CHAPTER 5
~ RINOA'S POV ~
PLACE: GYM
"Ms Mcnin! Anong nangyayari sayo?!" Sigaw ko. Nakakatakot na kasi sya eh! Pagdating ko sa gym, agad nyang sinubukan kunin ang bracelet sa kamay ko. Sinubukan kong tumakas pero naka-lock lahat ng pinto mula sa labas.. hindi ko alam kung pano nangyari yun na kami na lang ang tao ngayon sa building na toh! Paano ako tatakas?
"Hindi ka makaka-alis dito." Ang sabi nya with hoarse voice.
She suddenly caught me off guard and grabbed both of my arms. Napangiwi ako sa kirot dahil sa diin ng pagkakahawak nya na para bang binabaon na nya ang mga kuko nya sa balat ko. "B-Bakit ba gusto mong kunin ang bracelet ko?" I winced in pain.
"Hindi lang yan ang gusto. Kundi pati ikaw! Ikaw at ang hiyas ng apoy!" Ngumiti sya ng nakakatakot.
Dyos ko.. ano ba ang nangyayari sa kanya? Isa lang ang nakakasigurado ako. Kahit na napaka-imposibleng paniwalaan, pero naniniwala ako na hindi sya si Ms Mcnin. Atsaka, anong hiyas ng apoy ang pinagsasabi nya?!
Tiniis ko ang sakit ng pagkakahawak nya. I forced myself to move my arms and pushed her away. Nung wala na ang mga kamay nya sa braso ko, tumalon ako at binigyan sya ng high kick sa leeg. It wasn't strong enough to injure her, but it was enough to knock her down. Buti nalang talaga nag-aral ako ng Taekwondo for self-defense.
"Ikaw.. sino ka ba talaga?!" Tanong ko dito ng pabalang.
Nagulat ako nang bigla syang tumawa at tumayo ulit. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Mas lalo akong natakot nang bigla kong makita ang pagpapalit ng kulay ng mga mata ni Ms Mcnin. Naging purong itim nalang ito. Binuka nya ng konti ang bibig nya at may binulong na hindi ko maintindihan. Pero pagkatapos nun, meron na lang lumabas na mga matutulus na dark orbs at lumulutang ito sa paligid ni Ms Mcnin!
Oh my God.. ano yang mga yan?!
Totoo ba toh? Please.. sana panaginip lang ito.
Nagliwanag ang katawan ni Ms Mcnin at niluwa nun ang isang babae. Ang walang malay na katawan ni Ms Mcnin at napahiga sa sahig.
What the.... Lumabas sya sa katawan nya?!
Yung babaeng lumabas ay merong weird na damit, mahabang buhok at nakakatakot na ngiti. Pamilyar sya.. ah! Sya yung babaeng nakita namin sa may kalsada na akala namin pupunta sa isang costume party!
"Rinoa Heartilly, sumama ka sa akin!" She said huskily.
"Heartilly? Anong pinagsasabi mo?! Rinoa Sanchez ang pangalan ko!"
"Nonsense!" Itinaas nya ang kanang kamay nya at isa sa mga dark orbs kanina ay mabilis na lumilipad papunta sa direksyon ko.
Tumakbo ako palayo at iniwasan ito. It hit and struck the wooden floor. It vanished; leaving a deep horrible holde on the ground. O__O holy shit! Parang bomba!
Nararamdaman kong sumasakit na ang mga mata ko.. gusto ko ng umiyak sa sobrang takot. Ano ba ito? Sino sya? Bakit nakakagamit sya ng magic? Bakit pareho nila Moira ang accent nya?
"Ano ka?!" Tanong ko ulit dito.
"I am an Adonian. Alciony is the name." She replied, and once again she raised her arm up and all of the sharp dark orbs were flying towards me. Anong gagawin ko??
Parang napako ang mga paa ko at ayaw nilang gumalaw. Nanginginig na ako sa takot at hindi alam kung anong gagawin. Katapusan ko na ba toh?
NOOO!!
Nakaramdam ako ng liwanag.. There was a red light that came out of my bracelet. My eyes grew bigger as the Magic of Alciony had vanished. Ano yun?
Umungol si Alciony sa galit at bumulong ulit ito.. at katulad ng kanina, lumabas na naman ang mga sharp dark orbs. "Akala ko magiging madali ito pero mukhang pinoprotekhan ka ng iyong armilla. Subalit hanggat hindi pa nagigising ang taglay mong lakas, wala kang laban sa akin! Tignan natin kung magagamit mo pa ang kapangyarihan mo kanina!" She scowled and those orbs were attacking me again.
Napapikit na lang ako. Pero nakaramdam ako ng init sa paligid ko. Nung pagbukas ko ng mga mata, nagulat ako at nakita na nasa harapan ko na si Cloud. Nakatalikod sya sa akin at nagliliwanag ang armband nya.. Did he just make a shield?!
"Cloud?"
Iba na ang damit nya.. Ang weird na din. Nakasuot sya ng high collar sleeveless black shirt, black pants and boots, at isang black cloth na tinatakpan ang left arm and leg nya. Nakasuot din sya ng pauldron sa may left shoulder nya na parang taga-15th century, at duon sa pauldron, merong isang silver badge na mukhang lion or something.
He lowered his shield.
"One of the SOLDIERS, I see." Ang sabi Alciony and tumawa. A light came from her palm, and as it flared, it left a long metalic stick with purple dark stone on the edge. She waved it in the air and a loud thunder could be heard at the same time.
Napatakip ako ng tenga. Mula pagkabata palang kasi, takot na ako dito.
Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang kamay ni Cloud sa may bewang ko at lumandag sya ng napakataas. Mas lalo naman akong nagulat nung merong isang malakas na pagsabog. Thick smoke blurred her sight and as it subsided, I was horrified to see a VERY big hole on the spot where we were standing before.
Teka... nakikita ko ito mula sa itaas..
O___O
Waaaah!! Lumulutang kami!! Dahil sa pagkagulantang, I struggled.
"Stop moving, idiot. You will fall." Sabi ni Cloud.
Napatingin naman ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha nya.. pero kung nandito sya at niligtas ako, ibig sabihin nasa panig ko sya diba?
Pero pano naging possible ang mga ito?!
Cloud reached for something under his cape; revealing a VERY huge sword! Oh my golly! O__O Sobrang laki talaga.. lampas tao na! Hindi sya isang ordinaryong espada na makikita sa mga museum.
Kahit parang sa tingin ko eh sobrang bigat nun, itinaas naman ito bigla ni Cloud sa isang kamay (dahil yung isa ay hawak sya).. pero parang hawak nya lang eh kasing gaan ng feather. A light ball was beginning to glow at the tip of the blade. I closed my one eye as it grew brighter and Cloud pointed it to Alciony's direction.
Yung light ball eh sobrang bilis na pumunta sa kung saan nandun si Alciony. BOOM! Meron na naman isang pagsabog.. at nung mawala na ang mga usok, nakita namin si Alciony na lumipat na ng spot pero nakahawak sya right arm nya na nagdudugo.
"Natamaan mo sya." Yun nalang ang nasabi ko.
Alciony groaned in pain. At duon na dumating bigla sina Lark, Eli, Tidus at Moira na ikinagulat ko dahil parang mga naka-costumes na din sila ngayon. Lahat sila merong kaparehong badge nung na kay Cloud na naka-attach sa mga damit nila. Seryoso ang mga mukha na parang ready na makipaglaban.
"Hindi mo makukuha ang nais mo, Alciony!" Sabi ni Moira.
Alciony smiled coldly and said, "Hindi sa ngayon. Pero eto ang tandaan mo Ashtalica, kailangan mong bantayan ng maigi ang mga mahal mo sa buhay." With that, isang makapal na usok ang lumabas at bigla nang nawala si Alciony.
///
"Anong sinasabi nyo?!" Sumisigaw na ako ngayon sa kanila ngayong pinaliwanag na nila ang lahat sa akin.
"Rinoa, kailangan mong intindihin." Mahinahong sabi ni Moira.
"Kung ganun lang kadali edi sana ginawa ko na! Pero hindi eh! Sinasabi nyo sakin na hindi ako mula sa mundong ito kundi sa isa pang mundo na ang pangalan ay Ethanica?! At nakakagamit kayo ng mga mahika or whatever kung ano man ang tawag nyo dyan! Nakakabaliw lang ang mga pangyayari ngayon.. HOW IS THAT EVEN POSSIBLE?!"
"YOU JUST SAW IT WITH YOUR OWN DAMN EYES!" Nagulat ako nung bigla na din sumigaw si Cloud.
Totoo naman na nakita ko na.. pero.. pero hindi naman ganun kadali lahat eh..
"Papano nyo ako mapapaniwala na ako nga ang hinahanap nyo? Na ako nga ang tagapag-ligtas?" Naiyak na ako.
"Look Rinoa, hindi sinasadya ni Cloud ang sigawan ka." Sabi naman ni Lark.
"Damn it! She's being too stubborn! Bakit hindi nalang nya tanggapin ang lahat? Pinapahirapan nya pa tayo!" Iritadong sabi ni Cloud.
"Cloud!" Lark said with a warning in his tone.
"Kasalanan nya!"
"Tama nga naman.." Bulong ko. Pero napatingin silang lahat sa akin at tumingin naman ako kay Cloud.. "Lumaki ako na alam ang katotohanan na ampon lang ako. Alam ko na yun simula pa lang pero pinili kong kalimutan nalang kung saan ako nanggaling o kung ano man ang meron ako dati dahil mahal ko na ang mga nakilala kong pamilya! Isang normal na buhay! Pero dumating kayo.. mga taong-- o kung ano man kayo,, sinasabi nyo ang mga bagay na bago sakin.. na ang hirap ipaliwanag sa mundong ito. Tapos meron pang babaeng umatake at gusto akong saktan at nakawin ang bracelet ko.. How do you want me to understand? Hindi naman madali sakin toh eh.. Siguro iniisip nyo na dapat maging masaya ako at magpasalamat dahil sinasabi nyo ngayon kung sino ba talaga ako o kung ano ang tunay kong katauhan, pero naman! Yung mga sinasabi nyo naman kasi sa mga libro lang nangyayari! Ngayon sabihin mo na kasalanan ko!! Wala kang alam... I'm sorry for making it hard for you guys to deal with your ' mission'. Hindi nyo lang kasi naiintindihan.."
Pagkatapos nun, tumakbo na ako palabas ng gym.
Narinig kong tinatawag ako ni Lark pero hindi ako tumigil.. at ni minsan, hindi lumingon.
///
Madilim pa din ang langit.. Naglalakad ako ngayon sa basang kalsada.. kakatapos lang ng ulan. Ano bang nangyayari?
Sana panaginip lang toh.. isang napakahabang panaginip, tapos gigisingin ako ni Kuya Jay dahil sabay namin dadalawin sila Mommy at Daddy.. Tumulo nalang ang luha ko at ngumiti ng mapait. Gusto kong paniwalaan na nagkakamali lang sila.. na hindi siguro ako ang sinasabi nilang tagapagligtas.. pero meron din isang part ko ang gustong maniwala.. Haay!
Napabuntong nalang ako ng hininga at dahan-dahan na binuksan ang pinto ng mga parents ko. Gaya nga ng ni-request ni Kuya sa doctor, nilipat sila para magkasama na sa iisang kwarto.
"Rin!" Nilapitan agad ako ni Kuya nung makita nya ako. "Ang tagal mo ah. Kanina pa kami naghihintay."
"Sorry.." Matamlay na sagot ko.
"Uy, okay ka lang?"
"Oo naman." Nag-fake smile nalang ako. "Kamusta na sila?"
"Hindi pa din gumigising eh.. pero wag kang malungkot, makakapag-celebrate pa din tayo ^_^"
.
.
.
Nag-stay kami sa hospital for a couple of hours. Birthday ko ngayon at talagang na-surprise ako sa mga nangyari.
Nasa kotse na kami ngayon at nasa harap na ng bahay.. Lalabas na sana ako ng kotse nang biglang tinawag ako ni Kuya.
"Rin.. Okay ka lang ba talaga?" Tanong nya at halatang nag-aalala sya.
"Huh?"
"Kilala kita Rin. Alam kong may problema ka. Ano ba yun?"
"P-Pero Kuya.. kapag ba sinabi ko maniniwala ka?"
"Ano ka ba naman! Ang tagal na natin magkasama syempre paniniwalaan kita. Ako yata ang kuya mo diba?" Ngumiti naman sya kaya napangiti na din ako.
Hindi naman siguro na sabihin ko sa kanya diba?
At ayun nga, sinabi ko lahat sa kanya.. lahat-lahat ng nalalaman ko. Syempre merong long silence. Hindi ko nga alam kung maniniwala sya eh.. kasi obviously hindi naman kapani-paniwala ang mga nangyari. Hinintay ko syang tumawa at sabihin na ang galing kong mag-joke, pero seryoso lang ang mukha nya.
Tumawa nga si Kuya.. pero hindi yung inaasahan ko.. mahina lang. "Baka naman baliw lang ang mga yun?"
Even I wanted to laugh it off. "Pero Kuya, kahit naman na ayoko din paniwalaan, nakita ko eh! Nakita ko lahat ng pangyayari.. Lahat ng pagsabog, yung lumutang kami sa ere ni Cloud at yung babaeng gusto akong saktan.."
"Naniniwala ka ba sa kanila? Paano kung hindi naman ikaw ang hinahanap nila?"
"Sabihin mo sakin ang totoo.. naniniwala ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.
"A-Ah.. syempre.. kaso-- ang hirap naman kasi paniwalaan. Pero hindi ko sinasabi na hindi ka nagsasabi ng totoo."
"Alam ko. At ang sabi pa nila.. kung sino man ang owner nito," sabi ko sabay hawak sa bracelet na nakasuot sa kamay ko.. ".. sya ang hinahanap nilang babae. At alam nating ako yun."
///
Two days na ang nakakaraan at hindi ko na nakita sila Cloud, Moira, Lark, Eli at Tidus.. kahit si Nyozaki nawala nung araw yun. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Pati nga sa school nagtataka sila kung nasaan na sila. Yung gym, balik na sa dati.. wala na yung mga butas o kung ano pa dahil inayos yung ni Eli gamit ang kapangyarihan nya.
Balik na sa dati ang lahat at pilit kong kinakalimutan ang lahat na yun.. I just act normally; as much as possible, being an in denial. Pati nga din si Ms Mcnin mukhang ayos na. Wala syang maalala kung anong nangyari sa kanya. Mukha ngang ginamit lang ni Alciony ang katawan nya.
"Nasan kaya yung mga yun noh? Two days na silang absent." Sabi ni Danica.
"Baka naman may ginawa lang." Sabi naman ni Tania.
Naglalakad kami palabas ng school gate. Labasan na kasi..
"Oh pano ba yan, mauuna na ako ha? Bye girls!" Paalam ni Danica at sumakay na sa sasakyan ng sumundo sa kanya.
Sakto naman dumating si Lucas. "Hey girls."
"Hi!" Bati ko naman sa kanya. "Oh pano ba yan, alis na ako. ^__^"
"Ayaw mo bang sumabay sa amin?" Tanong ni Tania.
"Oo nga kesa naman mag-isa ka." - Lucas
"Psh! Ok lang noh, baka makaabala pa ako sa inyo.. chos! ahahaha! Tsaka dadaan muna ako sa 7/11."
"Sus! Humanap ka na kasi ng boyfriend mo para di ka na loner. Kawawa ka eh! Hahaha." - Tania
"Che! Tignan mo.. sa susunod si Topher na ang kasama ko lagi. Bwahaha! Babush!" Nag-wave ako sa kanila at nag-simula na maglakad paalis.
Next time talaga, si Papa Topher boyfriend ko na.. LOL! XD
///
Pumunta ako ng 7/11 para magpalamig.. Ahaha! boring kasi sa bahay eh.. kaya tambay muna ako dito.
Bumili lang ako ng gatorade at umupo sa tabi ng mga bintana. Nakatingin lang ako sa labas habang umiinom nang may makita akong maputing babae na pinapalibutan ng apat na mga lalaking mukhang unggoy.
Eh? Ano na naman kaya yun?
Yung expression nung babae mukhang may masakit sa kanya na ewan at pilit na umaalis pero parang pinipigilan sya ng mga gunggong.
Tinapon ko yung bottle ng gatorade na wala ng laman sa basurahan.. Lumabas ako ng shop at nilapitan sila.
"Miss kami na nga ang nagmamagandang luob na tulungan ka eh." - monkey1
"Oo nga naman Miss. Kami na bahala sayo." - monkey2
"N-No! Bitawan nyo ako please!" Sabi naman nung babae at umubo. Aba, may sakit pa ata..
"Hoy magsilayo nga kayo sa kanya baka mahawaan sya ng mga mukha nyong unggoy!" Nagsalita na ako at napatingin silang lahat sa akin.
"Anong sabi mo?! Sinong unggoy?!" - monkey3
"Relax ka lang tol. Tignan mo oh ang ganda nya.." - monkey4
Kinilabutan ako bigla.. Eewkie! Manggaling ba naman lalaking may pagmumukha nya? Ok sana kung si Topher ang nagsabi eh, kikiligin pa ako :"">
"Shoo shoo! Ang papanget nyo.. lumayas na nga kayo." Pagtataboy ko sa kanila with matching wagayway ng kamay.
Yung kaninang nagsabi na maganda ako, nawalan na din ng pasensya. "Sumosobra ka na ah!" Lumapit sya sa akin pero bago pa man nya ako mahawakan, I twisted his arm around and he shrieked in pain. Sinipa ko ang pwet nya at nasubsob sya sa lupa. Sa sobrang lakas yata, nabagok yung nuo nya sa sahig kaya ayun nawalan ng malay.
One down.
"Bleh :P"
Isa-isa na silang sumugod. Si monkey 1 bingyan ko ng flying kick sa ulo. Two down.
Umilag ako sa suntok ni monkey 2 kaya ang nasuntok nya ay si monkey 3, at ayun sila na ang nagbugbugan -__- Pinaguntog ko nalang silang dalawa kaya ayun.. knock down.
"Ayos ka lang Miss?" Tanong ko sa babae na nakatulala lang sa akin. "Miss? huy!"
"H-Ha? Ah.. oo salamat ah!" Ang ganda nya pala? Haha.
"No probs." Napansin ko naman na napahawak sya sa ulo nya. "Uy.. ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sayo?"
"Eh.. masakit lang ang ulo ko. Normal na naman toh sakin pero hindi ko alam kung bakit lalong mas masakit ngayon."
"Hay nako.. may dala ka bang gamot mo?" Umiling naman sya. "Tara dun sa 7/11, bili tayong gamot."
.
.
.
Nandito kami sa luob ng 7/11 at nakaupo habang hinihintay ang susundo kay Stella. Stella Smith ang pangalan nya. Pang-mayaman noh?
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Salamat talaga huh Rin?" Ngiti nito.
"Haha wala yun! Teka ayan na ata ang sundo mo." Nakita kong may nag-park ng kotse sa tapat ng 7/11.
"Nandyan na si Kuya ^__^"
Halos mabilaukan naman ako nung makita ko ang bumaba ng kotse, pumasok ng shop at lumapit sa amin.
"Stella! Sabi naman sayo wag kang lalayo eh.. masakitin ka pa naman." Sabi nya kay Stella.
"Hehe~ Okay na ako Kuya. Eto nga pala si Rin.. sya ang tumulong sa akin."
Napatingin naman sya sa akin at nagulat. "Oh, ikaw yung taga-Moreidman Uni diba?" Tanong nya sa akin.
Kyaaaaah! >///<
"O-Oo.." Nauutal kong sagot. Heh Rin! Umayos ka!
"Oh? Magkakilala na kayo ni Kuya Topher, Rin?"
"H-Hindi naman. Nagkita lang kami sa school nung may laban sila."
"Rin diba pangalan mo? Salamat nga pala sa pagliligtas sa pinsan ko ha? Christopher nga pala ^_^" Sabi nya sabay lahad ng kamay.
gOndo nMan tLga ni stELLa,,, >____<
ReplyDeleterinoa, bkit 2mitingin k p s iba!!!!
ReplyDelete