Chapter 4
~THIRD PERSON'S POV ~
"It has been a week, but things here on Earth still amaze me!" Moira sat down on the sofa as she played around the TV remote.
"Very true!" Pagsang-ayon naman ni Tidus sa kanya. "Ang daming kaibahan sa Ethanica."
"Indeed." Said Moira. "Katulad nalang nito..." Meron syang pinindot sa remote and the TV turned on,
"See?" She shrugged. "How can they put people inside that box?"
"It is called television, Moira." Lark said. "They are using electricity to make it work."
"Haha right!"
"We just had lessons about Earth before we left Ethanica." Eli sighed and turned to Lark and Cloud. "Ngayon na nahanap na natin sya, anong dapat nating gawin?"
"Wala muna sa ngayon. Pero kailangan natin syang bantayan maigi." Sagot ni Lark.
"Cloud just acted strange today!" Tidus remarked.
Tumayo si Cloud mula sa pagkakaupo nya at binigyan ng matalim na tingin si Tidus. "Shut up, Tidus." Ang sabi nito at naglakad na paalis, leaving Tidus laughing.
***
Nakaupo si Cloud ngayon sa taas ng puno malapit sa inuupahan nilang 'apartment' kung tawagin nila sa mundong Earth. Isang linggo na ang nakakalipas mula noong ipadala sila dito dahil sa utos ng High Council. Silang lima ay hindi mga ordinaryong mortal. Hindi sila taga-dito kundi sa ibang mundo na walang nakakaalam.. ang mundo ng Ethanica. Ipinadala sila dito dahil sa isang mission.. Isang mission na hinintay nya sampung taon na ang nakararaan. Ang hanapin at ibalik ang Ashtalica.. The Savior and Seeker.
"Ang tagal na pala ang nakalipas, hindi ba?"
Narinig ni Cloud ang boses ni Lark mula sa baba.
"Katulad nung nasaad ni Tidus, you are indeed acting strange."
"No I am not." Ang sagot ni Cloud at tumalon pababa ng puno. Para lang syang lumipad dahil sa kinis ng pagtalon nito.
"Oh?" Lark said sarcastically. "Then why did you let your defensive spell down? Before, no one can even read your mind because of the barrier, but you accidentally let it down."
"What?" Napataas ng kilay si Cloud sa nabanggit ni Lark.
"Your actions towards the girl..."
Umiwas ng tingin si Cloud.
"Bakit?" Tanong ni Lark. "You could have--"
"No." Ang sabi ni Cloud at nagsimula nang maglakad palayo.
"Nahanap ni Nyozaki ang armilla sa kanya!" Lark called after him, but he didn't stop.
"Alam kong sya yon. Unang tingin palang alam ko na." Bulong ni Cloud sa kanyang sarili. "Rinoa is the Ashtalica. That girl is Rinoa from ten years ago."
Gabi na at nahanap ni Cloud ang sarili nya na naglalakad malapit sa park, kung saan sila na-transport mula Ethanica.. at babalik sila dito kapag dumating na ang oras na kikilos sila. Babalik sila ng Ethanica kasama si Rinoa. They have to protect her while waiting for that day. He had to protect her no matter what just like what he is destined to be .. at isa pang dahilan ay meron syang pinangakuan.
Maglalakad na sana ito pabalik sa kanilang apartment nang may naramdaman syang presensya. Lumingon sya agad at nakita si Rinoa na nakatayo sa harapan nya.
"Sabi na nga ba ikaw yan eh! ^__^" Ngumiti ito sa kanya. "Right timing. Nahanap ko kasi itong rabbit mo dun sa may kalsada.." Sabi nya sabay pakita sa puting kuneho na hawak nya.
"Paano mo nalaman na sa akin sya?" Tanong ni Cloud.
"Diba kaninang umaga dun sa may hill, kinuha mo sya?" She was smiling while telling him. Hindi pa din ito nagbabago.. palangiti at masiyahin.
"Ah." Tumingin si Cloud sa kuneho na si Nyozaki. Nararamdaman nito kung gaano sya kasaya ngayon kasama nya si Rinoa.
'Let me stay with her' Nyozaki sent into his mind.
Cloud could communicate with animals using his mind alone. That was one of his abilities. Not all five of them could do that though. Sa kanilang lima, si Cloud at Tidus lamang ang nakakagamit ng isip upang makausap sila.. ang tatlo naman na sina Lark, Eli at Moira ay gumagamit ng sign language to communicate with them.
'I longed to be with her..' Nyozaki was saying.
"Cloud?" Rinoa called; waiting for him to get the rabbit.
He sighed. "I have to do something. Do you mind to take care of her for a while? Her name is Nyozaki by the way."
"Huh?" Parang naguguluhan na tanong ni Rinoa. Para kasing naging mabait sa kanya si Cloud ngayon. Hinihingan pa ng pabor!
"Look, I have to go now." Sabi ni Cloud. "Later."
That armilla, Cloud thought. He saw her wearing the armilla. It is really her.
***
~ RINOA'S POV ~
"I'm home!" Pumunta ako ng lounge at nakita si Kuya na nanunuod ng TV.
Lumingon sya sa akin at nakita si Nyozaki na hawak ko. "Woah. Bakit may kuneho ka dyan?"
"Eh.. meron akong kaibigan na nagpatulong alagaan muna toh. Pwede ba Kuya? Please~~" Nagbigay ako ng puppy eyes at nagpa-cute.. wahah! Eh gusto ko din naman kasing alagaan etong si Nyozaki eh..
Nag-isip naman si Kuya pero sa huli, napapayag ko din sya \(^_^)/
"Di ka na ba kakain?" Tanong ni Kuya bago ako maka-akyat ng hagdan.
"Di na!" Dumeretso ako agad sa kwarto at nilapag si Nyozaki sa may kama. Umupo ako sa tabi nito at tinignan sya. "Ang sungit talaga ni Cloud noh? Dinaig pa yung mga babaeng buntis grabe!" Kinuha ko si Nyozaki at nilagay sa lap ko. "Oh well, ako munang bahala sayo. Let's be friends ok? ^__^"
Nagbigay ng funny noise si Nyozaki at natawa ako. Ang cute cute nya kasi! :">
Hindi ko alam kung bakit pero parang attached ako sa mga animals eh.. para bang nararamdaman ko minsan ang feelings nila na ewan. XD
Pagkatapos ko mag-ayos ayos, pumunta na ako sa kama at nahiga. Katabi ko ngayon si Nyozaki na ngayon ay tulog na sa gilid ng kama. Wala naman kasi akong carton na mahanap para sa tulugan nya, kaya dito nalang sya.
~~
Nakaramdam ako ng init sa buong katawan ko.
"Rinoa.."
Binuksan ko ang mga mata ko and I found myself standing on a cliff. I gasped dahil nasa dulo ako na para bang mahuhulog na. Pero ang mas ikinabigla ko pa eh yung sa baba nuon ay isang karagatan ng apoy!
Nakakatakot.. parang impyerno pero for some reason may init itong binibigay sa luob ng katawan ko. Para bang napakapayapa sa pakiramdam.
Nagulat ako nang biglang parang alon na tumaas ang apoy. Napatingala ako para tignan ito at biglang may babaeng lumabas mula sa apoy. Nakapikit sya.. meron syang buhok na napakahaba na kulay itim at ang damit nya.... yung damit nya.... waaah! halos wala na syang damit! >///<
"What the hell?!" Yun nalang ang nasabi ko.
Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Parang hindi ako nakahinga nung dahan-dahan na binuksan nung babae yung mga mata nya. Kulay pula! Bigla syang nawala at meron isa pang babae ang lumitaw. Meron syang purple long hair pero hindi ko masyadong makita ang mukha nya..
"Rinoa.." Nagsalita sya.
"S-Sino ka?!"
"I am you."
Ano daw? Ako sya?
Meron ako biglang narinig na nakakapanindig balahibo na parang ungol galing sa isang higanteng hayop. Nagulat nalang ako ng biglang may ibon na lumabas galing sa apoy.. isang nagaapoy na napakalaking ibon! Narinig ko nalang ang pagspas ng pakpak nya at biglang nagbago ang senaryo. Wala na yung babae kanina.. wala na yung karagatan ng apoy. This time nasa parang desert naman ako.
"Nasan naman ako ngayon?" Tanong ko sa sarili.
Naglakad ako kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta. Out of nowhere, there was a flash of light in front of her. Nagulat ako at napaatras. Nung mawala na ang liwanag, may nakita akong napakagandang babae ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Kamukha nya yung babaeng may pulang mga mata kanina pero this time, meron syang golden long hair and blue eyes. Nakasuot sya ng napakagandang white dress. Para syang goddess!
Nakatingin lang ako sa kanya at nakangiti sya sa akin. Ang ganda talaga nya.
The woman was slowly approaching me.. pero napansin ko na hindi sya naglalakad gamit ang mga paa nya. She was floating!
Before the woman could touch my cheek, I stammered. "S-Sino... Ano ka?!"
"I am the Pillar of Ethanica." Yung boses nya, napakainhin ang parang music!
:"Pillar ng ano??"
"Darating din ang araw na mahahanap mo lahat ng kasagutan." Sabi nito. "Ethanica needs you. Ikaw ang itinakda. Ito ang kapalaran mo. You must follow the Holy Order."
Ano order ang pinagsasabi nya? Pero yung accent nya.. parang narinig na ko na..
Ngumiti sa akin yung babae. "Until then, I will be waiting for your return, Ashtalica.."
The same light came again. At sa sobrang liwanag, hindi ko na mapigilan ang pumikit at iharang ang kamay ko sa mga mata ko.
~~
"RIN! HOY GUMISING KA NA!" Naririnig kong sigaw ni Kuya.
Tinakpan ko ang ulo ko sa unan.
"Aba napasarap ata tulog mo. Hoy male-late ka na!"
Binuksan ko unti-unti yung mga mata ko pero nagulat ako nang biglang nasa harap ng mukha ko si Nyozaki. I squealed in surprise and that made me, unfortunately, fall off the bed.
"Aray.."
"Hahaha! Ayos ka lang?" Tanong ni Kuya habang tumatawa.
"Sige lang.. tawa pa." Aish! Ang sakit nun ah.
///
PLACE: Moreidman University
"Kuya ikaw muna bahala kay Nyozaki ah? Bye!" I kissed his cheek at lumabas na ng kotse. Wala kasi ulit syang pasok ngayon kaya sya ang taga-alaga ni Nyozaki ngayon. Haha!
Tumakbo na ako papuntang locker room para ilagay ang mga gamit ko... Ehhh! Late na ako.. late na ako!! Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa locker at kumaripas na nang takbo.
Late ako ng five minutes sa first period (_ _)
Pagkatapos mag-dismiss ng prof ng first period, lumabas na sya.. teka, second period meron akong singing lesson, at kailangan ko nga palang samahan si Moira.
Tumingin ako sa likod ko at nakitang seryosong nakatingin sa akin si Moira.. eh? bakit kaya? Pero nung nakita nya akong nakatingin sa kanya, bigla nalang syang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Weird.
Lumabas na si Moira sa room at sabay na kaming naglakad patungo sa Music dept.
"Kailan ka pa nahilig sa pag-awit Rin?" Tanong ni Moira.
"Hmm .. simula ng bata pa ako. Haha! Hilig ko na talaga ang music dati pa ^__^" Sagot ko naman.
She giggled. "Pareho tayo. Alam mo ba, meron akong kaibigan dati at hinahangaan ko talaga sya. Mahilig din sya sa pag-awit."
"Talaga?"
"Yeah."
"Eh nasaan na sya ngayon? Nandun ba sa bansa nyo?"
Moira slightly smiled and shook her head. "We parted ten years go."
"Weeh? Ganun katagal?"
Tumango nalang si Moira hanggang sa marating na namin ang room kung saan kami may klase.
Yung boses naman talaga ni Moira ay napakaganda.. pero ang weird lang dahil wala syang alam sa musical notes and stuff. Siguro hindi yun tinuturo sa bansa nila? Pero yun na nga ng nakakapagtaka eh.. ano bang bansa ang hindi tinuturo un? eh basic naman sya sa music?.. haay.
Pero sabi nung music teacher namin na si Ms. Mcnin, as long as maganda daw ang boses nya at fast learner si Moira, ayos lang.
Speaking of Ms Mcnin, ang weird nya today ah. Hindi sya cheerful tulad ng dati.. baka may problema?
"Ms. Mcnin?" Nilapitan ko sya pero hindi sya tumingin sa akin. "Okay lang po ba kayo?"
Hindi naman sya sumagot. May mali talaga eh!
"Rinoa, bukas 18 ka na din?" Tanong ni Ms Mcnin. Rinoa? Since when did she call me by my full name?
"Yup!" Sagot ko sa kanya.
"Good. Bukas pagkatapos ng klase, pumunta ka sa gym. Hihintayin kita."
"Ha? Bakit po?"
"No more questions please."
"Ay.. okay po. Sige pupunta ako."
That was odd :/
///
"Hello in the world! RIN!!" Sigaw ni Danica habang kinakaway ang kamay nya sa harap ng mukha ko.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Hello girk? Kanina ka pa namin kinakausap dito pero parang napunta ata ang kaluluwa mo sa Mars!" Sabi naman ni Tania habang kinakain ang sandwich nya.
"Sorry naman! Ano ba ung sinasabi nyo?"
Danica clapped her hands together. "Yung para bukas! Anong plano mo? *u*" Excited na tanong nya.
"Aba ako ang may birthday bukas pero mas excited ka pa sakin ah.. Haha."
"Ganun talaga! Eh bakit ba~"
Hindi lang pala silang dalawa ang kasama ko ngayon sa canteen. Kasama din naman nakaupo sa iisang table sina Moira, Eli at Tidus.
"Araw ng iyong kapanganakan bukas Princess Rinoa?" Tanong ni Tidus. Ang kulit talaga ng lahi ng mga ito.. sinabi ng Rin ang itawag eh >__< Sa grupo nila, si Moira lang talaga ang marunong makaintindi..
pero teka? ano tinawag nya sakin? Princess daw?
"Princess?" Tanong naman ni Tania.
Nakita kong siniko ni Eli si Tidus at natawa nalang. Eh? @__@
Nagbuntong hininga nalang ako. "Oo, birthday ko nga bukas.. Pero wala naman talaga akong plans.."
"We should throw a party!" Exicted na sabi ni Danica.
"Party?" Tanong naman na nagtataka ni Moira. "Ano iyon?"
"Masaya ba iyon?" - Tidus
Napatingin naman kaming tatlo sa kanila. Hindi nila alam ang party?! Saang planeta ba galing tong mga toh?
"Seriously hindi nyo alam kung ano yung party?" - Danica
"You're weird." - Tania
"Oh.. uh--well.. we have never been in.... that before." Eli stammered and gave a quick glare toward Moira and Tidus.
***
KINABUKASAN
Nagising ako nang hinahabol ang hininga ko at naramdaman kong pinapawisan na din ako. Nagkaroon na naman kasi ako ng panaginip at nakita ko na naman yung babaeng may purple na buhok. Ang gulo! Lagi nalang pare-pareho ang mga panaginip ko.. pero this time may pagkakaiba. Meron daw humahabol sa akin na mga itim na uwak. Nakakatakot kaya! >.<
Tumayo na ako sa kama at binuksan ang bintana. Ang ganda ng weather ngayon! *u*
"Eighteen na ako! Wooo!" Sigaw ko. Ahaha! Nasa legal age na ako >:D
Biglang may katok sa pinto at niluwa nun si Kuya Jay. "Good morning, birthday girl." Lumapit sya ng nakangiti at niyakap ako. "Happy birthday sis."
"Thanks Kuya! Good morning din ^__^"
Nakita kong nagising na din si Nyozaki. "Morning to you too Nyozaki!" Bati ko dito nung lumandag sya sa mga kamay ko and purred her head closer.
"So, sunduin kita after school?" Tanong ni Kuya. Pero naalala ko na may meeting pala kami ni Ms Mcnin.
"Ah hindi wag na.. kailangan ko kasing ma-meet ang Music teacher ko eh. Mag-commute nalang ako papuntang hospital."
"Sigurado ka?"
"Yup! ^__^"
///
"HAPPY BIRTHDAY RIN! WE LOVE YOU!" Yan ang bati ng mga klase pagkapasok ko sa room. Nagulat talaga ako as in! Lahat ng mga classmates nya nakangiti sa kanya.. pati na din yung Bio prof nila. Aww :">
Nagsikantahan sila ng Happy Birthday at nagbigay ng 10 minutes free time si Ma'am para mag-celebrate.
"Nagustuhan mo ang surprise namin?" Tanong ni Tania na natatawa.
"Oo naman! Grabe ang pakulo nyo ah haha! Thanks guys!"
"Yiiee! Group huuuuug!" At tumalon naman si Dani at niyakap kaming dalawa. I'm so lucky to have my best friends :">
.
.
.
Pagkatapos ng class, pumunta kami sa may garden nila Tania for an extended celebration daw. Nakita na namin dun sila Moira, Lark, Eli at Tidus, Dylan and Lucas.
"Maligayang kaarawan, Rinoa! ^__^" bati nilang lahat at binigyan naman ako ni Moira ng isang yakap.
"Salamaaat! ^0^"
Napatingin naman ako sa paligid. "Nasan si Ulap?" Bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.
"Ha?" Naguluhan naman silang lahat.
"Ahh gets ko! Ahahaha!" Tumawa naman si Lucas. "Si Cloud hinahanap nyan."
"Oy hindi ah!" Deny ko naman.
"Wuushu hindi daw! Haha!"
Pero totoo yun.. ehh kasi naman ilang araw ko na syang hindi nakikita. Yung last time na nakita ko sya nung pinaalaga nya sa akin si Nyozaki.
"Nasa paligid lang si Cloud." Sabi naman ni Lark nang nakangiti.
"Ah."
"Napansin ko naman na parang nag-iba ang reaction ni Moira. "Huy Moira wag kang magseselos ah! Hindi yun katulad ng iniisip mo!" Sabi ko naman sa kanya.
Biglang nanlaki ang mga mata nya at namula. "H-Ha? Hindi naman sa ganon."
Wahaha ang cute nya mag-deny.. halata naman na may gusto sya sa ulap na yun XD
"Very soon Ashtalica...."
May narinig akong bigla na boses. And I gasped when all of a sudden biglang nag-iba ang paligid. Parang naging pitch black at ako nalang mag-isa ngayon. "I will have you soon...." Narinig ko itong tumawa.
Nanginig ako bigla sa takot.
"Rin?"
I was pulled back into reality at nakita na normal naman ang lahat. Nakatingin sila sa akin na nagtataka. Ngumiti nalang ako ng pilit.
***
~ THIRD PERSON'S POV ~
The wind was harshly blowing around. Nakasandal lamang si Cloud sa rooftop door habang nakapikit. Ito na ang araw na pinakahihintay nila at mas lalo pa nila kailangang maging alerto sa pagbabantay kay Rinoa. At least kasama nya sa tahanan nila si Nyozaki.
Binuksan nya ang mga mata nya at nakita ang itim na pusa na si Maru na nasa harapan na nya. Bigla itong nagpalit ng anyo bilang isang aso. Ito ang tunay nya na anyo.
"Maru can smell them around mortal funata's world." The dog sent to Cloud. Humans ang ibig sabihin ng funata sa salita ng mga beasts/animals.
Naglakad si Cloud paputa sa dulo ng rooftop. "Nararamdaman ko na din ang presensya nila." He sent back. Napatingin sya sa langit. Heavy dark clouds rolled in from the horizon. A heavy downpour was threatening to come any moment.
.
.
.
Pagkababa ni Cloud sa rooftop, naglalakad na sya ngayon sa may hallway nang biglang makabunggo sya ng isang teacher.
"Pardon me." He apologised. Cloud felt that familiar evil aura once again. He stared at the woman's eyes and saw a flash of darkness. He stepped back when a student called out.
"Ms Mcnin! Okay na daw po yung recordings." Sabi nung studyante.
"Ah sige. Salamat." Ngumiti ang guro sa studyante nya. Pero bago sya umalis, tumingin ito ng masama kay Cloud at isang matalim na ngiti ang naglalaro sa kanyang labi.
///
Nung nasa loob na sya ng klase nya, hindi nalang pinansin ni Cloud ang atensyon na nahuhugot nya mula sa mga babae.
"Uhm.. Cloud?" May lumapit na isang babae sa upuan nya.
Tumingin sa kanya si Cloud with a boring look.
"T-Taken na ba ang upuan na toh?" Tanong nya habang tinuturo ang upuan na katabi nya. Hindi naman nya alam kung may nakaupo ba dyan o wala.
"No idea. I guess not." Sagot nya at umiwas na ng tingin habang humikab. He heard the other girls squealed and giggled, but of course, he never care.
~ AFTER SCHOOL
Maglalakad na sana paalis si Cloud para umuwi na sa gusali na kanilang inuupahan nang biglang marinig nya ang boses ni Moira na tinawag sya. Lumapit si Moira sa kanya at kasama nito ang mga kaibigan ni Rinoa.
Moira immediately put her arms around Cloud's arm. He didn't push her away since he was already used to it.
"Aw! Cute nyo naman together!" Sabi nung isa sa kanila.
"Truespoken!" Moira giggled. "Ah. Nasaan nga pala si Rin?"
"Kailangan nyang i-meet si Ms Mcnin sa gym eh.. tapos pupunta sya ng hospital para dun i-celebrate ang birthday nya with her parents."
Parents? Ah. Sila ang mga nag-alaga kay Rinoa dito sa mundong ito, isip ni Cloud. Pero parang narinig na nya ang pangalan na Ms Mcnin. Nakalimutan na nga lang nya kung saan.
"Let's go home together Cloud!" Nakatingin sa kanya si Moira.
Tumango nalang ito.
"Nauna na umalis sina Lark, Eli and Tidus." Ang sabi ni Moira habang naglalakad sila.
Hindi pa umuulan pero meron ng kulog at kidlat sa langit. Naalala nya na dati takot na takot si Rinoa duon. Hanggang ngayon ba?
Without a warning, it struck him where he heard the name Ms Mcnin. It was that teacher he suspected who was surrounded by an evil aura!
Huminto sya sa paglalakad. Nasa panganib si Rinoa!
"Moira, tawagin mo sina Lark. Dalian nyo at nasa panganib si Rinoa!" Ang sabi nya at bigla nalang tumakbo pabalik sa school.
>>> CHAPTER 5 HERE
kAkkiLig nMAn sobrA c cLOud,,, sQuaLL x riNOa tLgA aq peO dtO tyPe q cLANg dLwA,,, hwAhehE,,, at 2 d rEscuE cLa kEi riNoA,,,
ReplyDelete((ang ganda excited na rin ako for the next chapter))
ReplyDelete