Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Final Chapter

FINAL CHAPTER

[ RICHELLE’s POV ]


Present day.


Nanginginig ang kamay kong kinuha ang steno pad na hawak ni Ardie. Ang steno pad kong nawala two years ago. Na siya pala ang nakakuha.


“Kasalanan ko ba kung bakit ka nabulag, Ardie?” Pumatak na naman ang luha ko.


“No. It’s not your fault.” Tinitigan niya ko. “Pero ikaw ang dahilan kung bakit ginusto ko uling makakita. That day at the concert, nang maramdaman ko ang takot mo habang yakap kita. I wish that moment na sana nakakakita na lang ako. Para hindi ka natakot ng gano’n dahil sakin. I’m the one who should protect you. Not the other way around.” Pinunasan niya ang luha ko.


“I’m sorry, Ardie.” Niyakap ko siya. “I’m so sorry.”


“Don’t be.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Nang mabulag ako, sinanay ko ang sarili kong gawin ang mga bagay na hindi humihingi ng tulong ng iba. Maski, ang paglalakad, ayokong may umalalay sakin. Nang makita uli kita after two years, I mean ng makilala na kita after two years, hindi ko alam, pero yung mga bagay na nakasanayan kong gawing mag-isa, gusto kong lagi kitang kasama. Gusto kong nakahawak sa’yo habang naglalakad tayo. Natatakot kasi ako, na kung ikaw ang hahawak sakin, baka bigla kang bumitaw. Natatakot ako na bigla kang mawala. Kaya gusto ko ako ang hahawak sa’yo. Dahil hinding-hindi kita bibitawan. Na kahit hindi na kita nakikita just like two years ago, alam kong hawak pa rin kita.”


“Kaya pala nasabi mong makikilala mo ko kapag nakakita ka na. Kasi nakita mo na ko noon pa. Pero bakit nagpanggap ka kanina na hindi mo ko kilala?” Humiwalay ako sa kaniya.


Ngumiti siya. “Nakita ko kasi yung batang niligtas ko no’n.”


“Ang bata na ‘yon?” Yung batang nadapa kanina.


“Yap. Saka naisipan kong i-surprise ka. Na-surprise ka naman diba? Naiyak ka pa nga sa sobrang surprise.”


Pabirong sinuntok ko ang dibdib niya. “Loko ka talaga!” Pinunasan ko ang mga luha ko. Nang maalala ko si Kiel. “Kaya pala gano’n ang reaction ni Kiel kanina ng tanungin ko siya. Hindi lang tinanong. Pinagbintangan ko talaga siya. Yun pala, pakana mong lahat ‘to.”


“Akong bahala sa kaniya.” natatawang sabi niya.


“Ikaw ang bahala. Ako ang kawawa. Napakasungit pa naman ng kapatid mo na ‘yon.”


“Ako sabing bahala.” Hinila niya ako pahiga sa comforter. Parehas kaming nakatingala sa langit. “Alam mo bang simula ng makakita ako, ngayon ko pa lang pagmamasdan ang langit sa gabi. Ito rin ang dahilan kaya dinala muna kita dito. Gusto ko kasi, ngayong nakakakita na uli ko, ikaw ang unang kasama ko kapag ginawa ko uli ang mga bagay na ginagawa ko dati bago ako mabulag.”


Nilingon ko siya. Napangiti ako. Hanggang sa unti-unti akong tumawa ng mahina. Para akong baliw ngayon, naiiyak, na biglang tumawa. Mixed emotions.


Nilingon niya ko. “Why?”


“I’m just happy. Lalo na ng malaman kong ang tagal mo na pala kong pinagpapantasyahan.”


Pinisil niya ang ilong ko. “So? Anong masama do’n?”


“Wala. Bakit ba kasi hindi kita napansin no’n?”


“Dahil engrossed ka sa ginagawa mo.”


Inangat ko ang steno pad ko. “May gana na kong magsulat. Paminsan-minsan, tinatamad. Pero may mga pagkakataon talagang gano’n.”


“Gusto ko uli makita ang mga nakita ko two years ago habang pinagmamasdan kita.”


Nilingon ko siya. Nginitian ko siya. “Thank you, Ardie.”


“Thank you, too, Rich.” Ngumiti siya. “Come here.” Pinaunan niya ko sa braso niya. “Magagawa ko na ‘to ngayon.” He intertwined our hands. “At ito.” He kissed my forehead. “At ito.” He kissed my nose. “Nang hindi na mangangapa kung sa’n ba maglalanding ang kamay ko at ang labi ko.”


Napangiti ako.


“Lalo na ‘to.” He kissed my lips.  Saglit pa kong natameme sa ginawa niya hanggang sa unti-unti akong napangiti. I responded with his kisses. When he suddenly stopped. “Baka makita tayo ni Kiel.” Napalingon tuloy ako sa likuran ko. Wala naman si Kiel. Natawa si Ardie.


Pinalo ko ang braso niya. “Loko ka!” Umayos ako ng higa.


“Wag ka ng magalit. Etong M&M.” May inabot siya saking isang supot no’n.


“Ito ang kinuha mo kanina?”


“Yap. Baka magutom ka.”


Binuksan ko ‘yon. Kumuha ako ng isa at sumubo. Kumuha pa ko ng isa at sinubo kay Ardie.


“Ang sweet naman ng girlfriend ko. Tara nga dito.” Pinaunan na naman niya ko sa braso niya habang nakamasid sa langit at kumakain ng M&M.


He kissed my forehead. When I rememberd something. “Remember nung tinarayan kita ng magkita tayo?”


“Yap. Ang sungit mo pala.”


“Epal ka kasi.”


“Oo na.”


“Pero buti na lang, umepal ka sa buhay ko.” Napangiti siya. Kumuha siya ng M&M at isinubo sakin. Hanggang ngayon, parang hindi pa ko sanay na nakakakita na siya. But I’m glad that he can see now. Dahil hindi na siya mahihirapan gawin ang ibang bagay. “Paano mo nalaman na ako ang babaeng ‘yon ng araw na ‘yon?”


“Dahil ‘yon ang favorite spot mo diba? Two years ago, walang umuupo do’n tuwing pumupunta ako sa park. Laging ikaw lang.”


“Pero ang gara lang, eh. Two years ago na ang lumipas. Malay mo ba kung may umuupo na do’n. Ang galing mo naman.”


“Love sees.” bulong niya na narinig ko.


Napangiti ako. “Oo nga pala. Malakas ang pakiramdam mo.”


“Lalo na pagdating sa’yo. Lalo na ng maamoy ko ang pabango mo. Katulad ngayon.” Inamoy niya ang leeg ko.


Natatawang umiwas ako sa kaniya. “Nakikiliti ako.”


“Saan? Dito?” Kiniliti pa niya ang leeg ko. Tawa lang ako ng tawa habang lumalayo sa kaniya ng huminto siya. “Bakit Kiel?”


Napalingon ako sa kausap ni Ardie. Nasa rooftop din si Kiel! “Hi, Kiel! Sorry kanina, hah.”


“Whatever. Hinaan ninyo ang boses ni1nyo. Naririnig ko hanggang baba ang tawa mo, Ate Rich.”


Exagge naman ‘to. Hindi naman gano’n kalakas, eh. Pero, wait. Tinawag niya kong Ate! Nanlaki ang mga mata ko. “Tinawag mo kong ate? Paki-ulit nga. Bilis. Bilis.”


“May sinabi ba ko?”


“Oo kaya.” Nilingon ko si Ardie. “You heard it, Ardie diba?” Tumango siya. Nilingon ko uli si Kiel. “Saka himala, kinakausap mo ko ng tagalog. Dati laging english—


“Whatever.”


“Favorite word mo ba ‘yan?”


Tumalikod na siya.


“Hey! Kiel! May girlfriend ka na ba? Baka kulang ka lang sa love life kaya ganyan ka. Gusto mong hanapan kita? Oh! Yung mga co-authors ko sa Daydreamer’s Haven. May irereto ako sa’yo. Gusto mo? Mababait sila, may kaniya-kaniyang topak nga lang.”


“Ayoko!”


Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis. Nagkatinginan kami ni Ardie sabay tawa. Umayos na uli ako ng higa. “Sa’n ba nagmana ‘yang kapatid mo sa kasungitan?”


“I don’t know. Bata pa lang siya, ganyan na siya.” Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong tiningnan niya ko. “Rich.”


“Bakit?” hindi lumilingong tanong ko habang nakatingin sa langit.


“Rich.”


“Oo nga. Bakit?”


“Tingnan mo ko.”


Nakangiting nilingon ko siya. “Nakatingin na ko.”


Pinagmasdan lang niya ang mukha ko. Umangat ang kamay niya papunta sa mukha ko. From my hair to my forehead, to my eyebrow and eyes, nose and cheeks, halos lahat ng parte ng mukha ko pinadaanan niya ng daliri niya na parang sobrang namiss niya.


“Ardie...”


Niyakap niya ko. “Let’s just stay this way. Five months. Sobrang namiss kita.”


Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Okay.”


Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. “I love you, Rich.”


Tiningala ko siya at tinitigan ang mga mata niya. “I love you, too, Ardie.” I kissed his eyes.


Ngumiti siya. Tumingala kami sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Parang may kakaiba ngayon sa kanila. Mas makislap sila ngayon. Siguro dahil alam nilang nakikita na sila ni Ardie. Nakikita na sila ng mga mata ni Ardie.



19 comments:

  1. waaaah! ako'y naiingit dahil ang bilis mong makatapos ng isang kwento! i'll read this kapag maluwag na ulit ang schedule ko! good job beb! ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! May idea na ko sa story ninyo ni Nate. :))

      Delete
  2. HANNAH: waaaaaahhhh..... Ang ganda neto.... *clap clap* ang galing ng pagkakagawa neto..... Nakakainggit ka po ate, ako nga isang UD lang tinatamad na ako eh. Pero ikaw ang rami mo ng na update sa isang araw...


    (PS. Tamad pa rin po ako mag online.)

    (PPS. First time na may tumawag sa akin na Jewel kaya po nagtaka ako ng una. First time ko rin pong masama sa isang story (except sa story ko) kaya thank you po. ^___^)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaah! Thank you sis! Muah! Muah!

      Kapag kasi nasa utak ko na yung flow ng story, dere-deretso na yung pagta-type ko :))
      Saka nag-iipon din ako ng UD para every weekend, sabay-sabay ko na silang ipost kaya marami :))

      May balak talaga kong gawan ng one shots or short story yung mga co-authors ko dito sa blog at isa ka na don. Paisa-isa lang muna. :)))

      Delete
  3. true love sees nga nman oh., :) dati ung alam q lng true love waits ngayon ay LIKE na like q na talaga ung LOVE SEES.. so inspiring at nkkainlove ng kwento mo po miss aiesha. AJA ^.^

    ReplyDelete
    Replies
    1. I don't know how to say thank you nang sobra. O ayan, nasabi ko na pala, wahehe. Thank you talaga for reading my story. More than than, for appreciating every story I shared. Salamat talaga! *bows*

      Delete
  4. THE BEST!!!!!!!!!!!!!!!!!!! <3 <3 <3 This inspired me. Now, off to writing na si ako!!! ANG GANDA!!! Nain-love ako!

    ReplyDelete
  5. ohh emm jiiii!!!!!! super duper ganda nito!!! i just dnt know what to say.. hindi ata ako makakatulog nito.. hahaha.. censya po if this time hndi ako mkapagcomment ng bongga.. natameme po kasi ang magulo kong utak.. im officially on cloud nine!!! i soo like you na talaga ardie!!!!

    hindi talaga ako mka get over ate leeeeesssh!!!!!! pigilan mo ko!!! si heart,parang sasabog na sa kilig!!!

    job well done!.. love love this! ^____^ i wanna hug you right now ateng, ininspire mo ko ng bongga before my bday.. THANK YOU po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you din Dems ng bonggang-bongga! Paulit-ulit man pero thank you talaga. Ur one of the firsts na nagbasa ng story ko dito. I love you sis! Muaaaahhh! Etong hug for you --- HMMMMMMMM!

      Delete
  6. Waaaahhhhh... salamat sis for making this very great story, and ako pa bida.

    Yung totoo, akala ko yung character ko yung bulag, or mabubulag... alam kong napaka-emotional ko ngayon, pero lalo pang pinalala nito kwento na to...

    Naiyak talaga ako ng bonggang-bongga!!!


    YUng totoo jhen, nakita mo ba ako noon na may tinarayan ang kuhang-kuha mo kung paano ako manopla at magtaray??? Ahahaha, naranasan yan ng iba nating schoolmates.


    PEro sis, salamat talaga kasi napapanahon sya... ngayon nagsusulat na lang ako kapag alam kong may papatunguhang maganda ang utak ko...hihi...



    SObrang kilig ako sa kwento, kaai nai-imagine ko na ako talaga sya, at uung lalake na yon ang magiging next and laat jowa ko...


    MAraming thank you talaga!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basta ang alam ko sis, mataray ka talaga dati nung highschool tayo. haha! :)))
      Thank you din sis for the inspiration kaya nagawa ko tong story na to. Alabsyou! Muah!

      Delete
  7. Ardie really reminds me of Someone. :) Mahilig din mamisil ng ilong. But i like it. No, I mean. I love it. :) Salamat kay Ardie. Yung mga biruan nila Ardie at Ate Richelle dito, ganun din kami mag-biruan. Mahilig din mamilosopo. :) Thanks talaga dito ate Aiesha Lee. :)) Sobrang natuwa ako dito. Nakakainlove. <3

    ReplyDelete
  8. nice...sobrang kyut naman..kakakilig at kakatuwa.

    good job.

    ReplyDelete
  9. Nagprprisinta po akong lovelife n Kiel! HAHAHAHAHHA :P

    ReplyDelete
  10. Love sees nga naman o. Gusto ko lang mag-thank you dahil sinulat mo 'to, kasi nung binasa ko 'to, alam kong iba yung story na 'to. Napakagaling mo mang-inspire, at tumatak na sa isip ko yung mga aral sa storya na 'to.

    Thank you :)

    ReplyDelete
  11. ang ganda ng story na ito.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^