W&W:
Autre Histoire
"Stone
of Destiny”
MULING
dinalaw ni Zico si Rita for the
last time. Dahil ngayon na ang araw ng alis nya. Kasama nya si Jerim
ng mag-punta sya sa tapat ng bahay ni Rita. Hindi sila umalis doon
hanggat hindi nakikita ni Zico si Rita na lumabas.
“Sya
ba yung babae mo?”tanong ni
Jerim.
“Anong
babae ko? Mahal ko yan! Hindi ko babae! At may anak kami!”madiin
ang bitiw ni Zico sa salitang mahal at anak.
“Anak?
Bakit?”
“Anong
bakit?”
“Gusto
kong maging asawa anak mo!”malayong
sagot ni Jerim. Halos hindi naman makapaniwala si Zico sa narinig
nyang sabi ni Jerim.
“Ni
hindi ko pa nga alam kung lalaki ba o babae anak ko eh!”inis
na saad ni Zico.
“Feeling
ko babae anak mo kasi kulay yellow ang nakikita kong aura sa kaniya.
Sabi ng lolo ko pag ang Vulgus nag-buntis at yellow na aura nakikita
mo, ibig sabihin babae daw anak nyo. Pero kung red naman lalaki.
Babae anak mo at mukhang maganda din kasi maganda yung nag-dadala
eh.”explain ni Jerim habang
nakatingin sya kay Rita.
“Totoo
ba yan? Kaya pala nag-iba yung kulay ng aura nya. Dati kasi puti lang
ngayon yellow na. Akala ko dahil lang yun sa power na naisalin ko sa
bata.”napapaisip na wika ni
Zico.
“Ano?
Ipaubaya mo na sya sakin.”giit
ni Jerim.
“Manigas
ka! Mag-papakamatay na lang ako pag sayo napunta anak ko!”inis
na sabi ni Zico bago nya muling sinulyapan ang mag-ina nya.
“Hihintayin
ko sya.”hindi na lang sya
sinagot ni Zico. Sa loob loob nya kasi ay sobrang saya nya dahil
atleats bago man lang sya umalis ay nalaman nya ang kasarian ng anak
nya. Di man nya ito masisilayan, ngunit nalaman nya naman ang
kasarian nito. Buti na lang at pinilit sya ni Jerim na sumama sa
kaniya dahil kung hindi ay hindi nya malalaman ang totoong ibig
sabihin ng pag-papalit ng kulay ng aura ni Rita.
***
PABALIK
na sila ng mapahinto si Zico
dahil sa narinig nyang sinabi ni Jerim sa kaniya. Kunot nuo nya itong
nilingon. “Ano?”gusto
nyang ipaulit dito ang sinabi nito para makasigurado kung tama nga ba
ang narinig nya.
Ulit
ni Jerim sa kaniya. “Kilala mo ba yung pamilyang nakatira
sa Black Paradise?”
“Yung
pamilyang gumagamit ng Gray Magic?”sagot
ni Zico pero nasa pag-lalakad parin ang atnesyon nito. Habang si
Jerim naman ay nakasunod sa kaniya sa likuran.
“Oo.
Sila lang ang kilala kong pinaka-makapangyarihan at pinakamalakas na
nilalang sa mundo ng mga Magus at Praecantrix. Kombinasyon ng itim at
puting mahika ang gamit nila. Sila lang ang natatanging nakakagawa
nun. Ibang iba sila sa mga normal na Magus gaya ko. Dahil ang normal
na Adept Magus ay kayang gumamit ng itim at puting mahika pero hindi
nya kayang pag-samahin ang dalawa.”
“Ano
ngayon?”walang ganang wika ni
Zico.
“Malalaman
mong galing sila sa angkan na yun pag-gray ang kulay ng aura nila.”
“Ngayon?”
“Yung
aura mo. Kulay gray.”
Napalingon
muli sa kaniya si Zico na may kwestyonableng mukha. “Pwede
ba! Hindi ko sila kadugo! Purong puro na anak ako si Ziro!”
“Hindi
ko naman sinabing hindi ka anak ni Master Ziro. Pwede mo namang
makuha yung kulay Gray na aura kung sinalinan ka ng dugo ng mga taga
Black Paradise. Pwedeng pwede mo makuha ang Gray Aura pag nasalinan
ka ng dugo nila dahil ibig sabihin lang nun nakuha mo na rin ang
kalahati ng kapangyarihan nila. Kung sinabi mo na pure na anak ka ni
Master Ziro, ibig sabihin sinalinan ka nya ng dugo ng taga Black
Paradise kaya naging ganyan aura mo.”
Napaisip
si Zico saglit pero natawa sya ng sarcastic. “Wala na ko
pakelam kung may dugo man ako ng taga Black Paradise o isa man ako sa
pinaka-malakas na Magus. Aahin mo naman yung pagiging pinakamalakas
at makapangyarihan mo kung wala ka naman magawa para makasama yung
dalawa sa pinaka-mahalaga sa buhay mo.”napailing
na lang si Zico at muling nag-patuloy sa pag-lalakad.
***
NAHALATA
ni Zico na medyo nabigla si Goddess Danann ng sabihin nya na ngayong
araw na ang alis nya. Naroon kasi sya ngayon sa Palasyo ng Tir Na Nog
para mag-paalam ng pormal kay Goddess Danann kahit pa alam nyang
makikita di naman at malalaman ni Goddess Danann ang pag-alis nya
dahil sa tulong ng Stone of Destiny. Pero iba ang narinig nya mula
dito.
“Bakit
hindi mo sinabi sa akin na ngayon ang alis mo?”
Nag-taka
si Zico, gusto sana nyang mag-tanong pero hindi nya na lang pinansin.
“Naisip ko kasi na baka busy kayo ngayon.”
Pinag-masdan
ni Zico ang magiging reaction ni Goddess Danann sa dahilan nya. Alam
nyang malalaman at malalaman ni Goddess Danann ang nasa isip nya sa
isang iglap lang. Pero ibang reaction ang napansin nya. Bagay na
hindi nya inaasahan dito. Hindi kasi ito sumagot sa halip ay tumayo
ito sa kinauupuan at lumapit sa bintana. Bigla tuloy nag-alala si
Zico.
“Alam
mo bang ang Stone of Destiny ang nag-bibigay ng kapangyarihan sa Tir
Na Nog hindi ako.”
Hindi
agad sumagot si Zico. Bigla nya kasi naisip ang hinala nya noon at
tumama nga ito. Na ang Stone of Destiny ang nag-bibigay ng
kapangyarihan sa Tir Na Nog hindi si Goddess Danann. “Alam
ko po.”sagot ni Zico.
“Tulad
ng inaasahan ko sayo.”ngumiti
si Goddess Danann. “Pag wala ang Stone of Destiny
mawawala ang kapangyarihan sa Tir Na Nog. Kasabay ng pag-kamawal ko.”
Parang
biglag kinabahan si Zico sa mga sinasabi ni Goddess Danann. “Goddess
Danann, bakit nyo po sinasabi yan?”
“Hindi
ako kasing lakas tulad ng inaasahan ng iba. Tanging ang batong hawak
ko ang nag-bibigay ng lakas sakin. Tulad ng mga Haring naitakda,
naitakda din akong maging taga-pangalaga ng Stone of
Destiny.”nilingon ni Goddess
Danann ang L'eau du Destin. “Gaya ng normal na Magus,
tinatablan din ako ng itim na mahika sa mga oras na hindi ko suot ang
Stone of Destiny.”
Lumapit
sya kay Zico at hinawakan nya ang kamay nito. “Alam mo
bang mas malakas ka pa sa akin? Kaya mong ipag-tanggol ang Tir Na Nog
kahit na wala man Goddess na manga-ngalaga sa Stone of Destiny. Kaya
mong maging Hari kahit ikaw lang mag-isa dahil buong buo ang
kapangyarihan na nasa iyo.”
“Kaya
ba pinipilit nyo akong maging hari kahit na second choice lang ako?
Dahil kaya kong pag-harian ang dimensyon na 'to na ako lang
mag-isa?”seryosong tanong ni
Zico.
“Prinsesa
Zico, kailangan ka ng Tir Na Nog.”sa
huling pag-kakataon ay nakiusap muli si Goddess Danann na pumayag si
Zico para maging Hari.
Bumuntong
hininga si Zico bago sya nag-salita. “Sorry pero mas
lalong hindi ko matatanggap ang maging hari dahil naka-commit na ko
sa iba at kailangan kong tuparin ang ano mang naipangako ko sa
kanila.”
Hindi
na nangahas pang tingnan ni Zico ang mukha ni Goddess Danann dahil
alam nyang maawa lang sya dito. Gustuhin man nyang pumayag pero hindi
na nya pwedeng baliin ang naipangako nya sa mga batang Vulgus at ang
sakripisyong ginawa ni Jerim para lang makasama sa kaniya. Hindi na
sya pwede pang umatras.
Matapos
ang usapan na yun ay namuo ang mga tanong sa isipan ni Zico. Bakit
kaya hindi nakita ni Goddess Danann na ngayon ang alis nya? Bakit
kaya hindi rin ito nag-salita tungkol sa dahilan na sinabi ni Zico
kanina. At bakit ganun na lang ang mga salitang binbitawan ni Goddess
Danann kanina? Pakiramdam tuloy ni Zico may mangyayaring masama.
Biglang pumasok sa isip nya si Prinsesa Hara at ang bolang Kristal
nito.
***
IKINA-GULAT
ni Uisias nang makita nya sina
Semias at Zico na naroon sa Kaharian ng Felias. Ni minsan kasi ay
hindi pa ito bumisita doon, ngayon pa lang. Kaya naman gulat na gulat
si Uisias lalo na si Prinsesa Hara ng sabihin sa kaniya ni Uisias.
“Si
Zico nandito? Anong meron?”kunot
nuong tanong ni Prinsesa Hara sa sarili.
“Naroon
po siya sa guest room. At pinapasabi po nya kung maari ay dalhin mo
ang iyong bolang kristal.”
Lalong
kumunot ang nuo ni Prinsesa Hara. “Nawi-wirduhan ako sa
lalaking yun ah.”
Ilang
saglit pa ay pinuntahan na nya sa guest room si Zico dala ang bolang
kristal nya. Hanggang sa mga sandali na yun ay wala parin syang idea
kung ano bang pakay ni Zico at bakit naroon ito ngayon.
“Anong
meron? Bakit nan dito ka ngayon?”bungad
ni Prinsesa Hara tapos ay naupo ito sa sofa na katapat ni Zico.
“Ngayon
na ang alis ko. Hindi ba nakita ng bolang kristal mo
yun?”kwestyonableng mukha
lang ang sinagot ni Prinsesa Hara sa kaniya tapos ay nilingon nito
ang bolang kristal nito.
Makailang
beses nyang hinimas himas ang kristla pero nag-tataka sya bakit wala
syang makita na kahit ano mang image doon. “Hu? Anong
nany-yari? Bakit---bakit wala akong makita?”alarmang
tanong ni Prinsesa Hara. “Uisias! Uisias!”tawag
nya sa druid nya. Mabilis namang pumasok si Uisias.
“Prinsesa,
ano pong problema?”alalang
tanong ni Uisias.
“Itong
Crystal Ball ko kasi. Hindi na gumagana. Anong gagawin natin?”parang
maiiyak na wika ni Prinsesa Hara.
“Gagawan
po natin ng paraan para maibalik sya sa dati.”
“Gamitin
mo yung magic nang sandata mo baka maibalik pa nyan yung power ng
crystal ko.”inilabas ni
Uisias ang espada nya tapos ay ginawa nya itong wand. Sinubukan nyang
mag-cast ng spell pero alin man doon ay hindi gumana.
***
BUONG
akala ni Zico ay makakakuha na
sya ng sagot sa pag-punta nya kay Prinsesa Hara pero pati pala si
Prinsesa Hara ay may nakakapag-takang pang-yayari. Bakit kaya bigla
na lang nawalang ng power yung bolang kristal nya? Anong nang-yayari?
Bumalik
sya sa kaharian nya na wala man lang nalalagap na sagot. Doon ay
naabutan nya si Jerim na nag-hihintay sa kaniya. Bigla nyang naalala
na ngayon pala ang alis nya. Pero pano sya makakaalis kung ganitong
may kakaibang nang-yayari sa paligid nya.
“Tara
na! Gumawa ako ng malaki at magandang barko. Bumili na rin ako ng mga
Sterio para naman habang nag-lalayag tayo may music na mag-bibigay
satin ng lakas.”excited na
sabi ni Jerim.
Sa
huling minuto ay pumunta pa doon si Prinsesa Gyuri para mag-paalam.
“Good Luck na lang sa pag-lalayag mo. Bisitahin mo kami
pag-balik mo hu?”
“Salamat.
Oo naman! Teka, si Rome? Bakit wala?”hanap
nya sa matalik nyang kaibigan.
“Ah---ayun
busy. Hindi nya alam na ngayon ang alis mo. Hindi ko rin sya
mahagilap. Pero sasabihin ko sa kaniya na umalis ka na. Siguradong
magugulat yun.”
Ngumiti
si Zico, “Ikaw na bahala.”tumango
naman si Prinsesa Gyuri. “Ah---Gyuri, may nararamdaman ka
bang kakaiba sa Tir Na Nog?”biglang
tanong ni Zico ng maalala nya yung mga weird na nang-yari sa kaniya.
Napaisip
saglit si Prinsesa Gyuri saka sya sumagot. “Wala naman.
Bakit? Ikaw meron?”
Bigla
tuloy nataranta si Zico, hindi kasi nya alam kung sasabihin nya kay
Prinsesa Gyuri ang mga naobserbahan nya o wag na lang. “Hu?
Wala naman.”pero yan ang
kusang kumabas sa bibig nya.
Umalis
si Zico na walang ibang laman ang isip kundi ang kakaibang
nang-yayari sa Tir Na Nog. Ang hiling nya lang na sana ay hindi
mag-katotoo ang kutob nya.
To
be continued ...
Bitin! May part 2 pa kaya nito?
ReplyDeleteKaylan po ang susunod?
At tsaka kaylan ang simula talaga ng W&W 2?
malapit na po .. hehe ..
DeleteNabigla po ako ng nabasa ko yung sinabi ni Godess Danna na Prinsesa Zico XD.. Haha... ang ganda po netong W&W Autre Histoire... excited na ako sa book 2
ReplyDelete