CHAPTER 52
( Princess’
POV )
“Prinsesa.”
“Bakit?”
Hinawakan
nito ang balikat niya. “Tumingin ka sa dinaraanan mo.” Napakurap
siya. Mabubunggo na pala niya yung kotseng nananahimik na nakaparada dito sa
parking lot.
“Sorry.”
Iniharap
siya nito. Nakakunot ang noo nito. “Ano bang iniisip mo, hah? Kanina habang nanonood tayo ng
movie, wala naman yung atensyon mo sa pinapanood natin.”
“Wala.”
“Kung tungkol na naman ‘yan
kay Mr. Ferrer—”
“Hindi.”
Iniisip talaga niya kung anong ginagawa ni Hunter dito sa Bulacan. Hindi ba
dapat nasa trabaho ito. At sa Manila ‘yon. Hindi lang kasi maganda ang vibes
niya dito.
“Princess.” Napatingin
siya kay Aeroll ng iangat nito ang baba niya. “Simula ngayon, tigilan mo na ‘yang kaso ni
Mr. Ferrer. I’m serious.”
“Pero...”
“Sana pala hindi na lang
kita pinayagan na makipag-usap sa NBI agent na ‘yon kanina.”
“Aeroll naman...pagtatalunan
na naman ba natin ‘to? Sinabi ko na sa’yo diba? Gusto kong makatulong kay Kuya
Rod.”
“Wala ka namang nakuhang
sagot diba? Mas lalo ka lang na-curious sa kaso niya.”
“Dahil may something sa
aksidenteng ‘yon.”
Marahas
na napabuntong-hininga ito. “Kinakabahan ako sa’yo, eh.” Hinawakan nito
ang magkabilang pisngi niya. “Hindi mo ko laging kasama sa lahat ng oras. May trabaho ako.
Paano kung may masamang mangyari sa’yo dahil sa katigasan ng ulo mo habang
hindi mo ako kasama?”
“Nothing will happen to
me, Aeroll.”
“Kaya mag-promise ka
sakin na titigilan mo na ‘yang kaso ni Mr. Ferrer.”
“Aeroll...”
“Promise me.” madiing sabi nito.
“I...”
Parang ayaw niyang mag-promise. Pero tama ito, paano kung may masamang mangyari
sa kaniya? Idagdag pa ang itsura ngayon ni Aeroll. “I promise.”
“Good.”
Mukhang nakahinga ito ng maluwag. Pero gano’n pa rin ang mukha nito. Wala sa
mood.
“Ahm, Aeroll.”
“What?”
Ngayon
lang niya napansing hindi niya dala ang pinamili niyang grocery kanina.
Pinaiwan niya ‘yon sa baggage counter. “Yung pinamili
kong grocery, nakalimutan ko.”
“Ang lalim kasi ng
iniisip mo kanina pa. Ako na lang ang kukuha. Hintayin mo na lang ako sa kotse.”
“Pwede bang pakidaanan
na lang ako sa video city sa tapat nitong mall? May isosoli lang ako.”
“May video city naman
dito sa mall, ah.”
“Hindi ko naman dito
hiniram. Sa labas ako humiram.”
“Basta. Hintayin mo na
lang ako dito.” Tumalikod na ito.
“Ginagawa naman akong
bata.” bulong niya. Tinext na lang niya ito na daanan siya sa
video city sa harap lang ng mall. Dumeretso na siya do’n. Pero sarado naman.
“Ano ba ‘yan! Ang malas
naman! Dapat pala, hinintay ko na lang si Aeroll.”
Humalukipkip na lang siya at hinintay si Aeroll.
“Daddy, I want chocolate.”
“But baby, sasakit na naman ang tooth
mo.”
Napalingon
siya sa mag-ama malapit sa kaniya. Sa bandang likuran niya. Nagta-tantrums na
ang batang babae habang kausap ito ng ama nito.
“I don’t care! I want chocolate! Now!
Now!”
“Tomorrow na lang, baby.”
“I said now!”
Napailing
na lang siya. Grabe, ah. Hindi naman ako
ganyan nung maliit pa ko pag humihingi ako ng chocolate kay papa.
Itinutok
na lang niya ang atensyon niya sa kalsada.
“Okay. Bibilhan na kita. Hintayin mo
ko sa kotse. Baka kung anu-ano na namang ang ipabili mo sa loob.”
“Thanks, Dad!”
Napangiti
siya. Hindi rin natiis ang bata. Parang
ako, hindi rin ako natitiis ni papa kapag kinukulit ko siya no’n. Para lang
magulat dahil yung batang babae kanina patakbong tumawid ng kalsada. Yung hawak
kasi nitong bola, tumalbog papunta ng kalsada. Napalingon siya sa mga sasakyan.
Syete!
“Bata!”
Hinabol niya ito. Naabutan niya ito at nahawakan sa braso ng mapalingon siya sa
kaliwa niya. “Syete!”
May paparating na sasakyan! Malayo pa naman, pero heller! Sinenyasan niya ang
kotse na huminto ito pero bulag ata yung driver. Dere-deretso lang ito na
parang gusto silang sasagasaan.
Kinabahan
na siya. Nillingon niya ang bata na nakaupo at nakalingkis sa tuhod niya.
Umiiyak na ito. “Bata!
Masasagasaan na tayo!” Hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya. Ang
taba naman kasi nung bata. Hinila niya ito patayo ng may biglang bumuhat dito.
At hinila din siya. Napapikit na lang siya.
“Muntik na tayo do’n,
miss ganda. Gagong driver ‘yon, ah.”
Buo
pa siya? Hindi siya nabangga? Nakahinga siya ng maluwag. Idinilat niya ang mata
niya para lang magulat. “James?” Ngumiti ito. Nagkamali pala siya. “Justine pala.”
Kambal ang mga ito pero may kakaiba sa mga mata nito pag ngumingiti. Saka
ngayong nakita niya ang suot nito. Sigurado siyang si Justine ito.
“Ayoko talaga ng mga
bata.” Ibinaba nito ang batang babaeng iyak ng iyak. Saka
lang lumapit ang daddy nitong kalalabas lang ng convenience store.
“Baby, what happened?”
“Muntik ng matigok ang
anak mo. Sa’n ka ba kasi nagsu-susuot?”
“Justine.”
saway niya dito.
“Totoo naman, ah.”
Siya
na ang kumausap sa daddy ng bata. ”Tumawid po kasi ng kalsada ang anak ninyo. Hinabol niya
yung bola niya.”
“At niligtas ni miss
ganda.” singit ni Justine. “Kaya lang, napako ata yung mga paa sa
kalsada kaya muntik nang dalawa silang masagasaan. Buti na lang, on the rescue
si superman, I saved them.”
Kumunot
ang noo niya. Ano bang gustong palabasin nito?
“Maraming-maraming salamat sa inyong
dalawa.”
“Imbes na thank you,
bigyan mo na lang ako ng isang milyon.”
Napalingon siya kay Justine. Napatingin ito sa kaniya. Pinanlakihan niya ito ng
mata. Grabe naman ‘tong lalaking ‘to. Kinindatan
lang siya nito. “Of
course, I’m just kidding, sir.”
“Salamat uli.”
Umalis na ang mag-ama.
“Ikaw miss ganda, wala
ka bang balak mag-thank you because I saved you, too?” nakangiting
tanong nito.
“Thank you.”
“Your welcome, miss
ganda.”
“My name is Princess not
miss ganda.”
“Okay, miss ganda.” Isa ring makulit. Hinimas nito ang baba
nito. “That
car. Hindi na sana ko lalapit sa inyo dahil sinenyasan mo naman ang driver na
huminto, but when I saw na walang balak huminto yung kotse. I acted like a
superman on the rescue.”
Napansin
din niya kanina ‘yon. At hindi maganda ang kutob niya. Hindi naman bulag yung
driver para hindi sila makita.
“Balak ka atang patayin
no’n, eh.”
Nanlaki
ang mata niya sa sinabi nito. “What? P-papa...papatayin?”
“I’m just kidding.” natatawang sabi
nito.
“Be careful with your
words, Justine. Hindi nakakatuwa.”
“Relax, miss ganda.”
Saka
lang niya naalalang itanong kung bakit ito nandito. “Ano nga palang ginagawa mo dito?”
“I’m with my new girl.” Itinuro nito ang
babae di-kalayuan sa kanila. At ang sama ng tingin nito sa kanila. “She lives
here.”
“Lapitan mo na siya at
ang sama ng tingin niya satin. Thank you again for saving us.”
“Edi i-break niya ko,
marami pa namang iba dyan. Ikaw? Are you available? Oh! Girlfriend ka na nga
pala ni James. At walang talo-talo sa magkapatid lalo na at kambal pa kami.”
Hindi
na siya sumagot. Tiningnan lang niya ito. Magkaibang-magkaiba
talaga sila ni James.
“Justine!”
tawag ng girlfriend nito dito.
“Gotta go! Nga pala.
Malapit na ang birthday ni daddy.”
“I know.” Pupunta kaya ‘to? Okay na kaya sila ni
Tito Eric?
“Wag mo kong tingnan ng
ganyan. So, see you soon, miss ganda.” Kinindatan pa siya nito
bago nito tuluyang lapitan ang girlfriend nito.
Napailing
na lang siya bago humarap sa kalsada. “Ang tagal naman ni Aeroll.” Saktong namang
may pumarada na kotse sa harap niya. Sumungaw ang mukha ni Aeroll sa bintana ng
kotse. Magkasalubong ang kilay nito.
“Ang sabi ko hintayin mo
ko. Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo!”
“Nagtext ako sa’yo.”
“Hindi ko nabasa.”
“Kasalanan mo.”
“Princess.”
Pansin talaga niya pag naiinis na ito, Princess lang ang tawag sa kaniya.
“Sorry na.”
Bumaba ito ng kotse kaya akala niya anong gagawin nito sa kaniya ng umangat ng
kamay nito. Napapikit na lang siya. Hanggang sa maramdaman niya ang kamay nito
sa pisngi niya.
“Sumasakit ang ulo ko
sa’yo.”
Nakonsenya
tuloy siya. Kagagaling lang nito ng duty kanina. Syempre pagod ito tapos
magpapasaway lang siya. “Sorry na talaga.”
Napabuntong-hininga
ito. “Don’t
make me feel worried again. Okay?”
Tumango
siya.
“Let’s go.”
Pinagbuksan pa siya nito ng passenger seat. Pinikit agad niya ang mga mata niya
ng paandarin nito ang kotse. “Sino nga pala yung kausap mong lalaki kanina?”
Nakita
pa pala nito. “Naliligaw
lang.” Totoo namang naliligaw. Naligaw dito sa Bulacan. Hindi na
niya sinabing muntik ng may sumagasa sa kaniya. Mag-aalala na naman ito.
Sumakit
tuloy ang ulo niya ng maisip niya ‘yon. Masyadong maraming nangyari ngayong
araw.
Una,
nakipag-usap siya sa isang takas sa mental na feeling model ng toothpaste na
undercover agent na ‘yon. Na wala naman siyang napala.
Pangalawa,
muntik na siyang banggain ng bwisit na bulag na driver na ‘yon!
Pangatlo,
tinakot pa siya ng palikerong Justine na ‘yon na papatayin siya nung driver!
Pang-apat,
si Aeroll. Ayaw nitong makialam siya kaso ni Rod. Nag-promise na siya kaya
kailangang tuparin niya ‘yon. Pero...
Napadilat
siya ng may humilot sa sentido niya. Napalingon siya kay Aeroll. Nakangiti na
ito. “Headache,
too?”
Tumango
siya.
“Uminom ka ng gamot
mamaya.”
“Ikaw din.”
“Katabi ko na ang gamot
ko.”
Sa
kabila ng sakit ng ulo niya, napangiti siya.
WiiiEeeh ang sWeeT nuNg dLawa,,, sNa mtApos n yAng kAsO ni Rod,,,
ReplyDelete