Sunday, March 17, 2013

Hacking Your Heart [One-Shot]


= = =
A/N : So, ahm, ehem! Ehem! Mike test! Mike Test! *smiles* This one shot I made is for AEGYO/RUIJIN/REGINA. Hope that this story will make you smile sis and hope for a much better tomorrow. (ano daw? Hehe!)Basta! Yun na 'yon! ^_____^
= = =

“I can hack my way into anywhere, including your heart.”

= = =

[ RUIJIN’s POV ]

Nanlaki ang mata ko.


Pati ang bibig ko.


Bumagsak pa ang burger at shake na binili ko.


“Anong sabi mo?!” Umabot ata sa buong bahay ang boses ko.


Napangiwi ang kapatid ko. “Ate, nag-crash down yung computer.”


“Nag-crash down?!”


“Sinabi ko na diba.”


“Nag-crash down. Nag-crash down. Nag-crash down.” Habang paulit-ulit akong umiiling.


“Ate, anong nangyayari sa’yo?”


Huminga ako ng malalim. “Relax lang, Ruijin. Relax lang. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.” Tiningnan ko ang kapatid ko. “Tawagin mo yung nag-aayos ng pc natin.”


Napakamot siya ng ulo. “Ate, tiningnan na kanina.”


Napalunok ako. Chilax lang, Ruijin. Chilax. “Anong sabi?”


“Maayos pa yung computer. Kaya lang…”


“Kaya lang ano?!”


“Ate, wag kang sumigaw.”


“Ano nga?!”


“Yung mga files, hindi na marerecover.”


“What?! Oh My God! Oh My God! Yung mga files ko! Yung mga files ko!” Parang ang sarap magmura!


“Ate, don’t panic, okay. May copy ka naman sa flash drive mo diba?”


Tiningnan ko siya ng masama. “Yung flash drive ko na winala mo kahapon! Bwisit ka! Kasalanan mo ‘to, eh! Ano bang ginawa mo sa computer?!”


“Anong nangyayari dito?” Si mama ang dumating.


“Mama...si ate kasi...”


“Anong ako?! Ako pang may kasalanan?! Ako pa talaga?! Kung hindi mo winala yung flash drive ko kahapon, hindi ako magwawala ng ganito?! Bwisit ka kasi!”


“Ruijin!”


“Mama... kasi naman eh...” Tumulo na ang luha ko sa sobrang inis sa nangyari. Tumakbo na lang ako paakyat ng kwarto ko.


Dumapa ako sa kama ko. “Yung mga pinaghirapan ko eh... wala na...” Hinampas ko ang unan habang umiiyak.


After fifteen minutes...


Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. “Ruijin, may bisita ka.” Boses ni mama ang narinig ko. Simula kaninang pumasok ako ng kwarto ko, hindi pa ako lumalabas.


“Paki-sabi wala po ko. Umalis. Natutulog. Naglayas. Nasa Mars.” Wala ako sa mood na makipag-usap sa iba.


“Si Ivan.”


Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang pangalan na sinabi ni mama. “Sige po, baba na ko.” Sinuklay ko lang ng kamay ang buhok kong nagulo at lumabas na agad ng kwarto. Ayaw ni Ivan ng pinaghihintay siya. Ugaling kinaiinisan ko minsan, may pagkamabagal pa naman akong kumilos.


Ang sabi ni mama, nasa veranda daw si Ivan kaya do’n ko siya pinuntahan. Nakatalikod siya sakin. “Ivan.” Sino siya? He’s my boyfriend.


Lumingon siya at napangiti ng makita ako. Lumapit siya sakin at niyakap ako. “I miss you, babe.” He kissed my forehead. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papa’no. Ngayon pang para akong namatayan dahil sa nangyari.


Kumunot ang noo niya. “What’s wrong? Umiyak ka ba?” Hinaplos niya ang ilalim ng mata ko. “Ba’t namamaga ang mata mo?”


“Wala ‘yan.” Ayokong sabihin sa kaniya. Alam ko naman ang sasabihin niya sakin pag nagkataon.


Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Tell me. Anong nangyari?”


“Wala nga.” Iniwas ko ang mata ko.


“Ruijin.”


“Okay.” Huminga ako ng malalim. “Nasira yung computer namin. Nawalang lahat ng files ko.”


“Anong files?”


“Yung mga soft copy ng stories ko.” Bumigat na naman ang loob ko ng maalala ko ‘yon.


Binitawan niya ang mukha ko. “Akala ko naman ano na.”


Sabi na nga ba. Expected ko na ‘yan ang sasabihin niya. Bakit ko pa kasi sinabi sa kaniya? “Ivan. Big deal sakin ang nangyari. Pinaghirapan ko ‘yon.”


“Yan ang hindi ko maintindihan sa’yo. Bakit ba nagpapakahirap ka sa pagsusulat kung wala ka namang makukuha dyan? Remember what happened last month, nagkasakit ka ng dahil dyan. Puyat ka na nga sa pagiging call center agent mo, instead na magpahinga ka pag-uwi mo, haharap ka pa sa computer mo at magsusulat. Buti sana kung may sweldo ka sa ginagawa mo.”


Nakuyom ko ang kamao ko sa sobrang...aaaaahhhhh!


“You know what, Ivan. Sa lahat ng tao, you’re one of those people na alam kong maiintindihan ako. For almost six months natin, lagi na lang ganyan ang sinasabi mo kapag napupunta sa pagsusulat ko ang topic natin. Hindi mo talaga ako maiintindihan, because you never tried to understand me. You never tried to ask me kung bakit gusto ko ‘tong ginagawa ko.”


“Ruijin...”


“And FYI, nagkasakit ako last month ng dahil sa’yo. Sinugod ko lang naman ang ulan papunta sa restaurant mo dahil ayaw mong pinaghihintay ka diba? Tapos pagdating ko do’n, wala ka na pala.”


“Napag-usapan na natin ‘yan. Don’t bring up that topic. Tapos na ‘yon.”


“So, anong topic ang pag-uusapan natin? Yung tungkol sa pagsasayang ko ng oras sa pagsusulat ko online na wala namang sweldo?”


“I think wala ka sa mood ngayon. Tatawagan na lang kita.”


Nakagat ko ang labi ko. Sa inis.


“Take a rest, Ruijin. You need that. Wag mong i-stress ang sarili mo dahil sa pagkawala ng mga files mo. Maybe it’s a sign na tigilan mo na ‘yang pagsusulat mo.”


Hinawakan ko ang braso niya ng akmang aalis siya. “Teka lang.”


“Ruijin. I said take a rest. Saka na tayo mag-usap.” Lagi na lang siyang ganyan. Utos dito. Utos dito. Ano siya hari?


Huminga ako ng malalim. “Do you know the reason why I write stories online?”


“Ruijin. I said—”


“Stop it! Ayoko nang marinig ‘yang word na ‘yan! Gusto mo ng ganito, gusto mo ng ganyan! Paano naman ako? Yung feelings ko? You never considered my feelings simula ng maging tayo! Bakit ka ba ganyan?”


“Ikaw ang dapat kong tanungin, Ruijin. Bakit ka ba ganyan? Kung frustrated ka sa pagkawala ng mga files mo, wag mo kong idamay.”


“Dahil hindi mo maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon!”


“Ruijin, anong nangyayari?”


Sabay kaming napalingon ni Ivan kay mama.


“Mama...”


Napatingin ako kay Ivan ng halikan niya ang noo ko. “Saka na tayo mag-usap, Ruijin. Take a rest.” Binalingan niya si mama. “Tita, mauna na po ko.”


Pagkaalis ni Ivan ay nilapitan ako ni mama. “Ruijin.”


“Kasi naman mama, eh...” Naramdaman kong tutulo na naman ang luha ko. “Hindi niya maintindihan ang pagsusulat ko.”


Hinaplos ni mama ang pisngi ko. “Tama si Ivan. Magpahinga ka na muna. Kararating mo lang ng trabaho at puyat ka. Kaya ang daling uminit ng ulo mo ngayon. Pati si Micah at Ivan, pinagbubuntunan mo ng inis mo.”


“Eh kasi naman...”


“Sige na, matulog ka na.”


 Umalis na si mama. At ako? Sa halip na umakyat ng kwarto ko, lumabas ako ng bahay namin. Kinuha ko ang bike ni Micah. Pupunta ko sa lugar kung sa’n makakasigaw ako ng malakas. Ng malakas na malakas. At sa burol kong lang magagawa ‘yon. Ilang minuto bago ako nakarating na do’n.


Huminga ako ng malalim. Malalim na malalim. Sabay, “Aaaaaaaahhhhhhhh!!!” Tinodo ko na talaga. Tutal naman walang makakarinig sakin. Bukid lang naman ang nakapaligid sakin pati sa baba.


“Bakit ba ganyan kayo?! Hindi ninyo ko maintindihan! Aaaaaaaahhhhhhhh!!!”
Hingal na umupo ako sa damuhan at sumandal sa malaking puno ng mangga. Pinikit ko ang mga mata ko.


 = = = = = = = =


“Hmmm...”


Iminulat ko ang mga mata ko. It took seconds bago ko napansing hindi nakasandal sa puno ng mangga ang ulo ko. Nakasandal ako sa balikat. Sa balikat nino? Tiningila ko siya. Déjà vu. Ganitong-ganito din ‘yon.


Singkit na mata, matangos na ilong, mapupulang labi. Yun ang nakita ko. May damong nakasuksok sa bibig niya habang may ngiti sa labi niya. Hindi siya natutulog. Nakatingin lang siya... tiningnan ko ang tinitingnan niya.


Sunset? Palubog na ang araw? Ilang oras ba akong nakatulog?


“Goodmorning, Rui.” Pronounced as Ruwi. Pet name niya sakin. Sino siya? He’s Nate, my bestfriend since birth. Ang bestfriend kong may topak sa ulo. Ang bestfriend kong may tililing. Ang bestfriend kong takas sa mental, not literally.


Inalis ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya. Minasahe ko ang leeg ko. “Ilang oras ba kong natulog?”


“Hay, salamat. Makakahiga na din ako.” Tuluyan na siyang humiga sa damuhan habang nakasuksok ang piraso ng damo sa bibig niya. Tiningnan niya ang relo niya. “Mga tatlong oras siguro.”


“Three hours?” Naku! Baka hinahanap na ko ni mama.


“Alam ng mama mo na magkasama tayo dito.”


Nakahinga ako ng maluwag. “Thank you.”


“Huh? For what?”


“Dahil pinaalam mo sa kaniya.”


“Wala kong sinabi kay Tita.”


“Thank you pa rin.” Alam ko namang sinabi niya. Pa-humble effect lang siya. “Kanina ka pa dito?”


“Hindi naman. Kararating ko lang. Natutulog ako sa taas ng puno ng may marinig akong nagwawalang babae. Ayun, nagising ako.”


“So, kanina ka pa nga dito?”


“Hindi nga.”


Magulo talagang kausap ‘to. “Kung nasa puno ka kanina, bakit nakasandal ako sa balikat mo?”


“Aba! Tanungin mo ang sarili mo. Nagulat nga ko, eh. Umupo lang ako sa tabi mo, ginawa mo na kong unan.”


Hindi na ko sumagot. Pinagmasdan ko na lang ang paglubog ng araw.


“Ang ganda.”


“Ano ako bakla? Gwapo is the right term. Pwede ding cute. Pero mas gusto ko ng gwapo.”


Bumunot ako ng damo at binato kay Nate. Hindi ikaw ang sinasabihan ko. Yung sunset.”


“Ah, yung sunset ba? Liwanagin mo kasi.” Binato niya ang damong nasa bibig niya. Bumunot na lang uli siya ng damo at sinuksok uli sa bibig niya.


“Tigilan mo na nga ‘yang pag-ngatngat mo ng damo. Kaya lumuluwag ang turnilyo mo, eh.”


“Masarap kaya. Try mo?”


“Ayoko.” Umayos ako ng upo at niyakap ang tuhod ko.


“Nasalubong ko si Ivan kanina. Mukha siyang badtrip. Nag-away kayo?”


Kumunot ang noo ko. “Eh diba nandito ka na bago ako pumunta dito? Pa’no mo siya masasalubong?”


“Ano ka ba? Kararating ko lang dito diba? Nasalubong ko siya nung pumunta ko dito.”


Inis na sinabunutan ko ang buhok niya. “Ang gulo mo! Sarap mong ihulog sa bangin!”


Tinawanan lang niya ko. Nasalubong ko talaga siya.”


“Ewan ko sa’yo!”


“Nasalubong ko siya nung pumunta ko dito.”


“Ewan ko sa’yo!” Ang gulo naman kasing kausap! Basta ang alam ko kanina pa siya dito at narinig niya ang pagsigaw ko! Ang dami pang kwentong barberong alam.


“Tapos nakita ko si Micah kanina. Umiiyak. Muntik na ngang bumaha sa tapat ng bahay ninyo, eh. Buti na lang nag-sahod ako ng balde.”


Naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa mga files ko. “Nate. Wala kong panahong makipag-biruan sa’yo.”


“Oo nga pala. May kasabihan tayong biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising. Maghihintay na lang ako ng thirty minutes bago kita biruin.” Inunan niya ang braso niya at pumikit. “Time starts now.”


Alam ko naman ang ibig sabihin ng time starts now. Three words na kami lang ang nakakaintindi ng tunay na meaning. “Kakauwi ko lang kanina, tapos sasalubungin ako ni Micah na nag-crashed daw yung computer. Okay lang sana sakin, eh, dahil may back up copy naman ako ng mga files ko na naka-save sa flash drive ko. Flash drive ko na winala ni Micah kahapon! Winala niya!” Time starts now means mag-emote na ko kung anong problema ko.


“Lakasan mo pa, Rui, ng magising yung mga langgam dyan sa tabi-tabi.”


Huminga ako ng malalim. “Tapos ‘tong si Ivan naman, dumating kanina. Tinanong niya kung bakit ka namamaga ang mata ko. Ayokong sabihin sa kaniya kung bakit ako umiyak. Dahil alam ko naman ang sasabihin niya.”


“Marunong ka pa lang umiyak?”


“Shut up, Nate!”


“Nag-commercial lang ako. Baka bumuga ka na ng apoy dyan, eh. So sinabi mo sa kaniya?”


“Sinabi ko. And guess what he told me?”


“Nope, hindi naman ako manghuhula, eh.”


“Hindi daw niya maintindihan ang pagsusulat ko ng stories online na wala namang sweldo.”


“Kung ako ‘yon, magrereklamo ako. Nagpapakahirap ako, tapos walang sweldo? Gusto mong samahan kitang magreklamo sa senado?”


“Nate naman.”


“Tapos?”


“Nag-away kami.”


“Break na kayo? Ang bilis naman. Sana man lang pinaabot mo ng one year.”


“Ewan ko sa’yo! Seryoso ‘tong pinag-uusapan natin, ang lakas pa din ng trip mo sa ulo!” Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.


“Wait lang.” Gamit ang isang kamay niya ay may kung anong kinalikot siya sa ulo niya. Ang weird talaga niya! “Okay na, Rui. Masikip na.”


Hindi ako nagsalita. Ang sama na nga ng loob ko ngayon, eh. Ang sama-sama! Tapos ‘tong bestfriend kong may saltik sa ulo pa ang nakausap ko! Nakakainis!


“Rui.”


Hindi pa rin ako nagsalita.


Bumangon siya at umupo paharap sakin. “Ba’t may tubig sa mata mo, Rui?”


Napahawak ako sa pisngi ko. May tubig nga este luha pala. Pumatak na pala ang luha ko sa inis na nararamdaman ko.


“Nakakainis kasi, eh! Nakakabwisit si Micah! Nakakainis si Ivan! Nakakaasar ka!”


“Ako? Nakakaasar? Wala naman akong ginagawa, ah. Nakikinig lang ako sa drama mo.”


Pinagbubunot ko ang damo sa tabi ko at hinagis sa kaniya.


“Fine. I get your point.” Lumapit pa siya ng upo sakin. Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi. “Go on.” Sumeryoso na ang mukha niya habang nakatingin sakin. Hindi lang simpleng tingin. Dahil nakatitig siya sakin.


Napalunok ako. “Ahm...” Bakit ba tuwing tititigan niya ko ng ganito, naiilang ako? At bakit ba ganito siya tumitig? Yung mga mata niya, parang ako lang ang nakikita. At ayoko ng tinititigan niya ko ng ganito. Ayoko! “Aray!”


Pinitik niya kasi ang ilong ko. “Ano na?” Seryoso pa rin ang mukha niya.


Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Kung sa’n-sa’n na kasi napapadpad ang isip ko dahil sa titig niya. “Nang maging kami—”


Umiba ng ayos ng upo si Nate. Tumabi siya sakin at sumandal din siya sa puno.


“Nang maging kami ni Ivan, I thought I would be happy.” Akala ko lang pala. Sa umpisa pa lang, mali na ang sagutin ko siya. “Sweet siya, oo. Mabait siya, oo. Pero kung ano ang gusto niya, yun na ‘yon. Walang tanong-tanong kung gano’n din ba ng gusto ko. Pati ang pagsusulat ko, pinapatigil niya dahil wala naman daw akong mapapala do’n.”


“Akala ko dati perfect siya. Pero may mga flaws din pala siya. Hindi naman ako naghahanap ng perfect, eh. Ang gusto ko lang, maintindihan niya ang ginagawa ko. Hindi ko naman sinabing basahin din niya ang mga sinusulat kong stories online. Hindi ko naman sinabing araw-araw naming pag-usapan ang mga stories ko. Hindi ko naman sinabing tulungan niya kong mag-edit ng pictures na ginagamit ko sa mga stories ko, mag-isip ng mga names na gagamitin ko o maghanap ng gaganap sa mga character na sinusulat ko.”


“Ang gusto ko lang, suportahan niya ko sa ginagawa ko. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit ako nagsusulat. Kung bakit gustong-gusto kong magsulat.” Nilingon ko si Nate. “You know why?” I smiled. “Dahil masaya ako sa ginagawa ko.”


“Rui...” Pinunasan niya ang luha ko.


“Nakaka-frustrate lang isipin na yung taong malapit sakin, pinipigilan akong gawin ang bagay na makakapagpasaya sakin.”


Pause.


“Tama naman siya, eh. Wala kong mapapala sa ginagawa ko. Wala namang akong nakukuhang sweldo. Pero gustong-gusto kong magsulat. Gustong-gusto ko. Alam mo ba yung naramdaman ko ng una akong magpost ng story sa blog ko? Tapos may nag-comment. Ang saya ko! Lalo na nung magustuhan niya yung story ko. Yung ang worthless. Yung na-share mo sa iba yung passion mo sa pagsusulat, na-share mo sa iba yung mga ideas mo, na-share mo sa iba yung nararamdaman mo through your stories. Tapos na-a-appreaciate nila yung ginagawa ko. Lahat ng pagod at time ko sa pagsusulat, it’s all worth it.”


Pause.


“Wala naman akong sinasagasaang tao sa ginagawa ko. Hindi ko naman pinupuyat ang sarili ko. Pero bakit gano’n? Bakit parang sama ng ginagawa ko para kay Ivan?”


“I’m not, Ivan, so don’t asked me.”


Pause.


“I was eighteen when I started to write stories online, fours years na kong nagsusulat. Hindi lang isang site ako nagpopost ng stories ko, apat na site ‘yon! Tapos lahat ng files ko! Lahat ng soft copies ng stories ko! Lahat ng pictures na inedit ko! Lahat ng mga ‘yon! Nawala! Gano’n na lang ba ‘yon? Ang masakit pa, nadamay pati yung mga bago kong stories na hindi ko pa na-popost online! Pati yung mga edited pictures! Pati yung mga updates ko! Hindi ko pa sila pinopost, eh! Kaya lahat ng pinaghirapan ko, nawalang lahat! Wala na!” Naiiyak na naman ako. Naiiyak na naman ako.


“Tapos parang wala lang kay Ivan yung nangyari sa mga files ko kanina. Pinaghirapan ko ‘yon, eh. Pero para sa kaniya, basura lang ‘yon!”


“Rui...”


“Alam mo ba yung pakiramdam ko ngayon? Para akong namatayan, eh! Ang bigat-bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon!”


Tuluyan na kong napaiyak. Iniisip ninyo siguro na ang O.A ko maka-react. Pero gano’n talaga ang pakiramdam ko ngayon. Siguro maiintindihan ako ng mga co-writers ko, ng mga readers dyan. Yung bang pinaghirapan mo ang isang bagay, napunta na lang sa wala.


Niyakap ako ni Nate. “Hindi ko naman gustong sigawan si Micah kanina. Hindi ko naman gustong pagbuntunan ng inis si Ivan. Pero kasi...”


“I understand, Rui. Ganyan din ako kapag hindi ko na-hahack ang isang site na gustong-gusto kong i-hack.”


“Naiiyak ka din?”


“Hindi.”


“Eh, ano?”


“Susubukan ko uli hanggang sa ma-hack ko siya.”


“Pero iba naman yung sakin, eh. Paano ko pa maibabalik yung mga sinulat ko? Yes, I can copy the ones that I posted online. Pero ang dami no’n! At paano naman yung mga hindi ko pa napopost? Nasa computer ko pa naka-save ‘yon. Ang dami din no’n!”


“Maybe it’s a sign that you need to stop—”


Natigil sa ere ang pag-iyak ko. “What?!” Lumayo ako sa kaniya. “Pati ba naman ikaw?”


“Yeah, you need to stop—”


“Stop it!” Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. “Stop it!”


“Wait nga lang.” Itinaas din niya ang kamay niya. “Can you let me finish first bago ka sumingit? Maybe it’s a sign that you need to stop.”


“Ayun din ‘yon, eh!”


Tinakpan niya ang bibig ko. “Maybe it’s a sign that you need to stop. For a while.”


Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. “For a while?”


“Yes. For a while.” Pinunasan niya ang mga luha ko. “Kaya tumahan ka na. I-save mo ‘yang mga luha mo dahil maglalamay pa tayo mamaya.”


“Maglalamay?”


“Sabi mo, namatayan ka?”


“Sineseryoso mo ba ng mga sinasabi ko?”


Tinitigan niya ko. “Of course. I always do.” Humiga uli siya sa tabi ko. Kumuha ng damo at kinagat. Sabay pikit. “Take a rest for a while, Rui. Ipagluksa mo muna ang mga nawala sa’yo. Mainis ka. Then after that, move on. After moving on, start over again. Gano’n naman talaga ang buhay diba? Everything happens for a reason. Sa halip na isipin mong hindi mo na kayang ibalik ang mga nawala sa’yo, why don’t you think on the other side? Na kaya mong ibalik ang mga nawala sa’yo ng higit pa at mas maganda pa sa mga stories na nagawa mo. You love what you’re doing. Kaya alam kong magagawa mo uli ‘yon.”


“Nate...” Grabe, naappreciate ko ang mga sinabi niya. Ito ang gusto ko kay Nate kapag seryoso, ang titino ng mga sinasabi niya.


Dumilat siya at tiningnan ako. “Parang sunset lang ‘yan, Rui.”


“Sunset?” Napatingin ako sa araw.


“Yap. Sunset. In every sunset, there’s always a sunrise. Gets mo?”


Sa halip na sagutin siya, niyakap ko siya habang nakahiga siya. “Thank you, Nate! Ito lang naman yung gusto ko, eh. Yung taong makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon.”


“P-pwede ba wag ka ng umiyak? Babaha na talaga dito.”


“Naiiyak ako, eh.”


“Saka pwede ba...” Inilayo niya ko.


“Anong pwede ba?”


“Wag mo kong tsansingan.” Pinitik ko ang noo niya. “Aray!”


“Paling na naman ‘yang turnilyo mo.” Pinunasan ko ang luha ko. At umayos ng upo.


“So, anong balak mo kay Ivan?” Nagulat ako sa tanong niya.


Tumingala ako sa langit. “Akala ko dati parang fairy tale ang magiging love story ko pag nagkataon. Yung bang happy ending.”


“Hindi ka naman sina sleeping white para—”


“Anong sleeping white?”


“Si sleeping white, yung nakaiwan ng tsinelas niya sa hagdan. Diba yung partner niya do’n yung beast?”


“What?!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kaniya. “Makinig ka ngang mabuti.” Tiningnan niya ko. “Sleeping Beauty at Snow White ‘yon, bakit mo pinagsama? At si Cinderella ang nakaiwan ng sandals niya at hindi tsinelas ang naiwan niya. At ang parter ni Beast sa fairy tale ay si Beauty.”


“Si Sleeping Beauty?” Grabe! Wala talaga siyang kaalam-alam sa fairy tales. Kahit ilang ulit ko nang nakukwento sa kaniya, napagrarambol-rambol lang niya.


“No. Iba si Beauty kay Sleeping Beauty.” Para akong nagpapaliwanag sa bata nito. “Si Sleeping Beauty yung natutulog tapos ng halikan siya ng prinsipe, nagising siya.”


“Ahh…” Pero hindi ako naniniwalang naintindihan niya ang paliwanag ko. “Ano bang mero’n sa halik ng prinsipeng ‘yon at nagising si Sleeping Beauty?”


“Love.”


“Love. Hmm... kung gawin ko kaya ‘yon sa kaniya?”


“Kanino?”


“Sa taong gusto ko. Para tuluyan na siyang magising.”


Napalingon ako sa kaniya. Pero agad akong umiwas ng tingin ng tingnan niya ko.  

“S-siya pa rin ba?”


“Oo. Ang gusto ko nung college tayo.”


“H-hindi ko naman siya kilala.” Ba’t ba namin pinag-uusapan ‘yon?


“You know her. Nagkaharap na nga kayo.”


Kumunot ang noo ko. “Hindi talaga.”


“You want to meet her?”


“Ahm...” Ayoko.


“Saka na lang. Pag nagising ko na siya.”


“Bahala ka.” Kahit wag na.


Silence.


“Si Ivan.”


“Anong si Ivan?” tanong ko.


“Happy ending pa din ba ang fairy tale ninyong dalawa?”


Hindi ako sumagot. Unti-unti na namang bumibigat ang pakiramdam ko. Kasalanan ko ‘to. Pinilit ko naman. Pero hindi talaga.


“I can give you a happier ending.”


Napalingon ako sa kaniya. “Hah?”


“Diba ‘yon ang sinabi ni Yana kay Brylle?”


“What?”


“Do’n sa story na Wizard’s Tale.”


“Binabasa mo ‘yon?”


“Oo. Bakit? Masama bang basahin ‘yon? May parusa ba ang magbabasa no’n? Isusumpa ba ang magbabasa no’n?”


“Hindi ‘yon.”


“Eh, ano?”


“Story ko ‘yon, eh.”


“Story mo?”


“Oo. At hindi si Yana ang nagsabi kay Brylle no’n. It’s the other way around.” I smiled. “Ngayon ko lang nalaman, binabasa mo pala yung mga stories ko.”


“Hindi, ah.”


“Kasasabi mo lang.”


“Hindi ko alam na sa’yo ‘yon.”


“Fine. Basta binabasa mo ‘yong story ko. Period.” Alam ko namang nagpapalusot lang siya. Hilig niyang guluhin ang mga sinasabi niya.


“Time’s up.” Bumalikwas ng bangon si Nate at tumayo. May kinalikot siya sa phone niya. Maya-maya ay may pamilyar na kanta na akong naririnig.


“What the—”


Nagsimula ng sumayaw ng si Nate! Sumasayaw?! Eh, parehas na kaliwa ang mga paa niya. Hindi ko mapigilang matawa.


“Kahit anong step pwede dito sa harlem shake, Rui. So why don’t you join me?” Hinila niya ko.


“Ayoko nga!”


“Sige na! Ang KJ mo talaga!”


Tawa lang ako ng tawa habang para siyang baliw na nagsasayaw.


= = = = = = = =


Two weeks later.


“Ate.”


“Yes, Micah?” Habang nasa tv ang atensyon ko. Nanonood ako ng anime.



“Eto oh.”
 

 Napalingon ako sa kaniya. Flash drive ang inaabot niya sakin. “Ano ‘yan?”


“Lahat ng soft copies ng stories mo na na-post mo online pati yung mga pictures na ginamit mo. Nandyan na lahat.”

 
Nagulat ako. “Hah? Lahat ng ‘yon? Andyan? Ikaw ang may gawa? Pero paano? Hindi mo pwedeng ma-copy ‘yon dahil may code akong nilagay, like sa blog ko. Pwera na lang kung bubuksan mo mismo ang blog ko using my username and password na ako lang ang nakakaalam. Paano mo nagawa? Saka ang dami no’n!”


“Kuya Nate helped me.”


“Si Nate?!”


“Yap. He’s a hacker, right? This was his idea. Tinanong niya ko kung anong site ka nagpopost ng stories mo. Tapos, hinack niya. Ayun, na-copy namin yung mga stories mo. Pati yung mga pictures na wala sa fb page mo, kinuha din namin.”


“Ginawa ninyo ‘yon?” Para na naman akong maiiyak nito.


“Kaya lang, ate. Yung mga stories na naka-save sa pc na nawala na hindi mo pa napopost online. Yun ang hindi na namin kayang ibalik. Sorry.”


Tumayo ako at niyakap siya. “Thank sis. Mapapalitan ko din ang mga ‘yon. Thank you! Thank you talaga!”


“Umiiyak ka na naman, ate?”


“I’m just happy. Na-appreaciate ko lang yung ginawa ninyo ni Nate. Sobra.”


Humiwalay siya sakin. “Ang sabi pala ni Kuya Nate, wag kong sabihin sa’yo.”


Pinunasan ko ang luha ko. “At bakit naman?”


“Ewan ko do’n sa bestfriend mo.”


“May tililing talaga ‘yon kahit kalian!”


“May tililing ba ‘yong maiisip na gawin ang ginawa niya? You know what, ate. Bagay kayong dalawa.”


“Micah!” Ano bang pinagsasabi niya?!


“Diba break na kayo ni Kuya Ivan? Kaya okay lang na maging kayo ni Kuya Nate.” Tama siya. One week ago ng mag-usap kami ni Ivan. We both decided to end our relationship. Ng maayos.


“Hindi pwede.”


“Dahil bestfriend mo siya? Maraming lovers ngayon ang naging mag-bestfriend muna bago naging sila. And I know you liked him, right?”


“Micah! Sa’n mo naman nakuha ‘yan?”


“Nung debu mo. Nabasa ko yung love letter mo para kay Nate na hindi mo naman naibigay.”


Nanlaki ang mata ko. “Matagal mo ng alam?”


“Oo. Don’t worry, ate. Wala kong pinagsabihan. Alam kong ayaw mo ng pinapakialam ka, kaya hinayaan na lang kita. Pero bakit nga ba hindi ka nagtapat sa kaniya no’n?”


I sighed. “Because he liked someone else. Until now, ang babaeng ‘yon pa rin. Kaya hindi pwede ang iniisip mo.”


I’m ready to face the consequences ng mga panahong ‘yon. I was about to tell him na gusto ko siya. Gusto ko ang bestfriend ko! Pero nalaman ko mula sa kaniya na may gusto na siyang iba. Pinili kong manahimik na lang. Pinili kong maging bestfriend na lang niya. Dahil ‘yon din naman ang tingin niya sakin. At ayaw kong mawala ang friendship namin nang dahil lang sa feelings ko sa kaniya.


Iyon din ang time na binuhos ko ang nararamdaman ko sa kaniya through my stories. Hanggang sa dumating si Ivan sa buhay ko. Lahat ng feelings ko sa kaniya, binaling ko kay Ivan. Pinaniwala ko ang sarili ko na si Ivan ang gusto ko. Na siya ang mahal ko. Hanggang parang nakasanayan ko na ‘yon.


Nagbago lang ang lahat ng maging kami na ni Ivan. Habang tumatagal ang relasyon namin, na-realize kong puro kasinungalingan lang pala ang nararamdam ko para sa kaniya. Kaya lang, in denial pa rin ako dahil hindi ko matanggap na all this years, si Nate pa rin. Si Nate na hanggang ngayon, parang tangang nagmamahal sa iba. Ako din naman, eh. Para ding tangang nagmamahal sa kaniya kahit pag-aari na ko ng iba.


“Ay! Sayang! May gusto na pala siya! Wawa ka naman, ate! Double dead na ‘yang puso mo! Bigo na kay Kuya Ivan, bigo pa rin kay Kuya Nate.”


“Micah!” Tama bang asarin pa ko?


“Don’t worry, ate! Love naman kita!” Natatawang tumakbo siya palayo sakin ng akmang pagkukurutin ko na naman siya. “Ate, wala nga pala si Kuya Nate. He’s out of town. Nasa dulo ng Pilipinas. Pinagtaguan ka na naman.”


I sighed. Napatingin ako sa flash drive na hawak ko.


Nate...


= = = = = = = =


One month later...


Nandito ako sa burol, ang favorite tambayan namin ni Nate. Nate. I sighed. One month na pero hindi pa rin siya nagpapakita simula ng ibigay ni Micah ang flash drive sakin.


Hindi niya ko tinatawagan. Hindi ko din siya makontak.


Alam kong lagalag si Nate dahil isa siyang photographer. Kung sa’n-sa’n siyang lugar nagpupunta. Iyon ang trip niya aside from hacking. Pero ngayon lang tumagal ng ganito na hindi siya umuwi. Ang sabi ng mama niya, nasa Palawan daw siya.


“Baka nasa mental na siya. Hayy...ewan!”


Pinagmasdan ko na lang ang paglubog ng araw. Nang magsawa ako, binuksan ko na lang ang blog ko. Dala ko ang laptop ko dito. Yap. Kakabili ko lang nito galing sa savings ko. And yes, nagsusulat na uli ako ng story. Yun nga lang, hindi pa ko nag-popost. Pahinga muna ko.


Nang biglang manlaki ang mata ko. Pagbukas ko kasi ng blog ko... May nakatype na ganito in big capital letters: KALALABAS KO LANG NG MENTAL!


“Ano ‘to? May nag-hack ba sa blog ko at pinagtripan ang wall ko?” Kinabahan agad ako. Binasa ko uli ang nakasulat. “Teka. Mental?” Naalala ko ang sinabi ko kanina.


“Baka nasa mental na siya. Hayy...ewan!”


Nanlaki ang mata ko. “Nate! Si Nate ka!” Para kong tangang kinakausap ang laptop ko. “Si Nate ka!” Pero nasa’n siya ngayon? Narinig niya ang sinabi ko! Lumingon ako sa paligid ko. Wala. Aha! Sa taas ng puno. Pero bago ko pa magawang tumingala ay may bumagsak na malapit sa tabi ko. Hindi pala bumagsak. May tumalon mula sa puno. And guess who?


“Nate!” May hawak siyang laptop. Yun siguro ang ginamit niya para-mahack na naman ang blog ko.


“Long time no hear and see, Rui. Hinahanap mo ba ko? Namiss mo ko noh?” Wala pa ding nagbago sa nakikita ko. Singkit na mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi. At ang ngiti niya. Ngiti niyang nakakaloko. “Oy! Naengkanto ka ba? Totoo palang may engkanto dito. Akala ko tsismis lang ‘yon.”


Gusto ko siyang yakapin. Sobrang na-miss ko siya. Pero pinigilan ko ang saril ko kaya pinitik ko na lang ang noo niya. “Hinack mo na naman ang blog ko!”


“What do you mean na naman? At saka anong hinack? Wala akong ginagawa, ah.”


“Don’t act like you don’t know anything! Lagi ka na lang ganyan!”


“One month tayong hindi nagkita, galit ang isasalubong mo sakin? ”


“Hindi!” Bakit ba siya ganyan? Bakit lagi na lang siyang nagkukunwaring wala siyang alam? Lagi siyang in denial. Teka. In denial? Parang ako, in denial ako na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.


“Rui.”


Dedma lang ako.


“Na-miss mo nga ako.” Tumayo siya at umalis. Akala ko uuwi na siya at hahayaan akong mag-emote dito. Pero hindi. Sa kabilang puno siya pumunta di-kalayuan sakin. Umupo siya at kinalikot ang laptop niya.


“Yan pala ang gusto mo, ah.” bulong ko. Itinutok ko din ang mata ko sa laptop ko. Nag-facebook na lang ako. Halos nalibot ko na ang dapat kong malibot, kaya ng magsawa, bumalik ako sa blog ko. Para lang magulat. Wala na yung nakasulat kanina sa home ng blog ko. Wala na nga, pero napalitan naman ng pagkahaba-habang ganito:


YOU KNOW THE REASON WHY I ALWAYS DO THAT? ACTING LIKE I DON’T KNOW ANYTHING? NAKASANAYAN KO NA KASING GAWIN ‘YON, EH. YOU KNOW WHEN? SIMULA NG MAHALIN MO SI IVAN. YOU KNOW WHY? DAHIL INLOVE AKO. KANINO? KAY SLEEPING WHITE. SINO SIYA? THE ONE I LOVED SINCE THEN.


Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ko sa bwisit! “Ano ba ‘tong pinagsasabi mo?! Binababoy mo lang ang blog ko! Baliw ka talaga!” Tama bang ipaalala pa yung gusto niya?! Anong connection no’n sa pinagsasabi niya?! Hindi niya ba alam na... nasasaktan ako... Pa’no nga niya malalaman? Eh, wala siyang alam.


Hindi siya sumagot. Inis na pinagpatuloy ko uli ang pagbabasa ko.


WHY SLEEPING WHITE? BECAUSE THE MOMENT I ADMITTED TO MYSELF NA MAHAL KO NGA SIYA, SHE WAS WEARING WHITE THAT DAY. WHY SLEEPING? DAHIL HOBBY NIYA ANG MATULOG SA ILALIM NG PUNO NG MANGGA. AT HOBBY NA NIYA ANG GAWIN AKONG UNAN. AYOKO KASING MANGAWIT SIYA, KAYA LIBRE KO SIYANG PINAPAUNAN SA BALIKAT KO. ANG SWEET KO SA KANIYA NOH?


“Oh My God!” Napahawak ako sa bibig ko.


BALAK KO NA SANANG SABIHIN SA KANIYA NA MAHAL KO SIYA. NOT AS MY BESTFRIEND, BUT THE GIRL I LOVE. WHEN? NUNG DEBU NIYA. TINUKSO PA NGA KAMI NG MGA KAIBIGAN NAMIN NA BAGAY KAMI. KAYA LANG, NAGULAT AKO SA SINABI NIYA. HINDI DAW PWEDENG MAGING LOVERS ANG MAG-BESTFRIEND. WALANG TALO-TALO. YOU KNOW WHAT I FELT THAT MOMENT? PARA SINAKSAK ANG PUSO KO. ANG SAKIT PALANG MALAMAN NA HINDI MO PWEDENG MAKUHA ANG TAONG MAHAL MO. ANG MASAKIT PA DO’N, HINDI KO PA NGA SINUSUBUKANG MAKUHA ANG PUSO NIYA, BASTED AGAD.


Isa pang Oh My God! Alam ko yung sinasabi niya! Debu ko nung marinig ko sa kaniya na may gusto siyang isang babae. Hindi niya alam na narinig ko ‘yon. Kaya nang tuksuhin kami ng mga kaibigan namin. Inunahan ko na siya. Ayokong marinig pa sa kaniya na may mahal na siyang iba. Kaya sinabi kong hindi pwedeng maging kami dahil hanggang mag-bestfriend lang kami.


STILL, I NEVER GAVE UP ON HER. UNTIL IVAN CAME INTO HER LIFE. WALA NA TALAGA. WALA NG PAG-ASA. PERO DAHIL BALIW NGA AKO, I’VE BEEN LOVING HER SILENTLY UNTIL NOW.
THAT’S THE REASON WHY I ALWAYS ACTED LIKE I DON’T KNOW ANYTHING. BECAUSE I LOVE MY BESTFRIEND WHO CAN’T LOVE ME BACK!  


Ako ‘yong tinutukoy niya! Ako ‘yon, eh! Sino bang bestfriend niya? Ako diba? Hindi ko alam kung maiiyak ba ko sa tuwa o ano. Mahal din niya ko! Mahal ako ng bestfriend ko!


SINANAY KO ANG SARILI KO NA WALA KONG ALAM SA MGA BAGAY NA GINAGAWA KO PARA SA KANIYA. WHY? PARA HINDI NIYA KO MABUKO. PARA HINDI SIYA MAKAHALATA SA NARARAMDAMAN KO. AT PARA NA RIN SA SARILI KO. PARA ISIPIN KONG HINDI KO SIYA MAHAL KAHIT PARA AKONG BALIW NA LAGING NANDYAN PARA SA KANIYA. KAHIT ALAM KONG IBA ANG MAHAL NIYA.


ANG SAKLAP NG BUHAY NOH? PERO ITO ANG LATEST, MAY NAGBALITA SAKING DWARF NI CINDERELLA, ERR…


“Si Snow White ‘yon, tungak! Kahit kailan ka talaga, Nate!”


I FORGOT! BASTA, BINALITA SAKIN NI DWARFY NA WALA NA SI SLEEPING WHITE AT ANG PRINSIPE NIYA.  KAYA NGA KUMARIPAS AGAD AKO NG UWI. BA’T KASI HINDI KO ALAM ‘YON? UNFAIR DIBA? ARAW-ARAW KO PA NAMANG PINAGPE-PRAY KAY LORD NA SANA MAGISING NA SIYA. PARA HIWALAYAN NA NIYA ANG PRINSIPE NIYA. ALAM MO BANG SUMAPI PA AKO SA KULTO PARA MANGYARI ‘YON?


Alam ko namang nag-bibiro lang siya. Sira ulo talaga! Lalo na ng tingnan ko siya. Ang lapad ng ngiti ni baliw. Napatingin din siya sakin. Kumaway lang siya. Gustong-gusto ko na siyang sugudin at yakapin. Gusto ko ng sabihing mahal ko rin siya!


Tinutok uli niya ang atensyon sa laptop niya. Nakita ko siyang mabilis na nag-type. Tiningnan ko ang laptop ko. Wala na yung naka-type sa wall ng home ng blog ko na pagkahaba-haba. Napalitan ‘yon ng:


SA DAMI NG SITE NA NA-HACK KO, MAY ISANG SITE NA HINDI KO MAGAWANG MA-HACK.


Yun lang ang nakasulat. “Anong site?” Pagkasabi na pagkasabi ko no’n ay may lumabas na puso sa home ng blog ko. “Puso?”


“Yes, Rui. Your heart.” Napalingon ako sa gilid ko ng magsalita na lang bigla si Nate.


“Anong...anong ginagawa mo dyan?” Ang bilis naman niyang nakalapit sakin.


Lumapit pa siya ng husto sakin. “But that was before. Nang hindi ko pa alam ang code para makapasok sa puso mo. Now I know.”


“A-anong c-code?” Putek naman! Bakit ang lapit niya sakin?! Konting galaw na lang niya, mahahalikan ko na siya, este niya ako.


“I...” Napalunok ako. “Love...” Pinagpapawisan na ko. “You...” Hinawakan niya ang mukha ko. “Rui...” He looked at me na parang ako lang ang nakikita niya. Ang tingin ‘to! Ito yung tinging napapansin ko sa kaniya. The way he looked at me, parang sinasabi niyang mahal niya ko. Bakit ngayon ko lang napansin? Sabagay, lagi na lang siyang umiiwas ng tingin tuwing tititigan niya ko.


Pero ngayon? Hindi siya umiwas ng tingin. Mas lalo pa ngang lumapit ang mukha niya sakin. Napapikit na lang ako ng akala kong hahalikan niya ko. Pero walang nangyaring halik kaya idinilat ko agad ang mata ko. Kasabay ng pagdilat ko, hinalikan nga niya ako. Sa ilong ko. “Ang cute mo talaga, sleeping white.”


“Nate...”


Niyakap niya ko. “I love you, Rui. ‘Yan yung code na dapat pala sinabi ko na no’n. Para na-hack ko na ang puso mo. Para hindi ako naunahan ng iba.”


Naiiyak na naman ako. “Nate...” Matagal mo ng na-hack ang puso ko.


“Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi Nate?”


I smiled. “I miss you, Nate.”


Humigpit ang yakap niya sakin. “I miss you, too, Rui. Ngayong wala na kayo ng prinsipe mo, I will grab this chance. Pwede bang pagbigyan mo ang baliw na katulad ko? Ayaw na kasi kitang maging bestfriend. Gusto kitang maging girlfriend. Don’t worry. I’m the best hacker in town. I can hack my way into anywhere, including your heart.”


“You don’t need to.”


Humiwalay siya sakin. “For the second time around, basted again?” Kung hindi lang nakakunot ang noo niya, iisipin kong nagbibiro na naman siya.


“You don’t need to find your way to hack my heart, because you already did.”


“Wha...what? Teka. Nabibingi ba ako? Mali ba ang pagkadinig ko? Pwedeng paki-ulit?” Para pa siyang batang nilapit ang tenga sakin.


“I...”


“I what?”


“I want to go home.”


“What? Hindi ‘yon, eh! Ang sabi mo, you love me, too? So, tama pala yung sinabi ni Micah sakin? Akala ko pinagtitripan niya lang ako.”


“Sinabi niya sa’yo?” Ang Micah talaga na ‘yon!


“It’s true! It’s true!” Nagtatatalon pa siya. Grabe talaga ‘tong baliw na ‘to. “Mahal din ako ni Rui!” Natigilan siya at napatingin sakin. “When did you—”


“Hindi sinabi sa’yo ni Micah?”


“Sinabi niya lang na gusto mo ko. Gusto mo ko. Gusto mo ko. Pero teka, gusto? Gusto lang? It’s not love! You just like me, but you don’t love me!” Umupo siya sa damuhan paharap sakin. Nakasimangot siya. “Gusto lang ako ng bestfriend kong gusto kong maging girlfriend. Iba ang gusto sa love, Rui. I travelled all the way back here just—”


Hinila ko ang kwelyo ng polo shirt niya para mapalapit ang mukha niya sakin. I smiled. “Lumuluwag na naman ang turnilyo mo.” Pinaglapit ko ang ilong namin. “I love you, Nate. Matagal na. I was wearing white that day when I realized that I was falling with my bestfriend. When I woke up and as I opened my eyes, I saw you.”


He matched my smile. “Sabi ko na nga ba, I’m the best hacker in town.”


He kissed my forehead.


My eyes.


My nose.


And caressed my cheeks.


“Matagal ko ng gustong gawin ‘to.”


“Ang an—” His lips touched mine. And kissed me gently.


I smiled and kissed him back. Matagal ko na ring gustong gawin ‘to.


“I love you, my sleeping white.” 


“And I love you too, my prince...err...my hacker prince.”


He grinned. “Bagay na bagay.”


“Ang tawag ko sa’yo?”


“Nope. Tayo.”


“Tayo?”


“Hindi. Sila.” Sinimangutan ko siya. “Tayo nga diba?”


Pinitik ko ang noo niya. “Sira ka talaga!”


Pinitik din niya ang noo ko. “Because of you.”


Pinitik ko ang ilong niya. “Baliw ka talaga!”


Pinitik din niya ang ilong ko. “Sa’yo.”


Pinitik ko ang labi niya. “Ang dami mong alam.”


Ngumiti siya ng pilyo. “Lalo na ‘to.” He kissed my lips for the second time around.

- E N D S  H E R E -
But their story goes on and on and on...


19 comments:

  1. Sis aegyo! Ngayon ko lang nabasa na na-retrieve na ang mga files na nawala sau. I'm happy for you! ^______^ Go lang ng go!

    Hiniram ko pala yung line ni Brylle, ah. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi mo lang alam, magpapa-misa ako ngayon sa sobrang ligaya!!! ang galing-galing mong magsulat!!! promise, mas malayo pa ang mararating mo!!!

      ito ang pinakanakakaiyak na story na dedicated para saakin. HINDI ITO DRAMA, pero kumurot siya sa puso ko!!! at makikita mo sa bandang baba, ang aking nobelang komento. sana maenjoy mo!!! ako rin naenjoy kong sulatin yan eh.

      naka-high ako ngayon!!!

      (IVAN PANAGUTAN MO AKO!!!)

      Delete
    2. T_______T Suupeeer duupeer thank you sis! Sobrang naapprciate ko yang sinabi mo, soooobrrrrraaaa! I love you talaga! Muah! Muah! Muah!

      Delete
    3. atEy, oNe of d bEst stOries nio pO n nbSa,,, gALing pO tLga,,, kaKiKiLig,,,

      Delete
  2. Nga pala, sis! May ginawa kong group for this blog sa fb :))) Para pati don may interactions taung mga writers and readers nitong blog. Para ma-promote na din ang blog :)))

    ReplyDelete
  3. Waaaaaaaaaaaaah...Naiiyak ako kasi nakakarelate ako

    ReplyDelete
  4. Actually habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay tina-type ko na rin ang comment ko. Gusto ko kasi, kumpleto kong masabi ang reaction ko sa bawat lines at eksena na nababasa ko.

    Paunawa lang, magmumukha itong story review... hind joke lang! magmumukha itong nobela dahil kilala niyo na ako kapag nagbabasa talaga ng story at na-hook sa umpisa, ang dami ko talagang nasasabi. So here it goes...

    Yung title, HACKING YOUR HEART! shetemax! nasabi ko na yata 'to sayo eh, pero may story din ako na almost the same ang title --> "Don't Hack My Heart" pero hindi ko pa naipo-post. story yung para sa sarili ko kaya ako rin ang bida. pero dahil naipost mo ito at mukhang mas bet kong mga pangyayaring ito, hindi ko na itutuloy yung story ko. masaya na ako dito.

    next... yung kapatid ko dito ang name is MICAH. ang tawa ko dun kasi akala ko namalik-mata ako!!! actually, my name is not just regine... it's Regene Micha (<--Yan talaga ang spelling ng name ko). kaya wala lang, psychic siguro itong author nito eh! wagas!!! (grabe lang ang connection saakin ng kwentong ito ha!)

    moving on, imbey ako kay ivan!!! kung boyfriend ko ganyan sa totoong buhay, hindi siya magtatagal saakin ng isang linggo ha! dapat talaga understanding at supportive ang mga lalaki!!! kaya sa mga manliligaw at yung mga balak manligaw saakin jan (kung meron XD), wag niyong tutularan si ivan ha! suportahan niyo ako sa pagsusulat!!!

    moving on ulit... SHUTANG INABEX KA NATE!!! nainlove na yata ako sa kanya!!! panagutan mo ako!!! pero tingeena lang, nabaldog ako sa sahig kakatawa dun sa Sleeping White niya!!! ano ba, naloloka na ako!!!

    tapos yung part na nawalan ako ng files at kino-comfort ako ni nate, shutang inabex lang ulit!!! na-touch ako!!! feel na feel ko eh! (buti na lang na-retrieve ko na talaga ang mga files ko sa computer)

    pero wait... mabalik tayo sa sweet moment ulit namin ni Ivan!!! walangya ka talaga!!! nung si brylle ang nagsabi kay yana na "i can give you a happier ending" chox lang!!! pero nung si ivan lang... HWAAAAAAAAAAAAAH!!! hoy ivan, sinasabi ko sayo, kapag hindi mo ako pinanagutan, nakow lang~




    *basa mode ulit* speechless ako... sandali lang...

    teka lang... dito na ako sa part na ni-hack ulit ni ivan yung blog ko.... huhuhu!!! hahaha!!! hohoho!!! lumalala ang bipolar disorder ko!!! naiiyak ako!!! eh basta, hindi ko maexplain!!! kinikilig pa ako ng bongga!!! langya na yan!!! tas bigla na lang natawa dahil dun sa nabasa kong sumapi daw siya sa kulto!!!

    pero teary eyed na talaga ako!!! lalo na dun sa bandang katapusan na!!! waaaaaaaaaaaaah!!! ang sweet namin ni nate (kahit kulang turnilyo niya) at tulad nga ng sinabi ko, panagutan niya ako!!!

    -THE END OF COMMENT

    hindi joke lang... Emeged, kasing haba na ng isang chapter ang naisulat kong comment ha! pero beb, sobrang happy ako!!! ewan ko, ngayon lang ako naging emotional at tumatumbling habang nagbabasa (joke lang yung tumbling, hindi ako marunong nun) pero basta sobrang ganda!!! ni-copy-paste ko na ang story ito para may softcopy na ako!!! (one of the perks ng pagiging admin ko)

    PS. alam mo, kalabisan ba kung i-request kong gawin itong series!!! BITIN AKO!!! I WANT MORE!!! MORE!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko pa nababasa ang nobelang comment mo, parang maiiyak na ko ..

      Ehem! Maya muna ang drama :))

      At habang binabasa ko din ang nobelang comment mo sis, magta-type na din ako ang comment ko para sa comment mo. uhm! hahaha

      Sa totoo lang wala pa kong title nung sinusulat ko siya, tapos bigla na lang *CHIIIING!* naisip ko na yang 'Hacking Your Heart' dahil kay Nate. Tapos si MICAH, ewan ko, pero yan na lang yung naisip kong name. At natuwa naman ako na may Micah din sa name mo, hindi ko talaga alam yan, promise! I thought it was Regina lang ^_____^ Siguro may powers ako noh? hahaha

      At sis, akoy naguguluhan sau, sino bang mananagot sau? Si IVAN o si Nate? Hahaha, yung sa comment mo sa* taas.


      *Palit emotion*

      T_____T Naiiyak naman ako! Katulad ng sinabi ni Rui, walang sweldo ang pagsusulat natin, pero yung may taong maka-appreciate sa pinaghirapan kong story at pag may taong natuwa sa story ko, ang SAAAYYYAAA sa pakiramdam! SOOOOBRA! DUUUPEEER! Heaven ang feeling! T_______T


      This is my way to repay you sis for welcoming me here in your blog. Ako'y hamak na recruit lang ni QUEEN RICHELLE sa fb ng minsang magpost ako ng status na may kinalaman sa pagsusulat, at dito sa blog mo ako UNANG-UNANG nagpost ng story which is LOVE at SECOND SIGHT [maka-promote eh]

      At hindi ko iiwan 'tong blog mo kahit siguro mag-asawa na ko, na wala pa naman sa isip ko dahil hindi pa ko sinasagot ni Lee Minho, hahaha! Promise 'yan! :)))

      I love you sisteret! XOXO



      P.S waaaaaah! gusto mo? uhm, tapusin ko muna yung LASS, malapit na din matapos yon at habang nag-iisip ng magiging takbo ng story nila Nate at Rui. :)))

      Delete
    2. si nate!!! pananagutan niya ako dahil nabuntis ako sa pagmamahal!!! (parang ang censored yata ng dahilan ko) buntis agad eh! pero para mas wholesome, panagutan niya ako 'coz i've fallen for him! kailangan saluin niya ako for real!!! ahahaha!!!

      Delete
    3. at i love you much!!! oo, gustung-gusto kong gawing series 'to!!! ang bonggels kaya ni papa nate ko!!! at ano ba yan, ang haba na talaga ng hair ko! 2 stories mo na ang pinagbibidahan ko/ ng pangalan ko... lels~

      Delete
    4. grAbe mAgcoMmeNt c atE aeGyo,,, wAgaS,,, pEro tAmA pO LhAt ng cNabi mO,, kHit aq iniiMagie q n aq n Lng c ruiJin,,, hwAheHe,, peAce Tau atEy,,, ndE q pO aagAwin sAu c nAte,,,

      Delete
  5. Ang cute ng story!!!! I so like it!

    ReplyDelete
  6. this is soo freakin good!! laughtrip talaga tong si nate.. kinakabag na ata ako eh.. hahaha.. nakakainggit ka nman ate!! i need someone like him.na maiintindihan din ako.. ang hirap pag bipolar eh.. hahaha.. eeeehhhh!!!!! so cheeeessyyyyy!!!! love love love this!! u know nman ate leesh 'pet name ko sa iyo' hehe.. frm the beginning,i so like your stories na,almost all of it.. kaya go lang go!

    --DemiDoLL (tinatamad akong mg-sign in,hihih)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank u sis! ^______^

      At dahil may pet name ka sakin na ang cute, hahaha, [walang kokontra] yiiiih, mag-iisip nga din aqu ng sau, haha, pag-iisipan ko muna at itataktak ang utak ko *smiles*

      Delete
  7. Wow! Laughtrip naman ako kay Nate. Anyways, ang ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda ganda at walang katapusan na ganda ang story mo!!!! Bet na Bet ko ito. ang nagyon ko rin nalaman na nawala ang files ni Ate Ruijin dahil tinignan ko ang wattpad account nya.

    @Aiesha Lee, magmula po ngayon, I'm your #0 Fan at promise babasahin ko na lahat ng story mo XD.

    ReplyDelete
    Replies
    1. waAaaaAahh,,, nwALa aNg fiLes ni aTey aeGyo,,,, kya pLa nPunta s onHoLd aNg mgA stOrieS niA eHh,,, LaTE n aq s bALita,,,

      Delete
    2. naretrieve na ^_________^ pero ayun ska na daw niya iuupdate ung iba..tatapusin muna niya ung matgal na natambak..haha XD

      Delete
    3. thanks sis! super! ^_______^

      Delete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^