Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Chapter 2


CHAPTER 2

[ RICHELLE’s POV ]


“Is Rich your real name?” tanong ni Ardie habang nagpapabula siya ng bubble soap.


“Nope. Richelle.” sagot ko habang kumakain ng M&M.


“Richelle.” ulit niya. “How old are you?”


“Twenty three. Ikaw?”


“Twenty four. Taga-sa’n ka?”


“Ang dami mong tanong.”


“Nakukulitan ka na ba sakin? Inborn na ‘to, eh. So, taga sa’n ka?”


“Malapit lang dito. Eh, ikaw?”


“Bakit mo tinatanong? Kikidnapin mo ko noh?”


Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya. “Ba’t naman kita kikidnapin? Mayaman ko noh. May mga lupain kami sa paso. Bigyan pa kita ng isa, eh.”


“So, may balak ka nga? Isang sakong kamote lang ang ipantutubos sa’yo ng tatay ko. Kikidnapin mo pa rin ba ko?”


“Hindi ako kidnaper ng mga makukulit. Kung mangingidnap ako, yung tahimik.”


Hindi siya sumagot. Bigla siyang tumahimik.


“Uy.”


Tahimik pa rin siya. Kinalabit ko na siya.


“Tahimik na ko.” bigla niyang sabi.


Kumunot ang noo ko. Nang marealize ko kung bakit siya biglang tumahimik. Napalo ko siya sa braso. “Sira!”


“Aray naman. Makapalo lang, wagas.”


Natatawang umayos ako ng upo.


“Gusto mo bang malaman kung taga sa’n ako?”


“Wag na.”


“Dahil gusto mo, sasabihin ko na.”


“Wala naman akong sinabing gusto ko.”


“Pero sasabihin ko pa rin. Taga-kabilang baranggay ako. Kakalipat lang namin dito three weeks ago. I came from States with my mom, dad and my brother.”


Kaya naman pala may accent siyang magsalita ng english. Pero matatas siyang mag-tagalog, ah. Do’n kaya siya pinanganak sa States? O dito?


Mukhang nabasa niya ang iniisip ko dahil sa sunod niyang sinabi. “Dito kami pinanganak ng brother ko. When I was twelve years old, we migrated to States. Kapag nag-uusap kami sa bahay, we speak in tagalog.” Kaya naman pala.


“Are you staying here for good?”


“Ba’t gusto mong malaman?”


“Kailangan ba lahat ng tanong ko sasagutin mo din ng panibagong tanong?”


“Ikaw din naman, ah.”


“Wag mo na ngang sagutin kung ayaw mo.”


“Yes, we’re staying here for good.”


Hay ewan. Sasagutin din naman pala. Isinandal ko ang ulo ko at tumingala sa langit. May isa pa kong gustong itanong sa kaniya, eh. Kaya lang...


“Any more questions?”


Napalingon ako sa kaniya. Nakatingala rin siya sa langit.


“Anong nangyari sa’yo? Inborn ka na bang...”


Ngumiti siya. “No.”


“Anong nangyari?”


“Mahabang kwento.”


Hindi na ko nangulit pa. Ang pangit naman kung kukulitin ko pa siya kung bakit siya nabulag.


“Rich.”


Bakit ang gandang pakinggan ng pangalan ko ngayon? Dahil siya ba ang... I cleared my head. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. “Ano ‘yon?”


“Pwedeng ako naman ang magtanong?”


“Depende sa tanong mo.”


“About yesterday. Anong problema mo?”


“And how did you know kung may problema ako o wala kahapon?”


“I just felt it.”


“Naramdaman mo lang?”


“Yap. Simula ng mabulag kasi ako, mas lumakas ang pakiramdam ko sa paligid ko. Bawat hakbang ng mga tao, bawat paghinga nila, bawat nararamdaman nila, nararamdaman ko din. Ang weird noh? Pero gano’n talaga. I lost my sight, pero ang pandinig at pakiramdam ko, lumakas. Just what like others blind like me.”


Pinagmasdan ko siya. Ano kayang feeling ng nasa mundo niya? Na puro kadiliman ang makikita niya?


“Wag mo kong tingnan. Nako-conscious ako.”


Iniwas ko agad ang tingin sa kaniya. Malakas nga pala ang pakiramdam niya.


“Share mo na, Rich.”


“Ang ano?”


“Ang problema mo.”


“Hindi ko din alam.” Tumingala ako sa langit.


“Hindi mo alam ang problema mo? Mahirap ‘yan. Baka mabano ka sa kakaisip nyan. At magising ka na lang, nasa mental ka na.”


“Baka nga sa isang linggo nasa mental na ko.”


“Sa isang linggo pa? Ba’t hindi pa ngayon?”


“Heh!”


Natawa siya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa kaniya. Ang tawa niya. Nakakagaan ng pakiramamdam. Parang wala siyang problema. At katulad ng sinabi ko kanina, hindi ko naiisip na bulag siya ngayon habang pinagmamasdan ko siya. Parang buhay na buhay siya. Samantalang ako, parang patay ang kalooban na hindi ko maintindihan.


Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Umayos ako ng upo. Itinaas ko ang paa ko sa kinauupuan ko at niyakap ang tuhod ko.


“Ano nga bang problema ko? Hindi ko din alam. Wala namang problema sa buhay ko. Okay naman ako sa trabaho ko. Okay naman ako sa pamilya ko. Okay naman ako sa mga kaibigan ko.”


“At okay ka naman sa love life mo.”


I pouted. “Wala ko no’n.”


Matagal bago siya sumagot. Kaya nilingon ko siya. Nakita ko siyang nakangiti.


“Why are you smiling?”


“Lagi naman akong nakangiti.”


Hindi ko na lang siya pinansin.


“Baka yun ang problema mo, wala kang love life.”


“Hindi ‘yon.”


“Edi hindi. Madali naman akong kausap, eh. So, okay ka naman pala sa buhay mo, anong problema mo?”


“Okay nga lang. Pero parang hindi naman ako masaya.”


“Hindi masaya saan?”


“Sa lahat. Parang routine ang ginagawa ko araw-araw.” Naisip ko ang pagsusulat ko. “Pati ang pagsusulat ko...” bulong ko.


“Pagsusulat mo?”


“Narinig mo pa ‘yon? Ang hina na nga ng pagkakasabi ko.”


“I told you, malakas ang pandinig ko.”


“Sabi ko nga.”


“Nagsusulat ka saan? Anong publication?”


“Wattpad at blogspot.”


“You write stories online.” Hindi patanong ‘yon. “That’s great!”


“Yah, great.”


“Ba’t parang malungkot ka?”


“Hindi naman sa gano’n. Kaya lang...” I sighed. “Hindi ko alam kung maiintindihan mo ko, eh.”


“I will.”


I sighed. “Parang hindi na ako katulad ng dati nung una pa lang akong nagsusulat. Dati kasi, wala kong pakialam kung ilan ang nagbabasa ng story ko. Sulat lang ako ng sulat. Pero ngayon, parang ang sensitive ko na feeling ko walang nakaka-appreciate ng ginagawa ko. Kapag nandito ako sa favorite spot ko, feeling ko nasa isang mundo ako na ako lang ang tao. Gets mo? Parang wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko dahil sobrang engrossed ako sa ginagawa ko. Pero ngayon...” I sighed. Again. “Hindi ko maintindihan. Wala na akong ganang magsulat na gusto kong magsulat. Walang akong makuhang inspirasyon kahit ang dami kong nakikita. Pati trabaho ko, hindi ako masaya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko dahil hindi ko alam kung ano nga bang problema ko. Hay buhay. Nababaliw na ko sa kakaisip, eh.”


“Kuya!”


Naputol ang pagda-drama ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Yung lalaking kasama ni Ardie kanina. Siya siguro ang kapatid ni Ardie. Lumapit siya samin.


“Let’s go, Kuya Ardie. Baka hinahanap na tayo nila mommy.”


“Ang bilis mo naman.” reklamo ni Ardie. Pero tumayo na rin siya. Inabot ng kapatid niyang si Kiel ang tungkod sa kamay niya. “By the way Kiel, this is Rich, my new friend. Rich, this is my brother.”


Tumayo na rin ako. “Hello. Nice to meet you.” bati ko kay Kiel.


“Hi.”


“Pasensya ka na sa kapatid ko. Matipid lang talaga siyang magsalita lalo na pag may kaharap na magandang babae.” sabi ni Ardie.


“Kuya!”


Tumawa lang si Ardie. “Kiel, pwede bang mamaya mo na ko sunduin?”


“Hah?”


“Nakikipagdaldalan pa ko dito, eh.”


“But, kuya...”


Sumingit na ako. “Umuwi na kayo, Ardie.”


“Pero...”


“Kailangan ko na ring umuwi.” Nagpaalam na ako sa kanila. Malayo na ko ng lingunin ko sila. Naglalakad na rin silang dalawa.


Magkikita pa kaya kami? Kumunot ang noo ko sa naisip ko. Ano naman kung hindi na kami magkita? Hindi naman kami close.


Diba friends na kayo. At anong hindi close? Nag-senti ka pa nga sa harap nya kanina. Hindi ba close ‘yon? (inner self)


Napakamot ako ng kilay at nagsimulang maglakad. Oo nga. Kahapon lang kami nagkakilala, nag-drama pa ko sa kaniya kanina. Ako naman ‘tong feeling close ngayon. Ito ba ang nagagawa ng walang kausap? Kahit yung hindi pa kilala, magsasabi ka ng mga drama mo sa buhay. Hayyy...


“Miss!”


Napalingon ako sa likuran ko. Patakbong lumapit sakin ang kapatid ni Ardie. “Bakit?” tanong ko sa kaniya.


“Kuya is asking for your number.” Binigay niya sakin ang phone niya. Nakatingin lang ako do’n.


“Bakit daw?”


“He wants to make friends with you. Ikaw ang unang naging kaibigan niya dito.”


“Okay.” Wala namang masama diba? Kukunin ko na sana ang phone niya para ilagay ang number ko ng ilayo niya ‘yon. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.


“Why did you waste your time talking to him?” tanong niya.


“What do you mean? Bawal ba siyang kausapin? And FYI, hindi nasayang ang oras ko sa pakikipag-usap sa kaniya.” Nalibang nga ako, eh. “Teka, ayaw mo bang may kumakausap sa kuya mo?”


Hindi siya sumagot.


“Ah! Alam ko na. Iniisip mo na porke’t hindi nakakakita ang kuya mo, sasamantalahin na siya ng ibang tao.”


“He’s smart. Hindi siya maloloko ng iba.”


“Yun naman pala, eh. Anong point mo ngayon?” Natutop ko ang bibig ko. Nagtataray na naman ako! Ano ka ba naman, Richelle!


“I like you already.”


“What?” Masyado naman siyang prangka para sabihing gusto niya ko.


“It’s not like what you’re thinking, okay.” Inabot niya ang phone sakin. “Your number.”


Napapailing na nilagay ko ang number ko. Pero hind ko agad binigay ang phone sa kaniya.


“My phone.”


“Ilang taon ka muna?”


“What?”


“How old are you? Sabihin mo muna, kung hindi, kikidnapin ko ‘tong phone mo.”


Nagsalubong ang mga kilay niya. “Are you blackmailing me?”


“No. I’m whitemailing you.”


He sighed. “Nineteen.” Nineteen pa lang pala pero kung makipag-usap sakin parang ka-edad ko lang. Inilahad niya ang kamay niya. “Can I get my phone now?”


“Sure.” Kasabay ng pagbigay ko ng phone, umalis na agad siya. “Kiel!”


Nilingon niya ko. “What?”


“Try to smile a little bit. Gayahin mo ang kuya mo. Laging nakangiti.”


“Whatever.”


“Sungit.” bulong ko ng tumawid ako ng kalsada.


Dumaan muna ko sa pharmacy. Palabas na ko ng mag-ring ang phone ko. Number lang ‘yon pero sinagot ko na din.


“Hello, Rich!”


Kumunot ang noo ko. “Ardie?”


“I’m glad naalala mo pa ang boses ko. Ang ganda pala ng boses mo sa phone. Parang nasa ilalim ng lupa.”


“Sira ulo!”


Tinawanan lang niya ko. Narinig ko pa sa background ang boses ni Kiel na sinasaway si Ardie sa kakatawa.


“Ardie.”


“Yes?”


“Bakit ka tumawag?”


“I just want to say...”


“Say what?”


“Ingat ka, Rich.”


“Ikaw din.”


“See you soon.”


Hindi na ko nakasagot dahil busy tone na lang ang narinig ko. Para akong tangang nakangiti habang pauwi samin. I don’t why. Dahil ba nakilala ko si Ardie o may napaglabasan ako ng mga kadramahan ko sa buhay? Hindi ko din alam.

= = =


5 comments:

  1. Ha! Emo mga tao ah... Gayahin si Ardie and SMILE!

    ReplyDelete
  2. Sobrang nakakarelate ak okayAte Richelle sa part nato.... Waaaaaaaaa

    ReplyDelete
  3. emerged !!!! :))) yung feeling ko na napapangiti ako tapos medyo teary eye na ako tapos matatawa ulit ako. HAHAHAHA imba yung impak sakin ng story na to eh . HAHAHAHA .. feeling ko mabibitin ako . hahahaha XD mixed emotion ako . ewan . hahaha nafefeel ko lang ksi si richelle eh !! :) ILove kiel na agad agad . sagad sa buto :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^