Monday, March 4, 2013

[W&W: Autre Histoire] Crystal Ball


W&W : Autre Histoire
Crystal Ball”

[Before Zico knows about his position as King]
[Tir Na Nog Royal School]


Halos madapa si Prinsesa Hara habang tinatakbo nya ang room nila. Gusto nya kasi maibalita agad sa mga royal classmates nya ang nakita nya sa crystal ball nya. “Prinsesa Hara, magiingat ho kayo!”paalala ni Uisias pero parang walang narinig ni Prinsesa Hara. Tuloy tuloy lang ito sa pag-takbo.




Sa laboratory room ay naabutan nya sina Princess Gyuri ng kaharian ng Falias at Prince Rome ng kaharian ng Gorias na nag-uusap. Sabay na napatingin ang dalawa kay Princess Hara. Habang napakunot naman ang nuo ni Prince Rome sa kaniya.




“Bakit ka ba nag-mamadali? Maaga pa naman ah.”saad ni Princess Gyuri. Hindi agad sinagot ni Princess Hara ang tanong sa halip ay naupo ito sa tabi ni Prince Rome. Huminga muna ito ng malalim bago nag-salita.




“Si Zico!”hiningal nyang sabi. 




Natawa naman sa kaniya si Prince Rome. “Prince Zico. Pag narinig ka ni Professor Eli lagot ka.”saway nya dito.




“Wala naman sya! Kaya okay lang yun!”




“Ano ba yung kay Prince Zico?”singit ni Princess Gyuri.




“Si Zico! Sya ang napili ng Stone of Destiny para maging susunod na Hari ng Tir Na Nog!”excited na sabi ni Princess Hara. Nagulat naman si Princess Gyuri.




“Totoo ba yan?”paninigurado pa nito.




Tumango-tango si Princess Hara. “Oo! Totoo! Kaya nga nan dito yung Ministro ng Praecantrix and Magus at pati na rin yung apat na Ministro ng bawat dimension para pag-usapan ang bagay na yun!”




“Kung ganun, nandito sila ngayon?”si Prince Rome naman ang nag-tanong. Pero halata sa mukha nito na hindi ito masaya, di gaya ng dalawang Prinsesa na mukhang proud pa kay Zico.




“Oo---”napakunot ang nuo ni Princess Hara dahil napansin nya nga ang expression ng mukha ni Prince Rome. “Oh bakit parang di ka masaya sa kaibigan mo?”




Agad namang binawi ni Prince Rome ang expression ng mukha nya at pinalitan ito ng mga ngiti. “Ano ka ba! Masaya ako para sa kaniya!”




“Ang swerte ni Zico! Sya na talaga ang pinaka-magaling na Magus sa balat ng Wizard world!”wika ni Princess Hara na may bakas ng pag-hanga na Prinsepe.




“No doubt naman na sya ang mapipili. Dahil bukod sa Adept Bards Magus sya, talagang napakalawak ng knowledge nya pag-dating sa Magic. Ultimo kailaliman nga ng black magic alam nya eh!”maging si Princess Gyuri ay humanga din sa kakayahan ni Zico.




“Hindi lang yan! Marami din syang alam sa Praecantrix. Magaling talaga sya! Kaya siguro sya ang napili ng Stone of Destiny! Ibang klase talaga si Zico!”dugtong pa ni Princess Hara. Naputol lang ang usapan nila ng biglang dumating ang Professor nilang si Eli. At narinig pa nito ang huling sinabi ni Princess Hara.




“Princess Hara! Ilang beses ko bang ipapaalala sa iyo na Prinsepe Zico ang itawag mo kay Prinsepe Zico?!”galit na sita ng Professor.




“Sorry po.”mahinang saad ni Princess Hara. Mabuti na lang at tiningnan lang sya ng masama ng Professor at hindi sya naisipang parusahan dahil sa ilang beses sya nitong nahuhuling Zico lang ang tawag sa Prinsepe.




Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang klase. Naka-focus na ang dalawang Prinsesa ngunit si Prince Rome ay nasa sinabi parin ni Princess Hara ang isip. Nawawalan sya ng focus sa ginagawa nilang bagong Potion ngayon at parang bigla syang nawala sa mood. Inaamin nya na hindi sya masaya sa balitang iyon. Para sa kaniya kasi unfair yun.




Dahil alam nya kung ano ang talagang gustong gawin ni Zico, alam nya ang mga plano ni Zico. Na hindi naman talaga nito gustong maging Prinsepe ng Tir Na Nog lalo na ang pagiging Hari. Gusto nitong maging Pirata gaya ng ama at nakatatandang kapatid nito na parehong kilalang Pirata. Hindi naman gusto ni Zico ang mga bagay na ito pero bakit sya ang napili ng Stone of Destiny?




Pakiramdam nga ni Prince Rome ay sya ang mas nararapat sa posisyon dahil lahat naman ginawa nya, nag-insayo sya ng maayos na halos ikamatay na nya at isa pa matagal na nyang pinapangarap na maging Hari ng Tir Na Nog. Kaya nga simula ng malaman nyang isa pala sya sa Treasures ay ibinigay nya ang lahat ng makakaya nya para lang maipakita sa Stone of Destiny na karapatdapat sya. Pero sa huli si Zico ang pipiliin na wala namang balak mag-hari. Bigla tuloy syang nainis.




Sabay sabay na napatingin ang dalawang Prinsesa at ang Professor dahil biglang pumutok ang Potion na ginagawa ni Prince Rome. Doon lang din bumalik ang ulirat ni Prince Rome. Bigla tuloy syang nataranta, inilabas nya ang wand nya at nag-cast ng spell para mapahinto ang apoy.




“Se Detrende!”pero mukhang napalakas ang hangin kaya tuloy nag-liparan ang mga gamit papunta sana sa dalawang Prinsesa mabuti na lang at maagap si Princess Gyuri.




“Inalgesco!”nag-freeze ang mga gamit at ilang segundo pa ay bumagsak ito sa harapan nila. Natulala na lang si Prince Rome sa nangyari.




“Ano nang-yayari sayo?”alalang tanong ni Princess Gyuri.




“Prinsepe Rome!”sabay-sabay silang napatalon sa gulat dahil sa lakas ng sigaw ni Professor Eli. Tuluyan natalagang nasira ang araw ni Prince Rome dahil sa balita na yun.










[AFTER THREE WEEKS]



 KATATAPOS lang ng klase nila Prince Rome at ng dalawa pang Prinsesa kaya naman naisipang mag-punta ng dalawang Prinsesa sa Underground Market para mamili. Habang nag-lalakad sila palabas ng school ay naging topic ulit nila si Zico.




“Nga pala, ano na bang balita kay Prince Zico? Bakit hindi sya pumapasok ngayon?”pangangamusta ni Princess Gyuri.




“Malamang nasa Earth sya ngayon. Ah! Oo nga pala! Hindi tinanggap ni Zico ang posisyon bilang isang Hari.”saad ni Princess Hara. Sabay na napatingin sa kaniya sina Prince Rome at Princess Gyuri.




“Ta---talaga?”parang biglang nabuhayan ng loob si Prince Rome dahil dun.




“Oo.”




“Bakit naman daw?”kunot nuong tanong ni Princess Gyuri. Sumenyas si Princess Hara na lumapit ang dalawa sa kaniya saka sya bumulong.




“May anak si Zico sa isang Vulgus! Mukhang mahal na mahal nya yung babae at di nya kayang iwan lalo na yung anak nya. Yun yung dahilan kaya nya tinanggihan ang posisyon.”napasapo sa bibig si Princess Gyuri at bahagya namang nagulat si Prince Rome.




“May anak---si Prince Zico---sa---sa isang Vulgus? Diba may kapalit ang pag-kakaroon ng anak ng isang Magus sa isang Vulgus? Bukod pa dun hindi pareho ang energy ng dalawa kaya may chance na mamatay ang bata pag lumapit si Prince Zico sa kanila.”paliwanag ni Princess Gyuri.




“Talaga? Hindi ko yata alam ang bagay na yan.”napapakamot na lang si Princess Hara sa ulo nya.




“Tama ka dyan.”dugtong ni Prince Rome.




“Kawawa naman si Prince Zico.”malungkot na saad ni Princess Gyuri. “Teka, kung tinanggihan ni Prince Zico yung posisyon. Ang second choice yung makakakuha ng trono. Feeling ko ikaw yun Prince Rome. Sino pa ba ang makukuha? Eh kayo lang naman ni Prince Zico ang pinakamagaling na Magus. Kaya nga kayo naging Prinsepe ng dalawa sa kaharian.”




“Sino pa ba? Ang dalawang Prince lang naman ng Tir Na Nog ang pinag-pipilian. Maliban na lang kung mag-asawa si Goddess Danann. Yun, automatic na sa asawa ni Goddess Danann mapupunta ang posisyon bilang Hari.”saad naman ni Princess Hara.




“Ibig sabihin kahit may second choice baliwa yun pag nag-asawa si Goddess Danann?”paninigurado ni Princess Gyuri.




“Oo. Pero hindi mapipili si Zico bilang hari kung nakita ng Stone of Destiny na makakapangasawa si Goddess Danann. Ibig sabihin single parin si Goddess Danann.”




Habang nag-uusap ang dalawang Prinsesa ay tahimik namang nakikinig si Prince Rome sa kanila. Sa loob loob nito ay masaya sya dahil sa pag-tangging ginawa ni Zico. Ibig sabihin lang noon ay malaki ang chance nya na mapili dahil sigurado namang sya ang second choice ng Stone of Destiny. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap nyang pag-harian ang Tir Na Nog.




“Tara na nga! Pumunta na tayo ng Underground Market para makabalik agad tayo!”yaya ni Princess Hara, pero napahinto sila nang salubungin ni Uisias at ng druids ni Princess Gyuri. “Uisias? Anong meron?”kunot nuong tanong Princess Hara.




“Pinapatawag kayong ni Goddess Danann.”saad ni Uisias.




“Kami?”kwestyonableng wika si Princess Hara.




“Prinsesa Hara, hiniling ni Goddess Danann kung maari ay dalhin mo ang iyong bolang kristal. Nais nya daw po itong makita.”dugtong pa ni Uisias na lalong ikinataka ni Princess Hara.




“Bakit kaya?”naguguluhang bulong ni Princess Hara sa sarili habang nag-lalakad. Sumunod naman sa kaniya si Princess Gyuri. Bago naman umalis ang dalawang druids ay nag-bigay galang muna sila kay Prince Rome saka sumunod sa dalawang Prinsesa.




Naiwan namang nag-tataka si Prince Rome. Parang bigla syang kinabahan. Pakiramdam nya may pina-plano si Goddess Danann. Bigla tuloy syang hindi mapakali.














BITBIT ang bolang kristal, tahimik lang at parehong clueless sina Princess Hara at Princess Gyuri. Hindi nila alam kung bakit nasa loob sila kung saan nan doon ang L'eau du Destin. Wala silang imikan sa isa't isa hanggang sa sabay silang napatayo ng dumating na si Goddess Danann. Hindi nila maiwasang humanga sa kagandahang taglay nito. Bumagay pa sa kaniya ang suot nyang Stone of Destiny.




Parehong natataranta ang dalawa at sabay pa silang bumati bagay na napangiti si Goddess Danann. “Nasa harapan ko ngayon ang napakagaganda at napakagagaling kong Prinsesa. Hinahangaan ko ang galing ninyo sa pangangalaga ng dalawa sa apat na kaharian.”puri ni Goddess Danann.




“Sa—salamat po Goddess Danann.”sagot naman ni Princess Hara. Muling natawa si Goddess Danann.




“Mukha yatang gayang gaya nyo na rin ang salita ng mga Vulgus gaya ni Prinsepe Zico at Prinsepe Rome.”puna nito.




“Ah---Opo. Madalas po kasi kaming pumunta sa mundo ng mga Vulgus. Nakikihalubilo po kasi kami sa kanila kaya nagagaya na rin namin yung salita nila.”paliwanag naman ni Princess Gyuri.




“Ganoon ba?”lumapit si Goddess Danann sa L'eau du Destin, tapos ay inilipat nito ang paningin sa bolang kristal na hawak ni Princess Hara. “Totoo bang nakikita ng bolang kristal na yan ang mga pwedeng mang-yari?”mahinahong tanong ni Goddess Danann. Mabilis namang sumagot si Princess Hara.




“Opo. Pero hindi po nya kayang makita yung mang-yayari sa future. Past lang tsaka present.”




“Ganun ba? Maari ko bang makita?”inilahad ni Goddess Danann ang kanyang kamay. Agad namang tumayo si Princess Hara para iabot sa kaniya ang bolang kristal. Nang hawakan ni Goddess Danann ang kristal ay unang lumabas ang mukha ng mag-asawa. Napakunot ang nuo ni Princess Hara dahil hindi pamilyar sa kaniya kung sino ang mga iyon.




“Sino sila?”bulong ni Princess Hara sa sarili nya.




“Mag-asawa sila. Mababait sila, wala akong masabi. Nasa kanila na ang lahat maliban sa isa. Hindi sila mag-karoon ng anak. Iyon lang ang pinaka-hinihiling nila pero hindi sila mabiyayaan.”saad ni Goddess Danann. Gumuhit naman ang pag-kalito sa mukha ni Princess Hara. Nagulat si Princess Hara ng mabitawan ni Goddess Danann ang bolang kristal mismo sa L'eau du Destin. Dahil mabigat ang kristal ay lumubog ito sa tubig. Pero hindi binigyan ng atensyon ni Goddess Danann ang nagulog na kristal. Sa halip ay nag-patuloy ito sa pag-sasalita.




“Alam nyo ba na isang Vulgus ang ina ni Prinsepe Zico?”bunyag ni Goddess Danann na ikinagulat ng dalawang Prinsesa.




“Talaga po?”paninigurado naman ni Princess Gyuri.




Tumango naman si Goddess Danann. “Galing sa isang makapangyarihang pamilya si Prinsepe Zico. Ang pamilya nila ang nangunguna pag-dating sa kaalaman at kapangyarihan. Kasunod naman ang pamilya ng Eris nakinabibilangan ni Jerim.”




“Jerim? Sya ba yung batang napapabalitang nagunguna ngayon na pag-sasanay bilang Adept Bards?”wika ni Princess Gyuri.




“Tama ka. Sya nga iyon."huminto saglit si Goddess Danann bago muling nag-patuloy. "Mabait ang ina ni Prinsepe Zico, masayahin gaya ng Prinsepe.”lumapit si Goddess Danann sa binta na para bang may tinatanaw ito sa malayo. Tahimik namang nakikinig sa kaniya ang dalawang Prinsesa.




“Mahal na mahal nya ang ama ni Zico gaya din ng pag-mamahal nya sa anak nya. Kaya noong malaman nya ang kapalit ng pag-kakaroon ng anak ng isang Magus sa isang Vulgus.”humarap si Goddess Danann sa dalawa, bakas ang lungkot sa mukha nito.




“Kinitil nya ang sarili nyang buhay.”nagulat ang dalawang Prinsesa sa narinig. Parang bigla silang kinilabutan. "Sabi nya noon. Di bale nang mamatay sya huwag lang mabura sa ala-ala nya ang anak nya at ang asawa nya. Pero bago nya kitilin ang buhay nya ay lumapit sya sakin at humiling ng isang bagay."bumuntong hininga si Goddess Danann. "Nais daw nyang mabigyan pa ng isang kapatid si Prinsepe Zico, isang lalaking kapatid, dahil dalawang anak sana ang ninanais ni Master Ziro pero alam nitong imposibleng mangyari iyon."napakunot ang nuo ng dalawa.




"Pero---pano po nang-yari yun? Diba sabi nyo nag-pakamatay yung mama ni Prince Zico? Pano nabuo si Captain Zunji?"takang takang tanong ni Princess Gyuri.




"Oo nga po. Pano nang-yaring naipanganak si Captain Zunji?"tanong din ni Princess Hara.




"Dahil yun sa mahikang ginawa ko."sagot ni Goddess Danann.















"Mahikang ginawa nyo??"sabay na saad ng dalawa sa pareho nilang nakakunot na nuo. Walang ibang nasa isip nila kundi ang katanungang "Pano nagawa ni Goddess Danann na maipanganak si Zunji kahit na patay na ang ina nito?"







3 comments:

  1. Hi po! tanong ko lang... hhihi,, ung sa oneshot.. na nigawa niyo.. sabi niyo po kasi tapos na? hihih... eto po ung email ko...

    v.ellane@ymail.com


    Salamat po ^_______^V

    ReplyDelete
  2. ((Goddess Dannan role here is really important))

    ((Sa kanya nagsimula talaga ang lahat))

    ReplyDelete
  3. paano nangyaring panganay si zunji pero naunang ginawa si zicco

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^