Thursday, February 28, 2013

Tale of Ethanica : Chapter 9

CHAPTER 9
~ RINOA'S POV ~

“Brother! Woah.. who is that?" Tanong nung bata na ngayon ay hawak si Nyozaki.

“I saw her spying on us.” Sagot nung lalaki na may hawak sa akin.

“H-Hindi ako nagi-spy!” Natatakot na sagot ko. Tatlo sila.. kaya ko naman sila kung tutuusin, yun nga lang, hawak nila si Nyozaki at meron silang mga patalim.

“Sabihin mo ang iyong ngalan, young lady. At bakit ganyan ang iyong kasuotan?” Tanong naman sa akin nung isa pang lalaki na may hawak naman ng sphere.

Hindi ako sumagot. First of all, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kung bakit ganito ang suot ko.. Hindi nga naman normal ang suot ko compared sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako sa ibang mundo.. kung ang lugar nga na ito ay ang Ethanica tulad ng hinala ko.

“Siguro isa syang espiya ng Denim bandits!” Sabi nung lalaking unang nagsalita kanina.

Hinawakan naman ako ng mahigpit nung may hawak sakin.. Aish!! Hindi gentleman ang isang toh >_<

“Speak.” He demanded.

Napatingin ako kay Nyozaki na nakatingin din sa akin.

Wala na akong choice.. kailangan ko magsalita. Bahala na nga..

“Galing ako sa ibang mun—“


‘Rinoa! You must not tell them!’ A sudden voice said.

Napatingin ako sa paligid pero wala naman ako nakitang tao.. pati yung dalawang lalaki na nasa harapan ko, hindi nagbabago ang expression ng mga mukha nila. Nakatingin lang sila sa akin.. Teka.. hindi ba nila narinig yun?

‘Ako si Nyozaki. Wag mong sasabihin sa kanila ang tungkol sa kabilang mundo Rinoa.'

Nagulantang ako sa narinig ko. Tinignan ko ulit si Nyozaki na ngayon ay hawak nung lalaki.

O__O

Nyozaki? Oh-my-gosh… what the… Nakikipag-usap sya sa isip ko!

At dun bigla kong naalala ang sinabi nila Lark.. one of the Talents ay beastspeaking where a person can communicate with beasts through their minds. Ibig sabihin beatspeaker ako??


“Magsalita ka!” Bulyaw nung lalaking may hawak sa akin na hindi ko pa nakikita ang mukha dahil nga hawan nya ako sa likod. Waaah..

“H-Hindi ako spy! Normal na tao lang ako na nagdaan dito sa gubat dahil hinahanap ko yung rabbit ko! Ayan! Akin sya!” Tinuro ko si Nyozaki.

“You have a strange way of speaking.” Sabi nung sphere guy.

“Indeed.” The other one agreed.

Nagulat naman ako nung biglang pinakawalan ako nung lalaking may hawak sa akin at tinanggal ang kutsilyo sa gilid ng leeg ko.

“Squall! Bakit mo sya pinapakawalan?!”

“Naniniwala ako sa kanya. Mukha naman syang mahina.” The guy behind me said and he stepped forward. Nakita ko na din ang mukha nya pero nanlaki ang mga mata ko nung makita ang isang scar line sa may right side of his forehead, passing over his nose line. Meron syang dark brown hair and broad shoulders.

“S-Salamat.” Sabi ko dito.


“Ibalik nyo ang kuneho nya at tayo na.” Nagsimula na syang maglakad.

Binalik naman nung lalaki si Nyozaki sakin at nagsimula na din sundan yung Squall ba yun? Weird ng name.

“Sandali!” Tawag ko.

Tumigil silang tatlo sa paglalakad at lumingon sa akin.

No choice ako.. Mukha naman silang mababait eh. Kailangan ko lang talagang gawin ito.. “Pwede nyo ba akong isama? Wala kasi akong mapuntahan eh.. mag-gagabi na. Promise hindi ako spy! Mabait po ako!” Binigyan ko sila ng pinaka-cute na puppy eyes. Please gumana ka~~ (>/\<)

Nagtinginan naman silang tatlo.

Squall spoke. “Kung gusto mong sumama, Dalian mo.”

Napangiti ako at tumakbo para abutan sila makisabay sa kanila. Honestly,  kinikilabutan ako sa gubat na ito. Ayoko naman mag-isa sa madilim na gubat.. kaya wala akong choice kundi sumama sa kanila.

Naglalakad kami ngayon palabas ng gubat.. Yung dalawang lalaki kanina pa nag-aasaran. Si Squall tahimik lang na nangunguna sa paglalakad. Ako naman, tahimik na naglalakad sa likod nila habang buhat ko si Nyozaki.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na narinig ko ang boses nya sa isip ko. So meaning, lumabas na ang powers ko?

‘Rinoa’

Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko na naman si Nyozaki.

“Nyozaki?” Bulong ko.

‘Ako nga. Pwede mo din gamitin ang iyong isipan upang makausap ako. Hindi mo kailangang gamitin ang iyong tinig.’

“Paano?”

‘Konsentrasyon, Rinoa. Ilagay mo sa iyong isipan ang mga salita na gusto mong iparating.’

Susubukan ko na sanang gawin ang sinabi nya nang biglang may kamay ang umakbay sa akin.

“Miss! Ano ba ang ngalan mo? Bakit ganyan ang kasuotan mo?” Kasabay ko na palang naglalakad yung dalawa, habang si Squall nasa unahan pa din.

“A-Ah.. eh.. Rinoa. Pero Rin nalang itawag nyo sakin.. at ang damit ko. Uhh..medyo weird kasi ang taste ng mama ko kaya ginawan nya ako neto. H-Hahaha! ^__^” Actually ang suot ko lang naman kasi eh simpleng spongebob t-shirt, skinny jeans and black vans ankle shoes. Simple lang.

They looked at me weirdly.. Kumagat kayo.. kumagat kayo~ >__<

Napakamot ng ulo yung lalaking naka-akbay sakin. “Kakaiba talaga ang iyong pananalita Rin. Pero dahil maganda kang dilag, hindi ka na naming kukulitin ng tungkol dyan. Ako nga pala si Byron. At yung maliit na bata na yan si Geo.”

“Hoy hindi na ako bata Byron! 17 na ako!” Sabi naman ni Geo.

“Ehhh! 17 ka na? No offense ah pero mukha kang 14 lang.. o__o” I said. Totoo naman kasi eh.. nakakagulat! Isang taon lang pala ang tanda ko sa kanya..

Bigla naman tumawa ng malakas si Byron. “Hahaha Rin, ang galing mo!”

“I am 17! Hindi na ako bata!” Naiiritang sabi ni Geo.

Natawa nalang ako sa kanila. Mababait nga sila :)


“We’re here.” After a long walk, nagsalita na din si Squall.

Tumingin ako sa paligid.. nasa opening ng gubat ang lugar na ito pero kita pa din ang mga lights galing sa town.

“Wooh! Nandito na kami!” Tumakbo palapit sa isang maliit na kubo si Geo.

Sumunod naman si Byron sa kanya at may mga naglabasan na limang bata at sinalubong sila. Mukhang mga 8-12 ata ang range ng ages nila

“Nandito na sila!!” Sigaw nung batang lalaki na mukhang mga 12 years old.

 Tuwang-tuwa nilang niyakap ang mga ito. “Byron! Geo!  Squall!”

Aww~ ang ku-cute nila! *o*

Nagulat ako nang may biglang humihigit ng konti sa shirt ko. May isang batang babae ang nakatingin sa akin. “Sino ka?” Tanong nito. “

Oh my… she’s so cuuuute! *___*

Bago ako makasagot, biglang nagtakbuhan papunta sa akin ang iba pang mga bata at pinagbo-bomba ng mga tanong.. kung anong pangalan ko, kung sino ako, kung bakit ako nandito, kung bakit ganito ang suot ko, kung anong pangalan ng alaga kong rabbit.

“Isa syang kaibigan na nakita naming sa loob ng kakahuyan.” Ang sabi ni Squall.

“Squall! Anong ngalan nya??”

Napatingin sa akin si Squall at hindi nakasagot. Malamang hindi nya alam..

Tumingin ako sa mga bata at nginitian sila. “Ang pangalan ko ay Rinoa, pero pwede nyo akong tawaging Rin ^__^”


*O* - ganyan ang mga mukha nila. Hahaha shet ang sarap lapain ang mga pisngi nila XD



“Oh nandito na pala kayo at may kasama kayong bisita.” May matandang babae ang lumabas galing sa kubo. “Let’s all go in and it’s getting dark already.”

Astigin si Lola, kung maka-English bihasang-bihasa!

Naunang pumasok si Squall.

“Tara, pasok Rin.” Yaya ni Geo.

“Rin Rin! Halika dali!” Hinila ako ng mga bata kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila.



Namangha ako pagkapasok ko sa kubo. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa gulat. Tinignan ko ang piligid mabuti.. Ang laki! Super spacious kumpara sa unang tingin mo sa labas na parang sirang-sira na at pwede ng tangayin ni bagyong Undoy.  Shiny floor boarded ang sahig, lahat ng gamit parang mamahalin at lahat mga yari sa kumikinang na kahoy.. mapa upuan, table, ding-ding at iba pa. Para akong napunta sa ibang bahay imbis na sa maliit na kubo..


“Nang, wala kaming nakuha sa gubat ngayon.” Narinig kong sabi ni Geo sa matandang babae.

“Hindi iyan problema Geo, meron na tayong makakain ngayong gabi. Dumaan si Carg at binigyan tayo ng karne galing sa Meytu Market kanina.”Napatingin sya sa akin. “At sino naman ang magandang dilag na kasama ninyo?”

“Nakita namin sya sa kakahuyan at nakiusap na makituloy muna. Mukhang hindi sya taga-dito.”

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Squall. Hindi taga-dito? Alam na ba nya na taga-ibang mundo ako?? >__<

The old woman gave me a warm smile. “Mukhang malayo ang iyong pinanggalingan, iha. Ako nga pala ang umampon sa mga batang ito. Ano ang iyong ngalan?”

“Rin po..”

“Napakagandang ngalan. Saang town ka galing?”

@_@ Ahh.. so ang alam nila taga-ibang lugar lang ako? Pero tinatanong nya kung taga-saan ako.. malay ko sa mga lugar dito T__T

Nag-concetrate ako at sinubukan na mag-send ng words kay Nyozaki gamit ng isip ko.
“Nyozakiiiii! Naririnig mo ba ako? Anong isasagot ko sa kanila?” I sent

‘Cyril City, Rinoa! Cyril City!’ It was wagging its ears.

OMG! Gumana ang beastspeaking ko! *u*

“S-Sa Cyril City po.”


“Woah! Galing ka sa Cyril City, Rin?! Ang balita ko maganda daw doon! Totoo ba?” Tanong ni Geo.

“Indeed. Malayo-layo din kasi ang Cyril City dito sa Monteri kaya hindi pa kami nakakapunta doon.” – Byron

“A-Ah.. oo.. maganda.. Hehe!” Kinakabahan kong sagot. So Monteri pala ang lugar na ito.


Napatingin ulit ako sa paligid.

“Rin Rin! It is beautiful isn’t it? Nang used her Talent to make this amazing gandi!” Natutuwang sabi ni May.. yung batang babae na nagtanong sakin kanina. Nagulat ako sa way ng pagsasalita nya ng English.. para syang native Filipino and English speaker at the same time. Lahat sila dito ganun.. pero either way, nagpapasalamat pa din ako dahil nagbago ang topic.

Gandi? Ano yun?” @_@

Napatingin naman sila sa akin nang nagtataka. “You do not know what gandi is?” Tanong ni Squall.

Oh shit.. wrong move Rin. T____T

“A-Ano.. I mean, ang ganda nga ng gandi! H-Haha..” Kahit hindi koa alam ang ibig sabihin nun.. mas mabuti nang magpanggap para hindi malagot >_<

Mukha namang naniwala sila and fortunately, they let the topic go.

///

Pagkatapos namin kumain ng porridge na gawa ni Nang, pinaupo nila ako sa may parang sala. Naging medyo ka-close na din sina Geo at Byron.. pati na din ang mga bata. Si Squall parang tulog naman dun sa sulok.

“Ang galing lang kasi ang aga nila natutong mag-English.. talagang fluent pa haha! Maganda nga naman na matutong mag-English at Tagalog.” Sila May ang tinutukoy ko dun.

“English? Tagalog?” Nagtatakang tanong nila.

Nagtaka naman din daw ako. “Oo?”

“Ano ang mga iyon?” Ang tanog ni Byron.

“Food? They sound yummy!” – Geo

“Huh? Languages yun! Etong ginagawa ko Tagalog.. and this one is English. Gets?”

“What are you on about? Ganito lang naman talaga ang salita natin.”

“Hahaha! Nakakatuwa ka Rin, ang galing ng imagination mo!”

@___@ so parang imagination ko lang pala ang sinasabi ko? Bakit hindi nila alam ang English at Tagalog kung yun naman ang mga ginagamit nila sa pagsasalita? Don’t tell me Taglish lang talaga sila? Wow ah..


///

Nakaupo ako sa labas ng kubo o gandi kung tawagin nila. Malamang alam ko na kung anong ibig sabihin nun dahil sinabi sa akin ni Nyozaki..

‘Bakit ako lang ang na-transport dito sa Ethanica?’ I sent to Nyozaki.

‘I do not know! Ngunit kailangan nating tumungo sa Cyril City, Rinoa. Kailangan nating makarating sa kaharian dahil hindi tayo maaaring magtagal dito!’

‘Pero pano?’


Hindi na nakasagot si Nyozaki dahil may lumabas galing sa kubo. “Squall.”

Tinignan nya muna ako na parang may iniisip at tahimik na umupo sa dulo ng isang log.

Maybe I could be friends with him? He’s nice naman eh.. mukha nga lang masungit tulad ni Cloud.. but nah~ mas masungit pa din yung blonde na yun.


“Tell me who you really are.” Bigla nyang sabi na nakapagpagulat sa akin.

“H-Huh? Anong sinasabi mo?”
 Bigla akong kinabahan. 

“I know you are lying about your identity. Sino ka? Bakit iba ang iyong pananalita? Bakit parang marami kang hindi alam tungkol dito?” Seryoso ang mga mata nya.

Pero hindi ko pwedeng sabihin kung taga-saan ako. “H-Haha.. Ano bang—“

“Empath ako. Meron akong kapangyarihan upang maramdaman ang nararamdaman mo kaya alam kong nagsisinungaling ka.”


Empath? Ibig sabihin empathy ang Talent nya.. No point of lying. “O-Oo nagsinungaling ako.. sorry talaga! Pero hindi ko talaga pwedeng sabihin kung sino talaga ako. Crucial kasi ito kaya hindi talaga pwede.. Promise hindi ako spy o masamang tao! Nagsasabi ako ng totoo!”


Tinitigan nya ako ng mabuti for a few seconds.. then huminga sya ng malalim. “Sige hindi na kita tatanungin.. pero Rinoa talaga ang iyong pangalan?”


Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. “Yup! Yan talaga ang pangalan ko.. Maraming salamat Squall! ^__^”


“Squall nandito ka lang pala.. Oh Rin, bakit nandito ka? Ayaw mo pa ba magpahinga?” Lumabas si Byron galing sa kubo.

“Ah.. okay lang hindi pa naman ako pagod.” I told him.

He just smiled at humarap ulit kay Squall. “Kinabukasan na an gating byahe patungo sa Cyril City. Ready na ba ang lahat?”

“Oo ayos na lahat.” Sagot ni Squall.

“Cyril City? Teka pupunta kayo dun?” Tanong ko sa kanila. Diba yun yung sinabi ni Nyozaki na kailangan naming puntahan?

“Oo, eto kasing si Squall kasama sa training para maging isang opisyal na SOLDIER. Tapos kami ni Geo sasamahan naming sya sa Cyril City at para na din makahanap ng pera.” Byron said.

O__O SOLDIER katulad nila Cloud? Omg! Parang alam ko na kung bakit dun ko kailangan pumunta..


“SQUALL! BYRON!” Sigaw ko sa kanilang dalawa. Nanlaki naman ang mga mata nila dahil sa gulat. “Isama nyo ako please! Kailangan kong makarating sa Cyril City no matter what! PLEASE!"


3 comments:

  1. hi beb!!! paki-sagot naman 'to para sa profile mo dun sa staff page natin. leave ka ng comment dun. thanks! ^____^

    http://aegyodaydream.blogspot.com/2012/01/staff-read-this-2012-01-28.html

    ReplyDelete
  2. ((Geo's cute))

    ((Food daw ang Tagalog and English dahil it sound yummy))

    ((Haha, tawa much))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^