Sunday, March 17, 2013

Following Your Heart : Chapter 25


CHAPTER 25

( Shanea’s POV )

Hindi mawala-wala ang tingin niya kay Jed. Anong ginagawa niya dito? At sino ang babaeng kasama niya? At ang mukha niya, bakit parang pamilyar sa kaniya?



“Ate Iya.”


Napalingon siya kay Hiro. “Siya ang ate mo?” Sabay tingin sa ate nito.


“Hi. I’m Sofia.” Inilahad nito ang kamay nito sa kaniya. “Finally, I met you. Madalas kang i-kwento sakin ni Hiro.”


“Sofia.” ulit niya sa pangalan na sinabi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Sofia at kay Jed. Isa lang ang kilala niyang Sofia, ang babaeng sinundan ni Jed sa America. Ang babaeng mahal ni Jed.


“Shasha.” Kinalabit siya ni Hiro.


“Hah?” Saka lang niya napansing nalakahad pala ang kamay ni Sofia sa kaniya. “S-sorry.” Tinanggap niya ang palad nito. “I’m Shanea. Nice to meet you, Sofia.” Parang hindi niya kayang tawaging ate din ito. Ngumiti ito. Gumanti din siya ng ngiti.


“By the way, this is Jed.” Humawak ito sa braso ni Jed.


“We already know him, Ate Iya.”


Halatang nagulat si Sofia. “Talaga, Hiro? How?” Tiningnan nito sa Jed. “Hindi mo sinabing kilala mo ang kapatid ko.”


Nawala ang kunot sa noo ni Jed ng tingnan nito si Sofia. “Hindi ka nagtanong.”


Kumunot ang noo niya. Alam ni Jed na magkapatid si Sofia at Hiro? Kailan pa?


“Kasalanan ko pala.”


Iniwas niya ang tingin sa dalawa. They looked perfectly together.


“Why don’t you come inside, Ate Iya, saka tayo magkwentuhan? Halos kararating lang din namin nila Shasha, eh.”


Nginitian siya ni Sofia bago nito akayin si Jed na parang hindi siya kilala ng dumaan ito sa gilid niya. “This would be fun, right, Jed? Magkakakilala na pala kayo.”


Pinikit niya ng mariin ang mata niya. Ang liit talaga ng mundo. Sa dami ng Sofia na pwedeng maging kapatid ni Hiro ay si Sofia pa ni Jed. Pero technically, step sister lang ni Hiro si Sofia. One year ago ng mag-asawa uli ang daddy ni Hiro. At ‘yon ay ang mommy ni Sofia. Bakit ba kasi hindi niya man lang inalam ang itsura ng Ate Iya ni Hiro?


“Shasha.” Nilingon niya si Hiro. “Si Ate Iya ba ang Sofia na tinutukoy mo no’n?”


Tumango siya.


“Hindi ko alam.”


“Okay lang ‘yon noh. Hindi ko din naman kasi alam ang itsura ng Ate Iya mo. Ang ganda niya, hah.”


“Hindi ko alam na kilala ni Ate si Jed. Hindi naman nagkukuwento si Ate Iya sakin.”


“Okay lang ‘yon. Matagal ng nangyari ‘yon. Besides wala silang alam sa feelings ko no’n. Nagulat lang ako. Saka hindi na big deal sakin ‘yon. Past is past, right?” Nginitian niya ito. Pero deep inside, bakit naman ganito Papa God?Ang laki ng mundo, bakit nagkita-kita pa po kami dito?


Ginulo nito ang buhok niya. “Magluluto ako ng masarap ngayon.”


“Gusto ko ‘yan!”


* * * * * * * *


“Sa’n ninyo gustong pumunta after nating kumain?” tanong ni Hiro.


“Burnham park, Sir.”


“Minesview, Sir.”


“Ikaw, Nads? Sa’n mo gustong pumunta?”


“Kahit saan, Sir.”


“Ikaw, Shasha?”


“Hulaan mo.”


“Hmmm... Sa maraming straw?”


“At maraming berry.”


“Strawberry field!” sabay nilang sabi. Nagtawanan sila na parang sila lang ang nagkakaintindihan.


“You two looked good together.” Napalingon siya kay Sofia. He tried her best na hindi tumingin sa katabi nitong si Jed. Pero hindi talaga niya maiwasan. Tahimik lang itong kumakain. “Shasha—“


“It’s Shanea, Ate Iya. Ako lang ang may karapatang tawagin siyang Shasha.” singit nito Hiro.


Ngumiti lang si Sofia. “Shanea it is. Jed told me na pinsan ka ni Aeroll? Ang liit talaga ng mundo. Kamusta na siya?”


Sa halip na sagutin ang tanong nito, naging abala ang isip niya sa pag-aanalyze ng boses nito at ng itsura nito. Soft spoken ito magsalita, unlike her. Mahinhin ito kumilos, unlike her. Mukhang hindi ito matakaw, unlike her. Maganda ito, cute lang siya. Mabait ito, unlike her. Ehem! Mabait din naman siya, hah. Pero gano’n pa rin, totally opposite silang dalawa. Kaya siguro siya nagustuhan ni Jed.


May tumapik sa kamay niya. “Shasha. Kinakausap ka ni Ate Iya.”


Napakurap siya ng mata. Naglalakbay na naman ang isip niya. Nag-peace sign siya. “Sorry. Iniisip ko pa kasi kung anong sasabihin ko tungkol kay Aeroll. Kung ilalaglag ko ba siya o hindi. But he’s okay. He’s finally inlove by the way.”


“Inlove si Aeroll?” Nilingon nito si Jed. “Is that true, Jed? Inlove ang playboy mong bestfriend?”


Umangat ang tingin nito sa kaniya. “Yes. He is.”


She cleared her throat. Ibinaling niya ang tingin sa ulam na nasa mesa. “A-ang sarap naman nitong hipon.” Akmang kukuha siya may pumigil sa kaniya.  Pag-angat niya ng tingin, pigil ni Hiro ang kamay niya. Hindi lang nito, pati ni Jed.


“Bawal sa’yo ‘yan.”


“May allergy ka dyan.”


Sabay na sabi ng dalawa. Nagkatinginan pa ang mga ito. Tumikhim siya at binawi ang kamay na hawak ng mga ito.


“Nakalimutan ko. Ang sarap kasi, eh.”


“Hindi mo dapat kinakalimutan ang bagay na ‘yon.” seryosong sabi ni Jed. Nagsimula na uli itong kumain.


“Looks like you two were close.”


Napatingin siya kay Sofia. “Ahm...”


“Sort of.” sagot ni Jed.


Sort of? Sort of? Sort of?


“Shasha, ito na lang na okra na niluto ko ang kainin mo. Dapat pala hindi na ko nagluto ng hipon, kaya lang favorite ni Ate Iya ‘yan, eh.”


“Okay lang, Hiro. Favorite ko din ‘yang hipon, eh. Sa isip nga lang. Kung may gamot lang ako na dala dito, kumain na ko niyan.”


Nakakunot ang noo ni Jed ng mapatingin siya dito. Bakit na naman? Galit pa rin ba ito hanggang ngayon sa kaniya?


“Kaya eto na lang okra ang kainin mo.” Akmang bibigyan siya nito ng...


“Hindi siya kumakain ng okra.”


Halos lahat ata silang nasa mesa ay napatingin kay Jed.


“What?” nakakunot-noong tanong nito.


“Kumakain siya ng okra. Favorite kaya niya ‘yan.” kontra ni Hiro. “Right, Shasha?”


“Ah..eh...” Ang alam kasi ni Jed dati, hindi siya kumakain ng okra. Isa kasi siyang gaya-gaya dito. Hindi kasi ‘to kumakain ng okra kaya ginaya din niya. “Kumakain na ko ng okra ngayon.” Iyon ang sinagot niya dahil mas safe ‘yon.


Mas lalong kumunot ang noo ni Jed. “Hindi ba dati, ayaw na ayaw...” He suddenly stopped. “Never mind.” Nagsimula na uli itong kumain. Gano’n din ang iba na parang walang nangyari expect sa dalawa.


Si Hiro na nakatingin kay Jed.


Si Sofia na nakatingin sa kaniya.


Nginitian niya ito sabay pasimpleng siniko si Hiro. “Pengeng okra. Damihan mo, ah. Favorite ko ‘yan, eh.”


Kumunot ang noo niya ng mapansin niya ang magkasalubong na kilay ni Jed. Galit pa rin siya sakin.


* * * * * * * *

( Jed’s POV )

“Ang lalim na naman ang iniisip mo, Jed.” Hindi niya inalis ang tingin niya sa mga halaman.


“Aalis na ba tayo?” Sa halip ay tanong niya.


“Yes. Hintayin lang natin sila.” Kumapit ito sa braso niya. Sanay na siya sa gesture nitong gano’n. “What are you thinking?”


“Nothing.”


Silence.


“Ga’no kayo ka-close ni Shanea?” maya-maya ay tanong nito.


“Nagseselos ka?”


“Napansin ko lang kanina. Mukhang ang dami mong alam sa kaniya.”


“Pinsan siya ng bestfriend ko.”


“I know. Pero—” Napahinto ito at napahawak sa ulo nito.


“Sofia, are you okay?” Inalalayan niya itong makaupo sa swing na nando’n. Tumabi siya dito.


“Sumakit lang ang ulo ko.” Sinandal nito ang ulo nito sa balikat niya.


“Wag ka na kayang sumama.”


“I’m fine.”


“Uminom ka ba ng gamot?”


“Yes.” Tumahimik na ito kaya tumahimik na din siya. “Jed?”


“Hmmm...”


“If only I didn’t went to States after highschool. Ano kaya tayo ngayon?”


“Sofia.”


“What if lang naman.”


“I don’t know.”


Si Sofia ang first love niya. His first girlfriend. Napag-usapan nila na sa same university sila mag-aaral after highschool. Marami silang pangarap no’n. Na tutuparin nila ng magkasama. But were all chattered ng sabihin nitong sa States ito mag-aaral. Nakipag-break ito sa kaniya because she wanted to focus on her studies. Hindi siya pumayag. Natuloy ito sa States. Open pa rin ang communication nila. Pero habang tumatagal, naging minsan na lang hanggang sa tuluyang maputol ang communication nila.


One year ago. He accidentally saw her in France ng pumunta siya do’n. Do’n na pala ito nakatira. Nalaman din niyang nag-asawa na uli ang mommy nito. At ‘yon ay ang daddy ni Hiro.


He already saw Hiro, only in picture ng minsang dumalaw siya sa bahay ni Sofia sa France. And before he went back here in the Philippines after staying for almost three years in America, sinabi ni Sofia na uuwi din ito.


And here they are.


Nagkagulatan pa sila kanina. O mas tamang sabihin ang mga ito lang.


Expected na niyang makikita niya si Hiro at Shanea dito dahil nabanggit sa kaniya ni Sofia na ininvite nito ang kapatid nito.


Nang unang makita niya si Hiro sa port ng Batangas pag uwi nila from vacation, nagulat pa siya na ito ang step brother ni Sofia. Hindi na siya nagtaka kung hindi siya nito kilala. Hindi naman kasi pala-kwento si Sofia kaya malamang, hindi siya nito nakwento sa step brother nito.


Hindi niya alam kung tama ba na sumama siya dito o hindi. Lalo na sa nangyari kanina habang kumakain sila.


“Sofia!”


Unti-unti siyang lumingon sa likuran niya. Nakita niya si Shanea na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Sofia. Nagtama ang mga mata nila. “S-sorry. Naistorbo ko ata kayo.” Umiwas ito ng tingin sa kaniya.


Umayos ng upo si Sofia. “It’s okay, Shanea. Aalis na ba tayo?”


“Oo.” Iyon lang at nagmamadali na itong umalis.


He sighed. Galit pa rin siya sakin.


* * *

1 comment:

  1. haha.. wa epek si jed.. go hiro beybe!..

    naku,ang layo pala ni sofia sa kanya.. parang world's apart.. hirap pantayan yan gurl!.. hehe.. pero mas prettyful ka pa rin..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^