Ikrinemate na ang
bangkay ni Zeus. Bakit nangyayari ‘to saming magkakaibigan? Isa na
namang kagrupo sa Thesis I ang pinatay. Hindi ako naniniwala sa sinabi
ni Rikku na pwedeng mangyari ulit yung serial killing pero nangyayari na
nga. Kung hindi lang nangyari ang paghahanap ni Aileen sa librong yun,
hindi mangyayari ‘to. Anong kasalanan namin sa kanya? Bakit nya ginagawa
‘to?
Dahil one week suspended ang class, nagkaroon ako ng
time makasama ang girlfriend kong si Ayame. Masyado siyang nababahala
sa urban legend na yun kaya tinanong nya ko kung may tao bang nakakaalam
ng tungkol sa nangyari 10 years ago. Nasabi ko naman na ang
pinakamalapit na lang sigurong pagtanungan ay si Manong Ben na janitor
ng university. Tsak naman kasing hindi magbibigay ng detalye ang mga
faculty lalo na kung makakasama sa pangalan ng university. Dala ko yung
kotse ko at pinagtanung-tanong kung san ang bahay niya hanggang sa
narating namin ni Ayame. Isa itong squatter area kaya hindi na namin
naipasok ang kotse. Masikip at dikit-dikit ang mga bahay dito.
“Ito na nga siguro yun.” sabi ko.Ito ang itinuro samin ng mga kapitbahay nya. Kumatok ako ng tatlong beses saka lang ako pinagbuksan ng pinto.
“Anong kailangan nyo?” tanongng matandang babae ang lumabas mula sa pinto ng tagpi-tagping bahay nila.
“Magandang hapon po. Mga estudyante po kami sa Unibersidad din na pinagtatrabahuan ni Manong Ben. Nandiyan po ba siya?” tanong ko.
“Asawa
niya ako. Nakaratay na siya at hindi na makausap. Mag-iisang buwan na
siyang retirado sa unibersidad nyo. Umalis na kayo dahil malabo nyo na
siyang makausap.” pinigilan ko siya sa pagsara ng pinto.
“Pero Manang, kung sakaling may nalalaman kayo pwede ba naming kayong makausap kahit sandali lang?”
pagpupumilit ko. Nakulitan na yata sa amin kaya pinatuloy nya kami sa
loob. Silang dalawa na nga lang mag-asawa ang nakatira sa maliit na
barong-barong na ito. Ang sahig ay lupa at pinagtagpi-tagping yero at
tabla ang kanilang pader. Nakita namin na nakaratay nga sa silid si
Manong Ben. Bed-ridden na at ang laki ng ibinagsak ng katawan.
Nakakaawang pagmasdan itong natutulog. Na-stroke pala ito kaya pala
hindi ko na siya nakikita sa school.
“Malinaw pa sa’kin ang ikinuwento ng asawa ko sampung taon na ang nakararaan” pagsisimula
ni Manang Ising na nasa 63 taong gulang na. Puti na ang kanyang buhok
at halata sa kanya ang hirap sa paglakad dahil na rin sa katandaan.
Pinaupo nya kami sa salas.
“Sa Unibersidad ng
Norzagaray, namasukan siya bilang janitor. Halos dalawang dekada na
siyang naninilbihan dun. Isinalaysay nya sa akin ang nangyari, isang
buwan bago ang graduation ng pitong magkakaklase na sunud-sunod na
pinatay. Nabahala ako sa asawa ko dahil baka mapahamak siya sa trabaho
niya. Ang sabi nya, nang minsang maglinis siya sa lumang gusali ng
unibersidad, laking gulat niya nang matagpuang nakahandusay ang katawan
ng isang estudyante na tadtad ng saksak ang dibdib. Unang beses siyang nakasaksi ng karumaldumal na krimen na yun pero hindi pa pala dun natatapos. Ang ikalawa ay pinugutan ng ulo at literal na inilubog sa toilet bowl. Sobrang nakaririmarim at nakakakilabot ang mga narinig ko sa pahayag niya. Masahol pa sa hayop ang mamamatay na yun!”
paliwanag ng matanda. Pansin ko ang pagkakilabot ni Ayame sa pakikinig
nya sa matanda. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Kung bakit
naman nagkataong may pagkakahawig ito sa karumaldumal na sinapit nina
Aileen at Keiko.
“Ang ikatlo ho?” tanong ni Ayame na napakunot-noo na rin.
“Ang ikatlo ay sinunog. Hindi lang basta pagsunog ng apartment dahil sunog na sunog ang buo nyang katawan!” pahayag niManang Ising. Ganun din ang nangyari kay Zeus!
“Sandali ho. Ganyang-ganyan din ho ang pagkakasunud-sunod ng paraan ng pagpatay sa tatlo naming ka-grupo.” sabi ko. Hindi ako makapaniwala! Nagkataon lang ba lahat ng ito?
“Kung ganun, ginagaya ng killer ang paraan nya ng pagpatay sa grupo nyo?” humarap siAyame saken.
“Ganon na nga, Aya.” sagot ko sa kanya.
“Makinig
kayo iha, iho. Lingid sa kaalaman ng nakararami. Hindi man
kapani-paniwalang pakinggan ngunit ang asawa ko mismo ang nakasaksi sa
pahayag ng totoong may sala bago ito pumanaw.” nagulat kaming pareho ni Ayame sa sinabi ni Manang Ising. Kung ganun kilala ni Manong Ben ang killer!
“Kilala nya ang killer. Sino ho siya?” tanong ko.
“Ang professor na tumalon mula sa ika-anim na palapag.”
***10 Years ago***
“Balisa yata tayo dyan, sir?” masayang
bati ni Manong Ben kay Mr.Alfonso habang nagma-mop ito ng sahig ng
Faculty room. Palakaibigan ito at madalas kakwentuhan ang iba pang
professor. Mag-isa lang ang professor doon at tulalang nakaupo sa desk
nya habang hawak ang isang libro na kung tawagin ay Thesis Book-(library copy).
“Manong, paano kung kaharap mo na pala ang serial killer na pumatay sa pito kong estudyante? Anong gagawin mo?” sinabi
nya yun habang nakatitig pa rin sa unang pahina ng libro. Natigilan ang
matanda sa ginagawa dahil nakaramdam ito ng kaba lalo na’t seryoso ang
tono nito at maselan ang tanong. Sariwa pa kasi ang pangyayari at isang
linggo pa lang ang nakalipas matapos patayin ang ika-pitong estudyante
ni Mr.Alfonso.
“Wag naman ho sanang taga-rito nga
sa unibersidad yun dahil hindi ko alam sir ang gagawin. Hanggang ngayon
wala pa ring makapagsabi kung ano ang motibo nya.” pahayag ng matandang janitor habang pinagpatuloy na ang pag-mop. Hindi siya mapalagay sa ikinikilos ng professor.
“Paano pala kung ang motibo nya ay gumanti sa 7 estudyanteng bumastos sa pangalan nya? Paano kung ang grupo nila ang talikurang nambabastos sa kanya? Paano kung sila ang nasa likod ng usaping hindi dapat sya nabibilang sa Unibersidad na’to dahil wala daw itong prinsipyo at dignidad ang pagkatao? Paano kung labis na nasaktan ang killer dahil inungkat nila ang personal na buhay nya sa pagkakaroon nito ng samu’t-saring babae sa buhay kahit may asawa na? May katwiran naman siya hindi ba? Tama lang ang ginawa niya.” seryoso
ang pagkakasabi nito na tila nakaramdam si Manong Ben ng takot. Sa tono
ng professor, naisip nya na parang kilalang-kilala nga nito ang
pumapatay.
“’Di ka na nakasagot Manong Ben?” may kakaibang ngiti ang dumaloy sa bibig nito. Natahimik si Manong Ben at napaisip sa malalim nitong mga tanong.
“Nasira na rin lang ang pamilya ko, ilang araw pa ay huhulihin na rin nila ako!
Ano pang buhay ang naghihintay sa akin kung ganun? Wala na! ikahihiya
pa lalo nila ako pag nagkataon! Wala akong kwentang professor! Wala
naman na akong prinsipyo at dignidad dahil masaya akong tinapos ang
walang kwentang buhay nila!” tumayo siya tangan ang librong yun
habang papalapit sa bintana. Sumampa siya dun. Gulantang ang matanda sa
narinig kaya nabitawan niya ang mop.
“Sir, k-kayo ang.. p-pumatay sa pito--?” hindi
na nya naituloy ang sasabihin. Takot at kaba ang namayani sa kanya
dahil sa kilos nito mukang tatalon ang professor mula sa ika-anim na
palapag ng gusali.
“Ako nga at hindi mo alam ang gagawin mo, tama ba?” lumingon siya sa matanda habang naka-ngisi. Hindi nya alam ang gagawin.
“Sir, bumaba kayo dyan! Wag nyong ituloy ang binabalak nyo!” tinangka nyang lumapit pero tinutukan sya ng baril!
“Lumayo
ka! Maswerte ka wala sa plano kong isama ka sa kanila! Baka nga sa
pagkamatay ko, dun nila ako bigyan ng magandang pugay! Lilinis pa ang
pangalan ko bilang kriminal! O kung hindi naman, sayo ibato ang sisi sa
aking pagkamatay!” saad ng professor.Ibinato nya sa matanda ang
baril at lumundag ito habang yakap ang librong yun! Hindi siya
makapaniwal na magpapakamatay ito! Isinalaysay nya agad sa head ng
Unibersidad ang nangyari habang wala pa ang kapulisan.
Dun natapos ang pagsasalaysay ni Manang Ising sa ikinuwento sa kanya ni Manong Ben.
“Hindi
pinakinggan ang asawa ko! Hindi makapaniwala ang head at secretary nito
na magagawa ng isang professor yun! Sa halip nakiusap ang head sa asawa
ko na ilihim na lang ang bagay na yun para hindi na tuluyang masira ang
pangalan ng unibersidad dahil na rin sa pitong estudyanteng pinatay!
Hanggang sa dumating ang kapulisan, pinangunahan sya ng head ng
unibersidad at siyang nagpaliwanag sa kapulisan. Dahil na rin sa sobrang
kagipitan ng buhay namin at nagkataong may karamdaman ako ng mga
panahong yun, kumagat sya sa banta nila na patatalsikin ang asawa ko sa
trabaho pag nagsalita ito.” naihilamos ni Manang Ising ang mga
kamay niya at ramdam namin ang kalungkutan sa tono nya. Naalala ko tuloy
ang sinabi ni Wesley na suicide daw talaga ang kinamatay ng professor
dahil ito mismo ang killer. Ang sakim lang talaga ng Head ng University!
Isinaalang-alang nya ang hustisya ng 7 estudyante wag lang bumagsak ang
unibersidad at nandamay pa sa buhay ng isang simpleng janitor lamang.
Sa bagay, magsalita man si Manong Ben ay walang maniniwala sa kanya kung
naunahan na itong pabulaanan ng isang mas nakakataas sa kanya.
“Kung ganun, sino kaya ang nagpapatuloy ng urban legend na yun? Ang humahalintulad ng ginawa nya?” tanong ko kay Manang Ising.
“Nauulit
na naman ang nakaraan. Ang bangungot sa isang dekadang sikreto ng
unibersidad na yun. Maaring may kinalaman sa professor na yun, ang
gumagawa ng krimen. Kung itinutulad nga nya ang paraan ng pagpatay,
malamang ang ikaapat na biktima ay papatayin sa paraang---” pagpuputol ni Manang Ising. Napatingin kami sa kanya.
Evans Chuck
Froissart Rikku
Garner Wesley
Hopkins Shone
Luther Zeus (arson)
Maryknoll Keiko (beheaded)
Partridge Aileen (icepick)
“Sandali
lang, ascending ang paraan ng pagpatay at descending naman ang
sunud-sunod na namamatay sa group nyo. Si Shone Hopkins na ba ang
susunod kung ganun?” tiningnan ni Ayame ang listahan at iniabot sa akin.
“Tama ka. Descending ang order ng pagpatay. Pero hindi si Shone ang isusunod, may nakalimutan ka pang idagdag sa lista.”
MARGAUX ISAACS POV
Nasuspend
ang class dahil sa sunod-sunod na pagpatay at ang nakapagtataka,
maliban sa HRM na pinatay ay lahat ng mga sumunod na biktima ay pawang
IT students and to be specific kabilang lahat sa groupings sa subject
naming Thesis I. Pakiramdam ko tuloy, ang paglipat ko sa group nila ay
pagbilang na rin sa natitira ko pang araw. Di ako familiar sa case 10
years ago and wala kong time mag-search at makinig sa mga stupid na
usapin. Kakatransfer ko lang sa university na’to this sem at nandito ako
para mag-aral at hindi makinig sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.
Pansin
ko lang sa mga nabibiktima, una si Aileen, ang napiling team leader sa
group nila sa Thesis I. Huli kong kita sa kanya, hapon nun at
nagmi-meeting silang magkaka-group sa cafeteria until naging tatlo na
lang sila; yung HRM guy, si Aileen at si Zeus. Umalis na’ko nun since
dadaanan ko pa yung cousin ko sa student council. Di ko akalain na
papunta rin pala si Zeus dun. Then dumating pa yung mga kaibigan ng
cousin ko, nagyaya sa birthday party, inaya din nila si Zeus pero sabi
nito ay may pupuntahan sila ng ka-teammates nya sa Thesis I. Sa
isip-isip ko pa nga, ang eager ng grupo nila samantala kami papetiks
petiks pa. Kinabukasan, natagpuang patay sila Aileen at yung HRM.
Pangalawa,
si Keiko. The pretty, feisty and a headturner. Huli kong kita sa kanya
ay nung nasa labas pa ako ng building, hapon nun nang matanaw ko siya sa
4th floor ng Hilton Building. Dumiretso siya sa AVR na mag-isa lang.
Mula sa baba ng building nakita ko pa nga na kagagaling lang ni Rikku
dun saka agad lumabas. Nakasalubong pa nga ni Chuck si Rikku pero
dere-deretso lang. Pumasok si Chuck sa AVR pero agad ding lumabas.
Isosoli
ko yung notes na hiniram ko kay Keiko kaya sinundan ko din siya sa AVR.
Tahimik at dim ang light. Di ko akalain na may makikita akong eksena!
Si Shone at si Keiko! Alam kong si Keiko yung hubad na nakatalikod na
nakaluhod sa harap ni Shone! Walang tao sa AVR, siya lang tanging nakita
kong pumasok dun! Sa isip-isip ko hindi kaya nakita rin ito nila Rikku
at Chuck? Sa sobrang dilim, natisod ako sa mga naglalakihang props.
Natunugan nilang nandun ako kaya nagtago si Keiko. Lumabas agad ako ng
AVR pero bigla akong nahatak ni Shone. Nakiusap siyang wag sanang
makarating to kay Rikku. Sumang-ayon na lang ako at umalis.
Pangatlo,
si Zeus. Huli kong kita sa kanya ay sa library. Wala pa ang ibang mga
IT blockmates sa library nang magpunta ako dun. Actually ako pa lang
talaga, dumating si Zeus and tinanong nya ko if may card reader ako.
Muka siyang balisa at parang problemado. Pinahiram ko yun sa kanya at
dumiretso siya sa PC area pero lahat ng PC ay occupied. Napansin ko na
lang nakisingit sya sa may PC 7 at sinaksak yung card reader. Pagkatapos
nun, sinoli na nya saken yun saka umalis ng library. Nakita ko pa syang
nakikihalubilo sa nagkakagulong mga tao kung saan natagpuang patay si
Keiko at pagkatapos nun, gabi nakatanggap na lang ako message from my
cousin na ang Student Council PRO ay natagpuang sunog na sunog ang
bangkay sa apartment niya.
Nagvibrate yung phone ko. 1 message from Shone.
[Free ka ba ngayon? San ka?]
Sa
isip-isip ko, pagkatapos ni Keiko ngayon ako naman? Hindi lang ito ang
time na nagpapakita ng motibo sakin si Shone. Pansin ko sa mga
ikinikilos niya. Ni hindi ako nagsalita sa kapulisan kung sino ang ilan
sa mga huling taong kasama ni Keiko. Ayoko lang na makarating kay Rikku
ang kalokohang ginawa niya dahil yun ang pangako. Minsan nga kinutuban
na rin ako kay Shone sa pagkamatay ni Keiko.
[Kasama q nga pla couz mo, she’s drunk. Pick her up. Di q dala yung car. Asap]
Tinawagan
ko ang cousin ko at narinig ko ang boses nya, lasing na nga at maingay
sa lugar na yun. Inalam ko yung bar para masundo siya.
May
bumubusina sa likod ko, sinilip ko sa rearview mirror, isang black SUV.
Paulit-ulit sya sa pagbusina, naiinis na ako then nagring pa yung phone
ko. Unknown number. Inignore ko yung call dahil sa inis then pumantay
yung kotseng yun sa kotse ko habang tuloy pa rin ako sa pagdrive. Binaba
nya yung salamin and nagulat ako si Wesley pala yun. Binaba ko rin yung
salamin ko at nginitian sya.
“Hey, bakit mo inignore, ako kaya yun.” nakangiti nyang sabi. Siya pala yung tumatawag. Wala nga pala akong number nya pero alam nya yung sa’ken.
“Ingat ka sa pagdrive. May problema yung backlight mo!” pahabol niya.
“Ganun ba? Thanks sa pagremind!” sigaw ko then tumango na lang siya and nauna na siyang nagdrive sa’ken. Sobrang bilis.
Narating ko na yung bar. Pagkapark ko ng kotse, chi-neck ko kung di nga nagwowork yung backlight. “Okay naman ang backlight ah.” sabi ko habang napatapik pa’ko sa backlight. May tumapik sa likod ko, nilingon ko siya at nginitian pa nya ako.
“Okay nga.” sabi nya. Nagulat ako, di ko akalaing makikita ko siya
dito mag-isa sa parking lot. Tatanungin ko pa sana siya pero
inispray-an nya ‘ko sa muka. Nagblangko na ang lahat at nawalan ako ng
malay.
Pagdilat ko ng mata ko,
nasa isang lumang bahay ako, para itong hindi na tinitirahan. Gawa ito
sa kahoy at kawayan at ang sahig nito ay lupa lang. Madilim dito at
isang malaking gasera sa mesa ang tumatanglaw. Nakatayo akong nakagapos
ang mga kamay at paa sa posteng kahoy ng lumang bahay. Nasan ako? May
busal ang bibig ko. Nakita ko siya. Anong kailangan niya sakin at dinala nya ko dito?
“Hi. Sarap ng tulog ah.” kakaiba ang mga ngiti nya.
Nagsusuot siya ng tig-isang gwantes sa kamay saka kinuha sa mesa yung
patalim. Hindi ako makapaniwala sa aura nya, mukang may gagawin siyang
masama saken! Lumapit sya sa kinaroroonan ko.
“Mabilis lang ‘to, magugustuhan mo.”
pinandilatan nya ‘ko ng mata. Mabilis na iginuhit nya ang talim mula sa
noo papunta sa ilong, sa kanang pisngi ko hanggang sa mahiwa ang busal
sa bibig ko! Napadaing ako sa sakit! Hayop siya! Bakit nya ‘to
ginagawa?!
“Bakit?! Bakit mo’ko dinala dito? Maawa ka sa’ken! ano bang kasalanan ko sa’yo? Pakawalan mo’ko dito!” pagmamakaawang
sabi ko! Ramdam ko ang maliliit na pagbuka ng balat sa pisngi ko kada
bigkas ko ng mga salitang yun! Isinubsob nya ang kamay nya sa panga ko.
“Tinatanong mo saken kung anong kasalanan mo sa akin? Isipin mo!” namilog
ang mga mata niya. Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali nya!
Itinaas nya ang patalim at inamba ako ng saksak! Napapikit ako at bumaon
ang patalim sa poste. Nakakatakot siya! Humalakhak siya na parang hindi
siya na classmate ko na kilala ko. Nagkausap pa kami kanina at
wala sa isip ko na magagawa niya ang bagay na’to. Isa siyang
mapagbalat-kayo!
“Ikaw… W-wag mong sabihing ikaw ang p-pumatay sa.. k-kanila..” nauutal kong sabi. Kung siya man, katapusan ko na. Abot-abot na ang kabog ng dibdib ko at pawis na pawis sa takot.
“Mag-ingat ka sa pananalita mo hindi mo alam ang buong kwento!” sinaksak nya ko ng dalawang beses sa kaliwang hita. Sobrang sakit na sa sobrang diin ay bumaon na sa posteng sinasandalan ko.
“Hayop ka! Aaaackkk! Wala kang kaluluwa! Mamatay tao ka!” sigaw ko. Umaagos na ang dugo sa may paanan ko.
“Pwes
binigyan mo’ko ng dahilan para gawin yun! iniisip mo bang ang malas mo
lang napasama ka sa listahan ng kamatayan? Nakakatuwang nakuha ko ang
pattern na yun! Nauuso na rin lang ang urban legend, isusunod ko na rin
sa pattern ang pagkamatay mo!” gigil na gigil ang pagkagalit nya sa’kin. Hindi ko maintindihan kung anong kasalanan ko sa kanya!
“Aaaacccck!!!!” Isinaksak nya ulit ang patalim sa hita ko!
“Masakit ba? Pambungad palang yan, wala pa tayo sa totoong palabas!” pilit
pa nyanginiikot ang isang pulgadang lapad ng patalim na nakasaksak sa
hita ko. Parang hinuhukay ang buong kalamnan ko! Mamamatay na ako sakit!
“Patayin mo na ‘ko hayop ka! Aaaackkk! Patayin mo na’ko! Wag mo na’kong pahirapan ng ganito!” tinalian nya muli ng panyo ang bibig ko. Kinuha nya yung cellphone sa bulsa ko at sinilid nya sa bulsa nya.
“Sa’kin na to, mahirap na. Simulan mo ng magdasal Margaux!” inilatag niya ang isang rolyo ng kinakalawang na bardwire.
“Iniisip mo bang itutulad ko kay Swaz ang pagkamatay mo?”
ngumisi siya na lalong dumagdag sa takot ko. Naalala ko ang kabrutalang
sinapit ng bangkay ni Swaz. May tali ito sa magkabilang braso at mukang
pinilit hilahin ang magkabilang braso kaya lumuwa ang mga laman nito.
Mukang yun din ang gagawin niyang pagpatay sa’kin!
“Pwes, mali ka ng iniisip mo!”
sinakal pa niya ko at pinandilatan muli ng mata! Tumulo na ang luha sa
mga mata ko nang sinimulan na nyang ipaikot ang bardwire sa dibdib ko,
sa tiyan, sa hita hanggang sa paa. Napapadaing na’ko sa sobrang diin ng
pagkakapaikot nya saken! Hayop siya! Wala siyang puso!
“Nakakahiya naman kung hindi mapakanibangan ang silbi ng bardwire!”
pinulot nya yung malapad na tabla. Tanging pag-ungol na lang sa
pagmamakaawa ang kaya kong gawin! Iyak ako ng iyak! Gusto kong sumigaw
ng huwag nyang ituloy ang binabalak nya! Pero binira na nya agad sa
dibdib ko ng paulit-ulit! Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng bawat
piraso ng talim ng alambre sa buong parte ng dibdib ko. Napaubo na’ko ng
dugo! Kitang-kita ko pa ang pagtalsik ng mga butil ng dugo ko sa damit
at muka nya. Para akong pinigang katas ng prutas! Kumakatas na ang buong
damit ko at patuloy sa pag-ubo ng dugo sa busal na kagat-kagat ko.
Wala na akong lakas. Tanggap ko na ang katapusan ko!
Inilabas
niya mula sa bulsa niya ang isang tiklop ng papel at ipinakita sakin.
Isa itong pilas mula sa isang pahina ng libro. Isang frontpage ng Thesis
Book noong 2002. Nakita ko ang listahan ng 7 proponents. Ito marahil
ang mga pinatay na IT students na pinag-uusapan sa buong university. Sa
gilid ng mga pangalan nila ay may nakasulat sa berdeng tinta; dalawang
column—(1) ang paraan ng pagpatay at (2) ang mga pangalan ng kagroup
namin sa Thesis I .
Brandt, Saab (stabbed) Partridge, Aileen check
Delacroix, Vin (beheaded) Maryknoll Keiko check
Gates, Kenn (arson) Luther Zeus check
Home, JC (voltage) Isaacs Margaux check
Meiss , Oxnard ( ) Hopkins Shone
Novello, Nastasha ( ) Garner Wesley
Paige, Aaliyah ( ) Froissart Rikku
Evans Chuck
“Maswerte ka, may idea ka na kung paano ka mamamatay!” May markang tsek sa gilid ng pangalan nila Partridge, Maryknoll at Luther! Naglabas siya ng panulat at nilagyan ng tsek ang pangalan ko! Nakita ko ang pangalan ko na tumapat sa voltage. Kung ganun hindi pa dito nagtatapos ang pagpapahirap niya! Demonyo siya!
Papatayin nya ‘ko!Wala siyang
kaluluwa! Ito ang sinasabi nyang pattern na umayon nga sa sunud-sunod
na pagpatay! Kung ganun, papatayin ang lahat ng nakalista kasama
pangalan niya!
Tinanglawan niya ng flashlight ang lugar
kung nasan ang fusebox at ikinunekta sa dulo ng bardwire. Hindi ko na
magawang ikilos ang anumang parte ng katawan ko maliban sa awtomatikong
pagtulo ng luha sa mata ko.
“Palpak akong magpailaw ng led bulb sa digital electronics. pero sa gagawin ko sa’yo ngayon, ibang klaseng liwanag ang matitikman mo!” nagawa
pa niyang humalakhak ng itaas nya ang on sa fusebox! Umakyat ang
kuryente sa buong sistema ko! Nangisay ang buong katawan ko at parang
sasabog na utak ko sa lakas ng boltahe! Bigla itong nawala. Bagsak na
bagsak na ang buong katawan ko. Halos napaihi na’ko sa kinatatayuan ko.
“Anong pakiramdam Margaux? Tatlong segundong patikim pa lang yun!” Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Tinanggal niya ang panyong nakatali sa bibig ko at pinunasan ng panyo nya
ang bibig at pisngi ko. Hinang-hina na’ko. Wala na’kong lakas para
magsalita at magmakaawa. Nanlalabo na ang mga mata ko. Ramdam ko na ang
katapusan ko.
“Ano? ‘Di mo pa rin naiisip kung anong kasalanan mo?” Tinapakan
nya ang paa ko, sobrang sakit! Tuwang-tuwa pa siyang ginagawa yun
habang napapahawak pa sa tiyan nya. Ano pa bang dapat kong sabihin? Ang
magmakaawa kung hindi naman niya ako pakikinggan? Kinakapos na’ko ng
hininga.
“T-ta-pu-s-sin..” hindi ko na kaya pang ituloy ang sasabihin ko. Hinang-hina na’ko. Tanggap ko na ang katapusan ko.
“Ipagkakaloob ko ang hiling mo.” Idinampi nya ang mga labi niya
sa labi ko. Hindi ko maintindihan na kung bakit napabilang ako sa
pattern ng kamatayan. Ang librong wala naman akong kinalaman.Wala
na’kong makita. Anong kasalanan ko sa kanya? Anong dapat kong sabihin?!
Bakit kailangan umabot ang buhay ko sa ganito?! Nahihirapan na talaga
akong huminga at ang paningin ko ay nagpapalit-palit na sa itim at puti.
Tanging yabag ng mga paa nyang papalayo ang naririnig ko. Malamang
papunta na siya sa kinaroroonan ng fusebox. Ito na talaga ang katapusan
ko. Hindi ko akalain na isang katulad niya pa ang gumagawa ng krimen sa
school! Bago pa man ako tuluyang malagutan ng hininga---
“Hindi
ka man kabilang listahang yun, yan pa rin ang kahahantungan mo! Hindi
ko na patatagalin pa ang paghihirap mo! Katapusan mo na!”
DEAD STATUS (1)Aileen (2)Keiko (3)Zeus (4)Margaux
[A/N: 4 Chapters to go.. sino pang mamatay? Mas masaya kung magcocomment ka ^_^]
VOTE COMMENT TWEET FAN
-aileenfiao09
please wag mo patayin si TaeMin baby [Wesley] LOL
ReplyDeletemEdyO nttAkot tLga aq dtO kSi ptAyaN,,,
ReplyDeleteSi Rikku ba? o si ShonE? NAGAGANDAHAN PO AKO DITO!!!! ANG COOL!!!(COOL PA BA E NAGPAPATAYAn NA?) Hehe.. Adik po kasi ako sa horror eh.
ReplyDelete╭━╮╭━╮
ReplyDelete┃┃╰╯┃┃
┃╭╮╭╮┣━━┳━┳━━╮╭━━┳━━╮
┃┃┃┃┃┃╭╮┃╭┫┃━┫┃╭╮┃╭╮┃
┃┃┃┃┃┃╰╯┃┃┃┃━┫┃╰╯┃╭╮┃
╰╯╰╯╰┻━━┻╯╰━━╯┃╭━┻╯╰╯
╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃
╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╰╯
╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮
╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃
╭━━┳━━╮╭━━┫┃╭━━┳━━┳━━┳━━┫┃
┃╭╮┃╭╮┃┃╭╮┃┃┃┃━┫╭╮┃━━┫┃━╋╯
┃╰╯┃╰╯┃┃╰╯┃╰┫┃━┫╭╮┣━━┃┃━╋╮
┃╭━┻━━╯┃╭━┻━┻━━┻╯╰┻━━┻━━┻╯
┃┃╱╱╱╱╱┃┃
╰╯╱╱╱╱╱╰╯