Sunday, August 26, 2012

My Dark Fairytale: Chapter 5 - The Story Behind

Chapter 5
The Story Behind

(Terrence Peters POV)

We both sat on the floor leaning our backs on her bed. Then I started to narrate my story to her…



“Long time ago, there lived a young man on a forgotten place here in Earth. He does not want to work on an office with his father. Hindi rin siya nag-aaral. Lagi lang siyang naglalaro kasama ang mga kaibigan nya.”


“Isang araw, nalaman niyang naaksidente ang kanyang mga magulang at binawian na ng buhay. He ran away from home dahil di niya natanggap ang nangyari. Nagpunta siya sa gubat at umiyak buong gabi.”


“Kinabukasan, nagising nalang siya sa isang napakagandang lugar. Hindi niya alam kung saang lugar iyon. Laking gulat niya nung nakita niya ang isang maliit na fairy. Actually a water fairy.”

“Fairy?” She asked looking so puzzled.


I continued my story…


“The name of the fairy was Tink. According to her, the place was called Neverland where all the magical creatures beyond every child’s imagination are present. The young man asked Tink how he went there. Tink said that she saw him lying unconscious in one of her favorite forest on Earth. She decided to carry the young man through the fairy dust and then they flew to Neverland.”


Claire’s reaction was undefined but she still listened.


“That time, Neverland was full of life. The flowers bloomed in different sparkling colors. Palagi mapapakinggan ang mga masasayang huni ng mga ibon. Gumagala pa ang mga nymphs at elves. The young boy became the ruler of the place. Tink and the Lost Boys were the first inhabitants in that place. As the time passed by, pirates came from unknown origin. Sila yung mga bad pirates. Dumami ang kanilang populasyon at unti-unting sinira ang paraiso ng Neverland. Pinapatay nila ang anumang bagay na kumikislap. Inubos nila ang mga prutas.”


“Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagsimulang manirahan ang mga witches at monsters. Unti-unting naubos ang lahi ng mga pirata. Pero naiwan si Hook. Captain Alfred Hook. Hindi siya pinatay dahil naibigan siya ni Lysha, isang dark sorceress. Sinira nila ang Mermaid’s Lagoon: ang tahanan ng mga serena, Cannibal Cove: ang tahanan ng lahat ng mga hayop, Pixie Hollow: ang tirahan ni Tink.”


“Sinira nila ang magandang paraiso ng Neverland at nagtayo ng Black Castle sa Neverpeak Mountain na ngayon ay naging Skull Rock Mountain. Naging madilim ang boung paligid. Hindi sila mapigilan ng ruler dahil sobra silang makapangyarihan.”


“Eh nasaan na yung ruler ng Neverland? Sina Tink at Lost Boys? Yung mga iba pang naninirahan doon?” Claire asked.


“Sina Tink at ang Lost Boys ay binihag nina Hook at Lysha. Hanggang ngayon, di pa rin alam kung buhay pa ba sila o hindi na. Tinanggalan ng kapangyarihan si Tink at isinumpa ni Lysha na hindi na makakalipad sa ano mang paraan.”


“Ang ibang mga creatures ay nagtatago at hindi na nagpapakita.”


“Ang kanilang pinuno…”


“Asan na?” Tanong ulit ni Claire.


“Ay nandito sa Earth. At kausap mo ngayon.”



(Claire Grangers’ POV)


Nakining akong maigi sa kwento ni Terrence. Hindi siya kapani-paniwala. Ayoko talagang maniwala! Magical creatures? Ano raw?


Ipinagpatuloy niya lang ang kwento hanggang sa natuklasan ko na siya pala ang ruler ng Neverland.

Pero bakit siay nandito sa Earth???

“Totoo ba yang mga sinsabi mo?” Tanong ko sa kanya.

Tumayo siay at pumikit. Tapos ay bigla nalang siyang lumutang sa ere!


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Eto lang ang kaya kong gawin Claire, ang lumipad. Ngayon, kung naniniwala ka na, sumama ka sa akin.” He said calmly.

“Saan???”

2 comments:

  1. mangingibang planeta na sila! woot! ang ganda!

    ReplyDelete
  2. i really like the details in this story.. update na po..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^