Monday, March 25, 2013

Kapag Pudpod na ang Tsinelas (Description)


Tulad ng unang tikim sa alak--- nakakapaso sa dila, gumuguhit sa lalamunan, at sumuisklab sa tiyan, ang pag-ibig, kapag iyong unang naramdaman, ay itatanggi mo muna na iyong nagustuhan; isusumpa mo na hindi pa ito ang tamang panahon, ngunit isusumpa mo rin na muli mo itong babalikan, mamaya, bukas, at sa marami pang pagkakataon.

Si Jean Bryan Soto, isang tipikal na mag-aaral sa elementarya, ay walang anomang ideya kung ano itong kakaibang pumipintig sa kanyang puso. Tipong hindi maipaliwanag ninoman sa kanyang paligid, at lubhang nakakapagpagulo sa kanyang kalooban. Sa murang edad ay mapapasabak sa nakakasulasok at mapaglarong tadhana. Paano niya malalampasan ito? Alang-alang kay Beverly Villegas, kung hindi man ng kanyang sarili. Ang kanyang nararamdaman ang sasalba sa kanyang kabiguan, kung hindi man siya biguin nito.

At tulad ng pagtungga at pamumulutan, ang pag-ibig ay nakakagumon. Tila bagyong hindi mo inaasahan at wawasakin ang anomang madaanan. Maghanda ka man ay tiyak kang mabibiktima, lalo na kung ikaw ay nasa panahon pa lamang ng habulan, tago-taguan, piko, patintero, at pinagtitiyagaan mo pa rin na isuot ang pudpod mong tsinelas.
 

Sundan sa http://www.wattpad.com/user/JRyanTolentino



7 comments:

  1. kuya, ngayon lang kita napansin dito. Bagong writer ka ba? bakit putol? >.<

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam ko matagal na sya kasi nakita kopa yung poem nya bago ako sumali noon .. :DD

      Delete
    2. ahh... XD oh iyon pala! napansin ko din pala yung poem niya. Hindi kasi ako gaanong nagbabasa ng ganun eh heheh!

      Delete
  2. @sorceressPrincess, hindi po talaga siya putol... Ayan po yung description nung on-going story ko. Matagal na po ako pero puro poem nga lang yung isinusulat ko. first time kung sumulat niyan ng series...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahh... ganun po ba? sorry, may balak ka po bang e-post ang chapters dito? interesting kasi ang story :D parati na ako nakamobile kaya di pa ako active sa wattpad :)

      Delete
  3. uyy kuya, nosebleed ako kc tagalog na tagalog talaga ang pagsulat mo!! hehe XD interesting po ito ah... kuya, susuportahan kita dito..

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree :)) interesting yung kwento :)) hihihih ituloy na to !!!!!! waaaahh :)))))

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^