Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Chapter 7


CHAPTER 7

[ RICHELLE’s POV ]


Five months later.


Nandito ako sa park. Sa favorite spot ko. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong nasa paligid ko. Hindi dahil sa kanila kaya ako nakangiti. Nakangiti ako dahil ngayon ang araw. Ngayon ang araw na magkikita kami ni Ardie after five months. Ngayon ang uwi nila from States.


Sa nakalipas na limang buwan. No calls from him. Wala kong balita. Nito lang nakaraang linggo ng tawagan ako ni Kiel para sabihing uuwi na sila. At dahil si Kiel ang nakausap ko, hindi man lang ako nakapagtanong dahil matapos niyang sabihin ang araw ng uwi nila at sabihing dito sa park makikipagkita si Ardie sakin, nagpaalam na agad siya.


At sa nakalipas na limang buwan. Parang ang daming nagbago. Dahil ba walang Ardie na kasa-kasama ko at nangungulit sakin? Hindi ko alam. Pero parang lagi ko pa rin siyang kasama. Dahil sa lahat ng ginagawa ko, siya ang naaalala ko. Tuwing tumitingala ako sa langit tuwing gabi, tuwing naglalakad ako dito sa park, tuwing dumadalaw ako sa foundation, tuwing umaatend ako sa get together nila Ruijin at tuwing sinusubukan ko ang mga bagay na hindi ko pa sinusubukan no’n, siya ang naaalala ko. Hindi na routine ang ginagawa ko sa araw-araw. Marunong na kong mag-relax. Hindi ko pinapagod ang sarili ko. Katulad ng sinasabi sakin dati ni Ardie noon .


Ardie.


Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita.


“Aray...”


May batang nadapa akong nakita. Tumayo ako nilapitan siya. “Okay ka lang?”


“Opo, ate.” Tinayo ko siya ng lumapit ang isang babae. Na nanay niya siguro.


“Salamat, miss.” Umiiyak pa rin ang bata. Umupo sila sa isang bench. May nakita akong nagtitindang ice cream. Lumapit ako sa tindero at bumili. Dalawa ang binili ko. Isa sakin at isa sa bata.


Hahakbang na sana ako sa kanila ng mapalingon ako sa kanan ko. Muntik ko nang mahulog ang ice cream na hawak ko sa nakita ko. Si Ardie! Kasama niya si Kiel. May suot siyang sunglass at nakahawak siya sa braso ng kapatid niya.


He is still blind.


Nalungkot ako. Oo. Dahil sa naramdaman ni Ardie ng oras na malaman niyang hindi pa rin siya makakakita.


Pero ng mga oras na ‘to. Isa lang ang gusto kong gawin. At ‘yon ay ang yakapin siya. Humakbang na ko palapit sa kanila ng mapahinto din ako. Nakita kong pabirong tinabig ni Kiel si Ardie. Gumanti din si Ardie kay Kiel. Umalis si Kiel habang natatawa lang si Ardie. Humakbang siya palapit sa gawi ko. Natuod na lang ako sa kinatatayuan ko. Lalo na ng tanggalin niya ang sunglass niya.


Nanlaki ang mga mata ko. Unti-unti akong napangiti. Nakakakita na siya! Nakakakita na si Ardie! Lalo na ng ngitian niya ko. Tinupad niya ang sinabi niya ng ihatid ko siya sa airport five months ago.


“Makikilala mo ba ko kung sakaling makakita ka pagbalik mo?”


“Oo naman. Ikaw pa.”


“Paano? Wala naman tayong picture na magkasama. Wala rin akong picture sa’yo.”


“Wala nga. Pero makikilala pa rin kita. Sapakin mo ko kung hindi kita makilala.”


Hinintay ko siyang makalapit sakin. Ilang hakbang na lang.


Ten...


Nine…


Eight…


Seven…


Six…


Five…


Four…


Three..


Two…


One…


Hinintay ko siyang— Nilagpasan niya ko! Nanlaki ang mata ko! Nilingon ko siya. Lumapit siya sa batang nadapa kanina.


Tuluyan ko ng nabitiwan ang dalawang ice cream na hawak ko. Bakit gano’n? Akala ko ba makikilala niya ko? Bakit ba ko naniwala sa sinabi niya no’n? Paano niya ko makikilala kung never pa niya kong nakita?


Nangilid ang luha ko. Tinalikuran ko sila. Tumingala ako sa langit.


“Miss!”


Napalingon ako sa likuran ko. Palapit sakin si Ardie.


“Ikaw ba yung pinsan ni Rich?”


“Hah?”


“Ang sabi kasi ni Kiel sakin, hindi daw makakapunta si Rich. Sa bahay na daw siya dederetso. May party kasi sa bahay ngayon. Yung pinsan lang daw niya ang makikipagkita sakin. Ang weird noh? Bakit yung pinsan pa? Eh, hindi naman tayo close. Siguro may surprise sakin si Rich? What do you think?”


Ni hindi ako makapagsalita sa mga pinagsasabi niya. Gusto kong isigaw na ako si Rich! Ako si Rich! Pero parang hindi ko mahagilap ang boses ko. Yes. Nasasaktan ko. Mas masasaktan pa ko kapag sinabi kong ako si Rich tapos makikita ko mismo ang reaction ng mukha niya.


“May pinadala daw picture si Rich kay Kiel kaya nakilala kita.” Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Siguro may kinalaman ka sa surprise niya sakin.” Hinila niya ko.


“Wait!”


“Hintayin na lang natin si Rich sa bahay.” Gusto ko ng isigaw na ako si Rich! Nilingon niya ko. “Anong name mo?” At dahil sa tanong niya na ‘yon, nawalan na ko ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya kung sino ako. Lalo ng higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. At akayin niya ko.


= = = = = = = =


Nagulat ako ng pagpasok namin ng bahay nila, wala namang party na nagaganap. Iniwan ako saglit ni Ardie. Nakita ko si Kiel. Kanina pa ko tahimik simula ng umalis kami sa park. Para lang akong tangang nakasunod kay Ardie. Hindi na ko nakapagpigil. Hinarap ko si Kiel.


“Anong sinabi mo sa kuya mo? Anong pinsan?”


Kumunot ang noo niya. “What are you talking about?”


“Bakit sinabi mong pinsan ako ni Rich?”


“I didn’t remember saying that to him.”


“Talaga bang inis ka sakin?” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong picture? Anong pinsan? Bakit hindi niya ko nakilala?”


“Wait—”


May humawak sa kamay ko. “Let’s go.” Si Ardie ang nalingunan ko.


“Bitiwan mo ko. Wala namang party dito kaya aalis na ko. Hintayin mo na lang si Rich dito.”


“Hihintayin natin siyang dumating. At mamaya pa ang party.” Hinila na niya ko.


“Kuya! What did you do?” narinig ko pang tanong ni Kiel.


Nakarating kami sa rooftop ni Ardie habang nagpupumiglas pa rin ako. Gabi na at walang nakabukas na ilaw kaya nang magpumiglas ako, nadapa pa ko ng sumabit ang paa ko sa kung saan. Akala ko mangu-ngudngod na ang mukha ko sa semento, pero hindi, malambot ang kinabagsakan ko.


“Okay ka lang ba? Ikaw kasi, eh.”


Umupo ako. Comforter ang kinabagsakan ko. “Bakit ako?” Tuluyan na kong napaiyak. “Bakit ako ang sinisisi mo? Bakit ka ba ganyan?”


Nakatingin lang siya sakin. Unti-unti siyang ngumiti. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Tinakpan ko ang mukha ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko hanggang sa tuluyan niya kong yakapin. “I miss you so much, Rich.”


Tumigil sa ere ang pag-iyak ko. Tiningnan ko siya. Napansin kong bukas na ang ilaw sa rooftop dahil nakikita ko na ang mukha niya. Ang mga mata niya. “Anong sabi mo?”


Tinitigan niya ko. “I love you so much, Rich.”


“Kilala mo naman pala ko, eh. Bakit ka pa nagpanggap—“ Napahinto ako ng marealize ko ang sinabi niya. “You love me?”


He held my face. “Super yes. I love you ever since I saw you.”


“Ever since you saw me? Ngayon mo lang naman...”


Humiwalay siya sakin. May kinuha siya sa ilalim ng comforter. At inabot sakin. “Binabalik ko na sa’yo ‘to.”


“Paanong...”


“One upon a time...”

= = =


[ ARDIE’s POV ]


Two years ago.


I was twelve years ng mag-migrate kami ng parents ko sa States. Hindi binenta ni daddy ang bahay namin dito sa Pilipinas. Kaya tuwing nagbabakasyon kami dito every two years, tuwing summer, may natutuluyan kaming bahay. One month kasi kaming nag-iistay dito sa Pilipinas tuwing bakasyon.


Nasa bahay ako ng mapatingin ako sa relo ko. Past five pm na. “Punta tayo sa park, Kiel.”


“Again?”


“Kunin ko lang yung camera ko.”


“I didn’t say that I would go with you.”


“Ililibre kita ng burger at fries.” Umakyat na ko ng kwarto at kinuha ang camera ko.


Pagdating namin sa park. Natanaw ko na ang pakay ko. Binigyan ko ng pera si Kiel para bumili ng paborito niyang burger at fries sa fast food na malapit sa park.


“Do’n ka na kumain.”


“Of course. I don’t want to eat here.” Umalis na siya. At alam kong aabutin siya ng siyam-siyam sa pagkain.


Umupo ako sa bench na malapit sa taong dahilan kung bakit halos araw-araw akong nagpupunta dito. Araw-araw dahil tsinityempuhan ko siya. May mga araw kasing wala siya. Three weeks ko ng ginagawa ‘to. One week na lang bago kami umuwi pabalik ng States, kaya sinusulit ko na.


Humangin ng malakas. Napangiti ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango. Nilingon ko siya. Asual, nakataas ang paa niya sa bench habang nakatutok ang mga mata niya sa hawak niyang steno pad. Hindi ko alam kung anong sinusulat niya do’n. Kung diary ba ‘yon o ano. Para siyang may sariling mundo sa ginagawa niya. But I love the way she look. Yung paiba-ibang expression ng mukha niya habang nagsusulat siya. The way she smiled. The way she pouted her lips. The way she raised her eyebrows. The way she knotted her forehead. All that. Gustong-gusto kong pagmasdan ‘yon. Ni hindi ko siya magawang lapitan. Ayoko kasing istorbohin siya sa ginagawa niya.


Three weeks ago, ng una ko siyang makita dito. Para sa katulad kong photographer, I love expressions. Yun ang gustong-gusto kong kuhanan sa paligid ko. Pero ng makita ko siya, parang mas gusto kong ang mga mata ko na lang ang makinabang at mag-enjoy sa nakikita ko. Ni hindi ko ginamit ang camera ko para kuhanan siya.


Pero ngayon, parang gusto kong kuhanan siya. Baka mamaya, ito na pala ang huli naming pagkikita. Inihanda ko na ang camera ko ng makita ko siyang nag-inat. Napangiti ako. Bumalik na siya sa mundo niya. Ni hindi ko man lang nagamit ang camera ko. Tumayo na siya.


“Sundan ko kaya siya?” tanong ko sa sarili ko. Makikipagkilala ako sa kaniya. Napangiti ako. Nilingon ko siya. Malayo na siya. Tumayo na ko ng makita ko ang isang batang lumapit sa bench na kinauupuan niya. Kinuha ng bata ang steno pad. Naiwan ng babae ang steno pad niya. Tumakbo ang bata. Hinabol ko siya. Nasa tabi na kami ng kalsada ng abutan ko siya.


“Bata, sa’n mo dadalhin ‘yan?”


“Naiwan po nung babae. Ibabalik ko lang po.”


Ginulo ko ang buhok niya. “Ang bait mo naman. Ako nang magbabalik sa kaniya, hah.” This is my chance to know her. Lumapad ang ngiti ko. Para kong batang excited.


“Sige po.” Inabot niya sakin ang steno pad. Na sinabayan niya ng takbo.


Napalingon agad ako sa kaliwa. May paparating na sasakyan. Mabilis ang takbo no’n. “Bata!”


Huminto ang bata sa gitna ng kalsada. Tinakbo ko siya at itinulak bago pa man siya mabangga. Ako ang napuruhan. Ako ang nabangga. Ang bilis ng pangyayari. Naramdaman kong tumama ang mukha ko sa salamin ng kotse. Hanggang sa maramdaman ko ang pananakit ng mga mata ko. Hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa kalsada. Wala na kong maalala pagkatapos no’n. Basta ang alam ko, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa steno pad. Na parang do’n nakasalalay ang buhay ko.


Nagising na lang ako na puro kadiliman ang nakikita ko. Ilang beses ko pang idinilat ang mga mata ko na baka nagkakamali lang ako. Normal na reaksyon ang sumigaw at magwala dahil wala akong makita na kahit na ano. Bulag na ko! Paano na ang pagiging photographer ko? Ano nang gagawin ko?


Isang linggo akong gano’n.


“Kuya.”


Lumingon ako sa gawi kung sa’n nanggaling ang boses na ‘yon.


“Bakit?”


“I’m sorry.”


Hindi ako sumagot. May inabot siya kamay ko. Para ‘yong notebook.


“Hawak mo ‘yan ng mahigpit nang araw na maaksidente ka...”


Ang steno pad nung babae. Ni hindi ko man lang naiabot sa kaniya. Ni hindi ko man lang siya nakilala. At mukhang hindi ko na siya makikita.


Bumalik kami ng States nila daddy. Nagpa-opera ako. Pero hindi nagtagumpay ang operasyon. Paunti-unti ko ring tinanggap ang sitwasyon ko. Sa tulong na rin ng pamilya ko. Alam kong mahirap, pero kakayanin ko. Kakayanin ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko. Ayoko silang mahirapan at ayoko ding pahirapan ang sarili ko.


= = = = = = = =


Two years passed.


“Mommy—ouch!” Nabunggo pa ang tuhod ko sa kung saan.


Naramdaman ko ang kamay ng kung sino sa braso ko. “Wag ka kasing magmadali.”  

Ang mommy ko. Inalalayan niya ko.


“Ako na, My. Ituro mo na lang kung nasa’n.”


“Three steps on your left.” Nakaupo na ako. “Ano ba ‘yon?” tanong ni mommy.


“Magbakasyon tayo sa Pilipinas.” Walang sumagot sakin. “Natahimik kayo 
dyan.”


“I don’t want to.” narinig kong sagot ni Kiel.


“Bakit gusto mong magbakasyon?” tanong ni mommy.


“Every two years naman talaga, umuuwi tayo ng Pinas every summer, right? And I don’t want to break that tradition. Hindi pa naman binebenta ni daddy ang bahay natin do’n kaya may matitirhan pa tayo.”


“Sasabihin ko sa daddy mo.”


“Yes! I miss the Philippines!”


= = = = = = = =


Philippines.


“What time is it, Kiel?”


“Past five.”


“Let’s go.”


“I know.” Inabot niya sakin ang saklay ko.


Sumakay kami ng tricycle papunta ng park. Pagbaba namin ng park, naglakad kami hanggang sa bench na pinag-iiwanan niya sakin. Inabot ko sa kaniya ang saklay ko.


“Kuya, you’re doing this for three weeks. Are you waiting for someone here? Wala ka namang kilala dito.”


“Gusto ko lang dito.”


“I don’t like it here.”


Alam ko naman kung bakit. Dahil dito ako naaksidente. “Sige na, balikan mo na lang ako.” Nang may maalala ako. “Wait! Yung bubble soap ko.” Inabot niya sa kamay ko.


Fifteen minutes na kong nakaupo do’n ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napangiti ako. Sa wakas. Dumating na rin siya. Lalo na ng humangin. Two years had passed. Still, I can remember that smell. Yun pa rin pala ang pabangong gamit niya. Sa loob ng dalawang taon na nasa States ako. Halos araw-araw kong inaalala ang mukha niya at ang pabangong gamit niya tuwing hahawakan ko ang steno pad niya. Ang steno pad na hanggang ngayon, nasa akin pa rin.


Nagpalobo ako ng bubble soap. Maya-maya, naramdaman kong nilingon ako ng katabi ko. Nakangiting nilingon ko siya. “Hi.”


5 comments:

  1. AAAAAAAAH!!!! Nasisiraan ako ng bait

    ReplyDelete
  2. my goshhh!!!!!! siya pala yung nabangga dat day!!!!!! so thats the reason why he got blind!!!!!! my gooodnesss... i admire him so much,he still try to have a normal life.. tinamaan talaga sya ng matindi ni kupido!! hahaha

    ReplyDelete
  3. Sabi ko na eh! Hula ko na si Ardie talaga yung Nabangga nung gabing yun. :)))

    ReplyDelete
  4. uwaaaahh ,, yun na rin nasa isip ko. hahahah super like this sis :)) ang galing :))

    ReplyDelete
  5. i knew it! 1st chapter pa lang alam ko na! hohoho~

    -aegyodaydreamer na hindi pa rin maka-OL... XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^