Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Chapter 4


CHAPTER 4

[ RICHELLE’s POV ]


Continuation of flashback...


“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko kay Ardie. This time, dinala naman niya ko sa isang building. Syempre, kasama uli namin si Manong John na naiwan sa kotse.


“Third floor tayo, ah.”


“Hindi ‘yon ang tanong ko.” Humakbang ako papunta sa elevator habang nakahawak siya sa braso ko. “Ano bang mero’n dito?”


“Mamaya ka na magtanong.”


“Pero—“ Tinakpan niya ang bibig ko.


“Yes! Ang galing ko, ah. Buti hindi ilong mo ang natakpan ko.” natatawang sabi niya.


Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. “Sira ka talaga.”


Sumakay na kami ng elevator. “Third floor, ah.”


“I know. Paulit-ulit lang?”


Maya-maya, nasa third floor na kami.


“Sa’n tayo?” tanong ko.


“Third room sa right.”


“Sure ka?”


“Hindi.”


“Ardie.”


Ngumiti siya. “Sure pala.”


Humakbang na kami papunta sa unit na sinasabi niya.


“Nandito na tayo.” sabi ko.


“Kumatok ka.”


“Hah?”


“Ako na nga.” Siya na nga ang kumatok. Ilang saglit lang ng bumukas ang pinto. Bumungad samin ang isang babae. Na halos kasing age lang din namin.


Ngumiti ang babae. “Hello. Pasok kayo.” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok kami ni Lio. Kanya-kanyang bati ang mga taong nakita ko na nakaupo sa sahig. They were formed in circle. May sofa naman, pero mas pinili nilang sa sahig umupo.


“By the way, I’m Yesha.” pakilala ng babae na nagbukas ng pintuan kanina. Kanya-kanya ding pakilala ang mga kasama niya na halos lahat puro babae.


“Jewel here.”


“Cause you’re not there.”


Pinandilatan niya ang katabi niya. Nginitian lang siya ng babaeng nagpakilalang, “I’m Kae.” Pronounced as letter K. “Capital K, A and E. Kae.”


“As in okay.” singit ng isa.


“Kae nga lang.”


“Oo nga, as in okay. Magkatunog naman, eh. Buti na lang walang katunog pangalan ko. I’m Cerin.”


“As in Cerina.” sabi ni Kae.


“Ay bisaya! Serena ‘yon, O-Kae.”


“Cerina.”


“O-Kae.”


“Ang daldal ninyong dalawa.” singit ng isa. “By the way, “I’m Andie. Andie Eigenman. Of course, I’m just kidding.” Katunog pa ng name ni Ardie.


“I’m Alli. Alli in wonderland.”


“I’m Yuki. Simpleng cute, like my name.”


“I’m Shina. Not C. Baka mag-tunog China.”


“I’m Aki. Tunog lalaki lang ang pangalan ko.”


“I’m Karri. Tunog kare-kare.”


“I’m Bea. Walang katunog dahil unique ang pangalan ko.”


“I’m Isha. Pero hindi ako nag-iisa.”


“Ang ko-corny ninyo. Nakakahiya sa bisita.” sabi ng... Waah! May lalaki pala! “I’m Ry.”


“Ang muse namin!” chorus na sabi ng mga babae.


“Palibhasa mukha kayong mga lalaki.”


Nakatikim ng kurot si Ry sa mga babae. Pinigilan ko ang matawa. Umupo kami ni Ardie sa tabi ni Yesha. Nginitian ko sila. “I’m Richelle. But you can call me Rich. And this is Ardie.” pakilala ko.


“We know him already.” nakangiting sabi ni Shina.


“Talaga? Kalian pa?” Akala ko ba wala pang masyadong kilala dito si Ardie? Bakit ngayon? At halos puro babae pa.


“Two weeks na.” sagot naman ni Bea.


“I met you first before I met them.” bulong ni Ardie sakin.


Tiningnan ko siya. Bakit parang may laman ang sinabi niya? Hindi ko na lang pinansin.


“Ah, okay. So, ahm, bakit... I mean, anong mero’n? Sorry, hah. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nandito. Ayaw namang sabihin ni Ardie sakin.”


Si Yesha ang nagpaliwanag. “Like you, we write stories online. Nagkakilala kaming lahat in a blog called Daydreamer’s Haven. Blog ni among tunay.”


Kumunot ang noo ko. “Among tunay?” May amo bang fake? Anong klase ‘yon? Sino kaya ang nagpauso sa kanila no’n?


“Mamaya makikilala mo din siya.” nakangiting sabi ni Jewel.


“Medyo na-late lang siya.” dagdag ni Karri.


Nagpatuloy si Yesha sa speech niya. “Yun nga, nagkakilala kami sa blog ni among tunay. Siya ang admin ng blog. And we’re her co-authors sa blog na ‘yon. Six months ago, nagdecide si among tunay na magkita-kita kaming lahat. Parang get together na rin. What do we do kapag nagkikita kami? We shared and talked about our life. About our blog and our stories. About anything. Twice namin ‘tong ginagawa a month. Busy din kasi kami sa mga work namin at sa studies ng ibang nag-aaral pa. At hindi rin lahat nakakapunta lagi lalo na yung mga nakatira sa malalayong lugar.” Ngumiti siya. “We’re like a family here. Right, girls?” baling niya sa mga kasama niya.


“Yes, Ma’am Yesha!” sabay-sabay na sagot ng mga babae.


“Ma’am kayo dyan.”


“At bakit girls lang? Paano naman ako?” reklamo ni Ry. The only one guy in the group.


“Ooops! Sorry! I forgot our muse. Right, Ry?”


Nagtawanan ang mga babae. Pati ako at si Ardie. Except kay Ry na sinimangutan lang si Yesha. Parang ang tagal na nilang magkakakilala kung titingnan. At mas lalo akong natuwa ng malaman kong nagsusulat din sila ng stories online katulad ko.


Nakarinig ako ng katok. Napalingon ako sa pintuan kasabay ng pagpasok ng isang babae. Kasunod ang isang lalaki.


“Hi, guys!” nakangiting bati ng babae. Umupo agad siya sa sofa. “Sorry, medyo na-late ako, ah. Si Nate kasi, eh. Ang bagal-bagal. Gusto sumama tapos parang pagong kanina kung kumilos.”


“Oo nga.” segunda naman ng kasama niyang lalaki na tumabi sa kaniya. “Si Rui kasi, eh. Nagmamadali na nga ko kanina dahil sasama ako, tapos kasing bagal pa ng pagong kung kumilos.”


“Nag-umpisa na naman sila.” narinig kong sabi ng katabi kong si Yesha.


“Hah? Anong ako? Ikaw ‘yon!”


“Hah? Ako ba?” Tinuro pa ng lalaki ang sarili niya. “Akala ko ikaw.”


“Ikaw ‘yon.”


“Ano bang sabi ko? Ako diba?”


“Ang sabi mo ako.”


“Wala akong sinabi. Ang sabi ko ako.”


Pinitik ng babae ang noo nang lalaki. “Baliw ka talaga kahit kailan!” Pero mukha namang hindi naiinis ang babae. Nakangiti pa nga siya. Nang mapalingon siya sa gawi namin. Lumapad ang ngiti niya. “Ardie!” Na sinabayan niya ng tayo sabay lapit sa katabi kong si Ardie. Hindi lang lapit. She hugged Ardie!


Hindi ako makapag-react. Sino ang babaeng ‘to at kung makayakap kay Ardie, wagas kung wagas? At ito namang si Ardie, hanggang tenga ang ngiti.


“Namiss kita, Ardie!” sabi pa ng babae.


“Hindi kita namiss, eh.” sabi ni Ardie.


Kumawala sa pagkakayakap ang babae. Dahil may humila sa kaniya. Hinila siya ng kasama niyang lalaki. “Ikaw talaga, Rui. Wala pa tayong isang taon, pinagtataksilan mo na ko. At sa harap ko pa. It really hurts you know.”


Sila pa lang dalawa? Pero bakit naman kung makapangyakap si Rui kay Ardie, parang wala ng bukas? At sa harap pa ng boyfriend niya.


“Aray naman!” Pinitik kasi ni Rui ang noo ni Nate.


“Baliw ka talaga!”


Tumawa lang si Nate. Siya naman ang lumapit kay Ardie. Niyakap pa niya si Ardie! “I miss you, Ardie.”


“I miss you, too, pare.”


Kaniya-kaniyang react ang mga babaeng kasama ko.


“Yaak!”


“Yaiiks!”


“Eeew!”


“Ang arte ninyo!” Tumayo si Ry at lumapit sa dalawang lalaki. At alam ninyo ang ginawa niya? Naki-group hug din siya sa dalawa. “Namiss ko kayo. Buti na lang dumating kayo. Ang papangit kasi ng mga kasama ko dito.”


Ano ba naman ‘tong mga lalaking ‘to? Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapangiwi o none of the above.


“Hoy! Tama na ‘yan! Kadiri kayo!” Nagtawanan lang ang tatlong lalaki. Hinila ni Rui si Nate. Hinila naman ni Aki si Ry. Hinawakan ko naman si Ardie.


“Ano bang pinaggagawa ninyo?” bulong ko sa kaniya.


“Wala naman kaming ginagawa, ah.”


“Sino ba siya?” tanong ko uli.


“Sinong siya?”


“Yung babaeng yumakap sa’yo.” bulong ko.


Ngumiti siya. “Ruijin. Where are you?”


“I’m here!” Tumabi pa siya kay Ardie habang hila din si Nate na umupo rin.


“Sino ka daw sabi ni Rich?”


“Siya si among tunay!” chorus na sagot ng mga babae. Sabay tawanan.


“Heh! Tigilan ninyo nga ko! Ipapakain ko kayo sa alaga kong pirana kasabay nitong si Nate.”


“Bakit ako nasama dyan, Rui?”


“Nagtanong ka pa.”


“Malamang magtatanong ako. Hindi ko alam ang sagot, eh. Kaya nga—” Tinakpan ni Rui ang bibig niya.


“Wag ka munang nagsalita. Mamaya ka na, okay?”


“Kae, among tunay is calling you.” sabi ni Cerin.


“Okay ang sabi niya, Cerina. Not my name. Bingi lang?”


“Girls, may bisita tayo. Behave.” nakangiting saway sa kanila ni Rui. Nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ni Nate. Nilingon niya ko. “Hi! I’m, Ruijin. I’m Ardie’s—”


“Don’t call her Rui.” biglang singit ni Nate na natanggal na ang kamay ni Rui sa bibig niya. “Ako lang ang tumatawag sa kaniya no’n. Mamalasin ang tatawag sa kaniya ng Rui. Hindi lang ako minamalas dahil may anting-anting ako. At kung tatanungin mo kung sa’n ko nakuha ang anting-anting ko. Sikretong malupit ‘yon. Bawal ipagsabi dahil mawawalan ng bisa.”


“Ang dami mo talagang alam.” This time dalawang kamay na ang itinakip ni Ruijin sa bibig ni Nate. “Wag kang maniwala sa kaniya. Pauso na naman ‘yan, eh. Ito rin ang may pauso ng among tunay, eh.” Ngumiti siya. “So, mabalik tayo sa sinasabi ko. I’m Ardie’s—“


“You don’t need to cover my mouth, Rui.” Nakatakas na naman ang bibig ni Nate sa mga kamay ni Ruijin. “Makikipagchikahan na lang muna ko kay Ry. Mukhang madami siyang tsismis, eh.” Lumipat siya sa tabi ni Ry.


“That’s Nate, my boyfriend.” nakangiting sabi ni Ruijin. Nilapit niya ang mukha sakin. “Pansin mo parang may tililing siya? Hindi siya takas sa mental, ah. Sadyang maluwag lang ang turnilyo niya.”


“Mukha nga.” Hindi lang naman si Nate. Lahat ng tao dito, parang may kaniya-kaniyang ka-weirduhan. And I love that. Gano’n din naman ako, eh.


“Pero tama din siya. Siya lang ang may karapatang tumawag sakin ng Rui.”


“Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong niya, Ruijin. Sino ka daw ba sa buhay ko?” singit ni Ardie na napapagitnaan namin ni Ruijin.


“Wala kong sinabing gano’n.”


“Mero’n, eh. Narinig ko kanina.”


“Para magtigil na kayo, I’m Ardie’s cousin. His favorite cousin.” Cousin pala siya ni Ardie.


“Kailan pa kita naging favorite?”


“When we were still a kid. Until now.”


“Parang wala kong matandaang nangyari na naging favorite kita.”


“Alam mo, nahahawa ka na kay Nate ko.”


“Nate mo? Kailan pa siya naging iyo?”


“Ardie!”


Tinawanan lang siya ni Ardie.


“Why don’t you just join the two guys over there?” Ruijin suggested.


“Sa’n? Hindi ko sila makita. Dito na lang ako.” Hinawakan niya ang braso ko.


“Talaga nga naman.” Tiningnan ako ni Ruijin. “Rich, right?” Tumango ako. “Alam mo bang madalas kang i-kwento sakin ni Ardie?”


“Talaga?” Napalingon tuloy ako kay Ardie. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil naka-sunglass siya.


“Oo naman. Siya nga ang nagsabi saking may kaibigan din siyang nagsusulat ng stories online. Sinabi din niya na dadalhin ka niya kapag nag-get together kami ng mga co-authors ko. Nakilala mo na ba silang lahat?” sabay turo sa mga babaeng abala sa pag-uusap. “And that guy over there? Ang muse ng Daydreamer’s Haven.”


“Yap. Nagpakilala na sila kanina. Pati ba boyfriend mo, nagsusulat din?”


“Nope. He’s a photographer. Sumabit lang siya dito.” Parehas pala sila ni Ardie na photographer.


“Narinig ko ‘yon.” singit ni Nate. “Madami talaga akong sabit na medals nung nag-aaral pa ko. Matalino ako, eh.”


Hindi siya nilingon ni Ruijin. “Don’t mind him kung ayaw mong mabano sa mga pinagsasabi niya.”


“Eh, ikaw?”


Ngumiti siya. “Immune na ko sa kaniya. When did you start to write stories online?”


“Two and a half years ago. Eh, ikaw?”


“When I was still eighteen. Four and half years na rin. Why don’t you join our blog?”


“Hah? Ano kasi...”


“Bakit? May problema ba?”


Mukhang hindi nakwento ni Ardie sa kaniya ang problema ko.


“Ano kasi...” May part two na naman ba ang pagda-drama ko?


“Parang gusto kong makipag-kwentuhan kina Nate.” singit ni Ardie.


“Kanina ko pa nga sinasabi sa’yo diba?” Tumayo si Ruijin.


“Dito ka lang, hah.” sabi pa ni Ardie sakin bago siya alalayan ni Ruijin palapit sa sofa kung nasa’n sina Nate.


“Don’t worry. Hindi mawawala si Rich.” sabi pa ni Rui bago siya lumapit samin at umupo sa tabi ko. “Anong problema, Rich?”


“Oo nga. Share mo naman dyan.” sabi ni Yesha. Pati ang ibang mga babae, nasa akin na din ang atensyon. Ewan ko ba. Ngayon ko lang sila nakilala pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanila kaya napa-kwento na din ako. Siguro dahil nakakarelate kami sa isa’t isa. We have the same thing in common. At ‘yon ay ang passion namin sa pagsusulat.


“Ganito kasi ‘yon…” Inulit ko lang ang mga sinabi ko kay Ardie nang nasa park kami.


“I know that feeling! I know that feeling! I know that feeling!” biglang react ni Kae pagkatapos kong magsalita.


“Vander mode lang, Kae? Vander mode lang?”


“Lala mode lang din, Cerin?” Nilingon ako ni Kae. “Pinagdaanan ko din ‘yan, Rich. Yung feeling na parang walang nakaka-appreciate ng ginagawa mo.”


“Na mero’n naman. Sadyang may mga silent readers lang talaga.” Karri said.


“Pero syempre, gusto din nating mga writers na makabasa ng comments ng mga readers natin. Dagdag inspirasyon din ‘yon.” Isha said.


“Hindi lang inspirasyon. Sa mga comments din ng readers nakukuha natin yung mga idea na pwede nating gamitin to improve our story.” Andie said.


“Right. And even if it’s a criticism, mahalaga din ‘yon.” Alli said.


“Na-experience ko na din ‘yan. Na nawalan ako ng ganang magsulat na gusto ko pa ring magsulat.” sabi ni Ruijin. “Hindi lang ‘yan ang naranasan ko. Mas worst pa sa worst.”


“Ano?” tanong ko.


“Lahat ng files ko nabura. At hindi ko na narecover. That was six months ago. Para akong namatayan no’n.”


“Me. too.” sabi ni Aki. “Hindi naman nabura, nawala yung flash drive ko kung sa’n naka-save ang mga soft copy ng stories ko.”


“What did you do, girls?”


“Move on and start over again.” sabi ni Ruijin habang nakangiting nakatingin kay Nate. “Nate helped me that time when I was so down.”


“And with the help of your friends, too. Them.” dagdag ni Aki sabay turo sa mga kasama naming babae. “Sa kanila ako nag-emote no’n, eh.”


“And in your case, Rich. You need to relax for a while.” sabi ni Yesha. “You don’t need to stop writing. Ikaw na rin ang nagsabing wala kang ganang magsulat pero gustong-gusto mong magsulat. Alam mo kung bakit gano’n? Because you love what you’re doing. Like us. Masaya kami sa ginagawa naming pagsusulat.”


“We write stories that will inspire people.” sabi ni Alli.


“We write stories that will make the readers smile.” dagdag ni Bea.


“And we write stories to share our thoughts and feelings.” dugtong ni Yuki.


Napangiti ako sa mga sinabi nila. Unti-unting bumalik sakin ang feeling na ‘yon. Ang feeling na gusto ko lang magsulat dahil ‘yon ang gusto ko. Dahil masaya ako sa ginagawa ko. Bakit ko ba nakalimutan ‘yon?


“At sinong nagsabing wala kang makuhang inspirasyon? Siguro, nakuha mo nang lahat ng inspirasyon na nasa park na ‘yon sa loob ng halos dalawang taon mong pagtambay do’n.” sabi ni Isha.


“Madaming insipirasyon. Siguro, as of now, hindi lang ‘yon matanggap ng mga brain cells mo. Kaya ang payo namin. Magpahinga ka muna. Chilax lang, girl.” sabi ni Cerin.


“Tama.” segunda ni Ruijin. “Wag mo masyadong i-pressure ang sarili mong magsulat ngayon. Magsulat ka uli whenever you feel you wanted to.” Tinapik pa niya ko sa balikat ko. Na medyo napalakas.


“Makatapik si among tunay, wagas, ah.”


“Yuki, may sinasabi ka?”


“Wala, ah. Tahimik nga lang ako dito.”


“Naghahanap ba kayo ng inspirasyon?” biglang singit ni Ry. Napalingon kami sa kaniya. “Ako na lang ang gawin ninyong inspirasyon.”


“No, thanks. Mero’n na kong inspirasyon. Ang Luhan ko.” Aki said.


“Me too. My labidabs Lee Min Ho.” Yesha said.


“Kami ni Bea, mero’n na din.” Andie said.


“The one direction.” Bea added.


“Maghahanap na lang ako ng ibang inspirasyon. Wag lang si Ry.” Cerin said.


“Ayaw namin ng inspirasyon.” chorus na sabi nina Karri, Kae at Isha.


“Ang sama ninyo talagang mga babae!” react ni Ry.


“Ayan! Nagalit na naman ang muse natin.” Jewel said.


“Heh!”


“Ayaw namin ng inspirasyon.” chorus na sabi na naman nina Karri, Kae at Isha.


“Pauit-ulit lang, girls? Unli lang?” Alli said.


Nagtinginan ang tatlong babae. “Gusto na naming kumain.” Isha said.


“Hindi ako nag-breakfast pag punta ko dito.” Karri said.


“Ako hindi talaga dahil excited na kong pumunta dito.” Kae said.


Tiningnan ng tatlo si Ry. “Pagluto mo naman kami.” They said.


“Dyan kayo magaling kapag inuutusan ninyo ko.”


“Sige na. Gagawin ka naming inspirasyon kapag pinagluto mo kami.” Karri said.


“Hanggang kalian?” Ry asked.


“Mga isang linggo.” sagot ni Kae. “Depende pa sa sarap ng luto mo. Kaya kung ako sa’yo, mas lalo mong sarapan ang luto mo.”


“Kung ako sa inyo, magsimula na kayong magluto. Dahil hindi ko kayo ipagluluto.”


“Sige na, Ry.” singit ni Nate. “Ipagluto mo din ako, ah.”


“Pati ba naman ikaw, pare?”


“Ang sarap kasi ng luto mo. Nilagyan mo ata ng gayuma, eh.” Nilapit ni Nate ang mukha niya kay Ry. “Dahil ngayong tinititigan kita, alam mo ba ang nararamdaman ko? I think I’m fal—”


Biglang tayo ni Ry habang nakangiwi kay Nate. “Makapagluto na nga lang.” Dumeretso na siya ng kusina. Nagkatinginan kaming lahat. Biglang tawa ni Nate kaya nahawa na din kami.


Tiningnan ko si Ardie. Tumatawa din siya. At hindi ko mapigilang pagmasdan ang pagtawa niya. Buhay na buhay. Parang walang problema. Parang kuntento na siya sa buhay niya. Iyon ang nakikita ko ngayon sa kaniya.

8 comments:

  1. nandito na kayo lahat ah.. ang riot lang!!! hahaha..

    ReplyDelete
  2. "The One Direction" Ahem, Ahem. XD HAHAHAHAHAHAHA Certified adik talaga ako sa One Direction. :D "We Write Stories that will make the readers smile." WOW! XD Ako ba 'to? HAHAHA Imba!

    ReplyDelete
  3. emerged !!! eto na yung part na yun !! HAHAHAHAHAHA ugali na ugali ni Kae aa. HAHAHHAHAAH .. imba sis !! ikaw na . HAHAHHAA :))

    ReplyDelete
  4. This is me, your among tunay... ahaha, sa wakas nabasa ko na rin kung saan nanggaling yang among tunay na yan! hohoho~ ang kumpleto pala ang buong cast dito ha... hindi ko lang nakita si pressy namin! nasaan si pressy???

    di bale, kasama ko naman si nate dito eh! hoho, ang luwag pa rin ng turnilyo niya sa utak ha, pasensya na hindi ko pa naadjust. nasanay na kasi ako, lels~

    -aegyodaydreamer na hindi makapag-login dahil nasa conshop siya at takot sa mga hackers kaya naka-anon na lang... ^______^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^