na nang pauwi na’ko at di ko dala yung car ko. Kasama ko yung girlfriend kong si Ayame at nandito kami sa may 7-eleven. Sa ibang university sya, 3rd year BSBA.
“Hindi ka na ba talaga sasama sa’ken? Minsan na nga lang quality time natin sa sobrang hectic ng sked mo.” pagtatampo nya. Graduating na kasi ako ng IT at sobrang stress naman talaga. Napalingon ako sa likuran nya at parang nakita ko si Rikku na mag-isang naglalakad pauwe. Umaambon pa.
“Wag ka na magalit. Okay? Next time. Bawi ako promise. Stress lang talaga ko ngayon sa school.” hindi ko na binanggit sa kanya na may krimen na namang nangyari sa school dahil mag-aalala na naman siya.
“Okay lang naman kung ayaw mong sabihin.”may lungkot sa boses ni Ayame.
“Aya, sige na. I’ll call you later. Bye!” hinalikan ko siya pisngi at pinasakay ko na sa taxi.
Sinundan ko si Rikku. Lumalakas na ang ambon, mabuti at may dala akong payong. Bakit hindi nya kasama si Shone? Bakit siya nagpapaambon at naglalakad lang pauwe? Masyadong delikado na lalo pa’t ngayong umaga lang ay natagpuang patay ang kaklase naming si Keiko.
“Rikku!” hinawakan ko siya sa braso. Nagulat ako nang manlaban siya. Muntik na niya akong saksakin sa braso ng Swiss knife na hawak niya!
“Ako ‘to! Ano ka ba!” sabi ko. Medyo madilim kaya hindi nya yata ako namukaan.
“Ano bang ginagawa mo dito?! Hindi naman to way mo ah?!” galit na sabi ni Rikku. Iniligpit na nya ang Swiss knife na hawak niya at nagmadaling maglakad. Peste. Muka akong tangang hinahabol siya ng silong ng payong.
“Bakit ka ba nagpapagabi at nagpapaulan? Alam mo namang may killer na gumagala sa school. Lakas din ng loob mong maglakad mag-isa. Mag-ingat ka nga!” inis kong sabi. Okay lang naman sa’kin na maglakad siya basta may kasama siya, kahit si Shone.
“Ano bang pakelam mo?!”
“Kung maglalakad ka rin lang. Yun eh sana may kasama ka! O kaya may kapatid kang susundo sa’yo!” pagalit ko ring sabi. Nakakairita rin kasi pananalita nya.
“Wala akong kapatid! Nag-iisa lang ako at kaya kong protektahan ang sarili ko. Tingin mo hindi ako nababahala na pwedeng nagsisimula na ang lintik na urban legend na yun?! Paano kung nagsisimula na nga? Marami ding gumugulo sa isip ko!” galit nyang sabi.
“Pwede huminto ka maglakad!” bulyaw ko. Huminto siya at humarap sakin.
“Makinig ka Evans. Paano kung wala talaga sa plano ang pagkamatay ni Swaz? At nagsimula na pala kay Aileen ang series ng pagpatay tulad noong 10 years ago? Magkaka-group tayo sa Thesis I, kagroup natin si Keiko at meron pang pwedeng sumunod.” saad ni Rikku.
“Rikku. Iba pang tao marahil ang may gawa nun! Kung sinasabi mong itinutulad ng killer ang pagpatay ng mga proponents noon, eh di sana sunud-sunod sa pangalan natin! Hindi si Maryknoll. Masyado kang naapektuhan sa nangyare kay Aileen at Swaz. Anong malay mo? Nagkataon lang  ang pagkamatay ni Keiko!” sabi ko. Naalala ko na naman na kasama ni Shone sa AVR si Keiko kahapon.
“Anong sinasabi mong iba pang tao ang pumatay kay Keiko? Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala! Iwanan mo na nga’ko! Kaya ko ang sarili ko!” tumalikod na siya at naglakad na naman.
“Wag ka na ngang mag-inarte! Ihahatid na kita!” hinila ko na ang kaliwang braso nya. Nagpupumiglas pa siya. Tapang-tapangan.
“Kapag may namatay pang ka-group natin, saka ka maniwala, Evans.” Saad ni Rikku. Lumakas na ang ulan, kinabig ko yung waist nya palapit  sakin nang hindi siya mabasa. Hindi ko intensyong hawakan siya dun, nakakapika na kasi pag-iinarte niya. Nagsalubong na naman ang kilay niya. Naglakad na kami at tahimik siya.
“Tara muna sandale.” Hindi na siya umimik. Ang sama ng tingin. Wala na’kong magawa kundi hinila ko yung kamay niya at sumilong muna kami sa may computer shop nakita ko kasing papasok yung nursing  student na si Holly Wilson.
“Nung nag-research ako kanina, may lumapit sa’ken, sabi nya may iiwan lang daw siyang file sa desktop importante lang daw kasi kukunin daw ito ng friend nya maya-maya wag ko daw ishut-down.” paliwanag ni Holly.
“Namukaan mo ba siya? Anong itsura niya? Anong course?” tanong ko.
“Lalake siyang matangkad na maputi. IT sya. Nakalimutan ko na yung name nya, pasensya na.” sagot ni Holly.
Biglang nagring yung phone ko.
“Wesley?” sagot ko. Napalingon si Rikku saken.
 “Chuck, si Zeus pare..” garalgal ang boses ni Wesley. Mukhang may di magandang balita.
“Ano? Anong si Zeus? Bakit ganyan ang boses mo?” tanong ko. Napatingin si Holly sa akin.
“Natagpuang sunog na sunog ang bangkay nya sa apartment nya!” natulala ako sa narinig ko. Ang kaibigan kong si Zeus ay pinatay na rin. Paanong? Napatingin ako kay Rikku, wala pa man akong sinasabi sa kanya pero parang nababasa niya ang nasa isip ko.
“Hello Chuck pare.” wika ni Wesley. Walang boses ang lumalabas sa bibig ko. Una sila Swaz, Aileen, sunod si Keiko ngayon naman si Zeus. Sino pa ngayon ang gusto nyang isunod?! Bakit nya ‘to ginagawa samin?! Halang ang kaluluwa nya! Hayop siya!
“Chuck, pare. Naiintindihan kita kung nabigla ka sa nangyare---”ibinaba ko na yung tawag at nagsalita si Holly. Hindi ako makapaniwala.
“Tama, naalala ko na yung lalakeng may nilagay na file sa desktop, Zeus ang pangalan nya. Zeus Luther yung PRO ng Student Council. ”



DEAD STATUS (1)Aileen (2)Keiko (3)Zeus





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^