Friday, March 22, 2013

[W&W: Autre Histoire] Lotus Mond

W&W: Autre Histoire

“Lotus Mond”



   
                       >>>> MAY MGA EKSENA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA .. PATNUBAY NG MUDRA AY KAILANGAN .. :DDDDDDD


                        >>>>may eksena lang na medyo rated PG .. paalala ko lang .. ^___________^







***

DOON lang din pumasok sa isip ni Zico ang Stone of Destiny. Taranta nyang kinapa ang mga bulsa ng damit nya pero wala syang makapang kwintas. Madali syang tumakbo papasok sa cabin. Hinalughog nya ang mga gamit nya pero wala syang nakitang bakas ng bato. Pag-labas nya ay sinalubong sya ni Jerim.


“Zico.”saad nito sabay lingon sa langit. Nang-laki ang mata ni Zico nang makita nya ang bilog at kulay orange na buwan.


“Iikot nyo ang barko! Babalik tayo sa dungkaan ng Murias!”sigaw ni Zico na mabilis namang sinunod ng mga Vulgus Pirates. “Gano katagal bago tayo makarating dun?”


“Dahil di tayo makagamit ng spells para mapabilis ang barko. Aabutin tayo ng dalawa hanggang tatlong buwan Zico.”wika ni Jerim. Napapikit at napasapo na lang sa nuo si Zico. Dahil sa inis ay napasuntok na lang ito sa gutter ng barko.


“Anong nang-yayari Jerim?”alalang tanong ni Gabe. “Bakit tayo babalik?”


Tinipon ni Jerim ang mga Vulgus saka nya sinabi ang dahilan. “Nasa panganib ang Tir Na Nog ngayon. Pag lumabas kasi ang orange na buwan na yan na ang tawag ay Lotus Mond ibig sabihin may nag-Traidor na Prinsepe o Prinsesa o Hari sa Tir Na Nog. Ibig sabihin din nyan may krimen na naganap na ang may kagagawan ay isang Prinsesa, Prinsepe, Hari o mga opisyal ng Tir Na Nog.”


“May koneksyon ba yung pagka-disabled ng magic natin sa nang-yayari ngayon?”si Ruki naman ang nag-tanong.



Bumuntong hininga si Jerim bago muling nag-salita. “Siguro, hindi ko alam. Maraming dahilan kung bakit na-disbaled yung maagic. Pwedeng sinadya talag ni Goddess Danann na gawin yun para hindi makatakas ang kriminal o kaya naman---”napahinto si Jerim.


“O kaya naman ano?”ulit ni Kelly.


“Si Goddess Danann ang na-murder. Sa oras kasi na mamatay ang taga-pangalaga ng bato mawawalan din ng kapangyarihan ang Stone of Destiny. Babalik lang yung kapangyarihan nya pag nahawakan sya ulit ni Goddess Danann o kaya ng susunod na magiging tagapangalaga nun o ang tinatawag na Satoori.”


“Ano nang gagawin natin ngayon?”alalang wika ni Kris. Sabay sabay silang napabuntong hininga. Parang bigla silang nawalan ng pag-asa.









[2 Hours Before]


HALOS madapa si Prinsesa Hara sa kakatakbo palabas ng school. Halata sa mukha nya ang takot, ni hindi na nga nya alam kung ano pang gagawin nya. Panay lang ang tulo ng mga luha nya. Napasigaw pa sya ng mabangga nya si Semias.


“Prinsesa Hara! Ano pong nang-yari? Bakit nag-mamadali kayo?”naalarma si Semias ng makita nyang umiiyak si Prinsesa Hara. “Ba---bakit ho kayo umiiyak? Nasaan ho si Uisias?”


“Se—Semias---”humihikbi nyang saad.


“Huminahon po kayo.”hinatak ni Semias ang espada nya sa likuran para sana gumawa ng signal light para kay Uisias pero bigla naman dumating si Prinsepe Rome.


“Princess Hara!”masayang tawag ni Prinsepe Rome.


Hindi agad lumingon si Prinsesa Hara. Mas lalong gumuhit ang takot sa mukha nito at mas lalo pa syang naiyak. Napakapit sya ng mahigpit kay Semias. Nakakunot naman ang ang nuo si Semias habang nakatingin sya sa Prinsesa. Sa puntong iyon ay sinusubukan ni Prinsesa Hara na gumamit ng spell gamit ang isip nya. Simula kasi ng asarin sya ni Zico na hindi nya ito matatalo hanggat hindi sya matututo gumamit ng spell sa isip nya ay araw araw na syang nag-practice nun. Ang tanging hiling nya lang ngayon ay gumana ang spell na ginagawa nya. Ang marinig ni Semias ang gusto nya sabihin kahit sa isip lang.


“Pi---pinatay---pinatay ni Ro---rome si Prin---sepe Ar---Arke pati na---yung---Professor---ng po—tion.”kahit putol putol ay nagawa ni Prinsesa Hara na iparinig kay Semias ang gusto nyang sabihin.


Mabilis na hinatak ni Semias si Prinsesa Hara para itago sa likuran nya tapos ay gumawa sya ng ilaw para tawagin ang tatlo pang druids at para makahingi na rin ng tulong sa mga kawal ng Tir Na Nog.


Hinagisan si Semias ni Prinsepe Rome ng spell pero mabilis naman iyong nasalag ng espda ni Semias. Nag-cast ulit ng spell si Prinsepe Rome para mag-karoon sya ng sarili nyang espada. Sinugod sya ni Semias, pero dahil wala naman syang alam sa pag-gamit ng espada ay natamaan sya ni Semias sa tyan. Napaupo sya sa lapag. Susugod pa sana si Semias pero hinagisan nya ito ng spell. Nasalag naman ng parang salamin na lumabas sa espada ni Semias pero napaurong naman sya sa lakas.


Ilang saglit pa ay may tatlong parang bulalakaw na bigla na lang nag-bagsakan, iyon na pala ang tatlong Druids. Isa isa nilang nilabas ang mga sandata nila. Gaya ni Semias espada din ang kay Uisias. Spare naman ang kay Esras at Archer naman ang kay Morfesa.


“Prinsepe Rome!”halos hindi pa makapaniwala si Morfesa dahil ang Prinsepe na pino-protektahan nya ay magta-traidor sa kanila.


“Prinsesa Hara! Ayos lang ba kayo?”maingat na itinayo ni Uisias si Prinsesa Hara.


“Morfesa! Ilayo mo na ang Prinsesa dito. Siguraduhin mong nasa ligtas na lugar sila ni Prinsesa Gyuri. Si Goddess Danann----”pero hindi pa man tapos sa pag-sasalita si Semias ay unti unti na syang nakaramdam ng hilo. Biglang nang-labo ang mga mata nya. Bago sya tuluyang mapapikit ay nakita nya pa kung pano bumagsak sa harapan nya si Morfesa. Sinubukan pa nyang lingunin si Prinsepe Rome. Nakita nya ang hawak nitong isang bote. Doon nang-gagaling ang nakakahilong amoy. Hanggang sa tuluyan na nga syang nawalan ng malay.


Nakaligtas sa pag-kahilo si Prinsesa Hara dahil mabilis na nakagawa ng spell si Uisias pangontra hilo para sa kaniya. Wala prin syang tigil sa kakaiyak habang nakatingin sya kay Prinsepe Rome.


“Bakit?”humahagulgol nyang saad. “Bakit mo 'to ginagawa Rome? Trinaidor mo kami. Trinaidor mo si Goddess Danann. Trinaidor mo ang Tir Na Nog.”walang imik si Prinsepe Rome. Para itong walang naririnig. Isa isang nag-lalaho ang mga sandata sa tuwing itututok nya ang wand nya sa mga ito.


“Traidor ka!”sigaw ni Prinsesa Hara pero tuloy lang sa ginagawa si Prinsepe Rome. Sunod sunod ding nag-lahong parang bula ang mga druids gaya ng mga sandata nila. “San mo sila dinala hu?!”sarkastikong ngumiti si Prinsesa Hara bago sya nag-patuloy sa pag-sasalita.


“Di mo sila pwede patayin sa oras na mamatay sila katapusan na rin ng Tir Na Nog. Dahil sa oras na mamatay sila kasabay din nilang mamamatay ang mga sandata nila. Ang sandata nila na nag-sisilbing haligi ng Stone of Destiny! San mo dinala yung mga sandata? Sa hide out mo? Hu!”natawa ulit si Prinsesa Hara.


“Sorry ka! Baliwala ang apat na yun hanggat wala sayo ang Stone of Destiny! Hinding hindi ka magiging Hari ng Tir Na Nog! Hindi kailan man! Dadating ang araw! Ang taong naging malapit sayo ang syang mismong papatay sayo!”yun na lang ang huling nasabi ni Prinsesa hara dahil maging sya ay walang awa na ring pinatay si Prinsepe Rome.


Sunod na pinuntahan ni Prinsepe Rome si Prinsesa Gyuri. Gumamit na lang ito ng spell na pwedeng mag-teleport papunta mismo sa lugar kung nasaan si Prinsesa Gyruri. Sa kwarto sya mismo dinala ng spell. Doon ay naabutan nyang katatapos lamang maligo ni Prinsesa Gyuri at nakasuot pa ito ng bathrobe.


Gulat na gulat naman sa kaniya si Prinsesa Gyuri. “Pi-Prinsepe Rome?”wika nito sabay hawak ng mahigpit sa robe nito. Nakaramdam ito ng takot dahil nga bigla nitong naalala yung nakita nila ni Prinsesa Hara sa bolang kristal tungkol sa masamang plano ni Prinsepe Rome.


Lumapit sya kay Prinsesa Gyuri at walang ano ano ay hinalikan nya ito. Sa una ay nabigla si Prinsesa Gyuri pero sa huli ay bumigay din ito. Nawala ang takot na naramdaman nito. Hindi na naitago ng puso nya ang totoong nararamdaman nya sa Prinsepe. Gusto na nya kasi ito simula pa noong mag-ka-klase pa lang sila sa pag-aaral bilang isang adept. May lihim na syang pag-tingin dito, sa totoo nga ay si Prinsepe Rome ang dahilan kung bakit nag-sumikap sya kaya sya ang isa sa Prinsesa ngayon. At hanggang ngayon nga ay gusto parin nya ang Prinsepe.


Sinamantala naman si Prinsepe Rome ang pag-kakataon na iyon. Dahil alam nya rin na noon pa man ay gusto na sya ni Prinsesa Gyuri. Pero para sa tulad ni Prinsepe Rome na walang ibang nasa isip kundi ang magin Hari. Wala na syang paki-alam sa mga ganyang pakiramdam. Ngunit ngayon, kailangan nya itong mabigyan ng pansin dahil magagamit nya ito sa plano nya.


Madiin na ang unang halik ni Prinsepe Rome, pero mas lalo pa itong lumalim ng gumanti ng halik si Prinsesa Gyuri. Ilang segundo pa ay inalis na ni Prinsepe Rome ang suot na robe ni Prinsesa Gyuri dahilan para lumantad ang hubad nitong katawan. Isa isa na ring inalis ni Prinsesa Gyuri ang mga damit ni Prinsepe Rome.


Habang ginagawa nya iyon ay dahan dahan naman bumababa ang mga labi ni Prinsepe Rome sa leeg ni Prinsesa Gyuri. Nag-umpisa na ring gumalaw ang mga kamay nito sa katawan ni Prinsesa Gyuri patungo sa dibdib nito. Nakagawa ng maliit na ingay si Prinsesa Gyuri dahil sa kiliting naramdaman nya ng hawakan iyon ni Prinsepe Rome. Tapos ay binuhat sya nito at marahang inihiga sa kama.


Maya maya pa ay pareho na silang hubot hubad. Napakagat na lang sya sa labi at halos maibaon nya ang mga kuko nya sa likuran ni Prinsepe Rome nang pasukin na nito ang loob nya. Para kay Prinsesa Gyuri ang mga oras na iyon na ang pinaka-masayang oras para sa kaniya. At wala syang pinag-sisisihan.


Pero matapos ang masayang oras na iyon ay bigla na lamang nag-bago ang aura ni Prinsesa Gyuri. Bigla na lamang nag-bago ang expresion ng mukha nito. Maging ang kulay ng mga mata nito ay nag-iba din. Naging kulay pula na ito na para bang may kung anong masamang espirito ang sumapi sa katawan nya. Hinalikan ni Prinsepe Rome ang labi nya, pisngi maging ang tenga nya tapos ay bumulong ito sa kaniya.


“Patayin mo si Goddess Danann at ikaw ang sumuko sa mga Ministro para sakin.”utos nya.


“Gagawin ko para sayo.”wala sa sariling sagot ni Prinsesa Gyuri.


Hinawakan ni Prinsepe Rome ang mukha ni Prinsesa Gyuri tapos ay nginitian pa nya ito ng ubod ng tamis saka muling hinalikan sa mga labi. "May pakinabang ka rin pala.”tumayo si Prinsepe Rome, kumuha sya ng napakagandang dress saka isinuot nya ito kay Prinsesa Gyuri. Matapos nyang bihinsan ang Prinsesa ay inutusan na nya itong gawin ang misyon nito.


Habang papunta si Prinsesa Gyuri kay Goddess Danann, kailangan namang hanapin ni Prinsepoe Rome si Zico. Ang inaalala nya lang ay kung paano nya makukuha ang Stone of Destiny kay Zico. Aminado sya hindi nya kaya ang lakas ni Zico. Pero kung gagamitin nya ang pang patulog na potion baka may chance pang makuha nya ang Stone of Destiny.


Ngayon kailangan nya munang alamin kung nasaan si Zico. Naalala nya ang turo ni Zico sa kaniya na kung paano makipag-usap gamit ang isip lang kahit na gano pa kalayo ang gusto nyang kausapin. Ang problema ay parang binibiak ang ulo nya sa tuwing susubukan nya ang bagay na iyon. Pero kailangan nyang tiisin para lang sa Stone of Destiny.


Inumpisahan nyang isipin si Zico, ilang saglit pa ay tinawag nya sa isip nya ang pangalan ni Zico. “Zico!”dahil hindi pa sya ganun kabihasa matagal ang responde ni Zico. Napapaluhod na sya dahil nag-uumpisa nang sumakit ang ulo nya. Napahawak na rin sya sa mag-kabilang sintido nya.


“Rome? Ikaw ba 'to?”masayang tanong ni Zico.


“Oo, ako nga.”sagot nya habang pigil na pigil sya sa sakit.


“Marunong ka na pala ng technique na 'to?! Kamusta na?!”


“Ayos naman ako! Ikaw?”ang gusto nya sanang maiksing usapan ay medyo napahaba. Kinakapos na sya ng pag-hinga dahil sobrang sakit na ng ulo nya.


“Ayos lang naman! Si Goddess Danann, Hara at Gyuri kamusta?”


“Ayos lang naman sila. Nasan ka ba ngayon?”sa wakas ay natanong din nya ang pakay nya.


“Nandito ako ngayon sa Earth! Bumisita lang!”


“Ganun ba? Teka---medyo sumasakit na kasi ulo ko. Sinubukan ko lang kasi 'to para kamustahin ka!”


“Talaga? Salamat sa effort! Sige! Kita na lang tayo pag bisita ko dyan!”


Yun lang at naputol na ang usapan ng dalawa. “Aghhh!! Bwisit!”napasuntok pa sya sa kama dahil sa sakit. Nang medyo mawala na ang sakit ay nag-mamadali syang kumilos para makapunta sa Earth. Pero ang hindi nya alam. Iyon na ang huling beses na tatapak sya sa mundo ng Tir Na Nog.










WALA sa sarili at tanging nasa isip lang ni Prinsesa Gyuri ngayon ay ang patayin si Goddess Danann at sumuko sa mga Ministro para kay Prinsepe Rome. Dala ang wand nya ay walang pakundangan syang pumasok sa kwarto ni Goddess Danann. Without any words ay hinagisan ng Spell ni Prinsesa Gyuri si Goddess Danann.



“Enemorior!”


Kumislap sa kabuuhan ng kwarto ang ilaw na lumabas na wand ni Prinsesa Gyuri. Kasabay noon ay ang pag-pasok ng mga kawal, pero huli na ang lahat. Wala na si Goddess Danann at napatay si Prinsesa Gyuri ng mga kawal.









Makalipas ang dalawang oras, dama na ang tensyon sa buong Tir Na Nog. Dahil sa katakatakang biglaang pag labas ng bilog na buwan na kulay oranges. Nabalot ng takot ang mamamayan at doon nga nalaman nila na namatay na pala si Goddess Danann. Isa pang ipinanganba nila ay hindi na sila makakagamit pa ng mahika para protkesyonan ang sarili nila sakali mang lusubin sila ng mga creatures na mananamantala sakahinaan nila.


Ano nang mangyayari sa kanila at sa buong Tor Na Nog?









1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^