CHAPTER 2
( ZELINN IYA YU’s POV )
“Ate, ingat ka po.”
Kinurot niya ang pisngi ni Molly. “You’re so kulit! I said don’t call me
ate!” Ito yung teenager na naglinis ng kwarto niya na anak ni Aling Polly
(ang landlady) na halatang mag-ina dahil sa pangalan ng mga ito.
“Ate naman—aray!” Pinisil niya pati ang kabilang
pisngi nito.
“Kain ka na, Zelinn.” aya sa kaniya ni Aling Polly.
“Nanay, kahit alukin
mo po ‘yang si ate. Hindi ‘yan kakain dito.”
Inirapan niya lang ito. At walang paalam na lumabas ng
apartment. Sa labas siya laging kumakain ng dinner at isang linggo na niyang
ginagawa ‘yon.
At isang linggo na ding pahirap sa kaniya ang pagtira
sa apartment.
Isang linggo na siyang walang tulog dahil hindi siya
sanay sa matigas na kutson. Pagod na nga siya sa trabaho, wala pa siyang tulog.
Kaya ang nangyari, hindi siya nakapasok kanina dahil masama ang pakiramdam
niya. Pinilit na lang niyang matulog kanina.
Unahan pa sa pag-gamit ng rest room dahil may mga ibang
tenants din sa apartment. Kaya ang ginagawa niya, sa Shahiro siya naliligo
tuwing umaga. Saka parang hindi niya kayang maligo ng makita niya ang banyo
dito sa apartment. Kadiri!
Pati ang paglalaba. Never in her whole life na naglaba
siya. KAHIT NA ANONG HOUSEHOLD CHORES, WALA SIYANG ALAM! Kaya ang lahat ng
damit niyang nasuot na niya ay nakalagay sa isang plastic bag na malaki.
Ipapa-laundry na lang niya ‘yon kapag natanggap na niya ang sahod niya. At
bukas na ‘yon.
=
= = = = = = =
“Bakit hindi ka
pumasok kahapon, Zell?”
bungad agad sa kaniya ng pinsan niyang si Hiro pagbukas nito ng locker room.
Mas matanda siya dito ng apat na taon. Ito ang ubod ng kulit niyang pinsan na
nung nagsabog siguro ng kakulitan sa earth ay sinalo nitong lahat pati ng
bestfriend nitong business partner nito dito sa Shahiro. Zell ang tawag nito sa
kaniya dahil mahilig itong magbigay ng sarili nitong nickname sa mga malalapit
dito.
“Tinatamad ako.”
“Tinatamad din akong
pa-swelduhin ka mamaya.”
“Hiro!”
“Joke lang, ate!”
“Hiro!”
“Ate naman talaga
kita diba?”
“Can you please get
out?”
“Whoah! I’m your
boss here, remember?”
“Hindi pa oras ng
trabaho ko, okay. Out!”
“May restroom naman
siguro sa apartment na tinutuluyan mo diba? Bakit dito ka pa naliligo?”
“Gusto ko dito.”
“Bakit?” Ang kulit!
“Because I don’t
want to. Period.”
“May period ka?”
Tiningnan niya ito ng masama. Kinuha niya ang towel na
ginamit niya at hinagis dito. Sakto namang nagbukas ang pintuan na sinabayan ng
iwas ni Hiro kaya sa mukha ng taong pumasok nag-landing ang basang towel niya.
“Hala! Lagot ka, Ate
Zell!” pananakot
nito.
“I don’t care.”
“Makaalis na nga.
Susunduin ko pa sa airport si Ate.” Natatawang lumabas ito.
Nang may humarang sa mukha niya. Mali. May bumagsak na
towel sa mukha niya. “Ano ba!” Inis na tinanggal niya ang towel sa
ulo niya.
“Sa’yo ‘yan.
Binabalik ko lang.”
Lumapit ito sa locker nito.
“Look what you
did?!”
Itinuro niya ang buhok niyang nagulo dahil sa towel na hinagis nito.
“Hinagis mo sakin
‘yan kaya hinagis ko din pabalik sa’yo.”
Humalukipkip siya. Nakakainis
talaga ‘tong lalaking ‘to kahit kailan! Inis na nga ko, tapos siya parang wala
lang. Kay mas lalo akong naiinis, eh.
“Anong
tinitingin-tingin mo dyan?”
sita nito. “Magbibihis
ako kaya pwede bang lumabas ka na.”
“As if I want to see
your—” Inubo
siya bigla. Hindi pa okay ang pakiramdam niya pero pumasok pa din siya. Araw
kasi ng sweldo ngayon, eh. Kung hindi lang siya susuweldo, hindi siya papasok.
“Lumayo ka nga. Baka
mahawa pa ko sa’yo.”
“You’re so nakakabwisit!” Inis na lumabas siya ng locker
room.
“Ano ba naman ‘yan!
Ang daming kalat! Kababaeng tao, hindi marunong maglinis!” Narinig pa niyang sabi nito na
para talagang pinarinig sa kaniya. Inis na sinipa niya ang pintuan bago
nagmartsa palayo.
Sino ang lalaking ‘yon?
That’s KERBIN VINCENT ROBLES JR. aka KEVIN.
The most INSENSITIVE man on earth. Sarili lang ata nito
ang iniitindi nito. MASUNGIT! PILOSOPO! Parang sundalo sa KAISTRIKTUHAN!
Nakakainis!
Ito ang CHEF ng Shahiro. Sa isang buwan na nakasama
niya ito sa trabaho, wala na itong ginawa kundi hanapan siya ng mali sa mga
ginagawa niya. Kesyo mali ito, mali ‘yan. Dapat ganito. Dapat gano’n. Dapat
ganyan.
Gusto ninyo bang malaman kung gaano na niya ito katagal
na kakilala? Simula pagkabata, magkakilala na sila. Matalik na magkaibigan kasi
ang mga ama nila. But they’re not close! Dahil simula pagkabata, para na silang
aso’t pusa. Ibang version nga lang. Siya ang pusang handa ng mangalmot, samantalang ito, parang asong
duwag na lumalaban.
Ang gulo noh? Ganito na lang, kung siya naka-high pitch
na ang boses sa pakikipagsagutan dito, si Kevin naman cool lang na parang hindi
man lang napapansin na inis na inis na siya. Pwera na lang kung makakagawa siya
ng mali, saka lang ito nagsusungit. Bwisit talaga!
=
= = = = = = =
“What’s your order,
ma’am?”
Iyon ang mga salitang kahit nakapikit siya o maski
tulog siya, kaya niyang sabihin. Nung una, hirap na hirap pa siyang banggitin
‘yon pero ngayon, medyo nakasanayan na niya. Wag lang talaga siyang matapat sa
mga atribidang costumer kundi lalabas ang pagkamataray niya.
Nang masabi ng costumer ang order nito ay dumeretso
siya sa kitchen. “Hey!” Napalingon sa kaniya si Kevin at ang assistant
nitong si Jeff.
“What are you doing
here?”
nakakunot-noong tanong ni Kevin.
She waved the paper kung sa’n niya sinulat ang order
kanina.
“You know my rules,
right? Ayoko ng may labas pasok sa kitchen ko. Kaya nga nandyan si Mike sa
labas para siya ang magbigay sakin ng mga order.”
Rules na naman! Sumasakit lalo ang ulo niya sa bwisit
na salita na ‘yan! “Whatever! I don’t care about your freaking rules here.”
Sumama ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Pag
pinag-uusapan ang kitchen nito, daig pa nito ang pinag-uusapan ang tao. Mabilis
pa sa alas-kwatrong nakalapit ito sa kaniya. Mahigpit na hinawakan nito ang
braso niya na ikinapikit niya. Bigla kasi siyang nahilo, eh.
“Kailan ka ba matututong
makisama sa ibang tao? Kailan ka ba matututo na hindi sa lahat ng oras sarili
mong gusto ang sinusunod mo?” madiing tanong nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil kumirot ang
ulo niya. Napahawak pa siya sa sentido niya.
“Wag mo nga kong
artehan.”
Dahil sa sinabi nito ay napadilat siya. Umaarte pa siya
ng lagay na ‘to? Eh, totoo naman talagang sumakit ang ulo niya. Nginitian niya
na lang ito. “I’m
so magaling umarte noh?”
Saka lang nito binitawan ang braso niya. “You're
impossible.” Tinalikuran na siya nito.
“You forgot the
order, Chef Kevin.”
Iniwan niya ang papel sa table bago lumabas ng kitchen.
=
= = = = = = =
“What’s your order,
sir?”
“Zelinn Yu?”
Napaangat ang tingin niya mula sa papel at napatingin sa
lalaki. Kumunot ang noo niya. “You know me?”
“Don’t you remember
me?”
“No.” Hindi niya talaga ito matandaan.
“This is me. Your
Super Perry!”
nakangiting sabi nito.
“Super Perry!”
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Isa lang ang
natatandaan niyang tinawag niyang gano’n in her past.
“Teka...Don’t tell
me...”
“Yes, the one and
only.”
“Pierre?! Is it
really you?!”
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ito na ba si PIERRE? Ang patpating
classmate niya nung highschool. Ang utusan niya. Ang alalay niya. My God! Ang
laki na ng pinagbago nito!
“Sabi ko na nga ba,
hindi mo ako makikilala, eh. What are you doing here?”
She rolled her eyes. “It’s a long story how I landed here.”
“Mukhang hindi ka pa
rin nagbabago.”
“And you’ve changed,
huh. But first, may I take your order, sir?”
Napakamot ito ng noo na parang nahihiya. “Parang hindi
ako sanay. Dati ako ang lagi mong inuutusan, eh.”
“Kung gusto mo, ikaw
dito sa pwesto ko, ako dyan sa pwesto mo. So, before I kicked your ass out of
this place, tell me your order.” The last line, iyon ang linyang madalas niyang panakot
dito nung highschool pa sila pag inuutusan niya ito. Except the tell me your
order thing.
Napangiti ito. “Ang taray mo pa din.”
She winked. “One of my charms.”
Sinabi nito ang order nito. Pero bago siya tumalikod ay
hiningi nito ang number niya. Baka daw makalimutan pa nito kung mamaya pa nito
kukunin ang number niya. Malilimutin pa rin daw kasi ito. Kaya nga madalas niya
itong mabatukan nung highschool pa sila dahil madalas nitong kalimutan ng mga
utos niya.
Ngayon lang daw ito umuwi from States kaya may welcome
party daw na inorganize ang pamilya nito. Kung may time daw siya, pumunta daw
siya. Syempre pupunta siya. Kailan ba siya huling umatend ng party? One month
na din. At namimiss na niya.
Tumalikod na siya para ibigay ang order nito kay Mike ng
may humarang sa harap niya. Kumunot ang noo niya. “What do you want, Chef Kevin?”
May tinawag itong isang waitress. Kinuha nito ang papel
sa kamay niya at inabot sa waitress na tinawag nito. “Ikaw muna ang umasikaso ng order na ‘yan.”
At bago pa siya makapag-protesta, hinila na siya nito.
“Why ba?” inis na bulong niya dito.
“The rules, Zelinn.”
Rules na naman! What now? What rules did she just
break?
Sa locker room sila dumeretso.
Nagpameywang siya. “What’s your problem ba?”
“Ikaw ang may problema.”
“Me?” Itinuro
niya ang sarili niya.
“Yes, you.”
Humalukipkip
siya. “So, anong problema mo?”
“Problema mo. Tama
bang makipaglandian ka sa costumer?”
Malandi
saw siya?! Aba’t! “I’m not malandi! I’m just being nice, okay!”
“Being nice ba ang
tawag mo do’n? To the point na ibigay mo ‘yong number mo sa kaniya?”
“He’s my former
classmate, okay!”
“Pero hindi tama
yung ginawa mo. You know the rules here. Pag oras ng trabaho, oras ng trabaho.
One month ka na dito, bakit hindi mo pa rin natututunan ‘yon?”
“And who the hell
are you para pangaralan ako?! You’re not my boss here!”
“Ako lang naman ang
lalaking pakakasalan mo.”
Nanlaki
ang mata niya.
Napanganga
pa siya.
Ito
ang lalaking pakakasalan niya?!
Is
this some kind of a joke?
Dahil
hindi nakakatawa.
Cute si Super Perry pero kay Chef Kevin pa rin ako. Nakakakilig, nagselos siya e.
ReplyDeleteHaba ng hair ng hair mo Zelinn ha!