Tuesday, January 29, 2013

Catch Your Heart - Chapter Twenty Two




Chapter 22: No pain, No Gain 




Chleo’s POV


Kanina pa ako hindi mapakali anong oras na wala parin si Lawrence. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ,kaya naman si Terrence nalang ang tinawagan ko.



 “Oh Chleo  napatawag ka?”



“ Ah eh kasama mo ba si Lawrence?”



“Hindi ba kayo dapat ang magkasama ngayon??”



“Magtatanong ba ako kung magkasama kami,utak Kel.Utak.”may halong pagkainis nasabi ko. 



 “Tss. Hindi kami magkasama.Papunta na siguro yon.” Sana nga Kel.



*sighs*



“Siguro nga.”sagot ko nalang.



“Ano bang ipinag-aalala mo? Darating  si  Lawrence Kelan ka ba niya binigo?”seryosong sabi niya.



Ano nga bang pinag-aalala ko?



Hindi ko alam.Oh kung alam ko man ,ayong aminin sa sarili ko



“Sobrang laki na kasi ng pinagbago niya,hindi naman kasi siya ganito eh.”



“Ano ba kasing kinakatakot mo? Hindi ka naman iiwan ni Lawrence.Masyado kang nag-aalala . Wala ka na namang kaagaw sa kanya.”may panunuyang sabi niya.



Kahit si  Kel(Terrence) malaki narin ang pinagbago. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin ,lalo na nung-------nvm.

“Ayoko ng pananalita mo,Terrence. “ sabi ko nalang ayokong i-open na naman ang topic na iyon.



Ano namang mali sa pananalita ko?”tanong niya pa. Hindi niya ba alam ?!

“ Kel-------“



“Walang mali sa pananalita ko maging sa sinasabi masyado ka lang nag-iisip.”



“Kel,sabihin mo man hindi alam ko ang pinupunto mo.Paulit-ulit nalang tayo, Oo alam ko naging selfish ako noon pero pinagsisihan ko yon. Sa tingin mo ba ginusto kong mamatay ang kapatid ko??” hindi ko na maiwasang maiyak. Sa tuwing maalala kong wala na si Lizzy hindi parin maiwasan na malungkot ako at maiyak.



“ Hindi sana mangyayari yon kung -----------



“ OO NA! KASALANAN  KO NA! PERO MASISISI MO BA AKO?! BAKIT  TERRENCE AKO LANG BA?!AKO LANG BA ANG NAGING SELFISH SA LARONG ITO?!IKAW?! SI LIZZY ,SI LAWRENCE PARE-PAREHO LANG TAYO---- hindi ko gi-n-ust*sobs* ginustong  mangyari to. “ hindi ko  na mapigilan a emosyon ko. Narinig ko na yung tunog ng doorbell kaya’t nagpaalam na ako kay Kel.



Bumungad sa akin ang parang pagod na pagod na mukha ni Lawrence.



 “ Pasensya na kung late ako “ hinihingal pa niyang sabi.Napansin kong may sugat siya sa may bandang kilay.Hahawakan ko sana iyon pero pinigilan niya ako.



 “ Okay lang yan,lika na? Baka mas lalo tayong malate?” nakangiting sabi niya.



Nakangiti nga siya,pero may kulang. Hindi buo. Hindi umaabot sa mga mata niya yung ngiti niya.



*sighs*



“ May problema ba?” tanong pa niya. Umiling lang lang ako at ngumiti sa kanya.



Terrence POV


 “Mukha mo! Parang ayaw mo akong kasama ah!! “reklamo ng babaing kasama ko ngayon. Hindi ko akalain na may ganito siyang side. Jolly at sobrang daldal hindi tulad nung una ko siyang makausap na hindi makabasag pinggan.



“Hindi naman sa ganon, hindi lang ako makapaniwalang ikakasal na talaga ang pinsan kong yon. Bilib ako dun sa babaing papakasalan niya.Biruin mo  napapayag niya yung baklang yon na magpakasal?!!”manghang manghang sabi ko.



 Totoo naman kasi sa aming tatlo nila Lawrence ,nasa pinakahuli ang pangalan ni Jhudiel pagdating sa linya ng pagpapakasal.



“Ganyan talaga sa Love ,kahit pa sabihin mong ayaw mo pa,oras ma tamaan ka ng pana ni kupido,hindi mo na maiiwasan yun. “ napatingin naman ako sa kanya at ginulo yung buhok niya.



“Aish!! Wag mo ngang guluhin yung buhok ,sige ka papangit yung date mo!! Kakahiya naman sa kambl mo!! “ reklamo niya. At dahil trip ko siyang asarin—



“Bakit crush mo yung kambal ko??” nakangising tanong ko.



“ Oy! Asa ka men!! Ang sinasabi ko lang naman ,ayokong mapahiya ka sa harapan niya ,isipin pa niya pangit ng dinala mo sa party na ito. Di pwede yun oy!! “loka loka talaga itong babaing to. 



“ Ay oo nga pala ako nga pala ang crush mo. “ pagbibiro ko.Binatukan naman ako ng loka loka.



“ Oi Shanisce Reid ,hindi porket binigyan kita ng karapatang maging bestfriend ko eh pwede muna akong batuk-batukan ng ganiyan.” Sabi ko sa kanya.



And Yes si Shanisce nga ang kasamahan ko, yung naging nurse noon ni Zette. Madali kaming nagkagaanan ng loob  dahil siguro pareho kami? Nagmahal pero hindi nasuklian. Pero sa kaso ko naman natanggap ko na iyon ano pa nga ba naman ang magagawa ko kung wala na siya  hindi ba?Pero si Shan,patuloy niya parin hinihintay ang taong yon. At sa totoo kung sigurong hindi  ganoon ang sitwasyon  baka niligawan ko na siya.




“ Oi! Lalim na naman ng iniisip mo,ayan  na yung kambal mo oh! “




Jhudiel’s POV


 “Its time “ sabi ko habang nakitang papadating na ang mga bisita ko .



 “ J------hude “ napatingin ako sa babaing kasama ko ngayon. Nakikita ko sa mata niya na kinakabahan siya pero alam ko din na kaya niya ito.Nginitian ko lang siya at sinenyasang kumalma.



“ Mauuna na akong bumaba,tatawagin nalang kita.Wag kang kabahan matagal natin pinaghandaan ang araw na ito. “ pagpapalakas ko sa loob niya. Tumango naman siya sa akin. Bago pa ako bumaba ay nakasalubong  ko si Gramps.



“Handa na ba kayong dalawa??”  tanong sa akin ni Gramps.



“ More than ready,Gramps” sagot ko .Tatlong taon na paghahanda na ang ginawa namin. Ngumiti siya sa amin at sinensyasan akng bumaba na.



May ngiti sa labi akong bumaba ng hagdan. Lahat sila’y nakatingin sa akin.


“ Magandang Gabi sa inyo lahat. Maraming Salamat sa pagdalo niyo. “ bati ko sa kanila. Hindi naman ganung kadaming tao ang inimbitahan ko. Ang kambal kong pinsan ,ang trigunerx at syempre ang kanilang mga kaparehas.Pero naging kapansin pansin sa akin ang kasama ni Terrence. Kaya’t lumapit ako para siguraduhin na tama ako.




“ Congrats .Jhudiel.” ngumiti lang ako kay Chleo. Ewan ko ba kung kay Lizette eh iba ang pakiramdam ko mas lalo naman sa babaing ito. Marami rin siyang sekreto ang kinaibahan  lang madali siyang mahuli kumpara kay Lizette. Magaling ang babaing yun eh.


 “ Seryoso ka na ba talaga sa desisyon mo?As in papasakal este papakasal ka na? “tanong sa akin ni Onee. Nakita ko namang pinagmamasdan ako ng kasama niyang babae ,marahil ay inaalala niya kung saan  niya ako nakita.Matagal na panahon na  naman iyon.



 Binaling ko ang tingin ko kay Terrence at sa kasama niya. Shanisce Reid.Ngumiti lang ako sa kanila napansin kong nagulat si Shanisce ng makita ,hindi ko hahayaang sirain niya ang mga plano ko.


 “Hindi ko inaasahang may isasama ka Terrence baka naman gusto mo siyang ipakilala sa akin??” sabi ko,mukhang nagulat si Shan sa inasal ko pero ito ang tama at dapat kong gawin.



 “ Feeling mo naman Dude! She’s Shanicse my bestfriend” pakilala nito,napansin kong napatingin din ang ibang Trigunerx sa paraan ng pagpapakilala niya.



Hanggang ngayon si Lizette parin. Kahit si Lawrence napatingin sa kakambal. Tiningnan ko naman si Shan kung anong magiging reaction niya pero nagulat ako ng makitang nakatingin pala siya sa akin.Nag-iwas ako ng tingin.



" Hoy! Jhudiel nasaan na ba yung Fiancee mo??" naiiritang tanong ni Tres. Mukhang hanggang ngayon indenial parin ang lokong ito,kunwari pang naiinis sa kasama niya. Ay ewan.



"Chillax,Tres. Pababa na siya ,pero please lang gusto niyo talagang humarap sa Fiancee ko ng ganyan kayo kaawkward?? " Kapansin pansin kasing  hindi man lang sila nagkikibuan. Hello?! Tatlong na taon na kaya,matapos ng insedenteng yon kasabay non ang pag-iiba nila ng plano sa buhay, tatlong taong malayo at madalang ang komunikasyon. Hindi ko alam kung paano nila sinabi kay Lawrence na gusto na nilang maghiwa-hiwalay pero ang sigurado ko sobrang nasaktan si Lawrence doon kaya hindi ko siya masisisi kung hindi niya pansinin ang mga ito.



Pero syempre mabait ako at gwapo pa walang halong biro kaya naman sinisigurado kong gagawa ako ng paraan para maging maayos sila. Hindi man ngayon ,sa tamang panahon.



Napatahimik sila sa sinabi ko. Nagkakapaan sila kung sino ang magsasalita.




" No pain ,No gain. "



Napatingin kaming lahat ng magsalita si Lawrence. Trigunerx Motto. At ang mas nakakagulat ng lumapit si Onee kay Lawrence at niyakap ito. (Man to Man hug)  nagsisunuran naman yung iba.



See? Even years had passed. Trigunerx padin sila.. Trigunerx pa din KAMI.


I think its time.




" Hey!" tawag ko sa atensyon nila. "Its time to introduce my fiancee, Nicholette Stanel"






3 comments:

  1. niChoLette uNg nAme ng fiAnceE ni jHudieL,,, kOnti n LnG nicOLe n, hwAhehE,,,

    ReplyDelete
  2. sALamAt s upd8 atEy hA,,, diZ mAde mY dAy,,,

    ReplyDelete
  3. And meanwhile, I still miss Zette </3 T…T

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^