Sunday, March 17, 2013

Love at Second Sight : Chapter 54


CHAPTER 54

( Princess’ POV )

Hindi niya alam kung pagsisipain uli ang lalaki o ihahambalos ang hawak niyang flash light dito nang tuluyang tumambad sa kaniya ang pagmumukha nito. Pero hindi na niya initindi kung anong gagawin dito dahil mas nakahinga siya ng maluwag knowing na hindi ito masamang tao. Although, hindi naman talaga sure kung mabuti nga itong tao.


“Okay ka lang, Princess?” Tumihaya siya ng higa sa sahig at huminga ng malalim.


“Do you think I’m okay? Muntik mo na kong patayin sa nerbiyos.”


“Eh, ikaw? Muntik mo na kong pilayan sa sipa mo. Ang lakas mo, ah. Ang sakit ng braso ko sa’yo.”


“It’s your fault. Kung nagpakilala ka agad, hindi sana kita nabugbog ng sipa ko.”


“Ganito ba?” Tumikhim ito. “Hi, Princess! I’m Ash! Nice seeing you here! What are you doing here? Ito ba ang part time job mo? Member ka ba ng akyat bahay gang? Ako din, eh. Magkalaban pala tayo.”


“Sira ulo!”


“You shouldn’t talked to an NBI agent like that.”


“Yeah right. You’re a photographer, remember?” Bumangon siya sa pagkakahiga at nag-indian seat. “Pero sana sinabi mo ng ikaw ‘yan, hindi yung tinakot mo pa ko.”


“Alam mo hindi kita maintindihan. Ang tapang mong pasukin ang bahay na ‘to tapos matatakot kang may ibang tao dito.”


Saglit siyang natahimik sa sinabi nito. “I don’t know na may ibang tao din dito.” Nilingon niya ito. Nakikita niya ang mukha nito dahil nakatapat sa kanila ang liwanag ng flash light. “Teka, ikaw ba ang may gawa niyan?” sabay turo sa mga nagulong gamit.


“Hindi ako. Marunong ako magligpit ng kalat ko kapag nagkakalat ako. Baka ikaw.”


“Mas lalong hindi ako.” Kumunot ang noo ko. “Eh, sino?”


Nagkibit-balikat ito. “I don’t know.”


“Hindi kaya yung—”


“Ninakawan siguro ang bahay na ‘to.” Habang nililibot nito ang tingin sa kwarto.


“Sa tingin mo?”


“Maybe.” Nilingon siya nito. “Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito?”


“Naghahanap ako ng clue. Eh, ikaw?”


“Same.”


“May nahanap ka?”


“Ba’t gusto mong malaman?”


“Masama bang magtanong?” pagtataray niya.


“Alam mo ang tapang mo talaga. Pero sana bago ka gumawa ng mga bagay, think twice, iha.”


“I think thrice.”


“Mukhang hindi.” Humikab ito at humiga sa sahig.


Tumayo naman siya at nagsimulang maghalughog uli sa kwarto. Fifiteen minutes na ang nakakalipas pero wala siyang makita ni kahit anong clue. Ito ang mahirap, eh. Naghahanap siya ng clue na hindi naman niya alam kung anong clue ang dapat niyang hanapin.


“Ash?” Hindi ito sumagot kaya tinapat ko ang flash light sa mukha niya.


“Hey! Nasisilaw ako, ah.”


“Edi sumagot ka din. Wala ka ba talagang nakuhang clue dito?”


“Wala ka bang nalaman tungkol sa lalaking may tattoo na sinasabi mo?”


“Ang ganda mong kausap.”


“Wrong grammar ka, iha.”


“Wrong grammar?”


“Yes. Instead of ang ganda kong kausap, dapat ang gwapo kong kausap.”


“Paano naging wrong grammar ‘yon?”


“Dahil sinabi ko.”


“Ewan ko sa’yo.” Tinalikuran ko na siya.


“Close the door when you leave.” utos pa nito.


Nilingon niya ito. “Balak mo bang matulog dito?”


“Yes. Maghahalughog pa ko bukas ng umaga. Madilim ngayon at inaantok na ko.”


“Alam mo, sa lahat ng NBI agent, ikaw ang pinakatamad.”


“I know. Nagka-award kaya ako dyan. Gusto mong makita?”


“No, thanks.”


Sumaludo pa ito sa kaniya bago tuluyang pinikit ang mga mata nito. Napapailing na lumabas na lang siya ng kwarto at iniwan ito. Napahawak siya sa baba niya. May nakapa siyang gasgas. “Nagkasugat pa ata ko.”


Ang malas naman niya. Wala na nga siyang nakitang clue. Nagkasugat pa siya.


* * * * * * * *


“Bhest!” Napalingon siya sa likuran niya. Nakita niya si Cath sakay ng bike nito. “Anong ginagawa mo dyan?” Nasa tapat kasi siya ng bahay nila Aiza.


“Wala. May tinitingnan lang ako.” Lumapit siya dito.


“Hindi ka ba natatakot?”


“Saan?”


“Dyan sa bahay nila Ate Aiza.”


Kumunot ang noo niya. “Bakit naman ako matatakot sa bahay nila?” Nakapasok nga siya kagabi sa bahay, eh.


“Alam mo bang balita kanina na nakita ni Aling Lucing na gumalaw ang kurtina sa kwarto nila Ate Aiza at may nakita siyang anino.” Impit na napatili pa ito. “Tara na nga! Kinilabutan ako dito!”


“Alam ko kung sino ‘yong nakita ni Aling Lucing.”


“Sino?”


“Si—”


“Aaaaaaaahhhhhhhh!”


“Ano bang tinitili mo dyan?”


“Wag mo nga kong takutin!”


“Ang laki-laki mo na, natatakot ka pa din sa multo.”


“Ah! Basta!”


“Ayaw mo bang malaman kung sino—”


“Ayaw! Dyan ka na nga!” Mabilis itong nag-bike palayo at iniwan siya.


Napangiti na lang siya habang nakasunod ang tingin dito. Kailan ba mawawala ang takot niya sa multo? Binalik niya ang tingin sa bahay. Mukhang simula ngayong araw na ‘to, iisipin ng mga taong may multo dito.


Nakita niyang gumalaw ang kurtina sa second floor ng bahay. May kung sinong sumilip do’n. Kumaway pa sa kaniya ang taong ‘yon. Talagang tinotoo nito na aabutin ito ng umaga sa bahay.


“Ito ba ang multong sinasabi nila?”


Napapailing na bumalik siya ng bahay niya at nilabas ang kotse niya. May pupuntahan siyang mahalagang importante. Baka sakaling may mahanap siyang clue do’n.


* * * * * * * *


Toyie Toyie.


Hindi niya mapigilang mapangiti ng mabasa ang pangalan ng toy store na nasa harap niya. Dito nagta-trabaho si Rod bilang manager. Dalawang floor ang Toyie Toyie.


Inilibot niya ang tingin sa labas. Kumunot ang noo niya. Habang papunta kasi siya dito, pansin niyang parang pamilyar sa kaniya ang lugar. Parang nakapunta na siya dito. Nang hindi naman niya matandaan kung nakapunta na ba talaga siya dito o ano, pumasok na lang siya sa loob.


“Goodmorning, ma’am!”


“Goodmorning!” Nag-ikot-ikot siya sa loob. May kinuha siyang isang stuff toy. “Is this your own craft o kinukuha ninyo pa sa ibang bansa?” tanong niya sa isang sales lady.


“Our own, ma’am.”


“Ang ganda, hah. Mukha magugustuhan ‘to ng inaanak ko.” Naglibot pa siya sa second floor ng store.


“Sayang. Namatay si Sir Rod.”


Napahinto siya sa paghakbang ng marinig niya ang pangalan ni Rod. Pasimple siyang lumapit sa dalawang sales lady na nag-uusap na hindi mapapansin ng mga ito.


“Oo nga, eh. Ang bait pa naman niya.”


“Wala na tuloy tayong gwapong manager. Ang sungit pa nung pumalit.”


“Hindi man lang tayo nakadalaw sa burol niya.”


“Paano mangyayari ‘yon kung pinaka-crimate ng asawa niya ang labi ni Sir at dinala agad sa ibang bansa.”


“Mukhang hindi natanggap ng asawa niya kaya hindi na pinagluksa.”


“Kung sino man ang nag-hit and run sa kaniya, makarma sana ang taong ‘yon!”


“Tama ka! May konsensya pa kaya ‘yon? Mukhang wala na.”


“Tapos nagkataon pang nakasagutan niya si Sir Alex ng araw na ‘yon.”


“Kaya pala ng malaman ni Sir Alex na namatay si Sir Rod. Mas lalo siyang naging bugnutin.”


Kumunot ang niya. Sino ang Alex na tinutukoy nila?


“Nagtaka ka pa. Malamang nakonsensya siya na inaway niya si Sir Rod.”


“May konsensya ba ‘yon?”


 “Ladies!” Natahimik ang dalawang babaeng nag-uusap ng may sumaway sa mga ito. “Hindi ba’t pinagbawal na ang pagbabanggit ng kahit na ano tungkol do’n?” Base sa suot ng lalaki, ito siguro ang bagong manager.


“Y-yes, sir.”


Parang gusto niyang magreklamo dahil naputol ang pagtsitsismisan ng dalawa. Pero kahit gano’n, at least may nakuha siyang info. Ang Alex na ‘yon at ang pagbabawal na pag-usapan ang topic na ‘yon. Bakit kaya pinagbawal? She smell something fishy.


“Ma’am.” Yung manager ang nalingunan niya.


“Hah?”


“Okay lang po kayo?”


“Oo naman. Bakit?” Itinuro nito ang stuff toy na hawak niya. At kagat-kagat niya! “Sorry. Bibilhin ko ‘to.” nakangiting sabi niya. “Mero’n pa kong napili sa first floor. Ang gaganda ng stuff toy ninyo dito.”


“Thank you, ma’am.”


Bumaba siya ng first floor at kinuha ang stuff toy na nagustuhan niya kanina. At nagbayad sa counter.


“Come again, ma’am.” Inabot niya ang paper bag kung sa’n nakalagay ang binili niyang dalawang stuff toy.


“Thank you.” Inilagay niya ang wallet niya sa bag niya habang naglalakad palabas ng toy store. Nang biglang... “Ay!” May bumangga sa kaniya. Nabitiwan niya tuloy ang bag niya. Nagkalat sa sahig ang laman no’n. Handa na sana niyang sermunan ang bumangga sa kaniya kung hindi lang niya nakitang may katandaan na ang lalaki. Nasa early fifties na siguro ang ito.


“Sorry, iha.” Tinulungan siya nitong kunin ang mga gamit niya.


“Okay lang po. Kasalanan ko naman.” Naibalik na niya ang gamit sa bag niya. “Thank you po.” Nang tingnan niya ito ay nakakunot ang noo nito habang hawak ang ID niya.


“Princess Lardizabal?”


“Bakit po?”


Tiningnan siya nito. “Are you somehow related to Henry Lardizabal?”


Nagtaka siya ng makilala nito ang papa niya. Hindi naman niya matandaang kilala niya ito. “Father ko po siya.”


Ngumiti ito bago iabot ang ID sa kaniya. “I’m Fred Agoncillo. Kaibigan ako ng papa mo.”


“Paanong...”


“Twelve years ago. Hindi mo ba ako natatandaan, iha?”


Umiling siya. “Pasensya na po, pero hindi po.” Sino ba kasi ‘to?


“Remember nung bata ka pa, madalas kang dalhin ng papa mo sa isang toy factory? At may isang lalaking madalas kang bigyan ng stuff toy.”


Napangiti siya. Paano niya malilimutan ang mga araw na ‘yon? Madalas siyang dalhin ng papa niya sa toy factory kung sa’n ito nagta-trabaho. Pero ang hindi na niya matandaan ay ang mukha ng lalaking ‘yon na nagbibigay sa kaniya ng stuff toy. Ito ang lalaking ‘yon?


“Mukhang natatandaan mo na, iha,”


“Medyo po. Hindi ko lang po matandaan ang mukha ninyo no’n.“


“I understand. Twelve years is twelve years. Madami ng nagbago. Tumanda na din ako.” natatawang sabi nito.


Nginitian lang niya ito.


May lumapit na babae sa kanila. “Excuse me, Sir Fred.”


“Yes?”


“Kailangan po kayo sa factory. Kailangan daw po kayong makausap ni Sir Alex.”


Kumunot ang noo. Factory? Nandito lang din ‘yon? Sa’n? Kaya pala pamilyar sa kaniya ang lugar na ‘to. Ang dami na kasing nagbago sa paligid. Pero ang hindi nakalagpas sa pandinig niya ay ang pangalan na sinabi nito. Alex. Kailangan kong makita ang Alex na ‘yon.


“Okay. Susunod na ko.” Binalingan siya nito. “Iha, why don’t you come back here? Gusto mo bang ilibot kita sa toy factory? Para naman magkamustahan tayo?”


“Okay lang po ba?” I need to see that Alex.


“Okay lang, iha.”


“Sige po.”


Nagpaalam ito sa kaniya. Lumabas na rin siya ng toy store at dumeretso ng kotse niya. Napangiti siya habang nagda-drive. Mukhang may mapapala ako sa pagpunta ko dito. Mahigit isang oras ang layo ng Toyie Toyie sa kanila. Pero kahit gano’n, okay na rin. At least may napala siya.


Malapit na siya sa subdivision nila ng tumirik ang kotse niya. Sinubukan niyang i-start pero ayaw talaga. “Shit!” Inis na bumaba siya ng kotse. Sinipa niya ang gulong. Nagpameywang siya habang masama ang tingin sa kotse niya. Buti na lang at nandito na siya sa tapat ng subdivision nila.


Nang bigla siyang mapalingon sa kanan niya ng marinig niya ang tunog ng paparating na kotse. Nanlaki ang mata niya. Kasabay ng pag-iwas niya ay ang mabilis na pagdaan nito sa gilid niya. Sa mismong gilid niya na kung hindi siya nakaiwas, malamang, nahagip na siya. Natalisod pa siya at napaupo sa kalsada.


Hawak niya ang dibdib habang nakasunod ang tingin sa kotseng mabilis pa rin ang pagpapatakbo papalayo.


“Ma’am Princess, okay lang po kayo?” May nakalapit na guard sa kaniya. Guard ng subdivision nila. Mukhang nakita nito ang nangyari sa kaniya.


“O-okay lang.” Tinulungan siya nitong tumayo. Pinagpag niya ang pants niya. “Mukhang bulag yung driver at hindi ako nakita.” pagbibiro niya.


Pero sa loob niya, Pangalawa na ‘to. Coincidence ba ‘to o ano?

* * *
Check out my one shot, HACKING YOUR HEART click here!


SIS AEGYO, nilagyan ko na ng link ng next chapter na pinost ko naun, itong LaSS, FYH at OY, don lang sa list of chapters ndi ko pa nalalagay, wala kong access don eh, salamat! :)


2 comments:

  1. sabi ko na nga ba.. hottie ung undercover agent eh!!.. hahaha.. something smells very stinky. . .

    so,ala detective conan pala ang peg ni princess ngayon.. ay! award ka teh!..

    ReplyDelete
  2. iKaw aSh,,, aNg piLosoPo mo tLgaNg kAusAp,,, paSaLaMat k tLga pOgi k hA,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^