CHAPTER 5
[ RICHELLE’s POV ]
Continuation
of flashback...
Pauwi na kami ni
Ardie. Nauna kaming umuwi kina Ruijin. Madami pa kaming pinag-kwentuhan kanina
habang kumakain. Nag dvd marathon pa nga kami. Bonding to the max talaga. Hindi
pa nga rin mawala-wala ang ngiti ko hanggang ngayon.
“Kaninong unit ‘yon?” tanong ko kay Ardie.
“Kay Nate.”
“Matagal mo na ba siyang kilala?”
“Yap. Bata pa lang ako, kilala ko na si Nate. Madalas kasi
kaming dalhin nina mommy kina Ruijin dati. Magkababata sila ng pinsan ko. They
were bestfriends. Sabi ko na nga ba, at sila rin ang makakatuluyan. Wag mo lang
masyadong isipin ang mga sinasabi ni Nate, sakyan mo lang ang mga sinasabi
niya, makakasundo mo siya. Although, ang hirap talagang sakyan ng mga trip
niya. Si Ruijin lang naman ang mas nakakaintindi sa kaniya. Just like what she
said kanina, immune na siya sa mga kabaliwan ni Nate. Ang saya nilang kasama
noh?”
“Sobrang saya. Para akong nasa mental.”
Natawa siya. Nilingon ko siya. “Ardie.”
“Hmm?”
“Thank you, ah. Dahil pinakilala mo ko sa kanila. Hindi na ko
mababaliw sa kakaisip ng mga iniisip ko na wala naman akong nakukuhang sagot.
May makakausap na ko ng mga drama ko sa buhay. Yung maiintindihan ako dahil
nakaka-relate din sila sa nararamdaman ko. Because we shared the same thing in
common. We both write stories. With them, I found a new bunch of friends. Thank
you so much, Ardie.”
Nilingon niya ko. Wala
siyang suot na sunglass dahil tinanggal niya ‘yon kanina pagsakay namin ng
kotse. Umangat ang kamay niya palapit sakin. Dahan-dahan pa ‘yon na parang
tinatantiya niya na tama ang paglalandingan no’n. And it landed on my head.
Dahan-dahan ding bumaba ang mukha niya palapit sakin.
“Ardie, anong—”
His lips landed in my
forehead. “Your
welcome, Rch.” He whispered.
Sunod-sunod na napakurap
ang mata ko. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin?
- E N D
O F F L A S H B A C K -
Riiing!
Riiing!
Naputol ang pagbabalik
tanaw ko ng marinig ko na namang nag-ring ang phone ko. Si Ardie ang tumatawag.
Ulit.
“Hello. Papunta na ko dyan.”
“Nandito ako sa tapat ng bahay ninyo.”
“Hah? Paano kang napunta dyan?”
“Malamang kasama ko si Manong John.”
“I mean, nasa bahay ka diba?”
“Oo nga. Bahay ninyo.”
“Akala ko bahay ninyo.”
“Bahay ninyo. Tapos ka na ba? Baba ka na. Nilalamok na ko dito.”
Kinuha ko ang pouch ko
at lumabas na ng kwarto ko habang kausap si Ardie. “Bakit kasi nasa labas ka ng kotse?”
“Kasi wala ko sa loob.”
“Sira! Pababa na ko. Ibaba ko na ‘to.”
Nasalubong ko si mama. “Ma, alis na po ko.”
“Ingat
ka. Nasa labas na si Ardie.”
“Opo.” Palabas na ko ng tawagin uli ako ni
mama. Nilingon ko siya. “Bakit po?”
Lumapit siya sakin. “Hindi naman sa nakikialam ako. Mabait si
Ardie. Magalang. Gwapo. Kahit sino magkakagusto sa kaniya.”
“Ma, ano po bang point ninyo?”
“Kayo
ba ni Ardie?”
“Ma!”
“Nagtatanong
lang ako.”
I sighed. “Magkaibigan
lang po kami. Nothing more, nothing less.” Tumango-tango si mama. “Alis na po
ako.” Patalikod na ko ng humarap uli ako sa kaniya. “Paano nga kung
magkagusto ako kay Ardie? Ano pong gagawin ninyo?”
“Magulang
mo ko. I want the best for you. Ayokong mahirapan ka.”
“Sige po. Aalis na ko.” Parang ayoko ng
marinig ang iba pang sasabihin ng mama ko. Na kung sakaling magustuhan ko si
Ardie, mahihirapan lang ako. Dahil isa siyang bulag. Kailan pa naging kasalanan
ang magmahal ng bulag?
“I
want the best for you. But I want you to be happy. Kaya kung sino mang
magustuhan mo, I’ll support you till the end. Basta ba wag lang yung mga adik
sa kanto, Rich. Yung mga holdaper. Alam mo ‘yon?”
Napangiti ako. “I know what
you mean, Ma.”
Nilapitan ako ni mama
at niyakap. “Walang masamang magmahal ng
tulad ni Ardie.”
“I know, Ma. I know.”
Nagpaalam na ko at
lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate, I saw Ardie. Nakasandal siya sa kotse
habang nakatingala sa langit. Napatingala din ako. At napangiti. Ang ganda ng
langit. Ang dami na namang stars. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ng
walang ingay.
“Ang tagal mo naman, Rich.”
Napangiti ako. Hindi
ako sumagot. Pinagmasdan ko muna siya. Wala siyang suot na sunglass kaya malaya
kong napagmamasdan ang mga mata niya. Tama si mama. Walang masamang magmahal ng
isang tulad ni Ardie. Even though he’s blind, mas nakikita pa niya ang tunay na
kulay ng paligid niya kahit puro kadiliman lang ang nakikita niya. At pinakita
niya sakin ang mga bagay na hindi ko napapansin at nakikita noon. Binigyan niya
ko ng dahilan na hindi masama ang magmahal ng isang tulad niya.
Yes. I fell in love
with this guy. I don’t know when. Naramdaman ko na lang.
“Rich. Nilalamok na ko dito.”
Hinawakan ko ang braso
niya. “Let’s
go.”
= = = = = = = =
“Anong ginagawa mo dito sa veranda, Rich?”
Napalingon ako sa likuran ko. Ang mommy ni Ardie. “Hindi ka ba mahilig sa party?”
“Nagpapahangin lang po.”
Mga kamag-anak at
malalapit na kaibigan ang bisita niya. Lumapit siya sakin. Tumingala rin siya
sa langit katulad ng ginagawa ko kanina bago siya dumating. “Alam mo ba ang
paboritong gawin ni Ardie nung mga panahong may paningin pa siya hanggang
ngayon?”
Tumingala rin ako sa
langit. “Ang
napapansin ko lang po, mahilig siyang tumingala sa langit tuwing gabi at mahilig
siyang maglaro ng bubble soap tuwing umaga.”
“Yun ang hindi niya magawang baguhin sa buhay niya simula ng
mawala ang paningin niya.”
Nilingon ko siya. “Makulit din po
ba si Ardie dati?”
“Sobra. Sa totoo lang, parang walang nagbago sa kaniya simula ng
mabulag siya. Na kahit nawala ang paningin niya na pinaka-importante sa kaniya,
positive pa rin ang pananaw niya sa buhay. He’s always like that since then.
And I’m very proud of him. I’m very proud of having him as my son.”
Huminto siya. “Si
Kiel. Ang kapatid niya ang mas naapektuhan ng pangyayaring ‘yon. Naging over
protective siya sa kuya niya.”
Alam ko ‘yon.
Nakatikim nga ko ng kasungitan niya nung magkita kami noon sa park.
“Rich.” Nilingon niya ko. “Thank you.”
“Thank you po para saan?”
“Thank you for coming into my son’s life. Ardie’s life.”
Hindi ako
makapag-react. Hindi ko naman kasi alam ang dapat kong sabihin. Nabigla ako sa
sinabi ni Tita Madell. The way she said those words, parang ang laki ng papel
ko sa buhay ni Ardie ngayon. Hindi ko alam pero, habang nakatitig ako kay Tita
Madell, unti-unti akong napangiti.
“Mas thankful po ako dahil nakilala ko siya.”
Lumabas na lang sa bibig ko ang mga salitang ‘yon. Dahil ‘yon ang totoo.
Napangiti siya.
Napangiti din ako.
“Mommy.”
Napalingon kami ni
Tita sa gilid namin. Speaking of the two, nakita ko si Ardie kasama ni Kiel.
“Kuya’s looking for you, mom.” sabi
ni Kiel. Tiningnan niya ko at si Ardie bago siya umalis.
Lumapit si Tita Madell
kay Ardie. “Why,
Ardie?”
“Have you seen Rich, ‘My? Hindi ko kasi siya makita. I mean,
hindi ko siya mahanap. Hindi rin siya makita ni Kiel when I asked him. Ang sabi
niya, pupunta lang siya ng restroom. Hindi kaya na-bored ‘yon at umuwi? Pero,
bakit naman siya mabobored kung ako ang kasama niya?”
Napalingon sakin si
Tita. At napangiti.
“Hindi kaya—” Napahinto si Ardie sa
sinasabi niya. Suminghot-singhot siya. Unti-unti din siyang napangiti. “She’s here. Naaamoy
ko ang perfume niya.”
Tinapik ni Tita Madell
ang balikat ni Ardie. “Babalik na ko sa loob.” Nilingon niya ko at
nginitian bago niya kami iwan ni Ardie.
“Ba’t bigla kang nawala?” tanong ni Ardie. “Nasa’n ka ba?”
Kumapa-kapa siya para
hanapin ako. Lumapit ako sa kaniya at
hinawakan ang braso niya.
“Nagpahangin lang ako dito.”
“Bakit dito pa?”
Tumingala ako sa
langit. “Ang
ganda kasi ng langit ngayon.”
“Talaga?” Tumingala din siya. “Madami bang
stars?”
“Oo. Ang linaw ng langit. Walang ulap. Ang dami-daming stars.”
“Gusto ko na silang makita.”
Napalingon ako sa
kaniya. Nakangiti siya habang nakatingala. Matagal bago ako nagsalita. “Ardie.”
“Bakit?”
“Wala ka kasing nakukwento sakin tungkol sa nangyari sa’yo. Kung
bakit ka nabulag. Hindi na kita kukulitin kung anong nangyari. Gusto ko lang
malaman kung...”
“Kung ano?”
“Kung pwede ka pa bang makakita uli?”
Hinintay ko ang
reaction niya. In took seconds before he answered. “Why did you asked?” sa halip ay
tanong niya.
“Hah?”
Nawala ang ngiti niya.
“Kung
sakaling ganito na ko habang buhay, tatanggapin mo pa ba ko?” Then,
he sighed. “I
mean, bilang kaibigan mo.”
Hindi ko na kailangang
mag-isip ng isasagot ko. “Of course.”
Hindi pa rin bumalik
ang ngiti niya. “Kung
sakaling mag-asawa ka na. Hindi na tayo magiging katulad nito.”
“Ba’t napunta sa pag-aasawa ang topic natin?”
“I’m just being practical.”
I sighed. “Ikaw ba? Wala
ka bang balak mag-asawa?”
“Sino bang magkakagusto sa bulag na katulad ko?”
Humigpit ang
pagkakahawak ko sa kaniya. “Ardie.”
“Mahihirapan lang ang babaeng makakatuluyan ko kung sakali.”
“Don’t say that.” Ngayon ko lang siya
nakitang ganito. Nasanay na kong laging positive ang tingin niya sa lahat ng
bagay. And I don’t want to see the look on his face now. Gusto kong sabihin sa
kaniya na ako. Ako. Kaya ko siyang mahalin. No. Mahal ko na siya, eh. Gusto
kong malaman niya na may taong handang magmahal sa kaniya. I want to erase that
look on his face. Gusto ko. Nakangiti lang siya.
Huminga ako ng
malalim. I’m ready to confessed my feelings to him. Ngayon na. Hangga’t may
lakas pa ko ng loob.
“Ardie, I—”
“Ardie!”
“Rich!”
Hindi ko na naituloy
ang sasabihin ko dahil sa dalawang boses na ‘yon. Pag-lingon ko, I saw Ruijin
and Nate.
“Nandito lang pala kayong dalawa.”
sabi ni Ruijin.
“Sabi ko sa’yo, eh. Nandito sila.” sabi
ni Nate.
“Wala ka namang sinabi.”
“Wala ba? Bakit parang mero’n?”
“Wala.”
Lihim akong
napabuntong-hininga. Hindi dahil sa kakulitan nila. Kundi dahil hindi ko nasabi
ang dapat kong sabihin.
“Rich.”
Nilingon ko si Ardie. “Bakit?”
“Free ka ba tomorrow?”
“Pag-uwi ko.”
“Date tayo.”
“Hah?” Buti
na lang at hindi niya mapapansin ang reaction ng mukha ko. At buti na lang,
busy sina Ruijin sa pag-uusap nila ni Nate. Kung pag-uusap nga ba ang tawag sa
ginagawa nila.
“Friendly date. Madalas naman nating gawin ‘yon diba?”
“Ah, oo.”
“So, tomorrow?”
“Sige.”
“Daanan ka na lang namin ni Manong John.”
“Sure.”
GAH! panira ng moment si Ate Rui at Nate!
ReplyDeleteme too 1 kata rin kitang mahalin! hahah.. chos!! ai naku,pasaway talaga ang dalawa..
ReplyDeletepasensya na po sa comment.. parang bulag ata ako mg type eh.. hahaha.. i soo like him!!!
ReplyDelete:) Okay lang yan, Ate Rich! Go go go langs! Masasabi mo rin yan sa kanya.
ReplyDeleteYEAH .. panira si rui at nate . hahahahah XD ok na eh .. konting push na lang eh .. HAHAHAHA love.love.love ... :))
ReplyDelete