Autre Histoire :
Prince Zico Part I
TUMANGO tango si Ministro Cronus bago ito nag-salita. "Kung ganoon ay napag-desisyonan na ng Stone of Destiny na si Prinsepe Zico ang magiging susunod na Hari ng Tir Na Nog?"paninigurado ng Ministro ng mga Praecantrix at Magus.
"Ganoon na nga po Ministor Cronus."mahinahon namang sagot ni Goddess Danann. "Mukha ni Prinsepe Zico ang una kong nakita nang ilublub ko ang Stone of Destiny sa L'eau du Destin."dugtong pa nito.
Ang L'eau du Destin kasi ay isang uri ng tubig na nababalutan ng malakas na mahika. Doon nilulublub ang Stone of Destiny sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan. Isinasagawa lamang ang ganitong klase ng serimonyas tuwing ika-sampung taon, dahil doon lang lumalabas ang bilog na buwan. Makikita sa repleksyon ng tubig ang mukha ng sino mang susunod na magiging Hari.
"Kung sa bagay, nakikita ko naman na hindi mapapabayaan ni Prinsepe Zico ang Tir Na Nog dahil tiwala ako sa kakayahan nya."saad naman ni Ministro Eros ang Ministro ng Tir Na Nog.
Tumango si Minstro Apollo, tanda ng pag-sangayon nito. "Hindi ko na mahihintay kung paano nya mas lalo pang palalaguin ang kaharian na ito."saad nya sa seryoso nyang mukha.
"Sya nga pala Ministro Apollo, kamusta na nga pala ang bagong halal na hari ng Ablach? Balita ko ay napaka-husay nyang mamuno?"pag-iiba ng usapan ng Ministro ng Magh Maell na si Ministro Coeus.
Masayang tumango si Ministro Apollo, "Tama ka riyan Ministro Coeus. Napaka-husay talaga ni Haring Brai. Wala akong masabi sa kaniya. Para din syang si Prinsepe Zico!"ngumiti at nag-bigay galang si Goddess Danann ng lingunin sya saglit ni Ministro Apollo. "Hindi talaga ako nag-kamali ng pag-pili sa kaniya."saad nya.
"Sya nga pala. Nasaan pala si Prinsepe Zico? Dapat ay sabihin na natin sa kaniya na siya na ang susuod na Hari ng Tir Na Nog."singit ni Ministro Zelo ng ikaapat na dimensyon ang Fomoire. Lahat sila ay napaisip maging si Goddess Danann.
***
NATIGILAN si Zunji nang mapansin nyang parang may tinataguan ang kapatid nyang si Zico. Napakunot sya ng nuo tapos ay walang ano-ano ay sinipa nya ang pwetan nito dahilan para tumilapon ito sa lapag.
"Aray! Ano ka ba!"galit na sigaw ni Zico sa nakatatandang kapatid.
"Ano bang ginagawa mo? Para kang may ninakawan na tinataguan mo."kunot nuong tanong nito habang hawak nito ang french bread na binili nila. Mabilis namang tumayo si Zico at inayos ang sarili. Sa halip na sumagot sya sa kapatid ay hinatak nya na lang ang french bread at tinalikuran ang kapatid. Kakagat pa sana sya pero nagulat na lang sya ng may bigla syang mabangga.
Tumilapon ang mga bitbit na prutas ng babae, hindi ito mag-kanda ugaga sa pag-pulot habang si Zico naman ay parang biglang nanigas sa kinatatayuan nya. Nakatitig lang sya sa babae, bigla syang na-mentla block. Rinig na rinig nya yung kabog ng dibdib nya at kitang kita nya ang aura na lumalabas sa katawan nya. Nakatitig lang sya sa babae na parang wala sa sarili.
"Sira ulo! Ano ginagawa mo? Bakit di mo tulungan yung babae? In-love ka ba? Halata sa aura na lumalabas sa katawan mo eh! Halos mabingi ako sa tibok ng puso mo!"parang biglang natauhan si Zico ng marinig nyang may sumigaw sa isip nya at yun nga ay ang kapatid nyang si Zunji.
"Hi---hindi no!"mabilis na sigaw ni Zico sa kapatid. Dahil nga nawala na sya sa ulirat nakalimutan nyang pwede nya palang kausapin si Zunji kahit sa isip lang. Nataranta sya dahil napatingin sa kaniya ang babae. Hindi tuloy nya alam kung saan sya lilingon at kung ano ang gagawin nya. Natatawa na lang sa kaniya ang kapatid tapos ay tinapik sya nito sa balikat.
"Tulungan mo naman sya!"natatawang sabi ni Zunji. Sumaludo pa ito sa kapatid bago lumakad palayo. "Kita na lang tayo sa Underground Market."yun lang at nag-paalam na si Zunji.
"Hoy! Teka!"tatakbo pa sana si Zico pero parang nakadikit sya sa kinatatayuan nya. "Bwisit!"saad nya, dahil alam nyang si Zunji ang may kagagawan kung bakit hindi sya makaalis sa kinatatayuan nya. Wala talaga sya sa sarili dahil hindi nya maiisip sa mga oras na iyon ang pangotra sa spell ni Zunji. Natigilan sya ng muli nyang mapansin na nakatingin sa kaniya ang babae. "Ah---so---sorry nga pala."nauutal nyang sabi. Tapos ay marahan syang naupo para tulungan ang babae.
Ngumiti naman ang babae bago sumagot. "Okay lang."parang kakapusin ng hininga si Zico dahil sa mga ngiti na iyon. Ramdam nyang namumula na sya kaya naman tumalikod sya dito.
"Ano ba 'to!? Para akong lalagutan ng hininga!"sabi nya sa isip nya. Napahawak pa sya sa dibdib nya.
"Okay ka lang ba?"tanong ng babae. Lumingon si Zico na may pilit na ngiti.
"O--okay lang."sabay silang tumayo na dalawa. "Pa--pasensya ka na talaga hu? Naantala pa yata kita."
"Hindi, okay lang. Hindi naman ako nag-mamadali. Malapit ka lang ba dito?"pagkuway tanong ng babae.
"Hu---Ah---O--oo. Dyan sa Underground Market."nauutal parin nyang wika.
"Kaya pala. Madalas kasi kitang makita dito."
Ngumiti naman si Zico at napaisip. "Ibig sabihin napapansin nya rin ako? Akala ko naman ako lang nakakapansin sa kaniya!"kinikilig nyang bulong sa isip. "Ganun ba? Ikaw din, madalas kitang makita dito. Taga saan ka ba?"
"Medyo malayo layo ako dito sa Central Market pero dito lang talaga kami namimili."
Tumango si Zico, "By the way, ako nga pala si Zico. Ikaw?"inilahad ni Zico ang kamay nya at masaya naman itong tinanggap ng babae.
"I'm Rita Holt, nice to meet you Zico."nakangiting saad ni Rita. Para kay Zico iyon na ang pinaka-masayang araw sa buhay nya. Para syang nasa langit habang hawak nya ang mga kamay ni Rita,. Para bang ayaw na nya itong bitawan pa. Matagal nyang hinitay ang pag-kakataon na iyon at natatakot sya na baka hindi na maulit pa. Masayang masaya talaga sya.
***
PARANG nasa langit si Zico ng makarating sya sa Underground Market. Kung saan nag-hihintay ang kapatid sa tent ni Sidh. Abot hanggang tenga ang ngiti nya ng salubungin nya ang mga ito. Naroon si Haring Brai, si Sidh ang kapatid nya at ang fairy ng pamilya nila Zico at Zunji na si Elleune. Sabay sabay silang napatingin dito.
"Elleune! Ano ginagawa mo dito? Nami-miss mo nanaman ba ako? Ikaw talaga! Sabi ko naman sayo di na ko pwede. Taken na ko!"biro pa ni Zico.
"Master Zico! Narito ako hindi para maki-pag-lokohan sa iyo!"sagot ni Elleune.
"Nandito sya para i-announce sayo na ikaw na magiging susunod na hari ng Tir Na Nog!"si Zunji na ang nag-sabi ng balita.
Halos hindi naman makapaniwala si Zico sa balitang iyon. "Totoo ba yang sinasabi mo?"paninigurado pa nya.
"Oo, totoo ang sinasabi ni Master Zunji."saad naman ni Elleune. Nang makasigurado, imbes na mas lalong matuwa ay unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Zico. Napaupo na lang sya sa tabi ni Haring Brai na walang sali-salita.
"Bakit ganyan mukha mo? Ayaw mo ba maging Hari ng Tir Na Nog?"kunot nuong tanong ni Haring Brai.
"Ni maging Prinsepe nga ng apat na kaharian hindi nya pinangarap eh! Maging Hari pa kaya? Si kataas tasang Ziro lang naman ang pumilit na ipasok sya sa Academy ng Tir Na Nog. Masunurin kasi syang anak, gusto nya na pinapahirapan nya sarili nya."si Zunji na ang sumagot ng tanong ni Haring Brai sa kapatid. Natawa na lang at napailing si Haring Brai. Ang tinutukoy nya namang kataas taasang Ziro ay ang ama nila.
"Ano ba kasing gusto mong gawin Prinsepe Zico?"singit naman ni Sidh habang abala sya sa pag-gawa ng bagong potion.
"Oo nga. Ano ba talaga gusto mo gawin?"dugtong ni Haring Brai.
"Gusto nya maging pirata gaya ko. Idol nya kasi ako eh."pag-yayabang ni Zunji. Natawa naman sina Sidh at Haring Brai.
"Teka nga! Bakit ba kailangan mo pang maging Pirata? Kilalang mayaman at makapangyarihan naman ang ama nyong si Master Ziro. Any moment pwedeng pwede nyo nang manahin ang kapangyarihan at kayamanan nya. Bakit kailangang umalis pa kayo? Ano ba mapapala nyo dun?"nalilitong tanong ni Haring Brai.
Inilapit ni Zunji ang mukha nya sa mukha ni Haring Brai saka nag-salita. "Alam mo kasi kahit nasa iyo na ang lahat. May bagay ka paring hinahanap hanap na hindi kayang ibigay ng kung ano mang meron ka ngayon."tapos nun ay sumandal ulit sya sa kinauupuan nya at dumi-quatro.
"Oo, nasa amin nga ang lahat. Yaman, kapangyarihan. Pero hindi nun matutumbasan ang saya na nararamdaman ko pag nasa gitna ako ng dagat. Nakikipag-laban sa Class A at Class Z na creatures. Gustong gusto ko ang amoy ng dagat at ang simoy ng hangin. Yun ang mga bagay na nag-papasaya sakin. Kaya mas pinili kong mag-layaag kesa mag-mana."halatang sincere si Zunji sa sinasabi nya. Napapailing na lang si Haring Brai sa kaniya.
Samantala, habang nagku-kwentuhan sila ay gulong gulo naman ang isip ni Zico. Dahil hindi nya alam kung anong gagawin nya. Alam nya kung gaano kabigat ang responsibilidad na kakaharapin nya pag tinanggap nya ang Stone of Destiny na sya angposisiyon bilang susunod na Hari. Hindi nya naman kasi inaasahan na sya ang mapipili ng Stone of Destiny. Sa ngayon hindi pa nya alam kung anong gagawin nya. Kung tatanggapin ba nya ang desisyon alam nyang hindi sya magiging masaya.
At isa pa iniisip din nya si Rita. Kakikilala pa lang nya dito tapos malalayo agad sila sa isa't isa? Sigurado kasing matatagalan bago sya makabalik muli sa mundo ng mga Vulgus dahil kailangan nyang mag-aral pa ulit ng magic para mas magampanan nya ang pagiging Hari nya. Hindi nya naman yata kakayanin na mahiwalay ng matagal kay Rita. Natatakot sya na baka pag-balik nya may iba na ito at hindi na sya nito kilala. Ano na ngayong gagawin nya?
"Kelan balik mo sa dagat?"dinig ni Zico sa tanong ni Haring Brai kay Zunji.
"Mamaya."simpleng sagot ni Zunji.
"Agad agad?"
"Wala ka dapat sinasayang na oras. Hanggat malaya ka, gawin mo kung anong gusto mong gawin!"sumubo pa ng mochi si Zunji pag-tapos nya mag-salita.
Parang biglang napaisip si Zico sa narinig nyang sinabi ng kapatid. Sa isip isip nya na tama ang kapatid nya. hanggat may oras pa sya ngayon at hanggat hindi pa nya alam kung ano ba ang magiging desisyon nya gagawin nya muna yung mga bagay na gusto nyang gawin. At isa na nga doon ay ang mas makilala at mas mapalapit sya kay Rita.
Parang wala sya sa sarili ng tumayo sya. Lahat tuloy ay napatingin sa kaniya. Lumakad sya palapit kay Sidh at dinampot nya ang isang garapon sa gilid ni Sidh. Tumapat sya sa Porte de Fae tapos ay sinaboy nya ang silver na buhagnin doon at unti unti syang lumubog. Hanggang sa bumagsak sya sa tapat mismo ng bahay nila Rita. Napag-desisyonan kasi ni Zico na manatili muna sa mundo ng mga Vulgus habang hindi pa malinaw sa isip nya kung ano ba talaga ang dapat nyang gawin. Ang nasa isip nya lang ngayon ay manatili sa tabi ni Rita.
Lumipas ang mga araw at mas lumalim ang relasyon ni Zico at Rita. Umabot na sa puntong talaga namang ikinabigla ni Zico.
"Zico---buntis ako."halata ang tensyon sa boses ni Rita. Matagal bago rumehistro sa utak ni Zico ang sinabi ni Rita kaya naman hindi agad ito naka-react. Pero nang ma-realized nito kung ano ang narinig ay bigla na lang itong nag-tata-talon sa tuwa. Walang kasing saya ang nararamdaman nya ngayon.
"Magiging tatay na ko! Yes! Yes!"sigaw nya tapos ay niyakap nya si Rita.
"Zico! Sandali! May problema tayo."pigil ni Rita sa tuwa ni Zico.
"Basta ako ang kasama mo! Wala tayong magiging problema!"pag-yayabang ni Zico. Wala nga naman silang magiging problema dahil isa nga namang Magus ang magiging tatay ng anak nya.
"Pano pag nalaman nila mama at papa?"kabadong tanong ni Rita.
"Eh ano? Nasa tamang edad na naman tayo para dito. Wag sila mag-alala! Kayang kaya ko kayong buhaying mag-ina! Isang ma--"natigilan si Zico dahil kamuntik na nyang masabi ang salitang Magic. Naalala nyang wala pa nga palang alam si Rita tungkol sa totoo nyang pag-katao. "Basta ako nang bahala sa inyo ng baby natin!"masayang masaya uling niyakap ni Zico si Rita. "Gusto ko Jaydee Ryan ang maging pangalan nya! Paboritong character ko yun sa isang libro. Isang matapang na character. Gusto ko maging ganun ang anak natin."ngunit natigilan sya ng may pamilyar syang nakita.
"Go---Goddess Danann?"
to be continued ...
Autre Histoire : Prince Zico Part II
Sa gAnuN pLa nAgstaRt aNg paRents ni jAydeE,,, nOw we kNow,,, hWahEhE,,,
ReplyDelete