CHAPTER 50
( Princess’
POV )
Napatingin siya sa ospital kung sa’n kalalabas lang
niya. Dadalawin sana niya si Rod pero iba ang sumalubong sa kaniya.
“Miss, I’m sorry pero wala na si Mr.
Rod Ferrer. Kagabi lang. Cardiac arrest. Pinabibigay nga pala ni Mrs. Ferrer
ito sa’yo.”
Napatingin
siya sa sulat na hawak niya. Pinikit niya ng mariin ang mata niya. Bakit
siya namatay? Bakit? Parang kahapon lang, pinag-uusapan pa nila ito
ni Aiza. Siguradong masakit para kay Aiza ang nangyari.
“Prinsesa.”
Napalingon
siya sa likuran niya. “Aeroll.” Nakasukbit sa balikat nito ang
backpack nito kaya naisip niyang tapos na ang duty nito.
Lumapit
ito sa kaniya. “I
heard about what happened. I’m sorry to hear that. Nagkausap ba kayo ng asawa
niya?”
Umiling
siya. “Nag-iwan
lang siya sakin ng sulat.”
“Have you read it?”
“Hindi pa.”
Hinaplos
nito ang pisngi niya. “Okay ka lang?”
Tumango
siya. “Oo.”
Tumango-tango
ito. “Prinsesa,
where were you last night?”
“Last night? Bakit?”
Sa sulat na hawak niya, siya nakatingin.
“Pumunta kasi ko sa
bahay mo, pero wala ka.”
Napalingon
siya dito. “Hindi
ba panggabi ang duty mo kagabi?”
Umiling
ito. “Nakipagpalit
yung isang kasama ko.”
“Gano’n ba?”
Kumunot ang noo niya. Para kasing may gusto pa itong sabihin. Saka yung tingin
nito sa kaniya at ang itsura nito ngayon, parang kakaiba. “May problema ba?”
Umiling
ito. “Dala
mo ba yung kotse mo?” Sa halip ay tanong nito.
“Hindi, eh.”
“Kukunin ko lang sa
parking lot yung kotse ko. Mag-lunch tayo sa labas?”
“Sige.”
He
kissed his forehead. “I love you.” He whispered. “Just wait
here.”
Nakangiting
tumango siya. Umalis na ito. Pero ilang saglit lang nang makarinig siya ng
palakpak mula sa likuran niya. Paglingon niya, nabura ang ngiti niya.
Samantalang ito ang lapad ng ngiti.
“Hello, Princess. Long
time no see, huh. Good to see you again.”
“Hello, Chariz.”
“Is that all? Wala ka
bang ibang sasabihin like, ‘na-miss kita, Chariz’. Something like that.”
“Wag na nga tayong magplastikan
dito.”
Nawala
ang ngiti nito. “Ang
tapang mo pa rin hanggang ngayon, Princess. Hanggang sa’n ka kaya dadalin ng
tapang mo? As far as I remember, sa putikan ka dinala ng tapang mo dati.
Remember?” Bumalik na ang ngiti nito.
Hindi
niya pinansin ang sinabi nito. Matagal na niyang kinalimutan ‘yon. “What do you
really want, Chariz?”
Lumapit
ito sa kaniya. “If
I told you what I really want, ibibigay mo ba?” Huminto ito. Sumilay
ang ngiti nitong nakakaasar. “Si Aeroll ang gusto ko.”
She
grinned. “The
question is, gusto ka rin ba niya?”
Siguro
kung titingnan sila sa malayo, para lang silang nag-uusap ng simpleng bagay.
Hindi halata sa mga mukha nila na nagsasagutan na sila.
“You know me, Princess.
Makukuha ko ang gusto ko kahit ang taong hindi ako gusto.”
“Yes, I know you very
well, Chariz. One word for you. Goodluck.”
“I don’t need your
goodluck. Just a piece of advice lang, wag kang masyadong maniniwala kay
Aeroll.”
“Why? Dahil paiiyakin
lang niya ko? Right. Ilang beses na nga niya kong pinaiyak.”
Lumapad
ang ngiti nito. “Sabi
na nga ba.”
“Pinaiyak niya ko sa
sobrang saya.”
Ngumisi
ito. “So,
may nangyari na sa inyo?”
“What?!” Hindi
niya alam kung tatawa ba siya o pipitikin ang ulo nito. Pinaiyak lang sa saya,
may nangyari na? Green minded nito! Pinili niyang matawa. “You know what, Chariz. I don’t need to
take my clothes off para lang magustuhan niya ko.”
“Still as the reserve Princess
before.”
“How about you? Gano’n
ka pa rin ba katulad ng dati?” Alam nito ang tinutukoy
niya.
Nawala
ang ngiti nito. “How
dare you!” madiing bulong nito.
“Yes, how dare me. Iyon
lang ba ang sasabihin mo?”
Nilapit
nito ang mukha sa kaniya. “Remember this and put it in your little head. Maaagaw ko
sa’yo si Aeroll.”
Nilapit
din niya ang mukha dito. Dapat dito, sinisindak, eh. “Agawin mo. Kung kaya mo. Ang tanong,
magpapaagaw ba siya sa’yo?”
Hindi
na ito nakasagot ng may bumusina. Paglingon niya, nakita niya si Aeroll na
nakadungaw sa bintana ng kotse nito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin
sa kanila. Nilingon niya si Chariz na mabilis namang lumapit sa kotse. Ang bilis, ah. Napapailing na lumapit na
lang siya sa mga ito.
“Pwedeng sumabay sa’yo,
Aeroll? Saka mag-lunch na din tayo sa mall. What do you think?”
Tingnan mo ‘tong babaeng ‘to. Parang
wala ako dito, ah. Tiningnan siya ni Aeroll. “Kung papayag
si Princess, papayag ako.” Pinanlakihan niya ito ng mata. Sira ulo
talaga ‘to!
“And why should I ask
her permission?” taas kilay na tanong ni Chariz habang
nakatingin sa kaniya.
“I told you before,
she’s the woman I’m going to marry, Chariz.”
Hindi
niya mapigilang mapangiti.
“No.”
Hindi naman maipinta ang mukha ni Chariz. Pero maya-maya lang ay ngumiti na ito
na tila may naalala. “Princess, alam mo bang nag-kiss kami ni Aeroll? Hindi
niya ba ‘yon sinabi sa’yo?”
Talagang
gusto siyang inisin nito. Okay. Siya ang mang-iinis dito. Lumapit siya kay
Aeroll at deretsong nilapit ang mukha sa mukha nito. She kissed him right on
his lips. He was about to kiss her back ng ilayo niya ang mukha dito. Napansin
niyang hawak na ni Aeroll ang batok niya. “What was that for?” nakangiting tanong nito.
Nilingon
niya si Chariz na gulat na nakatingin sa kaniya. “You kissed him. I kissed him now. Quits
na.” Lumapit siya dito at binulungan ito malapit sa tenga nito. “Shock ka ba?
Hindi na kasi ako ang Princess na kilala mo, Chariz. Hindi mo na ko pwedeng
paglaruan. If you could play games before and now. I can play really well, too.”
“Bitch.”
madiing bulong nito.
Nginitian
lang niya ito bago sumakay sa kotse ni Aeroll. “Let’s go, Aeroll. Nagugutom na ko.”
Tiningnan
siya ito. “Okay
ka lang?”
Tumango
siya. “Mag-drive
ka na. Baka pagsasaksakin na ko ng injection ni Chariz sa inis.” Nilingon
niya ang babae at ang sama ng tingin nito sa kaniya.
* * * * * * * *
( Chariz’s
POV )
Hindi
niya nilubayan ng tingin ang kotse ni Aeroll hanggang sa mawala ‘yon sa
paningin niya. Humalukipkip siya.
“Dumoble ang tapang mo
ngayon, Princess. Tingnan lang natin kung magagamit mo pa ang tapang mo sa mga
susunod na gagawin ko. Gusto mo pala ng laro, ah. I can give you not just one.”
Sumilay
ang ngiti sa labi niya.
“Makukuha ko din si
Aeroll sa’yo. At pag nangyari ‘yon, nasa akin ang huling halakhak. Tandaan mo
‘yan.”
* * * * * * * *
( Princess’
POV )
“May sinabi ba sa’yo si Chariz kanina?”
Napatingin
siya kay Aeroll. Nandito sila sa isang restaurant sa loob ng mall kung sa’n
sila unang nagkita. Tahimik lang ito habang nagda-drive kanina.
Umiling
siya. “Wala.”
“Are you sure?”
“Wala nga.”
Hindi na nito dapat malaman ang mga pinag-usapan nila.
“Okay.”
Nagsimula na itong kumain. Gano’n din ang ginawa niya. Mukhang may malalim
itong iniisip. Gano’n din naman siya. Iniisip niya ang nabasa niyang sulat na
iniwan sa kaniya ni Aiza.
“Prinsesa.”
Napaangat
ang tingin niya kay Aeroll. “Hmm?” May laman pa kasi ang bibig niya.
“Wala ka bang gustong
sabihin sakin?”
Kumunot
ang noo niya. “Gustong
sabihin?” Mero’n ba? Ah! Nilunok muna niya ang kinakain niya. “Mero’n nga kong
sasabihin.” Napangiti ito. “About Kuya Rod.” Nawala bigla ang ngiti nito.
Nagtaka tuloy siya. “Aeroll? May nasabi ba kong mali?”
Umiling
ito. “Go
ahead. Ano yung tungkol kay Mr. Ferrer?”
“I think hindi lang simpleng
hit and run ang nangyari sa kaniya.” Kinuwento niya dito ang
pagpunta niya sa police station kagabi at yung undercover agent na nagpakilala
sa kaniya. Pati ang sulat na nabasa niya.
Nagsalubong
ang kilay nito matapos niyang mag-kwento. “Makikipagkita ka sa kaniya?”
“Pag-iisipan ko pa. Alam
kong may alam siya ng higit pa sa alam natin tungkol sa aksidente.”
“You don’t know him. You
can’t trust him like that.”
“I know. Pero mukha
naman siyang mabait.” Medyo may tililing nga lang.
“Mukha lang siyang
mabait.”
“Aeroll naman.”
“Sinabi ng mga pulis na
sarado na ang kaso. Mr. Ferrer is dead. Bakit masyado mong ini-involve ang
sarili mo sa kasong tapos na?”
“Hindi mo ko
maintindihan.”
“Prinsesa...”
Yumuko
siya. “Yung
nangyari samin ni papa twelve years ago. Wala kong nagawa no’n because I’m just
a kid. Ang natatandaan ko lang, may bumangga sa motor namin. Yun lang. Pero
ngayon, alam kong may magagawa ako. Aksidente man ‘yon o hindi, sarado man ang
kaso o hindi, I will find that culprit. Para sakin din ‘tong ginagawa ko. Para
sa konsensya ko.”
“Naiintindihan kita.
Pero Princess, you’re just getting yourself into trouble. Baka mapahamak sa
ginagawa mo.”
Tiningnan
niya ito. “Walang
mangyayari sakin. I just want to know kung sino ang pumatay kay Kuya Rod kung
sinadya nga ba ang aksidenteng ‘yon. He’s like a big brother to me. And that
undercover agent will help me to find out the truth.”
Hinawakan
nito ang kamay niya. “I’m just worried.”
Nginitian
niya ito. “I
will be okay.”
He
sighed. “You
will be if I’ll go with you.”
“What?”
“Pag nakipagkita ka sa
kung sino mang undercover na ‘yon, sasama ko.”
“Pero...”
“Anong pero?”
“Wala daw kasing pwedeng
makaalam ng pag-uusap namin.”
“Wala kong pakialam sa
sinabi niya. Sasama ko. Period.”
“Okay.”
Kailan kaya ko makikipagkita sa
undercover na ‘yon?
Natahimik
na sila ng magsalita uli ito. “Wala ka pa bang ibang sasabihin?”
“Wala na.” wala
sa loob na sagot niya. Bukas kaya
makipagkita na ko?
“Prinsesa.”
“Ano?” Uminom siya ng
tubig. Makikipagkita na ko bukas. Oo,
bukas.
“Pwede bang paki-ulit
yung kiss mo kanina?”
Nagkasamid-samid
siya sa iniinom niyang tubig. May pumasok pa sa ilong niya. Mabilis na lumipat
si Aeroll sa tabi niya. Sunod-sunod siyang napaubo.
“Okay ka lang?” Tiningnan
niya ito ng masama. Kasalanan nito. Ginulat siya ng tanong nito. Itinaas nito ang dalawang kamay nito. “Sorry.”
Inirapan
niya ito. Kinuha niya ang panyo niya sa bag. Ang sakit ng ilong niya, eh.
Sisinga na sana siya ng mapahinto siya. Nakatingin kasi si Aeroll sa kaniya.
Saka lang siya napatingin sa paligid niya.
“P-pupunta lang ako ng
restroom.” Nawala sa kamay niya ang panyo. Kinuha ni Aeroll ‘yon.
“Akin ‘to, ah.”
nakangiting sabi nito. “Ang sabi ko ibalik mo sakin ‘to.”
“Ibabalik ko din sa’yo
‘yan after kong suminga. Akin na ‘yan.” Pero nilayo nito ang
panyo sa kaniya. “May tissue naman sa restroom.” Patayo na siya ng pigilan
nito ang braso niya. “Masakit na ang ilong ko, ah.”
Nilapit
nito ang panyo sa ilong niya. “Singa.”
“In front of them? Nasa
restaurant tayo, ano ba!” madiing bulong niya.
“So? Bilis na. Naiiyak
ka na, oh.”
Napilitan
tuloy siyang suminga habang hawak nito ang panyo sa ilong niya.
“Okay ka na?”
“Oo.”
“Remember the second
time we saw each other nung nasa bus tayo? Nangyari din ‘to, right? At itong
panyong ‘to ang ginamit ko. Na hindi mo naman sinoli.”
Napangiti
siya. “Oo.
Naalala ko ‘yon. Nakakainis ka nga no’n, eh. Sarap mong ihagis palabas ng bus.”
“Ang sarap mong iuntog
sa bintana ng bus.”
Nanlaki
ang mata niya. “Iuuntog
mo ang ulo ko sa bus?”
Ngumiti ito. “Hindi. Pero i-kiss mo muna ko. Yung
katulad kanina.” Ngumuso pa ito.
Tinapat
niya sa mukha nito ang kamao niya. “Eto, gusto mo?”
Mabilis
pa sa alas-kwatrong lumipat ito sa upuan nito. “Sabi ko nga, kakain na lang ako.”
Napangiti
na lang siya habang nakatingin dito. Pero ilang saglit lang ng kumunot ang noo
niya ng mapansing kumunot din ang noo nito. Bakit kaya? Tatanungin na sana niya
ito ng mapatingin ito sa kaniya kasabay ng ngiti nito.
Sinandukan siya nito ng ulam. “Kumain ka pa,
Prinsesa.”
>>> CHAPTER 51 HERE
((Tatlo ang new chapters na nakita ko))
ReplyDelete((Thanks for the update Miss Author))
4 na Chapters ang UD ko dito sa LASS :)))
ReplyDeleteSalamat sa pagbabasa! ^____^
Luvyu! Muaaaah! :)))))))
grabe! busog na busog ako sa UDs.. ang cheesy talaga!! serves you right chariz! haha.. inis talo.. i really like king.. sumobra ata sa inintake na gamot ung loko.. haha.. oosshh! parang ang cool ng undercover agent na to ah.. pwedeng akin na lang din sya??? hahahha
ReplyDeleteso ngka story na talaga ung dalawang pasaway sa Shahiro.. hmmm..
uU ngA atEy,,, kaKaenjoY tLga maGbsa kPag suNud-sunOd,,,
Delete