W&W:
Autre Histoire
“Fall
of Tir Na Nog”
A/N: Ehem ~ Last na po 'to .. Change pen name na po ako for the last time really .. LMAO .. "itsDanEbaby" na po ako .. promise .. LOL .. Love You all ..
***
PANAY
ang tingin ni Jerim sa mukha
nya sa salamin habang busy naman sa pag-lalaro ng baraha ang Vulgus
Pirates na si Ren, Ruki at Kris. Si Zico naman ay naka-higa sa nguso
ng kanyon nila, himbing itong natutulog at naka-diquatro pa.
“Tumatanda
ako pero yung mukha ko di na nag-babago.”saad
ni Jerim sa sarili.
“Ano
ba kasi yung ininom mo nun? Bakit bigla ka na lang naging
ganyan?”singit ni Ren pero
ang atensyon nito ay nasa barahang hawak.
“Di
mo ba alam yun?”nilingon sya
ni Jerim na may naka-musangot na mukha.
“Malamang.
Kaya nga tinatanong ko sayo eh.”pilosopong
sagot Ren.
“Yun
yung potion na para sa mga batang tulad mo na gustong tumanda ng
eight years sa edad mo!”halos
ingud ngud pa ni Jerim ang salaming hawak nya sa mukha ni Ren. Hinawi
naman yun ni Ren.
“Hay!
Pwede ba! Kulang na lang itampal mo sakin yang salamin mo eh!”saglit
syang tiningnan ni Ren. Inis na lang syang inismid ni Jerim tapos
tinawag nya si Kelly na busy naman sa pag-pupunas ng speakers.
“Kelly!
Hali ka nga dito!”kumaway
kaway pa nya ang salamin nya dito.
Lumapit
naman sa kanya si Kelly na parang walang kamuwang muwang. “Bakit
Jerim?”
Sa
isang wave lang ng wand, kahit walang sinabing spell si Jerim ay may
lumabas na isang maliit na bote sa kamay nya. Binuksan nya ang maliit
na bote. “Oh! Inumin mo 'to! Masarap 'to. Energy drink
para di ka mapagod.”pero
hindi na nya hinintay pang si Kelly ang kusang uminom nun dahil sya
na mismo ang nag-painom kay Kelly kaya wala nang nagawa si Kelly
kundi ang lunukin ang pinainom sa kaniya. Maubo ubo sya dahil dun.
Saka lang nya nahawakan ang bote ng bitawan yun ni Jerim.
Ikinagulat
naman ni Gabe nang makita nya ang hawak na bote ni Kelly. “Kelly!
Bakit ka uminom nyan?”
“Sabi
kasi si Jerim inumin ko daw 'to---”di
pa man sya tapos sa pag-sasalita ay may bigla na lang nang-yari sa
katawan nya.
“Kelly!”napahinto
naman sa pag-babaraha ang tatlo dahil nakita nilang bigla na lang
nag-bago ang katawan ni Kelly.
“Ito
yung ininom ni Jerim noon eh!”wika
ni Gabe ng agawin nya kay Kelly ang bote.
“Ano?”mabilis
na inagaw ni Kelly ang salamin kay Jerim at laking gulat nya nga ng
makita nyang naging matured ang mukha nya. “Hindi pwede
'to!”sigaw nya.
“Anong
ginawa mo sa kaniya?”saad ni
Ruki.
“Kunyari
pa kayo! Gusto nyo rin naman tumanda! Oh! Uminom din kayo!”lahat
ay pinainom ni Jerim kaya tuloy lahat sila tumanda ng eight years sa
edad nila.
“Patingin
nga!”agaw ni Ren sa salaming
hawak ni Kelly. “Grabe! Ang gwapo ko!”
“Ako
din patingin!”agaw ni Kris
pero hindi binigay ni Ren. Nakipag-agawan din si Ruki hanggang sa
tatlo na silang nag-aagawan sa salamin samantalang si Gabe, Kelly at
Gabe naman ay gumamit ng isang spell para mag-karoon sila ng sarili
nilang salamin.
Dahil
sa ingay nila ay nagising tuloy si Zico. Nag-unat muna ito bago
bumangon. “Bakit ba ang iingay nyo?”bumagsak
sya sa sahig ng makita nya ang itsura ng mga batang vulgus na isinama
nya. “What the---Anong nangyari sa mga mukha nyo!?”
Hindi
na sila nakasagot dahil may bigla na lang lumitaw na barko sa harapan
nila. Dahil malapit ito sa kanila, nag-talsikan ang mga tubig sa
sahig ng barko nila.
“Mahal
kong kapatid!”masayang bati
ni Zunji kay Zico.
“Kapatid
mo sya?”kunot nuong tanong ni
Ren, nag-papalit palit pa ang tingin nya sa dalawa.
“Oo,
kapatid nya ko. At sino ka naman?---Ah! Ikaw yung isa sa batang
Vulgus na nakita ng kapatid ko sa Central Market.”
Napaisip
naman si Ren, “Ah! Ikaw naman yung kasama ni Zico sa
Central Market?”
“Tama
ako nga! Bakit parang naging matured mga itsura nyo?”nilingon
isa isa ni Zunji ang mga Vulgus at nakuha ng atensyon nya si Jerim.
“Jerim! Nandito ka rin pala?”
“Malamang!
Ikaw nag-request na sumama ako kay Zico eh.”sagot
ni Jerim na ikinailang naman ni Zunji.
“Ano?
Kinumbinsi mo sya na sumama sakin? Ano namang naisip mo at pinilit mo
sya?”galit na singit ni Zico.
“Ah---”si
Jerim na lang ang nag-sabi ng hindi masabi sabi ni Zunji.
“Nag-aalala
sya kasi puro mga Vulgus ang kasama mo. Pinakiusapan nya ko na sumama
sayo para kahit pano may isa kang kasamang Magus.”wika
ni Jerim.
“Ano
ba akala mo sakin? Di ko kaya mga creatures dito sa dagat?”inis
namang sabi ni Zico.
“Di
naman, pero parang ganun na rin.”natawa
pa si Zunji. “Anyways, galing ako sa Earth, may mga
binili lang akong gamit. Tsaka kinakamusta ka nga pala ni King Brai.
Tinatanong nya kung buhay ka pa ba.”
“Ano?!”galit
na sigaw ni Zico.
“Kung
buhay ka pa daw.”ulit naman
ni Zunji. Nag-pintig ang tenga ni Zico kaya nakapag-bitaw ito ng
salita.
“Maging
octopus sana yang ulo mo hanggang bukas!”dahil
sa sobrang galit ni Zico ay hindi na nya namalayan na curse spell na
pala ang naitapon nyang salita kay Zunji kaya tuloy naging octopus
nga ang ulo nito. Maging sya ay nagulat sa ginawa nya.
“Sira
ulo ka! Anong ginawa mo sakin!? Mapapatay talaga kita eh!”lalapit
pa sana sya kay Zico pero biglang hinatak ni Zico si Ruki.
“Pumunta
tayo sa Earth! Ikaw muna bahala Jerim!”nag-mamadaling
utos ni Zico.
“Hu?
Earth?”natataranta namang
ulit ni Ruki.
“Oo!
Bilisan mo!”
“Liquesco”wala
pang isang segundo ay bigla na silang nag-laho.
Sabay
nanaman silang bumagsak sa isang hindi pamilyar at liblib na lugar.
Madilim na sa paligid dahil gabi na ng dumating sila sa Earth. Mas
masakit ang binagsakan nila ngayon dahil puros bato ito.
“Sinabi
ko nang mag-focus ka eh!”inis
na tumayo si Zico.
“Biglaan
naman kasi yun! Na-pressure ako! Pano pa ko makakapag-isip ng maayos
nun?”dipensa
naman ni Ruki sa sarili nya.
“Hay!
Mag-practice ka pa nga!”nag-palibot
libot ang paningin ni Zico sa paligid. Pero wala syang ibang makita
kundi dilim. “Asan na ba
tayo?”
“Nandito
tayo sa pinag-camping-an namin nung kinder ako.”
“Ano?
Bakit dito mo tayo dinala?”
“Eh
ito naaalala ko pag naiisp ko 'tong Earth. Kasi dito yung last place
na kumpleto pa kami ng pamilya ko.”malungkot
at nahihiyang wika ni Ruki kay Zico. Napabuntong hininga na lang sa
kaniya si Zico.
“Tara
na nga!”this
time ay si Zico na ang gumamit ng spell para makarating sila sa tent
ni Sidh. Pero ang hindi alam ni Zico ay naihulog nya pala ang Stone
of Destiny ng bumagsak sila ni Ruki.
***
ILANG
segudong
namayani ang katahimikan sa pagitan ni Prinsepe Arke at Prinsepe
Rome. Nag-tititigan lang sila na para bang binabasa nila ang isip ng
isa't isa. Hanggang sa si Prinsepe Rome na ang unang bumasag ng
katahimikan.
“Ano
nga bang dahilan Prinsepe Arke? Bakit si Zico at hindi na lang ikaw?
Kung ikaw naman ang unang napili ng Stone of Destiny?”maingat
na tanong ni Prinsepe Rome.
“Dahil---”mas
lalong sumiryoso ang mukha ni Prinsepe Arke. “Alam
nyang sa oras na tanggapin ni Prinsepe Zico ang posisyon bilang Hari
ay maililigtas nya ang Tir Na Nog sa kasamaan laban---sayo.”
Biglang
nag-bago ang expression ng mukha ni Prinsepe Rome. Parang bigla itong
kinabahan pero hindi nito pinapahalata kay Prinsepe Arke. “Ano
bang pinag-sasabi mo Prinsepe Arke?”pag-kukunwari
pa nya.
“Alam
ni Goddess kung gano mo kagusto na mag-Hari sa Tir Na Nog. Alam ni
Goddess Danann kung ano ang plano mo sa Tir Na Nog. At wala syang
ibang nakita kundi kasamaan.”hindi
sumagot si Prinsepe Rome.
“Alam
ni Goddess Danann na gusto mong sakupin ang apat na dimensyon at
pag-Harian ito! Alam ni Goddess Danann lahat ng plano mo maging ang
pag-kuha sa Stone of Destiny.”hindi
parin sumasagot si Prinsepe Rome. Pero halata na sa mukha nito na
nang-gagalaiti na ito sa galit. “Pero
Prinsepe Rome, huli na ang lahat. Bago mo pa magawa ang mga plano mo
ay nakagawa na ng hakbang si Goddess Danann. Naibigay na nya ang
Stone of Destiny kay Prinsepe Zico kaya wala ka nang habol pa ngayon.
Patayin mo man kaming dalawa ngayon, wala ka nang magagawa.”
Kulang
na lang ay sumabog sa galit si Prinsepe Rome. Nanginginig na ang
katawan nito at talaga namang nang-gigilid na ang mga luha nito dahil
sa galit. Inilabas nya ang wand nya at sinugod nya si Prinsepe Arke
tapos ay walang awa nya itong ginamitan ng nakamamatay na spell.
“Enemorior!”
Dahil
sa lakas ay tumalsik si Prinsepe Arke at sa isang iglap ay binawian
na ito ng buhay. Sa ganong akto sila naabutan ng Potion Professor.
Gulat na gulat ito pero gaya ni Prinsepe Arke, pinatay din ni
Prinsepe Rome ang Professor. Tapos ay iniwan nya ang mga ito na para
bang walang nang-yari.
Sa
isang iglap ay biglang nag-bago ang may maamong mukha na si Prinsepe
Rome. Biglang nawala dito ang masayahin at nakakatuwang ugali. Lahat
iyon ay napalitan ng isang Prinsepe Rome na nababalutan ng maitim at
masamang aura.
MATAPOS
ibigay
ni Zico ang vial kay Haring Brai ay bumalik din sila agad sa barko.
Habang nag-lalayag sila, walang kaalam alam si Zico sa mga
nang-yayari sa Tir Na Nog at sa pag-paslang ng kaibigan nyang si
Prinsepe Rome kay Prinsepe Arke. Pero ng araw na yun ay kakaiba na
ang nararamdaman nya. Halos hindi nga sya mapakali, palakad lakad
lamang sya bagay na napansin naman ni Jerim.
“Umupo
ka nga! Nakakahilo ka eh!”
“Di
kasi ako mapakali eh!”
“Natatae
ka lang. Try mo i-tae yan. Mawawala yan.”
“Baka
tama ka!”pag-kasabi
nun ay mabilis na tumakbo si Zico papasok sa cabin para mag-withdraw.
Pero makalipas ang mahigit isang oras, lumabas sya na may nakakunot
na nuo.
“Ano?
May lumabas?”agad
na bungad ni Jerim
“Wala
eh! Kahit anong ire ko wala eh!”wika
nya habang hawak nya ang pwetan nya.
“Itulog
mo na lang yan. Baka sakaling mawala pa.”
Bumalik si
Zico sa cabin at pinilit nyang makatulog. Pero talagang hindi sya
mapakali. Hindi nya maintindihan kung ano ba yung nararamdaman nya.
Lumabas sya ulit ng cabin. Umakyat sya sa itaas at matyaga syang
nag-hintay kung may agila bang dadating para balitaan sya kung ano na
nang-yayari sa palasyo ng Tir Na Nog.
Trenta
Minutos na syang nakatingala, nanakit na lang ang leeg nya pero ni
anino ng agila ay wala syang nakita.
“Bakit
parang iba talaga pakiramdam ko ngayon?”tanong
nya sa sarili. Nang hindi na nya makayanan ang nararamdaman ay agad
nyang tinawag si Ruki. “Ruki!
Samahan mo kong pumunta sa Palasyo!”
“Okay!”nakangiti
namang wika ni Ruki. Kumapit sa kaniya si Zico ng ilabas ni Ruki ang
wand nya. Nag-cast sya ng spell pero nag-taka sya dahil walang
nang-yari. Inulit nya ulit pero wala paring nang-yari.
“Ano?
Bakit ang tagal?”kunot
nuong tanong ni Zico.
“Hindi
ko alam!”nalilitong
saad ni Ruki. Ilang beses nyang inulit ulit ang spell pero wala
talagang nang-yayari hanggang si Zico na ang gumawa. Mas lalong
kinabahan si Zico dahil kahit pati sya ay hindi na rin maka-gawa ng
spell.
“Ano
bang nang-yayari?”alalang
bulong nya sa sarili.
To
be continued ...
((Hindi pa yata nauupdate ang nandoon sa Story List))
ReplyDelete((Good thing chineck ko ang old posts dito sa Home page))
((Nalaman ko ang dami na palang update))
Ey, thanks for reminding me. :D tatrabahuin ko na sa story list
Delete