Monday, March 18, 2013

[W&W: Autre Histoire] Pirates of Tir Na Nog


W&W: Autre Histoire

Pirates of Tir Na Nog”


MASAYANG nag-lilibot ang dalawang Prinsesa sa Central Market habang nakasunod naman sa kanila sina Prinsepe Rome at Zico. Naisipan kasi nilang mamasyal muna sa mundo ng mga Vulgus bago man lang mag-layag si Zico. Kasama din nila sina Zunji, Haring Brai at Sidh.



“Ano ba yan! Ganyan ka ba talaga kasiba sa Mochi? Punong puno pa yang bibig mo sumusubo ka na ng dalawa!”puna ni Prinsesa Hara ng makita nyang kumakain si Zico.



“Ano bang pakelam mo? Oh! Heto!”walang ano ano ay sinubuan nya ng isa si Prinsesa Hara. “Kumain ka na lang ng matahimik yang bunganga mo.”



“Sira ulo ka talaga! Kung pwede lang gumamit ng spell dito lagot ka talaga sakin!”halos di na makasalita ng maayos si Prinsesa Hara dahil sa Mochi na sinubo ni Zico sa kaniya. Tawanan naman ang iba sa dalawa.



“Hayaan mo na nga kasi sya sa trip nya. Alam mo naman kung gano katakaw yan sa Mochi.”wika naman ni Prinsesa Gyuri sa kaniya. Sumimangot na lang tuloy si Prinsesa Hara.



Samantala, bigla naman napag-usapan nila Zunji at Haring Brai ang plano ni Haring Brai na mag-tayo ng clinic dito sa Central Market sa oras na ikasal sina Goddess Danann at Prinsepe Arke.



“Magandang plano din yan. Matulungin ka talaga kahit sa mga Vulgus.”sabi ni Zunji.



“Bukod kasi dyan, gusto ko rin masubay bayan yung susunod na magiging Hari ng Magh Maell.”kumunot ang nuo ni Zunji.


“Sino? Yung anak mo sa Vulgus?”ngumiti si Haring Brai tanda na tama ang hula ni Zunji. “Ano bang nang-yayari sa inyo? Bakit nag-sisianakan na kayo? Talagang sabay sabay pa hu? Tsaka ano bang nakita nyo ni Zico sa mga Vulgus? Alam nyo namang may kapalit ang pag-kakaroon ng anak sa kanila pero pinamimigay nyo parin sperm nyo sa kanila.”walang prenong saad ni Zunji na ikinatawa ni Haring Brai.



“Wala parin talagang preno yang bibig mo. Kelan ka ba mag-babago?”napapakamot na lang sa kilay si Haring Brai dahil sa kaniya. Ngisi lang ang sinagot ni Zunji sa kaniya tapos ay napalingon ito ng marinig ang kapatid na may kausap.



“Hoy! High nanaman kayo ah! Solvent pa! Gusto nyo yan eh! Ikaw? Ano pangalan mo?”sigang tanong ni Zico sa isang batang may hawak ng plastic na may lamang solvent.



“Bakit? Ano gagawin mo sa pangalan ko?”balik tanong ng bata.



Inis na natawa si Zico bago sumagot. “Aamuyin ko para high din ako!”



“His name is Kelly. Homeless na sya gaya namin. We run away from our family for some personal reason.”yung isang bata naman yung sumagot na mga nasa edad pito. Maayos naman ang suot nito at hindi ito mukhang busabos di gaya ng tinawag nyang Kelly.



“Homeless Englishero?”ayaw naman maniwala ni Zico dahil mukhang desente ang lalaki.



“Totoo sinasabi ni Gabe. Tulad nila lumayas din ako kasi sinasaktan ako ng mga magulang ko. Wala silang ginawa kundi bugbugin ako.”gumuhit ang lungkot sa mukha ng isa pang bata na nag-salita. Nakaramdam ng awa si Zico ng makita nya yung isa sa kasama nila na sobrang payat at mukhang may sakit pa.



“Ganun ba?”inilibot muli ni Zico ang panignin sa limang bata na nasa harapan nya saka sya muling nag-salita. “Babalikan ko kayo. Sumama na lang kayo sakin. Isa akong pirata. Mag-lalayag tayo sa Tir Na Nog.”sumaludo si Zico bago ito muling nag-lakad.



“Ano naman gagawin mo sa mga yan? Masasayang lang mga buhay nyan pag sinama mo yan sa pag-lalayag mo.”singit ni Zunji nang sumunod ito mag-lakad sa kapatid.



“Tuturuan ko sila ng basic magic para naman marunong sila protektahan sarili nila.”kalmante lang na sagot ni Zico. Ngumisi si Zunji tapos ay tinapik nya sa balikat ang kapatid.



“Good Luck!”



“Thank You!”



Sabay silang napalingon ng marinig nilang may tinawag si Haring Brai. “Kuya!”sabay sabay din silang nag-bigay galang sa Prinsepe. Maging ang mga Prinsesa ay napahinto sa pag-lalakad para bumati. Masaya silang makita ang Prinsepe maliban kay Prinsepe Rome na pilit itinatago ang puot sa dibdib.



“Anong ginagawa mo dito?”tanong ni Haring Brai.



“Mamimili ako ng regalo para kay Goddess Danann. Balak ko sanang dumalaw doon sa susunod na araw pag natapos ko na ang mga ipinapagawa mo sakin Haring Brai.”nakangiti nyang saad.



“Kuya naman! Sabi ko sayo ako na gagawa nun eh! Pwede ka pumunta kay Goddess Danann kahit kelan mo gustuhin.”kahit na mas mataas ang posisyon ni Haring Brai kay Prinsepe Arke ay hindi parin nya kinakalimutan na nakatatandang kapatid nya ito kaya nga kuya parin ang tawag nya dito.



“Hindi ko naman pwede iasa sayo lahat dahil alam kong marami ka pang ginagawa. Naiintidihan naman ni Goddess Danann ang lahat.”



“Prinsepe Arke congrats sa magiging baby mo hu!”excited na singit ni Zico.



“Salamat. Congrats din sayo.”bati rin ni Prinsepe Arke kay Zico na bigla namang ikinabago ng mood ni Zico dahil naalala nya nanaman ang mag-ina nya.



“Tama yan! Mag-kaka-edad mga anak nyo. Pati 'tong si Haring Brai may anak din sa Vulgus gaya ni Zico.”lantad ni Zunji sa sikreto ni Haring Brai na ikinagulat ng lahat maliban kay Prinsepe Arke at Sidh.



“Ano?? May anak ka rin sa Vulgus?”paninigurado ni Zico.



“Talaga yang bibig mo Zunji!”saway ni Haring Brai.



“Kung ganun pareho pala tayo ng sitwasyon ngayon? Anong ginawa mo haring Brai? Sabihin mo sakin!”dahil tuloy sa nalaman ni Zico ay nag-umpisa na itong mangulit. Napailing na lang sa kanila si Prinsepe Arke at nag-patuloy naman sa ginagawa ang iba, maliban kay Prinsepe Rome na nakatayo parin sa harapan ni Prinsepe Arke.



“Prinsepe Rome, kamusta ka?”bati ni Prinsepe Arke.



“Ayos lang.”pilit ang ngiti at matipid na sagot ni Prinsepe Rome.



“Balita ko mahusay ang panga-ngalaga mo sa kaharian ng Gorias? Masaya ako at hindi mo pinapabayaan ang isa sa kaharian ng Tir Na Nog.”nakangiti pang sabi ni Prinsepe Arke.



“Salamat, balita ko ikaw ang susunod na Hari?”nakangiti ito pero halatang seryoso ito sa tanong nito.



“Kailangan kong tanggapin ang obligasyon dahil iyon ang kapalit ng pag-papakasal ko kay Goddess Danann.”sagot naman ni Prinsepe Arke.



“Kung ganon. Totoo nga ang hinala ni Prince Zico na ikaw ang unang napili ng Stone of Destiny at sya ang second choice?”inamin naman ni Prinsepe Arke na tama ang sinabi ni Zico.



“Ako nga ang unang napili, pero ang rason kung bakit si Prinsepe Zico ang pinilipit nyang maging Hari ay kay Goddess Danann na lang iyon. Igalang na lang natin ang rason at desisyon nya.”



Tumango si Prinsepe Rome, pero halata sa mukha nito na parang hindi nito nagustuhan ang mga nalaman. “Tama ka.”yun na lang ang sinabi ni Prinsepe Rome. Pero kutob nyang may alam si Prinsepe Arke sa rason kung bakit ganun na lang ang pag-pupursige ni Goddess Danann kay Zico para maging Hari.








PINIPILIT na ngumiti ni Zico kahit na sa loob loob nya ay nasasaktan sya sa nakikita nya. Naroon sya ngayon sa tapat ng bahay ni Rita, pinapanood ito. Hawak nito ang lumalaking tiyan nito habang nasa kabilang kamay naman nya ang kwintas na iniwan ni Zico sa kaniya bago ito umalis noon.



Ilang saglit pa ay may dumating sa isang sasakyan, bumaba ang isang lalaki na may mga dalang prutas. Lumapit ito kay Rita at humalik ito sa mga pisngi niya, samantalang si Rita naman ay agad na ibinulsa ang kwista. Pero sa pag-mamadali nito ay hindi na nito napansin na nahulog ang kwintas nang tumayo ito. Niyaya si Rita ng lalaki na pumasok sa loob. Nakangiti namang sumunod si Rita.



Napahakbang si Zico dahil parang gusto nyang lapitan si Rita pero natigilan din sya dahil hindi pwede. Mabilis syang nag-tago sa gilid ng bahay na tinatayuan nya ng biglang lumingon si Rita na para bang bigla nyang naramdamn na nandoon si Zico. Pero gumuhit ang dismaya sa mukha ni Rita ng wala naman syang makita.



Nang makapasok na sa loob si Rita at ang lalaki ay doon lang lumapit si Zico para kuhain ang kwintas na nahulog. “Hindi rin pala maganda na mag-iwan ako ng bagay na mag-papaala-ala sakin kay Rita. Mahihirapan lang syang makalimutan ako pag iniwan ko 'to.”bumuntong hininga sya ng titigan nya ang kabuuhan ng bahay ni Rita. Bagsak ang mga balikat at mabigat ang mga paa nya ng lumakad sya palayo sa bahay. Pero lumingon sya ulit para tingnan ang bahay. “Babalik din ako. Pag balik ko malaki na anak ko. Jaydee Ryan, di ko alam kung dadating yung panahon na malalaman mo kung bakit ko kayo iniwan ng mama mo. Pero gusto kong malaman mo, nyo ng mama mo na mahal na mahal ko kayo. Bye.”kumaway pa sya na parang bata saka tuluyang umalis.



Pero ang hindi nya alam ay pinanonood sya sa loob ng bahay ni Rita. Panay ang pigil nito sa mga luha nito habang pinanonood nito si Zico na lumalakad palayo. Gustuhin man nyang takbuhin ito sa labas at yakapin ng mahigpit ay hindi nya magawa dahil alam nyang iiwas lang si Zico. Napaluhod na lang sya sa sahig habang inaalala nya ang araw na nalaman nya ang dahilan ni Zico kung bakit ito umalis dahil sa isang kaibigan nyang mang-huhula na si Stella.



“Hindi normal ang ama ng anak mo. Kailangan nyang lumayo para mailigtas kayo sa kamatayan. Ginawa nya iyon para sa inyo.”



Hindi man madiretso ni Stella ang nais nitong sabihin kay Rita ay naintindihan na nya iyon. Dahil noong una pa lang ay alam na nyang may kakaiba kay Zico. Minsan kasi ay nahuhuli nya itong gumagawa ng mga magic pero nag-kukunwari lang syang walang alam dahil hinihintay nyang si Zico mismo ang mag-sabi sa kaniya noon. Pero hindi na nga nag-karoon ng pag-kakaton dahil sa nang-yari sa kanila.



“Wag kang mag-alala dahil naiintindihan kita Zico.”saad nya. “Kahit kelan ay nag-iisa ka sa puso ko. Mag-mahal man ako ng iba ngayon hinding hindi kita makakalimutan.”









***

GAYA nang naipangako ni Zico sa mga homeless na naka-usap nya ay binalikan nya nga ang mga ito. Gaya dati may hawak nanamang plastic ng solvent si Kelly. Nagulat naman sa kaniya ang lahat dahil hindi nila aakalain na babalikan talaga sila ni Zico.



“You're really back!”gulat na wika ni Gabe.



“Sinabi ko naman sa inyo na babalikan ko kayo eh!”hinatak nya yung solvent kay Kelly at tinapon nya ito sa basurahan.



“Agaw trip ka eh!”galit na saad ni Kelly.



“Sumama ka sakin, aayusin natin yang buhay mo!”hinatak nya patayo si Kelly. “Sumunod kayo sakin.”nag-sisunuran naman ang anim sa kaniya. Hanggang sa makarating sila sa tent ni Sidh. Kunot nuo naman nila Sidh ng makita ang mga bata.



“Sino sila Prinsepe Zico?”naguguluhang tanog ni Sidh.



“Sila? Sila ang makakasama ko sa pag-lalakbay ko sa karagatan ng Tir Na Nog.”masayang sagot ni Zico.



“Pe---pero---”natigilan sila ng may bigla na lang lumitaw sa harapan nila. Maging ang mga batang Vulgus ay nagulat doon.



Gumuhit ang pag-tataka sa mukha ni Zico dahil pamilyar sa kaniya ang lumitaw na lalaking mga nasa edad dose, na-kumpirma pa nya ito dahil sa markang parang tattoo sa kaliwang gilid ng kamay nito. “Ano namang ginagawa ng batang Jerim dito?”



“Para sumama sayo.”simpleng sagot nya.



“Pag-iisipan ko.”tapos ay muling hinarap ni Zico si Sidh. “Sidh, bigyan mo nga ng potion 'tong batang sakitin na 'to. Tsaka medyo lagyan mo na rin ng konting laman. Ang payat kasi eh.”



“Okay Prinsepe Zico.”mabilis namang nag-hanap ng potion si Sidh gaya ng sinabi ni Zico habang si Zico naman ay naupo. Doon naman sya nilapitan ni Jerim para muling kumbinsihin ito.



“Isa mo na ko. Bards Magus din ako gaya mo.”



Tiningnan muna sya ni Zico mula ulo hanggang paa bago sya sumagot. “Ayaw kong mapuno ng bata ang barko ko!”sabay ismid si Zico sa kanya. Asar na ngumisi si Jerim.



“Ayaw mo pala mapuno ng bata barko mo pero puro mga bata kinuha mo?”sarkastikong saad nito na medyo hindi nagustuhan ni Zico.



“Bumalik ka na nga lang sa angkan mo! Mag-aral ka ng mabuti para maging adept ka! At tsaka pano mo ba nalaman na mag-pipirata ako?”



“Sinabi ni Zunji.”



Napapikit na lang sa inis si Zico. “Bwisit talaga yung lalaki na yun!”bulong nya sa sarili. “Basta! Hindi na ko tatanggap ng bata sa barko ko!”dumikwatro si Zico tapos ay humalukipkip ito at isinara ang mga mata.



“Eh di gagawin kong matanda sarili ko! Tama na ba sayo yung twenty years old?”



Napadilat ulit si Zico. “Ano?”hindi sya sinagot ni Jerim sa halip ay lumapit ito sa isa sa mga potion ni Sidh. Walang alinlangan nyang kinuha ang isang maliit na vial ng kulay brown na potion at ininom nya ito ng dire-diretso. Huli na ng makita ni Sidh ang ginawang pag-kuha ng potion ni Jerim kaya naman hindi na nya ito napigilan. Napatayo ng wala sa oras si Zico at lalo namang napahanga ang mga batang Vulgus sa nasaksihan nila.



Bigla kasing nag-bago ang itsura ni Jerim. Mula sa twevle years old na bata ay nag-bago ito sa isang twenty years old na binata. Nag-matured ang mukha nito at lumiit ang suot nitong mga damit. “Master Jerim!”gulat na saad ni Sidh.



“Ikaw! Anong ginawa mo?”napapasigaw na lang sa bigla si Zico.



“Eh di uminom ako ng potion na mag-papatanda sakin ng eight years para naman makasama na ko sa pag-lalayag mo.”sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Jerim.



“Bakit ba ang tigas ng ulo ng lahi mo?! Bahala ka! Ikaw mag-turo sa mga yan hu!”sa inis ni Zico ay nilayasan sila nito. Lumalaki na lang ang mata ng mga batang Vulgus sa tuwing makakakita sila ng Magic. Lalo na ng biglang maglaho sa harapan nila si Zico.














Pero ang totoo kaya umalis si Zico dahil bigla nanaman nyang naalala si Rita at ang anak nya. Parang ayaw nya umalis kaso pag hindi sya umalis walang mangyayari. Masasaktan lang sya ng masasaktan dahil wala syang magagawa kundi ang panoorin lang si Rita at ang anak nya sa malayo.



Mas okay na yung umalis sya para kahit pano ay malilibang nya ang sarili nya. Pero pangako nya sa sarili nya isang araw babalik ulit sya sa earth para makita ang anak nya.







2 comments:

  1. Yong Tir na nog parang place din yon sa Iron Fey. Nagbabasa ka ng Iron Fey ni Julie Kagawa sis? Wew! Like it. Ganda ng master piece ni goddess of iron fey. Itong story mo.. ganda rin.. pero kailangan ko pang basahin ang simula ng w&w para kumpleto ang kaalaman ko sa story mo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko alam yun sis .. :DDD harry potter tsaka wizard's tale lang alam kong mga magical stories .. more on actions, suspense, drama talaga genre ko .. sabi ko nga first time ko mag-sulat ng mga ganito .. :DDDD

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^