Tuesday, March 5, 2013

Love at Second Sight : Chapter 49

CHAPTER 49
( Princess’ POV )

Umaga. At kapag umaga, nakagawian na niyang diligan ang mga halaman niya sa harap ng bahay niya. Halos patapos na siya ng may pumaradang police mobile sa tapat ng bahay ni Aiza.


Ano na kayang balita sa kaso?


Pumasok na siya ng bahay at hinintay na umalis muna ang mga police officer. Fifteen minutes pa siyang naghintay bago niya narinig ang papalayong tunog ng police mobile. Lumabas siya ng bahay niya at pumunta ng bahay ni Aiza.


“Goodmorning, Ate Aiza.”


“Ikaw pala, Princess.” Umupo siya sa tabi nito.


“Nakita ko po yung mga pulis kanina. May bagong balita na po ba sa kaso?”


Umiling ito. Wala ring naitulong yung plate number ng kotseng bumangga sa asawa nito. Ang sabi ng mga pulis, it was a fake plate number.


“Ano po bang theory ng mga pulis? Hit and run pa rin po ba?”


Tumango ito. “Oo.”


“About the tattoo I saw?”


“Maraming may tattoo sa braso dito sa Pilipinas, Princess.”


“Pero kasi...”


“Princess, aksidente lang ‘yon.”


She sighed. “Gusto ko lang naman pong makatulong.” Twelve years ago, yung aksidente nila ng papa niya, wala siyang nagawa. Ni hindi na nga niya masyadong matandaan ang nangyari ng gabing ‘yon.


“I know. And thanks to you.”


“Kamusta na po ba si Kuya Rod?” Pag-iiba na lang niya ng usapan.


“He’s still in coma, Princess.”


* * * * * * * *


Nasa bahay na siya pero hindi pa rin siya mapakali. Palakad-lakad siya sa loob ng sala niya. “There’s something about that tattoo.” Kagat niya ang daliri niya habang nag-iisip. “Nakita ko uli ang tattoo na ‘yon, eh.”


At dahil writer siya, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. “Paano kung sinadyang patayin si Kuya Rod? Pero bakit? Anong motibo nila? Wala namang kaaway si Kuya Rod. Mabait siya.” Inalala niya ang mukha ng driver ng kotseng bumangga kay Rod. “Syete naman! Bakit ba kasi hindi ko matandaan ang mukha niya no’n? At kung tama ang pagkakatanda ko, ngumisi siya na parang natuwa siya sa ginawa niya. Baliw ba siya?”


Nasabi na niya sa mga pulis ang mga nakita niya. Pero wala pa rin. At hindi talaga maganda ang kutob niya. Naputol ang pag-iisip niya ang mag-ring ang telepono.


“Hello.”




“Kung ano man ang nalalaman mo, mabuti pang manahimik ka na lang.”


“What? Ano bang sinasabi mo? Hello! Hello!” Wala ng sumagot. Kunot-noong binaba niya ang telepono. “Sino ba ‘yon? At ano bang sinasabi niya? Hindi kaya may kinalaman ‘yon kay—“ Nag-ring ang phone niya. Si James ang tumatawag.


“Hello, James.”


“Goodmorning, Princess. Naistorbo ba kita?”


“Hindi naman. Bakit?”


“Are you free tonight?”


“Wala naman akong gagawin. Bakit?”


“Magdi-dinner kami sa labas nila Dad.” Na-discharge na kahapon ang daddy nito sa ospital. Three days lang ito nag-stay sa ospital. Ayaw kasi nito ng amoy ospital. Parang siya. “He’s inviting you. Okay lang ba?”


Napakamot siya ng kilay. “Okay lang.”


“I’ll fetch you?”


“No. Ako na lang. Sabihin mo na lang kung sa’ng restaurant. Susunod ako.”


* * * * * * * *


Gabi. Bago siya dumeretso ng Manila para sa dinner nila ng pamilya ni James. Dumaan muna siya sa police station. At binigay ang sketch ng tattoo na nakita niya sa braso ng driver ng kotse. She draws well. Nagmana siya sa papa niya. Siguro  kung hindi journalism ang kinuha niya nung college. Nagfine-arts na lang siya.


“Yan po yung tattoo na nakita ko. May ilang differences pero ganyan na ganyan. Mas malinaw pong tingnan ‘yan like the other one na binigay ko sa inyo.”


”Pero miss, sarado na ang kaso.”


Nagulat siya. “Po? Pero...” Wala namang nasabi si Aiza kanina ng mag-usap sila.


“Pinasarado na ni Mrs. Ferrer. Siya na mismo ang nagsabing hit and run ang nangyari sa asawa niya.”


“Pero...”


Nawala sa table ang sketch niya. Paglingon niya, hawak na ng isang lalaki ‘yon. May nakasukbit na camera sa leeg nito. “You draws well, Miss.” Tiningnan siya nito. “Maganda ka rin. Pwede ba kitang kuning model?”


Inagaw niya dito ang papel. “Sino ka ba?”


Nginitian lang siya nito. Inirapan naman niya ito. Nilingon niya ang police na kausap niya. “Kung makikita ko ba uli ang taong may tattoo na ganito, pwede ninyong buksan ang kaso? May pananagutan pa rin po sa batas ang gumawa no’n kay Kuya Rod, sarado man ang kaso o hindi.”


“Ikaw na rin ang nagsabing hindi mo matandaan ang mukha niya. Mas madali sana kung nakita mong mabuti ang mukha niya.”


Mariin niyang pinikit ang mata niya. “Salamat na lang po.” Tumalikod na siya ng makita niyang nakaharang  sa daraanan niya ang lalaki kanina. “Excuse me.”


Nakangiting tumabi ito. Sino ba ‘tong lalaking ‘to? Sumaludo pa ito sa kaniya. May napadpad pa atang sira ulo dito.


Lumabas na siya ng police station at lumapit sa kotse niya. Bubuksan na niya ‘yon ng...


“Miss.”


Napalingon siya sa likuran niya. Yung lalaki kanina. Kumunot ang noo niya. “Anong kailangan mo?” Pinasadahan niya ito ng tingin. Mukha naman itong matino. Humakbang ito palapit sa kaniya. “Dyan ka lang. Wag ka ng lalapit.” Hindi niya alam kung tama ang narinig niya pero parang tumawa ito. “Anong nakakatawa? Baliw ka ba?”


Tumikhim ito. “Hindi ako baliw, miss. By the way, I’m Ash. Twenty five years old. Single and ready—”


“Teka nga lang.” Sabay taas ng kamay niya para pahintuin ito. “I don’t get your point. Ano bang sinasabi mo?” Tumawa ito na ikinagulat niya. “Wala kong panahon na makipag-usap sa’yo.” Inis na binuksan niya ang kotse niya ng pigilan siya nito.


“Teka lang, miss.” Tumikhim ito. “Undercover agent ako.” mahinang sabi nito na parang sa kaniya lang pinarinig.


Napalingon siya dito. Magkasalubong ang mga kilay niya habang tinitingnan ito. “Pinaglololoko mo ba ko? Takas ka siguro sa mental noh?”


Sumeryoso ang mukha nito. “I’m serious.” May kinuha itong kung ano sa bulsa nito at pinakita sa kaniya. “Naniniwala ka na? Papapasukin ba ko sa loob ng police station kung baliw ako?”


“Paano ka naging NBI agent? Hindi halata.”


Ngumiti ito. “Madalas ko nga rin ‘yang itanong sa sarili ko. Dapat pala nag-model na lang ako noh? Mas bagay pa sakin.”


Nagkalat na talaga ang malalakas ang hangin sa Pilipinas.


“Anong kailangan mo?” sa halip ay tanong niya. Hindi na lang niya pinatulan ang sinabi nito.


Lumingon muna ito sa paligid nila bago nagsalita. “It’s about Rod Ferrer.”


Napaderetso siya ng tayo. “Anong—”


“Wag tayong mag-usap dito.” May inabot itong papel sa kaniya. “Tawagan mo ko sa number na ‘yan. Anytime, anywhere. Sooner the better.”


Napatango na lang siya. Pero nagulat siya ng tapikin nito ang balikat niya. “Thank you miss at pumayag kang maging model sa agency namin!”


Kumunot ang noo niya. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to?


May inginuso ito. Yung dalawang pulis na dumaan. “Walang pwedeng makaalam na nilapitan kita dahil kay Ferrer.” bulong nito. “Alam nila, photographer lang ako.”


“O-okay. I have to go.” Kahit medyo naguguluhan pa siya. Nakangiting tumango ito. Sumakay na siya ng kotse niya. So, may something nga sa aksidente ni Kuya Rod? At ang lalaking ‘yon? Totoo kayang NBI agent siya?


* * * * * * * *


“Thank you for coming, Princess.” Kararating lang niya ng restaurant. Medyo na-late pa nga siya ng onti. At dahil dyan, ang sama ng mukha ng mommy ni James.


“Wala po ‘yon, Tito Eric. Sorry po kung medyo late ako.”


“Ano pa bang magagawa namin?” Napalingon siya sa mommy ni James. Pinigilan niya ang dila niyang magsalita at sabihin ditong kung pwede lang hindi na siya pumunta kung hindi lang dahil sa daddy ni James.


“Angela.” saway ng daddy ni James dito. “Nandito tayo para kumain.”


Silence.


Buti na lang at dumating na yung order nila. Nagsimula na silang kumain.


“Parang ang tagal na simula ng huli tayong mag-dinner na apat.”


“Oo nga, Dad.”


“Pwede ba tayong mag-toast for that?”


“Tito, bawal po sa inyo ang alak.”


“Wine lang naman ‘to, iha.”


“Kahit na po.” May pagkamatigas talaga ito ng ulo.


“Okay. Okay. Susundin ko na ang private nurse ko.” nakangiting biro nito. “Water na lang sakin. Wine ang sa inyo.”


Nag-toast nga sila. Hindi sinasadyang napatingin siya sa glass wall ng restaurant. Napakurap siya. Tama ba ang nakikita niya? Nakatingin ito sa gawi nila dahil halos nasa bungad lang sila. Mali. Sa kaniya ito nakatingin. Deretso itong nakatingin sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito.


Naramdaman niyang may humawak sa kamay niya na nasa mesa. “Princess, are you okay?”


Napalingon siya kay James. “I’m...” Lumingon uli siya sa gawi kung sa’n niya nakita si Aeroll. Wala na ito. “I’m okay.” Mukhang naghahalucinate lang siya sa nakita niya. Ano namang gagawin ni Aeroll dito sa Manila? Nasa Bulacan ito. Panggabi daw ang duty nito kaya hindi pwedeng ito ang nakita niya. Namalikmata lang siguro siya.

* * *



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^