Saturday, April 20, 2013

[W&W: Autre Histoire] The Death of Two Prince

W&W: Autre Histoire

“The Death of Two Prince”



KUMUNOT ang nuo ni Laurence dahil hindi parin malinaw sa kaniya ang lahat maging kay Jin. Walang ibang laman ang isip ng dalawa kundi ang tanong na kung bakit sila naan doon at kung anong lugar ba yun?



“Pero Kei, Jeremy. Ano bang ginagawa naming dito? Bakit kami nandito? Tsaka si…”nilingon nya ang kababata nyang  si Mari na ilang taon din nyang hindi nakikita. Hindi na nya binanggit pa ang pangalan ni Mari, itinuro nya na lang ito gamit ang mukha nya. “Bakit sya nan dito?”tahimik lang na nakikinig si Mari.



“Oo nga. Natulog lang ako, pag-gising ko nan dito na ko.”kakamot kamot pa sa ulo si Jin.



Bumuntong hininga si Jeremy, mag-sasalita na sana sya kaso may biglang pumasok. Nakaramdam sya ng pag-kailang ng makitang si Doctor Park ang pumasok sa loob, kasunod si Marcio at tatlo pang hindi pamilyar sa kanilang mga lalaki.



Nag-bigay galang sina Kei at Jeremy kay Doctor Park, tinanguan naman sila nito. Ngayon ay si Doctor Park na ang kaharap nila Jin, Laurence at Mari. Nag-katinginan naman si Zico at Kei ng lumapit sa gawi nya ito kasama sina Semias at Rukki. Kumunot pa ang nuo ni Kei ng mag-bow sa kaniya si Zico.



“Do---Doctor Park!”halos sabay sa wika ni Jin at Laurence. Napaturo pa si Jin kay Doctor Park dahil sa gulat nito.



“Sa ngayon, mas okay na dito muna kayo.”wika ni Doctor Park.



“Sigurado ka bang hindi mapapahamak ang dalawang Prinsepe na ‘to pati na ang Prinsesa sakali na sumugod dito si Rome?”saad ni Zico. Nilingon sya ni Doctor Park.



“Humingin na ko ng tulong kay Marcio, pati na rin sa mga punong ministro. Maya maya lang nan dito na sila para mas paintigin pa ang seguridad ng mga Prinsepe at Prinsesa.”sagot naman ni Doctor Park.



“Prinsepe? Prinsesa? Sino?”naguguluhang tanong ni Jin.



“Ano ba talagang nang-yayari? Jeremy?”para bang nag-mamakaawa na si Laurence na sabihin ni Jeremy sa kaniya ang nang-yayari ngayon.



“Kayong dalawa ang sinasabi nilang Prinsepe, at ako… ang Prinsesa.”si Mari na ang sumagot ng tanong ni Laurence. Lahat napalingon sa kaniya.



“Tsi! Kung di ako nag-kakamali. Anak ka ni Hara.”napapailing na wika ni Zico kay Mari. “At kayong dalawa…”inalala saglit ni Zico ang nakaraan. “Sino anak ni Rome sa inyong dalawa?”nag-palipatlipat ang tingin ni Zico kanila Jin at Laurence.



“Prinsepe Zico, wala anak si Rome. Si Jin at Laurence ay parehong anak ni Prinsesa Gyuri.”bulgar ni Doctor Park na ikinagulat ng lahat. “Kambal sila.”



“Talaga?”napataas na lang ang kilay ni Zico sa sinabi ni Doctor Park. Hindi naman maka-paniwala sina Jin at Laurence na mag-kapatid pala sila at kambal pa sila.



“Panong---.”nauutal na wika ni Laurence.



Muli silang napalingon sa pinto ng may nag-mamadaling kawal na pumasok sa loob. “Haring Brai! Heneral! May masamang balita! Napasok na ni Lycus ang kaharian!”saad nito sa takot na takot nitong boses. Agad naman silang naalarma.



“Ang mga Ministro? Dumating na ba sila?”tanong ni Doctor Park.



“Opo. At naka-pwesto na sila kasama ang mga kawal na dala nila.”



Tumango si Doctor Park, bago nya hinarap sina Kei at Jeremy. “Mas mabuti na huwag na lang kayo sumama. Dito na lang kayo para bantayan sila.”



Tumango si Kei ganun din si Jeremy. Lumapit si  Marcio kay Kei at may inabot itong wand. “Kamahalan, gamitin nyo po ang wand na ito. Ito ang gamit ng inyong ina noon.”inabot ni Marcio ang wand kay Kei, kinuha nya naman iyon.



“Semias, maiwan ka na rin dito, tumawag ka kung sakaling may mangyaring masama.”utos ni Zico. 



“Opo, Prinsepe Zico.”sagot ni Semias. Tinapik ni Doctor Park si Jeremy sa balikat, tinanguan naman ni Zico si Kei bago sila lumabas ng kwarto.



Tumayo si Jin at lumapit it okay Kei. “Hoy! Ano ba talagang nang-yayari? Bakit may wand ka? Wizard ka ba gaya ni Bryle? Tsaka--- ano yung sinasabi nilang kambal kami ni Laurence? Hindi naman kami mag-kamukha! Pwede ba yun?”sunod sunod na tanong ni Jin.



Sa totoo lang hindi din alam ni Kei kung ano isasagot, kaya nanahimik na lang sya. Si Jeremy naman ang binalingan ni Jin, pero gaya ni Kei. Hindi rin nito alam ang isasagot.



“Dahil ba sa magic kaya kahit kambal kami, hindi kami mag-kamukha?”si Laurence naman ang nag-salita.



“Fraternal or Dizygotic Twins…”sabay sabay silang napatingin kay Mari nang mag-salita ito. 



“Ano?”mas lalong kumunot ang nuo ni Jin.



“Yun ang tawag sa inyong dalawa.  Dalawang magka-separate eggs ang na-fertilized ng dalawang magka-separate ding sperm. Kaya yun ang naging dahilan kaya hindi kayo mag-kamukha pero kambal kayo. Walang kinalaman ang Magic dito, nang-yayari talaga ‘to sa totoong buhay.”napanganga na lang sila sa explanation ni Mari. Tapos nilingon ni Mari si Jeremy, nakaramdam tuloy ng pag-kainlang si Jeremy. “Dapat alam mo yan, diba Doctor ang papa mo?”iniwas na lang ni Jeremy ang paningin nya dito.



“Anong Doctor? Manager ng bangko papa ni Jeremy hindi Doctor.”pag-tatama ni Laurence kay Mari, pero parang bigla syang naging pagong na gustong mag-tago sa shell nya ng lingunin sya ng masama ni Mari.



“Pwede ba? Manahimik ka na lang? Wala ka namang alam!”mataray nitong wika. Napatingin tuloy sila lahat na naroon sa kwarto sa katarayan ni Mari.



“Pero, Malabo parin talaga sakin lahat!”parang gusto ng maiyak ni Jin dahil sa gulo ng mga pangyayari.



“Prinsepe Jin, ako na po ang mag-papaliwanag sa inyo ng lahat. Para hindi po kayo maguluhan.”pag-kukusa ni Semias. 










SAMANTALA, naabutan nila Zico at Doctor Park ang apat na Ministro ng apat na kaharian at ang pinaka-Ministro ng Praecantrix at Magus na si Ministro Cronus. Sabay sabay silang nag-bigay galang sa mga Ministro.



“Haring Brai, Prinsepe Zico.”wika ni Ministro Cronus. “Hindi ko alam kung anong klaseng pag-hahanda ang ginawa ni Prinsepe Rome o Lycus. Pero nakakasiguro akong inihanda ko ang lahat.”dugtong pa nito.



“Ministro Cronus, pwede bang maiwasang mapatay si Rome?”pakiusap ni Zico. Kwestyonable syang nilingon ng Ministro. Otomatiko namang sumagot si Zico. “Kaibigan ko po si Rome, gaano man kasama yung ginawa nya, wala mang kapatawaran sa iba yung ginawa nya. Kayak o parin syang patawarin.”sincere na wika ni Zico. Tumango tango naman ang Ministro.



“Naintindihan kita. Pero hindi parin sya makakaligtas sa parusa. Kailangan nyang ipatapon sa kawalan para pag-bayaran nya ang pag-patay nya sa Goddess, kay Prinsepe Arke at sa dalawang Prinsesa.”



Napayuko na lang si Doctor Park ng marinig nya ang pangalan ng kaniyang kapatid. Sabay sabay silang napaupo ng may bigla na lang sumabog. Kasunod nun ay ang pag-sugod ng mga Class A na mga nilalang.



“Ministro Cronus, mukhang nag-uumpisa na si Prinsepe Rome.”saad ni Minstro Zelo.



“Heneral Marcio.”tawag ni Prinsepe Cronus kay Marcio, nahulaan naman agad ni Marcio ang gusto nitong sabihin. Tumango sya at nilapitan ang mga kawal. Nag-hagis sya ng ilaw pataas sa langit na nag-papahiwatig na simula na ang gera.



Panay ang kislap ng mga wand nila, habang kanya kanya sila ng sigaw ng spell nila. Dahil hindi makagamit ng spell si Esras, kumuha na lang sya ng espada para sugurin ang mga halimaw. Walang kagatol gatol namang hinahawi lang ng wand ni Zico ang mga lumalapit na Class A creature sa kanya. Wala syang pakialam sa mga ito, ang importante sa kaniya ngayon ay ang kaibigang si Rome, pero hindi nya ito makita.



Hanggang sa matigilan sya ng makarating sya sa dulo. Hindi sya makapaniwala na nakikita ng dalawang mata nya ngayon ang matalik nyang kaibigan na ilang taon din nyang hindi nakita. Pero hindi na ito tulad ng dati. Nawala na ang baby face nitong mukha, napalitan na ito ng kulubot at matandang mukha. Iba na rin ang makikita nyang aura dito. Kung dati ay makikita ang sinseridad nito bilang kaibigan, ngayon ay puro ganid at kasamaan na.



“Rome! Ano bang nang-yayari sayo?”nasasaktan si Zico dahil hindi nya matanggap na nag-kaganun ang kaibigan.



Ngumisi si Lycus. “Ikaw? Ano bang ginagawa mo? Prinsepe Zico? Akala ko ba nakakulong ka sa Tir Na Nog? Bakit ka nandito sa Ablach?”



“Tama na Rome. Itigil mo na ‘tong kabaliwan mo. Sumuko ka na lang ng maayos.”pakiusap ni Zico pero tinawanan lang sya ni Lycus.



“Itigil? Ilang taon kong hinitay ang pag-kakataon na ‘to! Ilang taong kong hinintay na mapa-saakin ang Tir Na Nog at ang tatlo pang dimensyon! At ngayon abot kamay ko na ang lahat, gusto mong huminto ako?”muling natawa si Lycus.



“Ano ba talagang gusto mo?”



“Gusto ko? Bakit? Kaya mo bang ibigay sakin yung gusto ko? Sige, gusto kong patayin mo ang mga Prinsesa, Prinsepe lalong lalo na ang susunod na hari.”hindi umimik si Zico.



“Pangalawa, ang anak mo! Sya ang pinaka-gusto ko! Dahil sya ang susunod na Goddess diba?”tumawa ng malakas si Lycus.



“Prinsepe Rome!”galit namang sigaw ni Zico. Ibang usapan na pag ang anak nya ang kasali.


“Wag ka mag-alala, hindi ko naman papatayin anak mo… sa ngayon.”muli itong tumawa. Hindi na nakapag-pigil si Zico kaya naman hinagisan nya ito ng spell gamit lang ang isip nya. Tumalsik si Lycus at bumangga ang likod nito sa pader. Nang bumagsak sya sa lapag ay nagawa pa nyang tumawa.



“Alam mo bang kayang kaya na kitang patayin ngayon?”pinilit nitong tumayo kahit na masakit ang pag-kakatama nya sa pader. “Sa tagal nating naging mag-kaibigan, napag-aralan ko ang kahinaan mo.”tahimik lang na nakatitig sa kaniya si Zico. Halata ang galit a mukha nito. “Pero hindi ko muna gagawin yun dahil gusto kong sa harapan mismo ng anak mo kita papatayin.”may inilabas na isang Kristal na may tulis sa dulo si Lycus mula sa suot nya.



“Alam mo bang hindi basta basta mapapatay ang anak ni Goddess Danann ng simpleng magic lang? Pero ang Kristal na ‘to ang nag-iisang pwedeng tumapos ng buhay nya?”ngumisi sya kay Zico, tapos ay bigla itong nag-laho.



Nakaramdam ng kaba si Zico at biglang pumasok sa isip nya sina Kei, Jeremy, Jin, Laurence at Mari. Kaya naman agad syang nag-madaling mag-teleport papunta sa lugar nila.












SA mga oras na ito ay malinaw na kanila Jin at Laurence ang lahat. Habang nag-ku-kwentuhan sina Jin, Laurence at Semias, tumayo naman si Mari at lumapit ito sa nag-iisang si Kei na naroon sa veranda.



“Alam mo na bang si Prinsepe Zico ang ama ng future wife mo?”bungad nito. Nalito naman si Kei sa sinabi nya.



“Hu? Future Wife? Sino?”



Pero hindi na naka-pagsalita si Mari dahil biglang dumating si Lycus. Mabilis na hinatak ni Kei si Mari papunta sa likuran nya at inilabas nya ang wand na hawak nya.



“Mari!”alalang tawag ni Laurence.



“Kamahalan!”sigaw naman ni Semias. Lalapit pa sana si Semias ngunit hinagisan na sya ng spell ni Lycus. Tumalsik tuloy sya sa malayo.



“Ah~Kamahalan… Masaya akong makita ka. Pasensya na pero ito na ang huling araw mo bilang hari.”wika ni Lycus. Sasaksakin na sana ni Lycus si Kei nang biglang dumating si Zico at sya ang sumalag sa Kristal na para sana kay Kei.



“Prinsepe Zico!”halos hindi naman makapaniwala si Semias sa nasaksihan nya. Sa harapan nya mismo binawian ng buhay ang dating Prinsepe na inalagaan at prinotektahan nya.



Natigilan naman si Lycus, sinalo ni Kei si Zico ng bumagsak ito sa harapan nya. Hindi makapag-salita si Kei dahil kitang kita nya kung pano nag-hihingalo si Zico. Lahat sila ay hindi naka-galaw ng ilang Segundo dahil sa gulat.



Impedimentum Halo!nagulat na lang sila ng may kumislap na ilaw mula sa wand ni Mari dahilan para mag-paikot ikot na tumalsik si Lycus. At nang bumagsak na ito ay hindi na ito humihinga.



Hinawakan naman ng mahigpit ni Zico ang kamay ni Kei, kahit hirap ng huminga ay pinilit parin nitong mag-salita. “I----ik----aw-----na----ba----baha----la----sa-----Tir----Na-----Nog------at------kay------Jay----.”hanggang sa mga sandal na yun ay hindi parin makapag-salita si Kei.



“Jeremy, kaya mo bang gumawa ng postion na gagamot sa kaniya?”tarantang tanong ni Mari.



“O—okay.”sagot naman ni Jeremy.



“Semias! Tulungan mo kaming buhatin sya.”pero ng hawakan ni Mari sa kamay si Zico ay bigla na lang itong naging abo. Hangganga sa pating ang buong katawan nito ay nilamon na nang abo.



Hindi alam ni Kei kung bakit may bigla na lang tumulong luha sa mga mata nya. Bigla syang nakaramdam ng takot, takot na kung paano nya sasabihin kay Jay ang nang-yari sa ama nya. Nalulungkot sya dahil ni hindi man lang nakasama ng matagal ni Jay si Zico. Ang pag-kakaalam kasi ni Kei ay hindi pa alam ni Jay ang katotohanang si Zico nga ang tunay nitong ama.












Pano nya ngayon haharapin si Jay kung masamang balita naman ang bitbit nya?








To be continued…

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^