Autre
Histoire :
Prince
Zico Part II
TAHIMIK
lang
si Zico habang kaharap nya si Goddess Danann. Naroon sila ngayon sa
tent ni Sidh kasama si Prinsepe Brai. Seryoso ang mukha nito ganun
din naman si Zico habang tahimik lang na nikikiramdam sa kanila si
Prinsepe Brai. Matagal na nangibabaw ang katahimikan hanggang sa si
Goddess Danann na ang unang bumasag.
"Kailangan ka
ng Tir Na Nog ngayon Prinsepe Zico."paunang
saad ni Goddess Danann. "Ikaw
ang naitakda bilang susunod na Hari kaya kailangan mo nang bumalik sa
Tir Na Nog."dugtong
pa nito. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Zico.
"Goddess
Danann. Ngayon ko lang susuwayin ang utos mo. Sorry. Hindi ko
tatanggapin ang posisyon bilang Hari."sagot
ni Zico sa determinado nyang boses. Ikinabigla naman iyon ni Goddess
Danann.
"Prinsepe
Zico--"hindi
pa man tapos si Goddess Danann ay nag-salita na ulit si Zico.
"Pwede nyo
namang ipasa yung trono ko sa pangalawang napili ng Stone of Destiny.
Sorry Goddess Danann. Hindi ko matatanggap ang posisyon na
yun."pag-mamatigas
ni Zico. Nanahimik si Goddess Danann, pero muli itong nag-salita
makalipas ang ilang segundo.
"Dahil ba sa
kasama mo kanina kaya hindi mo matatanggap ang trono?"hindi
sumagot si Zico. "Dahil
ba sa nasa sinapupunan nya kaya hindi mo matatanggap ang trono at
hahayaan na lang na maipasa sa iba?"walang
sagot si Zico, nanatili lang itong tahimik. Bumuntong hininga si
Goddess Danann. Tumayo ito sa kinauupuan nito at tumalikod kay Zico.
Mahahalata mong may gusto itong sabihin pero hindi nito alam kung
paano uumpisahan.
"May problema
ba Goddess Danann?"tanong
ni Zico.
"Prinsepe
Zico---hindi rin makaka-buti hanggat nasa tabi ka nila."malungkot
nitong saad. Napakunot ang nuo ni Zico.
"A---anong ibig
nyong sabihin?"
"Dahil anak sya
ng isang Magus sa isang Vulgus. Hindi mag-katugma ang enirhiya na
bumabalot sa kanya. At sa tuwing didikit ka sa kaniya ay nahihigop ng
nahihigop nya ang lakas mo. Hindi kakakayanin ng bata yun. Para syang
battery na mao-over charge at bigla na lang sasabog. Sa madaling
salita mamamatay ang anak mo habang nasa tabi ka nila. At pwede ding
ikamatay ng nag-dadala sa bata iyon."si
Haring Brai na ang nag-explain kay Zico ng bagay na iyon.
"Pwede naman
akong lumayo sa kaniya habang nag-dadalang tao sya tapos babalik ako
pag nanganak na sya. Aaminin ko sa kaniya kung anong klase yung
pag-katao ko."saad
ni Zico.
Umiling
si Goddess Danann nang humarap ito sa kaniya. "Maari
mo ngang gawin ang bagay iyon. Ngunit ang pag-kakaroon ng anak sa
isang Vulgus ay may mabigat na kapalit. Isisilang ng ina ang bata
ngunit kinakailangang mabura ang ala-ala ng ina sa oras na malaman
nya kung ano ang tunay na pag-katao mo. At kapag sinuway mo ito
kamatayan ang nag-hihitay sa kaniya. Iyan ang batas ng mga Ministro
upang ma-protektahan ang lahi natin sa mga Vulgus na
mapag-samantala."
Hindi na nakapag-salita
pa si Zico. Dahil sa mga oras na iyo ay gulong gulo na ang isip nya.
Gusto nyang manatili sa tabi ng mag-ina nya pero hindi pwede dahil
mapapahamak lamang ang mga ito. Mahalaga ang mga ito sa kaniya at
dibale na na sya ang mag-sakripisyo wag lang sila mapahamak.
"Prinsepe
Zico, kailangan mong mag-desisyon. Pag-isipan mo. Babalik ako ulit.
Sana sa pag-balik ko ay nakapag-desisyon ka na."nilingon
ni Goddess Danann si Haring Brai upang mag-paalam saka sya tumapak sa
Porte de Frae. Di tulad nila, hindi na gumamit pa ng silver na
buhangin si Goddess Danann. Hinawakan nya lang ang suot nyang Stone
of Destiny saka sya biglang nawala sa harapan nila.
Naiwan namang
problemado si Zico. Iniisip parin nito ang mga sinabi ni Haring Brai
at Goddess Danann. Blangko na ang isip nya, hindi nya naman kasi
aakalain na magiging ganito ka-komportable ang lahat. Napasapo na
lang ang dalawang palad nya sa mukha nya. Doon nya lang naramdaman
ang stress.
"King
Brai. Anong gagawin ko?"wala
sa sarili nyang tanong.
"Layuan
mo sila. Yun lang ang nakikita kong paraan para ma-proteksyonan mo
sila. Kahit na isa ka man sa makapangyarihang Magus o kahit na naabot
mo pa ang highest level ng pagiging Adept Bards mo wala ding magagawa
yan para maisalba sila.”sagot
ni Haring Brai na akala mo ay may pinag-huhugutan ito. Napansin naman
iyon ni Zico.
"Bakit
parang may pinag-huhugutan nyang sagot mo Haring Brai?”ngiti
na lang ang isinagot ni Haring Brai sa kaniya.
***
HALOS
hindi
makangiti ng maayos si Zico habang pinapanood nya ang papalapit na si
Rita. Ngayon kasi ang araw na makikipag-kita si Zico sa mga magulang
ni Rita para aminin ang lahat. Pero paano pa nya mahaharap ng mayos
ang mga sa ganung kondisyon na gulong gulo sya. Lalo pa sa tuwing
maiisip nya na pwedeng mawala ang dalawang mahalaga sa buhay nya pag
lumapit sya sa mga ito.
"Kanina
ka pa ba?"masayang
bati ni Rita sa kaniya. Kumapit pa ito sa braso nya. Kung noon ay
masayang masaya si Zico sa tuwing kakapit sa kaniya si Rita. Ngayon
ay napalitan na ito ng kaba.
"Hi--hindi
naman."sagot
nya.
"Tara
na! Dapat bumili ka ng masarap na pag-kain sa mga magulang ko
hu?"biro
ni Rita. Pilit lang na ngiti ang sinagot ni Zico.
Pero
hindi pa man sila nakaka-abot sa bahay ni Rita ay dumating na ang
kinakatakutan ni Zico. Na-alarma sya ng bigla na lang napahinto si
Rita at napakapit sa tiyan nya. "Ayos
ka lang ba?"alalang
tanong ni Zico.
"Yung
tyan ko. Parang medyo sumakit."saad
ni Rita. Hindi na nag-salita pa si Zico. Dahil alam na nya kung ano
ang dahilan. Inalalayan nya na lang si Rita pero nang mag-lalakad na
ulit sana sila ay bigla nanamang sumakit ang tuyan ni Rita. Hanggang
sa umabot na sa puntong napapasigaw na ito sa sakit.
Sinusubukang
gumamit ng spell ni Zico pero alin man doon ay hindi tumalab.
"Dadalhin na kita sa
hospital!"tarantang
wika ni Zico. Sa puntong iyon ay doon nya lang napatunayan na totoo
pala ang mga sinabi ni Haring Brai.
Hanggang sa hospital ay
maririnig ang malakas sa iyak ni Rita dahil sa sobrang sakit na
nararamdaman nito. Gustuhin mang lumapit ni Zico pero hindi nya
magawa dahil alam nyang sya ang dahilan kung bakit nahihirapan ngayon
si Rita pati na rin ang anak nya. Wala na syang nagawa kundi ang
umiyak na lang sa gilid at humihiling na sana ay walang mang-yaring
masama sa mag-ina nya.
Ilang
minuto syang nag-hintay sa labas ng ER hanggang sa lumabas ang isang
doktor na umasikaso kay Rita. Mabilis nya itong sinalubong. "Doc,
kamusta ho yung lagay ng pasyente?"alala
nyang tanong.
Napabuntong
hininga ang Docktor bago sumagot. "Sa
totoo lang ho, hindi maganda ang lagay nya. Maaring mawala ang bata
kung hindi bumaba ang lagnat nya. Sobrang taas kasi at pwede syang
makumbolsyon na maari din nyang ikamatay. Nasa panganib ang buhay ng
dalawa."malungkot
na anunsyo ng Doktor.
Para
namang binagsakan ng langit at lupa si Zico ng malaman nya ang lagay
ng mag-ina nya. Ilang
beses
nyang pinag-isipan kung ano ba ang dapat gawin. Masakit man pero
kailangan nyang iwan ang dalawa, para din naman sa kanila kaya nya
ito gagawin.
***
TUMAYO
sa
kinauupuan nya si Goddess Danann at lumapit ito sa may bintana.
Matagal itong hindi nag-salita habang tahimik naman na nakaupos sa
likuran nya si Zico. Pag balik kasi nito ay dumiretso agad ito sa
palasyo ng Tir Na Nog para sabihin ang desisyon nya kay Goddess
Danann.
"Kung
ganoon ay hindi mo talaga tatanggapin ang posisyon bilang isang
Hari?"muling
tanong ni Goddess Danann.
"Ganun
na nga Goddess Danann. Itutuloy ko yung parangarap kong maging
Pirata."sagot
naman ni Zico.
"Buo
na ba ang desisyon mo?'
Tumango
muna si Zico bago sumagot. "Opo,
buo na ang desisiyon ko."
Humarap
sa kaniya si Goddess Danann. Bakas ang panghihinayang sa mukha nito
pero pinilit parin nitong ngumiti. "Kung
ganoon. Hiling ko na sana ay maging masaya ka."
Nag-bigay galang si
Zico tapos ay tumayo sya sa kinauupuan nya at magalang nalumabas ng
kwarto. Sinundan lang sya ng tingin ni Goddess Danann. Ang kaninang
nang-hihinayang na mukha nito ay napalitan ng pag-aalala at takot.
***
NAG-BIGAY galang si
Semias nang masalubong nya si Zico na papasok sa kwarto nito. Naroon
na ito ngayon sa Kaharian ng Murias. Naisip nya kasing mamalagi doon
bago sya tuluyang umalis sa Kaharian na matagal nyang inalagaan.
"Prinsepe
Zico, buo na po ba talaga ang pasya nyo?"pilit
mang itago ay bakas parin ang lungkot sa mukha ni Semias.
Nilingon
sya ni Zico at nginitian. "Alam mo
naman kung ano talaga ang gusto kong gawin."naupo
si Zico sa trono nya habang si Semias naman ay nakasunod sa kanya.
"Sa
oras na umalis ka ay may maihahalal na panibagong Prinsepe ng Murias
kasabay ng dalawang bagong Druids."paalala
ni Semias.
"Sayang
hindi ko na sila makikita. Semias, masaya ako dahil ikaw ang naging
Druids ko. Naging tapat ka sakin at na-appreciate ko naman lahat yun.
Kaya sana i-continue mo lang ang pagiging tapat mo sa kaharian na 'to
lalong lalo na sa Tir Na Nog."tinapik
ni Zico si Semias sa braso at sabay silang nag-ngitian.
Sa kalagitnaan ng
usapan nila ay doon naman pumasok ang Prinsesa ng Findias na si
Prinsesa Hara. Kasunod nito ang Druids nyang si Uisias. Bumati si
Uisias ng makita nya si Semias habang ang Prinsesa naman ay walang
pakundangan na lumapit kay Zico.
"Zico!"galit
nyang bati.
Napakunot
naman ang nuo ni Zico. "Gumalang
ka nga! Baka nakakalimutan mo na magiging susunod akong Hari!"
"Hariin
mo mukha mo! Eh diba tinanggihan mo na nga yung desisyon ng Stone of
Destiny?"may
kasama pang batok na sabi ni Prinsesa Hara. Hindi na bago para kanila
Uisias at Semias ang bagay na yun dahil sanay na sila sa dalawa.
Mag-kaibigan kasi ang dalawang ito bago pa man sila maging Prinsesa
at Prinsepe ng apat na kaharian. "Bakit
ba gustong gusto mo maging Pirata? Ano ba mapapala mo dyan? Bakit di
mo na lang tanggapin yung pagiging Hari?"
"Pwede
ba! Hayaan na natin na kay Prince Rome yun! For Sure naman na sya ang
pangalawang napili ng Stone of Destiny! Siguro naman hindi nya
pababayaan 'tong Tir Na Nog!"
"Mali
ka! Dahil si Prince Arke ang papalit sa position mo!"lahat
sila ay ay napatingin kay Prinsesa Hara maliban kay Uisias na mukhang
alam na ang nais na sabihin ni Prinsesa Hara.
"Anong
ibig mong sabihing si Prinsepe Arke?"kunot
nuong tanong ni Zico.
"Buntis
si Goddess Danann! At si Prinsepe Arke ang ama!"pabulong
na saad ni Prinsesa Hara.
"Totoo
ba yan? Baka naman tsimis lang yan!"pag-dududa
ni Zico.
Humalukipkip
si Prinsesa Hara at umasim ang mukha nito. Iniangat pa nya ang
kaliwang kilay nya bago nag-salita. "Baka
nakakalimutan mo kung ano ang kayang gawin ng crystal ball ko! Nakita
ko dun na buntis nga si Goddess Danann! Maniwala ka!"giit
ni Prinsesa Hara.
"As
in si Prinsepe Arke na kuya ni Haring Brai ang ama?"paninigurado
ni Zico.
"Oo
nga! Ayaw maniwala! Nakita nga ng crystal ball ko na may anak ka na
eh!"parehong
nabigla sina Uisias at Semias ng ibuko ni Prinsesa Hara si Zico.
Natigilan naman si Zico sa kanya.
"Sira
ulong 'to! Bakit kailangang sabihin mo pa yan?!"sigaw
nya kay Prinsesa Hara.
"Prinsepe
Zico?"kwestyonableng
wika ni Semias kay Zico, halatang nag-hahanap ito ng explaination sa
Prinsepe.
"Hay!
Lalaki ako! May sperm din naman ako gaya ng sa Vulgus! Kayo din may
sperm din kayo! Kaya nyo din makabuntis! Ano ba kayo!"natigilan
sya dahil sa word na ginamit nya. Napabuntong hininga na lang tuloy
sya at iniba ang usapan. "Teka!
Yang crystal ball mo ba kayang makita yung future?"
"Hindi!
Ang kaya nya lang makita yung nakaraan at yung kasalukuyang
nang-yayari."
"Ano
bang klaseng bolang kristal yan, pareho lang ng may-ari! Laging
palpak! Tapon mo na nga yan!"
"Anong
sabi mo?!"nag-pintig
ang tenga si Prinsesa Hara sa narinig nya kaya naman mabilis nyang
inilabas ang wand nya at walang ano ano ay inatake nya si Zico.
Mabuti na lang at mabilis si Zico dahil nakontra nya agad ang spell
na tinapon sa kaniya ni Prinsesa Hara without using his wand.
"Sabi
ko naman sayo di ka mananalo sakin hanggat hindi ka natututong
mag-cast ng spell gamit utak mo!"tatawa
tawa pang saad ni Zico. Tinitigan sya ng masama ni Prinsesa Hara
tapos ay lumapit ito. "Oh bakit?
Sisipain mo ko?"napa-yuko
si Zico dahil yun nga ang ginawa ni Hara. Tapos ay tinalikuran na sya
nito.
"Uisias!
Tara na!"tawag
nya sa Druids nya. Natatawa namang sumunod sa kaniya si Uisias.
Napailing naman si Semias habang pinanunood nya kung gano iniinda ni
Zico ang sakit sa binti nya. Pakiramdam nya parang nabali ang buto
nya.
"Prinsepe
Zico, ayos lang ba kayo?"pilit
tinatago ni Semias ang tawa nya.
"Try
mo kaya mag-pasipa sa kaniya. One time lang."pilosopong
saad ni Zico.
Pumasok muli sa isip
nya ang kanina lang na sinabi ni Prinsesa Hara. Buntis si Goddess
Danann, at si Prinsepe Arke ang ama. Kung ganoon bakit pa sya
pinipilit ni Goddess Danann na maging Hari kung pwede namang maging
Hari si Prinsepe Arke sa oras na ikasal silang dalawa? At isa pa,
siguradong nakita ng Stone of Destiny na mabubuntis si Goddess Danann
bago pa man ito mangyari. At dahil si Prinsepe Arke ang ama ng anak
ni Goddess Danann sya ang unang napili bilang Hari. Kung ganun ay si
Zico ang pangalawang napili bilang Hari?
Napakunot ang nuo ni
Zico. Iniisip nya kung ano ang dahilan. Nakakasigurado si Zico na
hindi igigiit ni Goddess Danann na maging Hari si Zico kung wala
namang mabigat na dahilan. Pero kahit ano man ang dahilan, hindi na
mag-babago ang desisyon nya. Ano man ang plano si Goddess Danann ay
wala na sya doon dahil ilang araw na lang at hindi na sya ang
Prinsepe ng Tir Na Nog.
~
End of Prince Zico ~
To
be continued ...
Tanong ko lang po. Special chapter lang po ba ito ng Witchcraft and Wizardry o ito na mismo ang Book 2? Thanks! :">
ReplyDeletespecial chapter lang po .. nilagay ko po sa author's note ko yun ..
Deleteokay po. katatapos ko pa lang kasi yung W&W, hindi ko pa po nasisimulan itong AH, pero nakita ko po itong update sa homepage. ganda po ng story niyo. thanks! ;"]
Deletethanks din po for reAding!!!!
DeleteaNo ngA kyA pLano nuNg c dAnnAn,,, baSa-baSa p riN,,, mEdyo naGkkasgOt n ang mgA taNong s utAk q 2ngKoL dtO eHh,,,
ReplyDelete