Sunday, March 17, 2013

Love at Second Sight : Chapter 51


CHAPTER 51

( Princess’ POV )

“Sabi ko na nga ba at tatawag ka agad sakin.” bungad ng undercover agent ng umupo ito sa katapat niyang upuan. Nasa isang restaurant sila.


“Talagang sigurado ka na, hah.” May nakasabit na naman na camera sa leeg nito.


“Napansin ko lang the other night na masyado kang curious sa kaso ni Ferrer. Ano nga bang dahilan?”


“Akin na lang ‘yon, okay? So, anong alam mo tungkol kay Kuya Rod.”


Ngumiti ito. “Don’t mention names.” Tumango na lang siya. May inilibas itong mga pictures.


Kumunot ang noo niya. “Anong kinalaman ‘yan kay—sa kaniya?” Puro pictures ng model ang nasa picture. Buti na lang walang nude kundi batok ang aabutin ng may tililing na lalaki na ‘to.


Nginitian siya nito. “Props lang ‘to. Remember, I’m a photographer. Ganito ‘to ko magtrabaho. Malay ba natin kung may nakatingin satin ngayon. At dahil malakas ang pakiramdam ko, alam kong may nakamasid satin ngayon.”


Bigla siyang napalingon sa paligid niya. Wala namang nakatingin sa kanila dahul busy ang mga tao sa pagkukuwentuhan at pagkain. Nang dumako ang tingin niya sa isang tao. dalawang table lang ang pagitan nila. Nakahalukipkip ito habang deretsong nakatingin sa kanila. Pinanlakihan niya ito ng mata. Gano’n din ang ginawa nito.


“Kilala mo ba siya?”


Napalingon siya kay, ano nga bang pangalan nitong photographer ‘to? “Sino?”


Ngumiti ito. “Yung lalaki sa isang table?”


Tumango siya. “I’m sorry. Mapilit kasi siya.”


“Boyfriend mo?”


Kumunot ang noo niya. “Ano ka ba talaga? Photographer? Reporter? Agent? O tsismoso ka lang talaga.”


Nginitian siya nito. “Kahit ano pwedeng maging ako, kung anuman ang gustuhin ko at kinakailangan ng pagkakataon.”


Iniba na lang niya ang usapan. Mapapa-praning na siya dito. “Going back to our real business here. Anong alam mo sa kaniya?” Si Rod ang tinutukoy niya.


“Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo.” nakangiting sabi nito.


Kumunot ang noo niya. “What?”


Sumeryoso ang mukha nito. “Hindi pwede. It’s highy confidential. Ayokong madamay ka sa kasong ‘to.”


Napalunok siya. “But I want to know kung sino ang pumatay sa kaniya.”


“Pumatay?”


“Yes, patay na siya.”


“Shit!”


Nagtaka tuloy siya. “Akala ko ba agent ka? Hindi ba dapat alam mo ‘yon?”


“Alam kong comatose siya, pero ang namatay siya...shit talaga!”


“Ang sabi ng nurse na nakausap ko, cardiac arrest daw. Namatay siya the other night na magkita tayo sa police station.”


“Hindi kaya kumilos na sila?” tanong nito na parang sarili ang tinatanong.


“Kumilos sino?”


“Hindi mo pwedeng malaman.”


“So, bakit pa tayo nag-uusap ngayon kung wala kong pwedeng malaman?” Naiinis na siya.


“Again. Dahil hindi ka pwedeng ma-involve sa kasong ‘to. Naiintinidihan mo?” Ano ba kasing mero’n sa kasong ‘to? “Narinig kong sinabi mo na pag nakita mo uli ang lalaking ‘yon ay makikilala mo uli siya?”


“Tattoo lang niya ang palatandaan ko.”


“At maraming may tattoo sa braso dito sa Pilipinas.”


“Alam ko. Pero may kakaiba sa tattoo niya.”


“Ano?”


“Malalaman ko ‘yon pag nakita ko siya.”


“Sa laki ng Pilipinas, makikita mo nga siya.”


“Nakita ko uli ang tattoo na ‘yon.”


“Nakita mo? Saan?”


“I forgot. Basta after the incident, I saw it again.”


Napakamot ito ng kilay. “Ang labo mo.”


Tiningnan niya ito ng masama. “Diba NBI agent ka?” madiing bulong niya dito. “Marami kayong connections diba? Bakit wala kang magawa? At bakit nagta-tiyaga ka pa sa isang katulad kong malabong kausap?”


“Mahabang kwento kung bakit nagta-tiyaga ako sa magandang katulad mong malabong kausap. At baka itirik na ko ng buhay ng kasama mo sa sama ng tingin niya sakin kung ikukuwento ko pa.” nakangiting sabi nito.


Napalingon siya kay Aeroll. Ang sama na nga ng tingin nito sa kanila. Sa undercover na kasama niya.


“Baka iniisip niya, hina-harass kita. Ngumiti ka naman kasi, miss. Ano ngang pangalan mo?”


Inalis niya ang pagkakasimangot niya. Nakakainis naman kasi ‘tong lalaking ‘to, eh. “Princess.”


“And I’m Ash. Twenty five years old. Single. And—”


“Hindi ko tinatanong.”


Ngumiti na lang ito. Kinuha na nito ang mga pictures na nasa mesa. “Aalis na ko. Tawagan mo na lang uli ako kung nakita mo na uli ang lalaking may kakaibang tattoo. Tandaan mo, wala kang ibang pagsasabihan ng pinag-usapan natin.”


Sumimangot siya. “Ano bang pinag-usapan natin? Wala nga kong nalaman tungkol kay—sa kaniya.”


“Dahil wala kang pwedeng malaman.”


“Kung alam ko lang na wala kang sasabihin sakin, hindi na sana ko nakipagkita sa’yo.”


“Pero nakipagkita kita.”


“Oo na. Umalis ka na nga.”


Nilapit nito ang mukha sa kaniya. Napaatras tuloy siya. “You shouldn’t talk to an NBI agent like that.” nakangiting paalala nito.


“Then act like one.”


“I’m a photographer, remember? I have to go. Palapit na ang kasama mo dito. Besides, hindi rin ako pwedeng magtagal dito.” Nakangiting sumaludo pa ito sa kaniya bago tuluyang umalis.


Sumandal siya sa upuan niya. “May tililing talaga ‘yon.” bulong niya. “Nagsayang lang ako ng oras dito.”


“Prinsesa.” Napalingon siya sa umupo sa tabi niya. “Anong sinabi niya sa’yo?” Ang sama ng tingin nito sa entrance ng restaurant kung sa’n lumabas si Undercover Agent Ash.


“Wala.”


Tiningnan siya nito. “Eh, bakit ganyan ang mukha mo?”


“Dahil wala akong nalaman. Highly confidential daw.” Marahas siyang napabuntong-hininga.


“Sa tingin mo nagsasabi siya ng totoo?”


“Ewan ko.”


“Sa tingin ko, hindi.”


“Huh?”


“Wala naman siyang ginawa kanina kundi ang magpa-cute sa’yo. Dapat nag-model na lang siya ng toothpaste. Buong duration ng pag-uusap ninyo, halos nakangiti lang siya.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. Nagseselos ang mokong. Hindi kasi maipinta ang mukha nito habang nagsasalita.


“What’s so funny?”


“Wala naman.”


“Prinsesa, pinagtatawanan mo ba ko?”


“Hindi, ah.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya.


“Pinagtatawanan mo ko.” Humalukipkip ito. “Wag ka na uling makikipagkita sa feeling model ng toothpaste na ‘yon. Siguro totoong photographer siya at NBI agent, frustrated NBI agent. Takas ata sa mental ‘yon, eh. Diba ang mga takas sa mental, kung hind nakatulala, laging nakangiti?”


“Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang nurse diba?” Kinuha niya ang bag at tumayo. Pigil niya ang tawa niya habang palabas siya ng restaurant. Sinundan siya nito.


“Ba’t iniwan mo ko do’n?” Saka lang niya pinakawalan ang tawa niya. “Prinsesa naman.”


Umayos na siya. “Sorry.”


“Nahawa ka na siguro sa baliw na ‘yon.”


“Maybe.” Nagulat siya ng yakapin siya nito. “Aeroll! Nasa mall tayo!”


“So?” Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya. “Idi-disinfect lang kita.”


“What?” Ano na namang trip nito?


“Nakalapit sa’yo yung feeling model ng toothpaste na—”


“He’s Ash.”


“Whatever. Nakalapit sa’yo ang feeling model ng toothpaste na ‘yon kaya baka mahawa ka sa kaniya so idi-disinfect lang kita ng yakap ko.”


“Mas para kang baliw sa inyong dalawa.”


“Wala kong pake.”

Napangiti na lang siya. Kahit nahihiya na siya sa mga taong napapatingin sa kanilang dalawa. Nang may mahagip ang mga mata niya. Kumunot ang noo niya. Hunter? Kinurap niya ang mata niya at baka naghahalucinate lang siya. Pero si Hunter talaga ang nakikita niya. Napatingin din ito sa gawi niya. Inayos nito ang cap nito at nagmamadaling umalis. Anong ginagawa niya dito?

* * *

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^