W&W: Autre Histoire
“Unexpected Visitor”
PAG-DATING
ni Kei sa Central Markte galing sa beach ay dumiretso agad sya kay Doctor
Park. Naisipan nya munang tumambay doon dahil maaga aga pa naman at isa pa ay
wala naman syang ibang gagawin sa bahay nila.
“Magandang
hapon!”masayang bati nito sa mga pasyenteng naroon.
“Oh!
Keiigo, ikaw pala? Pasensya ka na, maraming pasyente si Doctor Park ngayon kaya
di ka nya maaasikaso. May ipinag-bilin nga pala sya sakin. Pumunta ka daw sa
Underground Market, puntahan mo yung dulong tent doon malapit daw sa tent nung
Sidh. May babae daw dun na Stella ang pangalan.”mahabang
saad ng secretary ni Doctor Park.
“Stella?
Ano naman gagawin ko sa kanya?”clueless na tanong ni Kei.
Nag-kibit balikat ang sekrtarya. “Ewan ko. Sabi ni Doctor Park pumunta
ka lang daw dun. Alam na daw ng babae yung gagawin nya.”
“Ganun
ba? Okay.”yun na lang ang sinabi ni Kei saka sya muling
lumabas ng clinic at tinungo ang sinasabi ni Doctor Park na tent ng babaeng
nag-nga-ngalang Stella.
Wala pang ilang minuto ay naroon na sya sa Tent. Dire-diretso lang sya sa
pag-pasok. Sa loob ay unang bumungad sa kaniya ang isang maliit at pabilog na
lamesa na merong nakapatong na parang bolang kristal. Inilibot nya ang paningin
sa paligid. Wala na syang iba pang nakitang gamit kundi ang lamesa na iyon.
Sa kanang bahagi nya ay may isang pinto na may nakaharang na kurtina.
Bahagya itong nakaawang kaya naman sinubukang silipin ni Kei ang nakaawang na
kurtina kung may tao ba sa loob. Pero nagulat na lang sya nang may biglang
nag-salita sa likuran nya.
“Ikaw na
ba iyan Kamahalan?”tanong nito. Mabilis na napalingon si Kei, napakunot
ang nuo nya sa babaeng nasa harapan nya.
Nakasuot ito ng mahabang palda, puting T-Shirt. May mahaba itong scarft
na nakasabit sa leeg. Mahaba ang buhok nito at blonde. Masaya ang mukha nito ng
makita si Kei. Naisip naman ni Kei na ito na siguro ang tinatawag ni Doctor
Park na Stella.
“Ka---kamahalan?”tanong ni
Kei. Mabilis nag-bigay galang sa kaniya si Stella. Nagulat naman at nalito si
Kei dahil sa kinilos ni Stella. “Bakit ka nagba-bow?”
Bago sumagot ay lumakad muna si Stella palapit sa lamesang bilog. “Ako
po si Stella. Bakit hindi ka muna maupo Kamahalan at hayaan mong ipaliwanag ko
sayo ang lahat.”
Gulong gulo na naupo si Kei
kaharap si Stella. Hindi nya alam kung bakit sya tinatawag na kamahalan ng
babaeng ito. “Ano bang nang-yayari?”
“Labing Walo na ang nakakalipas nang mabuo ang anak ng
isang Dyosa at ng isang naitakdang Hari ng Tir Na Nog. Pero nang dahil sa isang
kaguluhan namatay ang mag-asawang ito na hindi pa man naiisisilang ang kanilang
anak.”paunang kwento ni Stella.
“Dahil sa sobrang pag-hahangad noon ng isang Prinsepe
ay nagawa nitong mag-taksil sa sariling Kaharian na pinag-lilingkuran nito.
Nagawa nyang patayin ang mga Prinsesa maging ang susunod na Hari at
taga-pangalaga ng isang bato.”
“Teka---anong bato? Wag mo sabihin na yun yung
pinapahanap sakin ni Doctor Park?”singit
ni Kei.
Tumango si Stella. “Mahalaga
ang bato na iyon dahil iyon ang muling mag-babalik ng kapayapaan sa mundo ng
Tir Na Nog. Ipinag-katiwala ito sa isang Prinsepe, ngunit nawala ito nang
minsang mag-punta dito sa mundo ng mga Vulgus ang ang Prinsepe na iyon.”bumuntong
hininga si Stella.
“Ang bato na ito ay hindi maaring mahwakan ng kahit
sino man maliban na lamang kung ikaw ang isa sa napiling maging susunod na Hari
o kaya naman ikaw na ang susunod na manga-ngalaga ng bato na ito.”
“Eh bakit sakin pa pinapahanap ni Doctor Park yung
bato? Hindi naman pala sya pwede hawakan ng kung sino sino lang.”
Ngumiti si Stella. “Kahamahalan,
hindi ka kung sino lang.”
“Anong ibig mo sabihin?”
“Hindi ka kung sino lang dahil ikaw ang susunod na
Hari ng Tir Na Nog. Kamahalan, ikaw ang anak ni Goddess Danann at Prinsepe Arke
na itinago sa sinapupunan ng isang Vulgus para lamang mailigtas sa panganib.”
Hindi naka-react si Kei.
Parang gusto nya ipaulit kay Stella ang mga sinabi nito dahil gusto nyang
maka-sigarado kung tama nga ba ang mga narinig nya dito. Kunot na kunot na ang
nuo nya sa kakaisip kung totoo nga ba ang mga nang-yayari.
“Pero teka---pano ako itinago sa ano yun? Pano ako na
ipanganak kung sinabi mo na namatay na ang mga magulang ko bago pa man ako mailabas?”sunod sunod na tanong ni Kei. Ipinaliwanag sa kaniya
ni Stella ang ginawa ni Goddess Danann noon para lang mailipat sa sinapupunan
ng iba ang dinadala nitong sangol.
Sa huli ay naliwanagan din
si Kei pero parang hindi parin talaga sya makapaniwala. Kung ganun anak sya
isang Goddess at isang Prinsepe na muntik nang maging Hari kung hindi lang ito
namatay.
“Anong mang-yayari sa mga magulang ko na kumupkup
sakin? Kelangan ko sila iwan kahit na hindi naman si mama ang nag-luwal sakin?
Sabi mo namatay na ng Vulgus na nag-ire sakin diba at inwan na rin ako ng asawa
nun nung akala nya patay na ko.”
“Kailangan mo sila iwanan dahil hindi naman dito ang
tunay na mundo mo. Kailangan mo iligtas ang Kaharian mo bago pa ito makuha ng
iba.”
“Makuha ng iba?”ulit ni Kei.
“Si Prinsepe Rome, hindi pa man sya nababalutan ng
kasamaan ay hinahangad na nya ang Tir Na Nog. Ngayon ay mas kilala na sa
pangalang Lycus ang Prinsepe na ito dahil sa kasamaang taglay nito. Sya ang
nag-kulong sa mga Druids na dapat sana ay po-protekta sa Kaharian habang
hinihintay ang tamang pag-kakataon para sayo. Ngunit dahil sa kasakiman ni
Prinsepe Rome o Lycus ay ikinulong nya ito sa kawalan dahil sa oras na patayin
nya ito ay mawawalan din ng bisa ang mga sandatang pag-aari ng apat na Druids
na ito.”
“Anong apat na sandata?”
“Ang mga sandata na ito ang nag-sisilbing haligi ng
apat na kaharian sa loob ng Tir Na Nog. Kung wala ito ay walang buhay ang apat
na kaharian. Ang apat na sandata ang nag-ibigay ng kapangyarihan sa apat na
kaharian. At ang bato naman ang nag-bibigay ng kapangyarihan sa apat na sandata
para ito gumana. Kung wala ang bato walang buhay ang mga sandata. Ngunit kahit
may kapangyarihan pa ang mga sandata, kung patay ang mga nag-mamay-ari nito ay
hindi rin ito gagana. Kaya nga sa tuwing may mamamatay na Druids ay sinisira na
lang ang sandata na hawak nila dahil wala na rin naman itong silbi.”
“Kung nakakulong ang mga Druids ngayon nasan naman
yung mga sandata nila na sinasabi mo?”habang palalim ng palalim ang usapan nila ay mas nagiging interesting
naman ito para kay Kei.
“Nasa puder ni Lycus. Kailangan mo iyong makuha at
mahanap ang Stone of Destiny ang batong pinapahanap ni Haring Brai bago pa man
mahuli ang lahat.”
“Haring Brai?”ulit ni Kei ng marinig nya ang di pamilyar na pangalan.
“Si Haring Brai. Sya si Doctor Park, sya ang Hari ng
Ablach. Sya ang kapatid ng ama mo at sya ang ama ni Jeremy.”nagulat si Kei sa sinabi ni Stella.
“A---ano? Si Jeremy---anak ng kapatid ng tatay ko?
Ibig sabihin---.”nauutal si Kei, halos hindi
kasi sya makapaniwala kaya naman si Stella na ang tumapos ng dapat sana ay
sasabihin nya.
“Pinsan mo si Jeremy Kamahalan. At gaya mo, sya rin ay
magiging susunod na Hari ng Ablach.”
Parang gustong matawa ni
Kei. Napatayo tuloy sya sa inuupuan nya. Sa tagal na nyang nakakasama si Jeremy
ay ni minsan hindi sumagi sa isip na magiging kadugo nya ito. Pero ngayon,
pinsang buo nya pala ito! Parehong dugo ang nananalantay sa katawan nila!
“Si Jeremy? Pinsan ko?”natawa pa si Kei.
“Tama ka kamahalan. Marami ka pang dapat malaman pero
sa ngayon ay kailangan mo munang unahin ang pag-hahanap sa mga sandata mauna
man si Lycus sa Stone of Destiny, hindi nya naman ito mahahawakan dahil hindi
sya naitakdang maging Hari. Ikaw lang o ang itinakdang maging kapalit ni
Goddess Danann ang maari nitong makahawak.”
“Kilala mo ba kung sino ang susunod na hahawak sa
Stone of Destiny?”
Umiling si Stella at sumlay
ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi. Hindi ko makita kung sino sya.
Protektado sya ng malakas na kapangyraihan kaya naman hindi ko sya makita.
Maging si Haring Brai ay hindi makita kung sino ang susunod na Goddess.”
“Sa tingin mo bakit sya protektado ng kapangyarihan?”
“Marahil ay para ma-protektahan kay Lycus. Dahil sa
oras na masagap ni Lycus ang enerhiya ng susunod na Goddess ay gagamitin nya
ito para mapasakanya ang Stone of Destiny at maisagawa na ang plano nyang
pag-angkin sa Tir Na Nog at sa tatlo pang Dimensyon. Lalabas lang ang enerhiya
ng susunod na Goddess kung sya mismo ang makakahawak sa Stone of Destiny. At sa
oras na mang-yari iyon ay mag-uumpisa na ang gera sa pagitan mo at ni Lycus.”
Napaisip muna si Kei bago
sya nag-salita. “Lycus.”bitter nyang tawag sa pangalang iyon. “Humanda
ka sakin! Ihihiganti ko mga magulang ko! At sisiguraduhin kong hindi ko
ibibigay sayo ang mga bagay na pag-aari ko!”
HINDI nakayanan
ni Kei ang mahabang usapan tungkol sa rebelasyon ng pag-katao nya at ni Jeremy.
Kaya naman naisipan nyang tawagan ang kaibigang si Jin para yayain itong
mag-laro ng Tennis sa isang bakanteng Tennis Court malapit kanila Jay. Gusto
nya kasing mabawas bawasan ang stress nya kahit pano. Mabuti na lang at
available si Jin.
“Ano naisipan mo? Bat bigla ka nag-aya ng laro?”tanong ni Jin habang inaayos nya ang sintas ng
sapatos nya. Naroon na sila sa Tennis Court ngayon.
“Naisip kita. Baka kasi bored ka kaya niyaya kitang
mag-laro.”palusot ni Kei.
“Mukha mo! Ikaw kamo bored kaya ka nag-yaya!”natatawa pa sa Jin saka sya tumayo at kinuha ang
raketa nya pati ang bola na nasa bulsa nya. “One set match. Ako na
magsi-serve.”right corner si Jin habang pumwesto naman sa kaliwa ng
kabilang dulo ng court si Kei. “Ito na. Tanggapin mo ang Super Sonic kong
serve!”tumira ng napakabilis na serve si Jin pero nabalik iyon ni Kei at
doon na nag-umpisa ang rally ng dalawa.
Natapos ang laro na si Kei
ang nanalo. Pareho silang hingal na hingal ng maupo sila sa bench. Mabilis na
knuha ni Jin ang tubigan nya para uminom habang si Kei naman ay panay ang punas
sa pawis nya.
“Nakakapagod! Sarap ng tulog ko nito mamaya.”saad ni Jin.
“Keiigo Tezuka.”sabay na napalingon ang dalawa ng may tumawag kay Kei.
“Kilala mo sya?”kunot nuong tanong ni Jin. Clueless namang umiling si Kei. “Eh bat
kilala ka nya?”
“Ewan ko.”tinitigan ni Kei ang lalaki, pero di talaga ito pamilyra sa kaniya. “Sino
ka naman?”pero sa halip na sumagot ay insultong ngiti lang ang sumilay sa
labi ng lalaki. “Nang-uurat ka ba?”
“Gusto yata ng away nito eh!”wika naman ni Jin.
“Hindi ko alam kung bakit ikaw.”naiiling pa ang lalaki.
“Anong bakit ako? Naka-drugs ka ba? High ka yata pre
eh!”
“Binisita lang kita, hindi, binisita ko lang si Jay
kaya naman naisipan din kitang daanan.”huminto saglit ang lalaki, tiningnan nito ang picture na hawak nyang may
mukha ni Jay. “Para pag-sabihan at bantaan.”
Sarkastikong natawa si Jin,
seryoso naman ang mukha ni Kei. “Lakas din ng loob mo hu!”saad ni Jin.
“Keiigo Tezuka! Bilisan mo, wag kang babagal bagal
dahil nag-kakagulo na ang mga palasyo mo sa Tir Na Nog.”
“Anong Palasyo?”naiipit sa usapan nila Ke at ng lalaki si Jin na walang kaalam alam sa
nang-yayari.
“Pangalawa, pinauubaya ko na sya sayo! Pero sa oras na
masaktan sya. Hindi lang si Zico ang makakaharap mo. Kundi pati ako!”
“Ano daw? Sino pinauubaya nya? Si Jay? Bakit? Trip mo
si Jay?”naguguluhang tanong ni Jin
pero di sya sinagot ni Kei dahil nakatitig lang ito ng seryoso sa lalaki.
“Jerim! Yan ang pangalan ko! Tandaan mo!”yun lang at lumakad na palayo si Jerim. Naiwan
namang clueless si Jin at tahimik lang si Kei.
Naiintindihan nya ang
tungkol sa Tir Na Nog, pero yung tungkol kay Jay na pinauubaya na nya ito kay
Kei. Anong ibig sabihin nya doon? Una sa lahat, wala namang gusto si Kei kay
Jay, at lalong hindi naman sya gusto ni Jay dahil ang gustong gusto ni Jay ay
si Doctor Park. Bigla tuloy sya nag-duda sa nararamdaman nya para kay Jay.
Kaibigan lang ba talaga ang feelings nya o higit pa doon? At sinong Zico?
PAG-UWI ni
Kei sa bahay ramdam na ramdam nya ang pagod kaya naman matapos maligo ay
diretso agad sya sa kama nya para mag-pahinga nang biglang may kumatok sa
kwarto nya. Nang bumukas ito ang kaniyang ina ang bumungad.
“Mukhang pagod na pagod ka anak hu?”malumanay na wika ng kanyang ina.
Ngumiti si Kei, pero nang
pumasok sa isip nya ang katotohanan na hindi nya naman tunay na ina ang nasa
harapan nya ay nakaramdam sya ng lungkot. Sobrang bait kasi ng ina nya at ni
minsan hindi nito ipinaramdam sa kaniya na ibang tao sya.
Ang pure Japanese nya naming
ama ay ganun din ang ipinaramdam sa kaniya. Alam nyang mahal na mahal sya ng
mga ito kaya naman mahihirapan syang iwan ang mga ito kung dumating man ang
pag-kakatao na kailangan na nyang gawin yun. Wala na lang syang nagawa kundi
ang yakapin ang kaniyang ina.
“May problema ba?”tanong ng kaniya ng ina.
Umiling si Kei. “Gusto ko
lang mag-charge kasi lowbat na lowbat ako ngayon.”ngumiti na lang ang
kaniyang ina. “Keiigo Tezuka, charging.”saad pa ni Kei.
“Maging matatag ka. Kung ano man ang pinag-daraanan mo
ngayon, yakapin mo lang yung mga taong mahahalaga sa buhay mo para maka-kuha ka
ng energy sa kanila at ma-recharge ka ulit.”payo ng kaniyang ina na ikinagaan naman agad ng pakiradam ni Kei. Kumalas
sya sa pag-kakayakap sa ina at otomatikong sumilay ang ngiti nya sa labi.
“Keiigo Tezuka is now full charge!”parang bata nitong wika. Natawa tuloy ang kaniyang
ina.
“Sya nga pala. Dumaan dito si Jeremy kanina. May
sasabihin daw sana sya sayo. Tinatawagan ka nya sa cellphone mo pero di mo
naman sinasagot.”pag-iiba ng kanyang ina sa
usapan ng maalala nito si Jeremy.
Nilingon naman ni Kei ang
mini table nya sa gilid ng kama nya. “Nandito cellphone ko eh. Naiwan ko.”nakita
nya sa screen na naka-fifty calls at twenty text messages na si Jeremy sa
kanya, bagay na ikinataka ni Kei. “Anong problema nito?”binasa nya isa
isa yung text pero paulit ulit lang lahat.
“Twgan mo ko pgbsa mo ni2!”
Pinindot nya ang number ni
Jeremy para tawagan ito “Hello? Honey? Grabe ka naman maka-miss sakin! Ilang
oras lang akong nawala na-miss mo na agad ako?”bungad ni Kei ng sagutin ni
Jeremy ang tawag nya. Napailing na lang ang ina sa kaniya saka ito lumabas ng
kwarto ng anak.
“Sira ulo!
Suntukin ko yang eye smile mo eh! Mag-kita tayo! May sasabihin ako sayo!”sumisigaw na wika ni Jeremy.
Nang maalala ni Kei ang mga
sinabi ni Stella tungkol ay naisip nyang karapatan ding malaman ni Jeremy ang
lahat. Kaya naman kahit pagod ay pumayag syang makipag-kita kay Jeremy.
“Tama, kailangan nating mag-kita. Ako rin... marami
akong gustong sabihin sayo.”
To be
continued...
yippee!!! may UD na! ^^
ReplyDeleteyEs mEi upd8 k nA,,, i miSs diZ siTe aNd d stOriEs n binbSa q dtO,,, hwAhiHi,,,
ReplyDelete