[a short story]
Written by : Aiesha Lee
A/N: Aware naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Sa mga
taong kilala ko, in person or in cyberworld. At minsan, hindi ko mai-express ang
gusto kong sabihin sa isang tao. Kung ano nga bang dapat kong sabihin sa kaniya
para gumaan ang pakiramdam niya. [Ang drama ko no? Hehe. Minsan lang ‘to kaya
pagtiyagaan na :))]
This story is for you QUEEN RICHELLE. :)))
Yung sinabi ko sa’yong one shot story na kalahati pa lang ang
nagagawa ko. Hindi ko na naituloy. Lumipad sa kalawakan ang plot, haha! Hope
that this one can make you smile. Go lang ng go! ^___^
= = =
“Makakita ka man o
hindi, mamahalin pa rin kita. Dahil hindi ang paningin mo ang minahal ko. Kundi
ikaw mismo.”
= = =
CHAPTER 1
[ RICHELLE’s POV ]
Nandito ako sa park na
malapit samin. Nakaupo sa isang bench, ang favorite spot ko dito. Favorite ko
dahil walang umuupo dito. Lagi akong solong nakaupo dito tuwing pupunta ako
dito. Hindi katulad ng ibang bench na nasa ilalim ng puno, itong kinauupuan ko,
nasa ilalim ng araw. Pero okay lang, tuwing 5pm naman ako pumupunta dito, hindi
na masakit sa balat ang tama ng sikat ng araw. Solong-solo ko pa.
Hawak ko ang steno pad
at ballpen ko habang kumakain ng m&m. Nagsusulat ako ng draft ng nobela ko.
Yes. Nagsusulat ako. Ng ano? Nang nobela nga. Saang publication? Sa wattpad.com
at blogspot.com. Yap. I write stories online. When did I start? About ages ago.
Panahon pa ni Kopong-kopong. Kidding! About six months ago.
Hindi pa naman gano’n
kadami ang mga readers ko. Pero it’s okay. Basta ako sulat lang ako ng sulat.
Kapag may naisip akong bagong plot at kwento, sulat lang. Happy naman ako kapag
may nagbabasa at nagko-comment sa story na ginagawa ko. Sige na nga.
Sobrang-sobrang happy. ^________^ Sino bang hindi magiging masaya kapag may
nakaka-appreaciate sa ginagawa mo at pinaghirapan mo?
At isa pa, nagkaro’n
din ako ng mga bagong kaibigan dahil sa pagsusulat ko online. Mga co-writers
and readers ng stories ko. And speaking of story, may naisip akong bagong story
ngayon habang pinagmamasdan ang dalawang batang naglalaro.
Kaya nga gustong-gusto
ko dito sa park tumatambay kapag off ko sa trabaho at wala akong gala.
Nakakapag-relax na ko, and the same time nakakahanap pa ko ng inspiration sa
mga nakikita ko sa paligid ko.
I put my earphone in
my ears. Kumuha ako ng M&M at isinubo. Itinaas ko ang paa ko sa bench at
nagsimulang planuhin kung paano ko maho-holdup ang bangkong nakikita ko. Haha!
Este, ang bagong storyang naisip ko. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsimulang
magsulat. Pag-uwi ko mamaya, saka ko isasalin ang mga nasulat ko sa laptop ko.
At kapag ganitong
engrossed na engrossed ako sa ginagawa ko, hindi ko na namamalayan ang
nangyayari sa paligid ko. Feeling ko, ako si Richelle sa mundo ng mga engkanto
dahil ako lang ang nag-iisang tao sa paligid ko. Connection? Ewan ko. Bigla ko
lang naisip ‘yon. Haha. Makapagsulat na nga.
One
hour later...
“Hayyy...” Nag-inat ako. Feeling ko,
kakagising ko lang at kababalik ko lang sa totoong mundo ko. Dahil ngayong
hindi ko na hawak ang steno pad ko, aware na ko sa mga nangyayari sa paligid
ko. Tiningnan ko ang relo ko. 6pm na pala. At nagugutom na ang mga alaga ko sa
tiyan. Ubos na din ang M&M ko.
Tumayo agad ako at
nagpunta sa isang fastfood na nasa kabilang kalsada habang nakapasak pa rin sa
tenga ko ang earphone ko. Ang ganda kasi ng kanta, nakaka-stimulate ng utak.
Nakapila na ko nang
mapansin kong parang may tinitingnan ang mga tao na nasa paligid ko. Nakatingin
sila sa labas ng fastfood. Napatingin din ako do’n. May mga naka-kumpol na tao
sa labas. Parang may gulo.
“Ano pong mero’n do’n?” tanong ko sa isang
babaeng nanggaling mula sa labas.
“May
nabanggang lalaki.” Pumila na siya sa likuran ko.
“Kawawa naman.” Parang gusto ko ding
lumabas at tingnan ang nangyari. Hindi naman ako tsismosa. Pero sige na nga.
Titingnan ko lang naman. Umalis na ako sa pila at humakbang palabas ng may
nakasagi saking lalaking nagmamadaling lumabas. Nabitiwan pa niya ang notebook
niya.
“I’m
sorry.”
“Ingat-ingat din minsan. Hindi mawawala ‘yang nabangga sa
labas.”
“I’m
sorry, again.” Nagmamadali na siyang lumabas. Pati
yung notebook na naiwan niya, ni hindi man lang kinuha sa sahig. Napapailing na
kinuha ko ‘yon. Teka, notebook! Ang steno pad ko! Asa’n na? Wala akong hawak,
ballpen lang ang hawak ko.
Nagmamadaling lumabas
na ko ng fastfood. Nakarinig pa ko ng sigaw do’n sa nagkukumpulang mga tao bago
ako nakatawid sa kalsada at bumalik sa park. Lakad-takbo akong lumapit sa
favorite spot ko. Pero wala do’n ang steno pad ko!
“Nasa’n na ‘yon?” Lumingon ako sa
paligid ko. May nakita akong mga bata. Lumapit ako sa kanila. “Kids, pwedeng
magtanong? May nakita ba kayong notebook do’n sa bench na ‘yon?”
“Wala
po, ate.”
“Baka
po yung batang lumapit dyan kanina.”
“Opo.
Parang nakita ko siyang kinuha niya yung notebook.”
Nanlalatang bumalik
ako sa bench at umupo. “Ang steno pad ko...”
May sentimental value
sakin ‘yon. Do’n ako nagsimulang magsulat ng story ko. Ng mga drafts. Ng mga
name ng characters na naiisip ko. Ng mga nararamdam ko kapag may natutuwa sa
mga stories ko. Ng mga iniisip ko. In other words, para ko siyang diary. Ibang
version nga lang. kaya mahalaga sakin ‘yon. Sobrang mahalaga.
At ngayong hindi ko na
alam kung nasa’n ‘yon, nanlata tuloy ako. Tumingala ako sa langit. I sighed.
Paano na ‘yan?
Para akong tangang
nakatingala sa langit. Na parang babagsak na lang bigla ang steno pad ko mula
sa taas. Ilang minuto pa kong nakatingala ng feeling ko ay magkaka-stiff neck
na ko, saka lang ako yumuko.
“Don’t worry, Richelle. Bumili ka na lang ulit ng bago. Isulat
mo na lang uli ang mga bagong iisipin mo. Lahat ng mga mararamdaman mo.”
sabi ko sa sarili ko.
I smiled. “Tama! Ajah,
Richelle!” sabay taas ng kanang kamay ko. Napatingin tuloy sakin ang
mga taong malapit sakin. Nakangiwing tumayo ako at naglakad pauwi.
= = = = = = = =
Two years later.
Nandito ako sa park.
Naglalakad palapit sa bench, ang favorite spot ko. Hindi katulad dati na may
dala akong steno pad at ballpen, dahil ngayon, isang balot lang ng M&M ang
dala ko. At ang sarili kong lutang ang isip.
May nakaupo na sa
favorite spot ko. Hindi ko na ‘yon pinansin. Umupo pa rin ako. Two weeks na
pala ng huli kong punta dito. Hindi katulad no’n na halos every week, pumupunta
ako dito.
Hindi na rin kasi
katulad noon na tuwing pupunta ako dito, nagkakaro’n ako ng inspirasyon. May
naiisip akong bagong kwento. At nai-istimulate ang utak ko. Ni hindi ko nga
mapuntahan ang mundo kung sa’n ako lang ang tao at lahat ay engkanto. Naglalakad
lang ako kanina ng dalhin ako ng paa ko dito.
Tumingala ako sa
langit. I sighed. Hindi ko maintindihan ang sarili ko this past few weeks.
Parang may kulang na hindi ko maintindihan. Parang ayoko ng magsulat na gusto
ko. Parang gusto ko na lang mag-concentrate sa work ko. At sa buhay ko. Pero
parte na ng buhay ko ang pagsusulat ko. Gusto kong bitiwan na parang ayoko. “Ano bang
nangyayari sakin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?” My voice
trailed off nang may makita akong bubbles sa langit. Hindi pala sa langit.
Dumaan sa harapan ng mukha ko.
Sinundan ko ng tingin
kung sa’n nanggagaling ‘yon. Hanggang sa tumutok ang mga mata ko sa katabi ko.
Sa lalaking katabi ko. May hawak siyang bubble soap na pinaglalaruan niya
habang nakatingala sa langit. Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Hindi lang
siya lumingon, ngumiti pa siya sakin. Kahit naka-dark sunglasses ang lalaki,
feeling ko pati mata niya ngumingiti rin. Ang mas kinagulat ko, nang mag- “Hi,”
siya sakin. Na parang close kami.
Gusto ko siyang
dedmahin. Pero naunahan na niya ko. Naunahan na niya kong mag-iwas ng tingin.
Pinaglaruan uli niya ang bubble soap habang nakatingala sa langit. “May problema
ka ba, miss?” tanong niya sakin.
Kumunot ang noo ko. “Mukha ba kong
may problema?” mataray na tanong ko. Close ba kami para tanungin
niya ko ng gano’n? Ni hindi ko nga ma-pinpoint ang problema ko, tapos
tatanungin niya pa ko.
Ngumiti siya. “Nararamdaman
ko.”
“Bakit? Psychic ka ba?”
“Yap. Kamag-anak ko si Madam Auring.”
“Iniinis mo ba ko?”
“Hah?”
“Hah ka dyan.”
“Hindi naman kasi kita iniinis, eh. Nagtatanong lang ako.”
“At bakit kailangang mong magtanong? Close ba tayo? Kilala ba
kita?”
Inilihad niya ang
kamay niya. “I’m
Lio Ardie. You can call me Ardie. You are?”
“I’m mayaman.”
Lumapad ang ngiti
niya. “Mayaman?
May gano’n bang pangalan? Ang alam ko lang kasi, makisig, mayumi, mga gano’n.
Pero ang mayaman, never been heard.”
Hindi ako sumagot.
Humalukipkip lang ako habang nakatingin sa kaniya. Pilosopo pala ‘tong lalaking
‘to, eh.
“Miss?”
“Pwede ba wag mo kong kausapin. Hindi mo ba nakikita o bulag ka
lang talaga? Ayokong makipag-usap.” Tumayo na ako at
akmang iiwan siya ng magsalita uli siya.
“Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo.”
Nilingon ko siya.
Hindi ba makaintindi ang lalaking ‘to? “My name is Mayaman. Tingnan mo sa dictionary ang
translation.” Iyon lang at iniwan ko na siya.
Nakakainis naman yung
lalaki ‘yon! Dapat pala, hindi na ko pumunta dito.
Pero
sana, kinausap mo ng maayos yung lalaki. Hindi yung tinarayan mo at kung
anu-anong sinabi mo. (inner self)
Natigilan ako.
Nakakainis naman! Ito ang ayaw na ayaw ko, ang makonsensya ko ng dahil sa may
tinarayan ako na wala namang ginagawang masama sakin.
Ano
pang tinatayo-tayo mo dyan? Go! (inner self)
Binalikan ko ang
lalaki. “I’m
sorry sa mga sinabi ko. Wala lang ako sa mood ngayong makipag-usap. I’m sorry
kung natarayan kita. Next time kasi wag kang magtatanong kung anong problema ng
isang taong hindi mo kilala. Paano kung pera ang problema niya, pauutangin mo
ba kahit hindi mo kilala?”
Ngumiti ang lalaki habang
pinaglalaruan ang bubble soap. Ni hindi nga siya nakatingin sakin. “Magkano bang
uutangin mo?”
Kumunot ang noo ko.
Chilax lang, Richelle. “Para matahimik ka na. Hindi pera ang problema ko.”
“Eh, ano?”
Makulit din ang isang
‘to. “I
don’t know what my problem is. That’s my problem. Yun lang. Bye.” Hindi
ko na siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko na agad siya.
O, ano konsensya, okay
na ba?
Okay
na okay. (inner self)
I sighed. Mababaliw na
ko sa ginagawa kong pakikipag-usap sa sarili ko. Hayyy...
= = = = = = = =
Kinabukasan.
Maaga akong umuwi.
Sumakit kasi ang ulo ko kanina. Bumaba ako sa park. Parang ayoko muna kasing
umuwi ng bahay.
Pinagmasdan ko ang mga
tao sa paligid ko. Mga batang naghahabulan. May matatandang naglalaro ng chess.
At mga lovers.
Hayyy... Buti pa sila.
Tawa lang ng tawa na parang walang problema. Tapos ako, eto. Lagi na lang
nag-sesenti. Nag-sesenti na parang ewan. Argh! Ano ba naman ‘to? Mababaliw na
ko sa ginagawa ko!
Aaaaaaaahhhhhhhh!
Baliw!
(inner
self)
Ikaw ‘yon!
Hayyy... Baliw na nga
ko.
Tinutok ko na lang ang
mga mata ko sa dinadaanan ko ng hindi ko makita ang mga tao sa paligid ko. At
nang hindi kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Palapit na ko sa favorite spot
ko ng may matanaw ako. Kumunot ang noo ko. Nakita ko yung lalaki kahapon. May
kasama siyang teenager na lalaki. Katulad kahapon, naka-sunglasses na naman
siya. Pero hindi ‘yon ang ikina-kunot ng noo ko kundi ang nakikita kong hawak
ng lalaking tinarayan ko kahapon. May hawak siyang tungkod. Na parang ginagamit
niyang guide sa paglalakad. Isa ba siyang... Ni ayaw kong sabihin ang salitang
‘yon.
Bilang sagot sa naisip
ko, nakita kong inalalayan siya ng teenager na kasama niya paupo sa favorite
spot ko. Ngumiti pa ang lalaki ng kunin ng kasama niya ang tungkod. Saglit
silang nag-usap bago umalis ang kasama niya. Katulad kahapon, may dala na namang
bubble soap na nakalagay sa isang lalagyan ang lalaki. Nakita kong kinapa niya
‘yon sa tabi niya.
Hindi ko namalayang
humahakbang na pala ko palapit sa kaniya. Napansin ko na lang na nasa harap na
niya ako. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya.
He’s blind. Ni hindi
ko man lang napansin kahapon. Dahil ba sa suot niyang sunglasses at kung
makipag-usap siya, parang hindi siya...
“Pwede
ba wag mo kong kausapin. Hindi mo ba nakikita o bulag ka lang talaga? Ayokong
makipag-usap.”
“My
name is Mayaman. Tingnan mo sa dictionary ang translation.”
Napahawak ako sa bibig
ko ng maalala ko ang mga sinabi ko kahapon. Ang sama ko! Ang sama-sama ko!
Although, I already said sorry yesterday, hindi pa rin tama ang ginawa ko.
Although, hindi ko alam na ganito siya, mali pa rin ang ginawa ko. Hindi naman
ako gano’ng tao. Ang sama-sama ko!
Hindi ko namalayang
pumatak na ang luha ko. Hindi sa awa sa kaniya, kundi para sa sarili ko, sa
ginawa ko, sa mga sinabi ko. Naiinis ako sa sarili ko!
Unti-unti siyang
lumingon sakin. At katulad kahapon, ngumiti na naman siya. “Rich? Ikaw ba ‘yan?” Kahit
sinong kausap niya, hindi nila iisiping bulag siya. The way he talks, the way
he moves. Parang normal lang ang lahat para sa kaniya.
Pinahid ko ang luha
ko. Huminga ako ng malalim. “How did you know?”
“Your name? Or na ikaw ‘yan?”
“Both.”
Kagat
ko ang labi ko habang nagsasalita ko.
“Your name is Mayaman. In English, Rich.”
Huminto siya at nagpalobo ng bubble soap bago sumagot. “How did I know it’s you?” Ngumiti
na naman siya. “Just
what I said yesterday, kamag-anak ko si Madam Auring.” Nagpalobo
ulit siya. “Seriously.
Naramdaman ko lang na ikaw ‘yan.”
Nawe-weirduhan man ako
sa sagot niya, na parang matagal na niya kong kilala, hindi ko na pinansin
‘yon.
“I’m sorry about yesterday.” Nasabi ko na
lang.
“Nag-sorry ka na diba? Saka kasalanan ko naman. Epal kasi ako.”
“Hindi sa gano’n.”
He sighed. “You already know my
situation, right? Kaya ka ganyan?” Nawala
ang ngiti niya.
“Hah?”
“You know that I’m blind.”
Natahimik ako. Tumayo
siya. Napatayo din ako. Nagsimula siyang maglakad. “Uy! Sa’n ka pupunta?” Sabay
hawak sa braso niya.
“Uuwi na.”
“Hah? Pero...”
“Dahil ba bulag ako kaya hindi ako makakauwi?”
“Hindi naman...”
“Alam kong bulag ako, pero kaya kong umuwi ng mag-isa.”
“Wala naman...”
“Ayoko ng kinakaawaan ako dahil bulag ako.”
“Teka ka nga lang.”
Binitiwan
ko ang braso niya. “Hindi ako naaawa sa’yo, okay? Naiinis lang ako sa sarili
ko. Dahil natarayan kita kahapon at kung anu-anong sinabi ko. Hindi naman ako
gano’ng tao.”
“Hindi ka naaawa sakin?”
“Hindi.”
“Talaga?”
“Oo nga.”
“Sure na sure ka?”
“Oo nga. Ba’t ba ang kulit mo?”
Napakamot siya ng ulo.
Na sinabayan niya ng ngiti.
“So, pwede ka ng umupo?” tanong
ko sa kaniya.
“Oo naman. Nakakangawit kayang tumayo.”
Pero nakatayo pa rin
siya. “Ba’t
ayaw mo pang umupo?”
“Nasa’n ba yung upuan? Sa likuran ko ba? Nasa harap ba? Sa
kaliwa o sa kanan?” nakangiting niyang tanong. Akmang
aalalayan ko siya ng pigilan niya ko. “Ako na. Ituro mo na lang kung nasa’n.”
“Tatlong hakbang sa kanan mo.”
Pero
hindi pa rin siya kumilos. Kaya inulit ko, “tatlong hakbang—”
“I’ve changed my mind. Alalayan mo na lang ako. Baka mangudngod
pa ang gwapo kong mukha. Sayang ‘to.”
For the first time
after this weeks of soaking myself sa pagsesenti, I smiled.
At tama siya sa sinabi
niya. Gwapo siya. Lalo na siguro kung tatanggalin ang sunglasses niya.
Ang ganda >_<
ReplyDeletePS. si Hannah po ito. Tinamad akong mag online. XD
I love it! Ohmegash!
ReplyDeleteHaaha! Ang cute ^____________^
ReplyDeletehow cute!!! love this!
ReplyDeleteXD Para akong shunga dito sa bahay. Ang slow ko ngayong araw. HAHAHAHA. Kakabasa ko lang nito and mukhang maganda nga. :))
ReplyDeleteOMG !!! I dunno but I feel what Richelle felt in this story ^______________^ ang ganda ganda ganda ganda gadna :)) tapos medyo naiyak ako nung nalaman ko na bulag si Lio :(( emerged !!! :( nice one sis ^_________________^
ReplyDelete