Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Chapter 6


CHAPTER 6

[ RICHELLE’s POV ]


“Ardie, ano bang ginagawa natin dito?”


“Manonood ng concert. I mean, ikaw, manonood ka. Makikinig lang ako.”


“Akala ko kakain lang tayo sa labas.” Hindi ko naman alam na concert pala ang pupuntahan namin.


“Ayaw mo ba dito?”


“Hindi naman sa gano’n.” Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Ang dami kayang tao. Bakit kasi dito pa kami nagpunta?


Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Don’t worry about me.”


Nilingon ko siya. “Ako na lang ang hahawak sa’yo.”


“Pero...”


“Ako na lang.” Kumapit ako sa braso niya. Hindi pa naman nagsisimula ang concert na ginanap sa isang clear ground. Mga nakatayo ang mga tao. Kung alam ko lang na dito ang punta namin. Hindi na ko papayag. Paano kung magkagulo dito? Baka masaktan si Ardie.


“Masyado ka naman kasing nag-aalala sakin. Paningin lang ang wala ako. Pero kaya ko ang sarili ko.”


“I know. Pero paano kung magkagulo dito?”


“Walang mangyayari, okay.”


I sighed. “Okay.” Masyado lang siguro akong nag-iisip. Ewan ko ba. Hindi ko lang mapigilang kabahan. Hindi na nagsalita si Ardie kaya tumahimik na lang muna ko. Bumitaw lang ako saglit sa kaniya dahil may kumagat na mga langgam sa paa ko.


Nang mula sa kung saan, bigla na lang may sumigaw ng “Sunog!” Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na ’yon, may usok akong nakita. Nag-panic agad ang mga tao. Nagtakbuhan na sila. May mga bumunggo pa sakin. Napaupo ako. Pero tumayo agad ako.


“Ardie!” Nilingon ko siya. I saw him. Palingon-lingon siya. Binabangga na siya ng mga tao. Napapalayo na siya sakin.


“Rich!”


“Ardie! Dyan ka lang! Nandyan na ko!” Sinubukan ko siyang lapitan. Kaya lang, ang daming taong nagtatakbuhan. Tinatangay nila ko. Napapalayo na din ako sa kaniya. “Ardie!” Hindi ko na siya makita! Nasa’n siya? “Ardie!” Hinawi ko ang mga taong bumabangga sakin. “Ardie!” Oh My God! Nasa’n siya? Bakit ba kasi binitiwan ko siya kanina?


“Attention all people! Walang pong sunog! Inuulit ko, wala pong sunog! Huminahon po kayo! Wala pong sunog!” Narinig ko pa ‘yon mula sa speaker.


May naghintuang mga tao. Pero mero’n ding patuloy sa pagtakbo.


“Bwisit na ‘yan! Natakot ako do’n, ah!”


“Nasa’n ka yung bwisit na sumigaw no’n kanina?”


“Ang bilis ng takbo mo, ah!”


“Ayokong matusta dito noh!”


Narinig kong react ng mga katabi ko. Pero hindi ‘yon ang inaalala ko. Si Ardie! Nasa’n si Ardie?!


“Ardie!” malakas na sigaw ko. Yung pinakamalakas na sigaw ko. Kahit napapatingin na sakin ang mga tao, wala akong pakialam! Inilibot ko ang tingin ko sa mga taong nasa paligid ko. “Ardie!” Ilang minuto na kong naghahanap. Na halos mapaos na ang boses ko pero hindi ko pa rin siya makita! Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Nilapitan ko ang isang babae na tila may hinahanap din. “Miss, may nakita ka bang lalaking bulag dito?”


“Bulag? Yung gwapo ba?”


Sunod-sunod na tumango ako. “Oo. Nasa’n siya?”


“Nando’n siya. Kasama niya ang boyfriend ko.” Itinuro niya ang isang puno. “Nakita namin siya ng boyfriend ko kanina. Napansin kong parang hindi siya makakita kaya nilapitan namin siya. Binubunggo na kasi siya ng mga tao.” paliwanag niya habang palapit kami kina Ardie.


“Thank you, miss. Nabitiwan ko kasi siya kanina, eh. Thank you talaga.” Nakalapit na kami kay Ardie. “Ardie!”


“Rich!”


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko agad siya. Grabe ang kaba ko kanina ng mawala siya sa paningin ko. Parang hindi pa rin mawala-wala ‘yon hanggang ngayon. “Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo. Akala ko...” Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. Hinaplos niya ang buhok ko.


“Pare, thank you. Miss, thank you.” narinig kong sabi niya.


“Your welcome, pare.”


“Sige, mauna na kami. Ingat kayo.”


Hindi ko na nalingon ang dalawang tumulong kay Ardie. Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. “Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo kanina.” ulit din niya sa sinabi ko kanina.


“Walang nangyari sakin... Mas nag-alala ako sa’yo.”


He sighed. “Umiiyak ka ba?”


Umiling ako. Kahit totoo ang sinab niya. “Sorry... sorry kung binitawan kita kanina.”


“It’s not your fault.”


“I’m sorry kung umiiyak ako ng ganito... Hindi ko lang kasi mapigilan, eh...” Hindi siya sumagot. “Umuwi na tayo, Ardie...”


Dahan-dahan siyang humiwalay sakin. Umakyat ang kamay niya sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. “I’m sorry.”


I don’t know kung para sa’n ang sorry niya. I just want to go home. With him.


= = = = = = = =


“Why?” tanong sakin ni Kiel ng tanungin ko siya kung nasa’n si Ardie. Siya ang naabutan ko sa sala ng papasukin ako ang ng kasambahay nila. Ang sabi ng kasambahay kanina, wala daw sina Tita Madell at Tito Richard. Lumabas daw para mag-dinner. Hindi daw sumama sina Kiel.


“Wala lang.”


“Wala lang pala.” Tumalikod na siya para iwan ako ng tawagin ko uli siya. “Why?”


“Where’s your brother?” ulit kong tanong.


“Why?”


“Do I need to answer that?”


“Then I will not tell you where is he.” Tuluyan niya na kong iniwan. Napailing na lang ako. Grabe talaga ‘tong si Kiel kahit kailan. Ang moody na nga, ang hirap pang ispelengin.


“Nasa rooftop si Sir Ardie, Rich.”


Napalingon ako sa likuran ko. Yung kasambahay nila. Nginitian ko siya. “Thank you.”


Humakbang na ko papunta ng rooftop. Hindi pa ako umuuwi ng bahay. From work, dito na agad ako dumeretso. One week ng hindi nagpaparamdam si Ardie. Huling kita namin ay nung concert. Hindi ko alam kung bakit. Kaya nga ako na ang pumunta ngayon dito sa bahay nila.


“Rich.”


Napalingon ako sa likuran ko. Si Kiel. “Why?” Kaht mas matanda ako sa kaniya. hindi niya ko tinatawag sa pangalan ko na may Ate.


“Did my brother told you the reason why he got blind?” Sumandal siya sa pader. And put his hands on his pocket.


“Wala siyang kinukwento.”


“Do you want me to tell you?”


Gusto kong malaman. Pero mas gusto kong manggaling ‘yon kay Ardie, hindi sa ibang tao. Kahit pa sa pamilya niya. “No need. Hihintayin ko na lang na i-kwento niya sakin.”


“Are you sure?”


“Yes.”


“Then you need to be ready.”


“What?”


Tinalikuran na niya ko.


“Kiel!”


Kinaway lang niya ang kamay niya. Be ready for what? Hay naku, Kiel! Ewan ko talaga sa’yo.


Napapailing na pinagpatuloy ko ang pagpunta sa rooftop. Pagdating ko do’n, I saw Ardie lying on a comforter. Hindi ko alam kung tulog siya o gising. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nakapikit ang mga mata niya. Umupo ako sa comforter at pinagmasdan siya. Dumilat siya.


“Rich.”


Hindi ako sumagot.


“I know it’s you. Naamoy ko ang perfume mo.”


Napangiti ako. “Makapagpalit na nga ng pabango.”


“Kahit magpalit ka pa. Malalaman ko pa rin kung ikaw ang nasa tabi ko o hindi.”


“Dahil mararamdaman mo.” Humiga din ako. At pinagmasdan ang mga bituin. “Bakit ba laging maganda ang langit tuwing nandito tayo sa rooftop ninyo?”


“Dahil alam nilang nakatingin ako sa kanila kahit hindi ko sila nakikita.”


NIlingon ko siya. “Bakit hindi ka nagpapaparamdam?”


“May inaasikaso lang ako.”


“Ano?”


“Mahalagang importante.”


“Gaano kahalaga?”


“Kasing halaga ng paningin ko.”


Napaupo ako sa sinabi niya. “What do you mean?”


“Pupunta kami ng State nila mommy. I will undergo an eye operation.”


Napalunok ako sa sinabi niya. Lalo na sa sunod niyang sinabi.


“It’s fifty-fifty.”


“Ardie...”


“Nakapag-pa-opera na ko dati. Hindi lang nagtagumpay. I want to try it again.”


“Pero paano kung... I mean...” I sighed. Ayokong mag-expect. Pero paano kung hindi magtagumpay ang operasyon niya? Baka masaktan lang siya.


“Makakita man ako o hindi. I will accept it.”


“Ardie...”


“Ganyan lang talaga ang buhay, Rich. Hindi lahat makukuha ko.”


Sunod-sunod akong umiling. “No. It’s unfair!”


“Rich.”


“It’s really unfair!”


Tinakpan niya ang tenga niya. “Wag ka namang sumigaw. Sensitive ang tenga ko, remember.”


“I’m sorry. But it’s really unfair. Bakit kasi ikaw pa?”


“Maybe because God knows na matatanggap ko kung hindi na ko makakakita uli. Okay lang naman sa’yo diba? Makakita man uli ako o hindi, magiging kaibigan pa rin kita diba?”


“Ardie...” Ito na naman si tears. Eepal na naman.


Dahan-dahan siyang umupo. “Can I touch your face?” Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa mukha ko. Ilang minuto ang lumipas na hawak lang niya ang mukha ko bago siya nagsalita. “Sa totoo lang, gusto ko na ring makakita. I want to see mom and dad. I want to see my brother. I want to see the stars. I want to see the bubbles I made na lumulutang sa paligid ko.” Hinaplos niya ang mukha ko. “I want to see you, too, Rich.”


Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko ng makita ko ang mga mata niya. Nang makita kong tumulo ang luha niya. Niyakap niya ko. “Makakita man ako o hindi—”


“Makakita ka man o hindi, mamahalin pa rin kita...”


Bigla siyang humiwalay sakin. Nanlalaki ang mga mata niya. Na may halong ngiti. “What did you said? Nabingi lang ba ko?”


“Masyadong sensitive ang tenga mo sa ingay para mabingi ka sa sinabi ko.”


Lumapad ang ngiti niya. Tumingala siya sa langit. “Ang aga namang birthday gift nito. Next year pa ang birthday ko, ah.”


Wala siyang sinabing mahal niya din ako. But it’s okay. Hindi ko naman ini-expect na sabihin niya ‘yon. Lagi naman kasing lumalabas sa bibig niya ang salitang kaibigan. Okay na ko dahil nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Ayokong magsisi sa huli dahil hindi ko nasabi ang nararamdaman ko.


“Pwede bang paki-ulit?”


“Hah?”


“Ulitin mo ‘yong sinabi mo.” parang batang utos niya.


Bakit ba ganito ang reaksyon niya sa sinabi ko? May nararamdaman din kaya siya sakin? Ayoko namang magtanong. Baka kasi ako lang pala ang nakakaramdam. Masaktan lang ako. Pero gustong-gusto ko siyang tanungin. Gustong-gusto ko. Kahit sabihin niyang mahal lang niya ko bilang kaibigan.


“Rich.”


Nakalimutan kong tanungin ang dapat kong tanungin dahil sa nakikita kong saya sa mukha niya. Baka naman pwede pa rin akong umasa. Umasa na may nararamdaman rin siya sakin dahil sa sayang nakikita ko sa mukha niya ngayon.


I smiled. “Makakita ka man o hindi, mamahalin pa rin kita.” Lumapit ako sa kaniya. “Dahil hindi ang paningin mo ang minahal ko.” I kissed her eyes. “Kundi ikaw mismo.”

= = =


4 comments:

  1. im officially on cloud nine!!!! ayiieeehhh!!! my gollyow!!!

    ReplyDelete
  2. naman eh .. supper kilig eh !!!!!!!!! asar !!!!! hahah this story have a lot of lesson, hindi lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa buhay :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^