CHAPTER
53
( Princess’
POV )
“Papa, gusto ko ng chocolate.”
“Naubos muna yung chocolate na binili
ko sa’yo.”
“Pero, papa. Gusto ko ng chocolate.
Bili tayo sa labas.”
“Gabi na, baby. Bukas na lang.”
“Pero papa gusto ko po ngayon. Saka
eight pa lang po. Maaga pa. Sige na po.” Kumapit pa siya sa
braso nito.
“Pero baby.”
“Please...”
“Sige na nga.”
Ginulo nito ang buhok niya.
“Thank you, papa.” Hinalikan
niya ito sa pisngi. “Mahal na mahal mo
talaga ko noh?”
“Yes, my princess.”
Nagmotor
sila ng papa niya. Nakasakay siya sa likuran nito habang nakayakap ng mahigpit
sa beywang nito. “Kumapit ka lang,
baby.”
“Opo!”
Kumakanta
pa sila ng papa niya ng may kung anong nakakasilaw na palapit sa kanila. Pinikit
niya ng mariin ang mata niya. Naramdaman na lang niyang may yumakap sa kaniya at
parang tumama sa kung saan ang katawan niya. Idinilat niya ang mga mata niya.
Mukha ng papa niya ang nakita niya. May dugo sa mukha nito. Hinawakan niya ang
mukha nito. Hindi siya makapagsalita.
Dumilat
ang mata ng papa niya. “O-okay ka lang,
ba...by?”
Tumango
siya kahit ramdam niyang may masakit sa kaniya. Biglang dumilim ang paligid. Pagdilat
niya ng mata, nakaharap na siya sa isang malaking salamin. Nakikita niya ang
reflection niya. Dalaga na siya. Tapos unti-unting naging batang babae. Batang
babaeng duguan. Siya ‘yon! Siya ang batang babaeng ‘yon!
“Wala kang ginawa...”
Wala kong ginawa? Gusto
niyang magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Hanggang sa
magbago ang reflection sa salamin. Ang
batang babae ay naging lalaki. Duguang lalaki. Ang papa niya!
“P-pa...”
“Tulungan mo ko, Princess...”
Unti-unting lumayo ang papa niya. Sinubukan niya itong habulin. “Tulungan mo ko...”
“Papa!”
Napabalikwas
siyang bangon. Habol niya ang paghinga niya. Nanginginig ang bibig niya pati
kamay niya. Pawis na pawis din siya. Ilang saglit muna ang pinalipas niya bago
tumayo mula sa sofa. Pumunta siya ng kusina at uminom ng malamig na tubig.
Nanghihinang sumandal siya sa ref.
“Napanaginipan ko na
naman ‘yon.”
Alam
niya kung bakit. THREE DAYS from now, 12th YEAR ANNIVERSARY na ng
papa niya. At tuwing malapit na ang death anniversary ng papa niya, lagi niyang
napapanaginipan ang eksenang ‘yon. Ang eksenang ‘yon na nangyari twelve years
ago. Laging gano’n ang napapanaginipan niya.
Pero
may kakaiba ngayon sa panaginip niya, ang eksenang ‘yon na nakaharap siya sa
salamin.
Bumalik
siya ng sala at umupo sa sofa. Kinuha niya ang sulat ni Aiza na nahulog sa
sahig. At muli ‘yong binasa.
Princess,
I’m sorry kung hindi na ko nakapagpaalam sa’yo. Alam ko namang maiintindihan mo
ko. Biglaan ang pangyayari kay Rod. Hindi ko matanggap na iniwan na niya ko ng
tuluyan. Pina-cremate ko agad ang labi niya para mapadali ang pagdala ko sa
kaniya sa States. Nando’n ang pamilya niya. Nando’n din ang pamilya ko.
Pinasara ko na ang case ni Rod. I need to accept na wala na talaga siya. I need
to move on, kahit masakit. Thanks for everything, Princess. Thanks for being a
little sister to me. I’m sorry kung nadamay ka sa gulong ‘to. Keep safe.
Love lots,
Ate Aiza
“Sorry for what, Ate
Aiza? Anong gulo ang sinasabi mo?” kausap niya sa sulat na
hawak niya.
Three
days na ang lumipas simula ng mamatay si Rod. At hanggang ngayon, hindi niya
maintindihan ang sinabi ni Aiza. Kaya paulit-ulit niya ‘yong binabasa.
Napahawak
siya sa ulo niya.
“Wala kang ginawa...”
“Tulungan mo ko...”
“Anong ibig sabihin ng
panaginip ko? Anong hindi ko ginawa? Anong tulong ang gusto ni papa?”
She sighed. “Naguguluhan
na ko.” Frustrated na sinabunutan niya ang buhok niya.
Napadako
ang tingin niya sa center table. Sa papel na nakapatong do’n. May pumasok sa
isip niya. Tumingin siya sa portrait ng papa niya na nakasabit sa dingding. “Do you want me
to find out the truth behind Kuya Rod’s death, papa? ‘Yon ba ang gusto mong
gawin ko?”
Pinikit
niya ng mariin ang mata niya. “Papa, just give me a sign. A sign na ‘yon nga ang gusto
mong gawin ko. Please.” Nakiramdam siya sa paligid niya. Hindi siya
natatakot kung magparamdam ang papa niya dahil gusto niyang magparamdam ito sa
kaniya. Ilang segundo ang lumipas na wala pa ring nangyari. Idinilat na niya
ang mata niya.
“Nababaliw na nga ko.”
Pagtingin niya sa center table, wala na do’n ang papel. Hinanap niya ‘yon at
nakita niya sa sahig. Kumunot ang noo niya. Wala namang hangin. Sarado ang
bintana. Nakapatay ang electric fan. Wala rin ang pusa niya. Paanong napunta
‘yon sa sahig?
Kukunin
na sana niya ang papel ng mapahinto siya. May maliit na libro sa ilalim no’n. “Check.”
Iyon lang ang nabasa niyang title ng libro dahil natatakpan ng papel ang ibang
part ng title.
Kinuha
niya ang papel. “Check
Your Grammar.” Iyon ang title ng libro. Sa papa niya ang libro na
‘yon kaya lumang-luma na. Pero hindi ‘yon ang umagaw ng atensyon niya kundi ang
nabasa niya bago niya alisin ang papel sa ibabaw ng libro.
“Check.”
Napatingin siya sa papel na hawak niya. Iyon ang sketch ng tattoo na drinowing
niya. Napangiti siya bago lingunin ang portrait ng papa niya. “Thanks for the
answer, papa. Alam ko na ang gagawin ko.”
Kapag
nalaman niya kung sino ang pumatay kay Rod, parang tinulungan na din niya ang
papa niya. Although, aksidente lang ang nangyari sa kanila twelve years ago.
Hindi rin niya alam kung aksidente din ang nangyari kay Rod o sinadya ‘yon.
Iyon ang aalamin niya. Mag-iingat na lang siya sa gagawin niya.
At
kapag nalaman niya, anong gagawin niya? Isusumbong sa pulis? Hindi rin niya
alam. Wala pa nga siyang ideya kung sa’n siya mag-uumpisa. Hindi siya pwedeng
humingi ng tulong sa iba. Wala siyang pwedeng pagkatiwalaan.
Pwede
niyang pagkatiwalaan si Aeroll. Pero hindi nito pwedeng malaman ang gagawin
niya. Wala ring alam ang bestfriend niyang si Cath sa ginagawa niya. At hindi
niya rin alam kung pwede niyang pagkatiwalaan ang may tililing na undercover
agent na ‘yon.
Mahihirapan
siya kung sa tattoo lang siya aasa. Para siyang naghahanap ng karayom sa gitna
ng bukid no’n.
Napangiti
siya ng may maisip siya. “Alam ko na.”
* * * * * * * *
( Author’s POV )
Tahimik ang gabi. Ang
tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga insekto sa paligid. Wala ka ng
makikitang tao. Maliban sa isang anino na parang gamay na umakyat sa gate ng
isang bahay. Balot na balot ito ng itim. Nagpalingon-lingon ito sa paligid. Tumingala
ito at tila naghanap ng pwedeng akyatan. Ngumiti ito ng makita ang isang
malaking puno na malapit sa veranda ng second floor ng bahay. Parang pusang
mabilis na nakaakyat ito sa malaking puno at naglambitin sa mga sanga para
makapunta sa veranda ng second floor. Ilang saglit lang ay nabuksan na nito ang
sliding door sa veranda at maingat na pumasok sa loob.
* * * * * * * *
( Princess’
POV )
Parang pusang mabilis na tumakbo siya sa bahay na
pakay niya habang nagtatago sa dilim. Malalim na ang gabi kaya sigurado siyang
walang pwedeng makakita sa kaniya. Isa pa, naka-over all black siya. Nang
makarating sa bahay, nagtago muna siya sa isang puno at nakiramdam. Pagkatapos
ay mabilis na umakyat ng gate ng bahay.
Sa
damuhan siya bumagsak kaya walang ingay. Nakatingkayad na nakiramdam siya sa
paligid niya. Nilibot niya ang tingin sa bahay. Two years pa lang na nakatira
dito ang mag-asawa. Sayang naman ang bahay. Walang ingay na naglakad papunta sa
back door ng bahay.
Napangiti
siya ng maisip ang ginagawa niya. Kinakabahan man siya, hindi pa rin mawala ang
excitement sa kaniya. Parang siya yung bida sa mga novel na sinusulat niya.
Nagsusulat din kasi siya ng romance stories with action. Yung mga agent and
spies ang tema. Never in her whole life na naimagine niyang gagawin niya ang
mga sinusulat niya.
Nakarating
na siya sa back door ng bahay at binuksan ang pintuan gamit ang hairpin na
kinuha niya sa buhok niya. Madalas niya kasing makalimutan ang susi niya sa
bahay kapag umaalis siya. Tinuruan siya ng classmate niya nung college kung
paano magbukas ng pintuan gamit ang hairpin o ID niya.
Napangiti
siya ng mabuksan niya ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumasok ng bahay. Madilim
sa loob. Kinuha niya ang mini flashlight niya sa bulsa at humakbang sa second
floor ng bahay. Tatlo ang alam niyang kwarto sa taas. Hindi niya lang sigurado
kung sa’n ang kwarto ng mag-asawa. Inisa-isang binuksan niya ang bawat kwarto.
Puro nakalock ang dalawa, maliban sa isa. Yung kwarto sa kanan.
Pumasok
siya sa loob para lang magulat sa nakita niya. Nakakalat ang mga gamit ng
ilibot niya ang flashlight na hawak niya.
“Anong nangyari dito?”
Kinabahan
siya. Humakbang siya paatras. Para lang mabangga sa isang matigas na bagay.
Teka lang! No! Tao ang nasa likod niya!
May
brasong pumaikot sa balikat niya. “Huwag
kang kikilos.”
Napalunok
siya. Nabitiwan niya ang flashlight niya. “S-sino ka?” Ito ba ang nanggulo ng mga gamit
sa kwartong ‘to?
“Teka! Babae ka?!”
Iniharap siya nito. Kumunot ang noo niya. Hindi niya ito makita sa dilim. Sa
ibang direksyon nakatapat ang liwanag ng flashlight niya. Saka parang
naka-bonnet din ito.
“Sino ka ba?”
ulit niya.
“I’m the one who should asked that.
Who are you? And what are you doing here?”
“B-bahay ko ‘to.”
“Ows?”
Kumunot
ang noo niya. His voice. It sounds familiar to her. Nagulat siya ng tanggalin
nito ang itim na mask na nakatakip sa ilong at bibig niya. Kasabay no’n ay may
liwanag na sumalubong sa mukha niya.
“Ikaw?!”
Lumuwag ang pagkakahawak nito sa balikat niya. Lumayo siya dito. Itinakip niya
ang mga kamay niya sa mukha niya. Kasabay ng pagkuha niya ng flash light niya
na nasa sahig. Itinapat din niya ang flash light sa mukha nito para lang
mainis. Dahil naka-bonnet nga talaga ang lalaki.
“Sino ka ba, hah?”
“Ang tapang mo talaga.”
Humakbang ito palapit sa kaniya.
Humakbang
siya paatras. “Wag
kang lalapit.”
“Hindi ka ba natatakot sakin?”
Hanggang sa isang hakbang na lang ang layo nito sa kaniya. Napalunok siya.
Naghanap siya ng pwedeng ipang-depensa dito. Pero wala siyang makapa sa drawer
na nasa likuran niya. Humakbang pa ito ng isa pa. “Kung ako sa’yo, hindi—aray!” Inapakan niya kasi ng pagkadiin-diin
ang paa nito. Napayuko ito. Saka siya nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pero
nahawakan nito ang paa niya bago pa siya makalabas.
“Ouch!” Nadapa
siya. Muntik nang mangudngod ang mukha niya sa sahig. Tumama lang ang baba
niya. “Bwisit
ka! Let go off me!” Pinagsisipa niya ito.
“Princess! It’s me!”
Napahinto
siya sa pagsipa dito. Kasabay ng pagtapat nito ng flash light sa mukha nito ang
pagtanggal ng bonnet nito.
Nanlaki
ang mata niya. “Ikaw?!”
iNteNse!!!! wALa na aq mSaBi at eXcited n aq kAya nXt chApter n aGad,,,
ReplyDelete