Saturday, April 20, 2013

Love Sees : Chapter 3


CHAPTER 3

[ RICHELLE’s POV ]


One month later.


“Bilisan mo kaya.”


“Wait nga lang.”


“Lagot ka kay mommy. Hala!”


“Nanakot ka pa!”


“Bilisan mo, ah.”


“Oo nga. Kaya ako tumatagal sa kakulitan mo, eh. Baba ko na ‘tong phone.” 

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Inilapag ko na ang phone sa kama ko.


Birthday ng mommy ni Ardie ngayon. Buti na lang at tumapat sa off ko.


Yap. I already met Ardie’s mom and dad. Mabait sila. Si Kiel lang naman ang masungit sa pamilya nila. At napalapit na rin ang loob ko sa kanila. Sa magulang ni Ardie. Si Kiel kasi, sala sa init, sala sa lamig. Parang may galit sa mundo na ewan.


For the past four weeks, marami akong nalaman kay Ardie. Isa pala siyang photographer before he got blind. Parang ang hirap no’n kung iisipin. Na nawala ang paningin niya na siyang kailangan niya sa trabaho niya. Nang minsang tanungin ko siya kung paano niya natanggap ‘yon.


He smiled and looked up the sky, “I’m just thankful that I’m alive. Saka paningin lang ang nawala sakin. May mga paa ko at kamay pa ko. May pandinig pa ko, may boses pa ko. Marami pa kong magagawa.”


Hindi ko alam kung sa’n niya nakuha ang pagiging positive niya sa buhay. Na sa totoo lang, hinawaan niya ko.


And for the past four weeks, marami akong natutunan mula sa kaniya.



- F L A S H B A C K -

Two weeks after we met each other at my favorite spot.


Isinama niya ko papunta sa kung saan dahil ayaw niyang sabihin sakin. Kasama namin ang driver nila.


“Sa’n ba tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya habang papunta kami do’n.


“Magba-basketball sa—aray!” Pinalo ko kasi ang braso niya. Tinatanong kasi ng maayos, eh.


“Sir, Ardie, okay lang po kayo?” tanong ni Manong John.


“Pinalo po ko ni Rich, Manong.”


“May lamok po kasing dumapo sa braso ni Lio kaya pinalo ko para matsugi.”


“Hindi naman, eh.”


“Magtigil ka nga dyan.” bulong ko sa kaniya. “Sige ka, bababa ako dito at gagala na lang sa mall.”


Umayos siya ng upo. “Sa isang charity tayo pupunta.”


I smiled. Madali talaga siyang kausap.


Nakarating na kami sa pakay namin. Nauna akong bumaba sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya ng pigilan niya ko.


“Kaya ko na.”


Hindi na ko nagpumilit pa. Ayaw niya kasi ng inaalalayan siya. Kapag kailangan niya ng tulong, saka lang siya nagsasabi. Bumaba na siya ng kotse hawak ang tungkod niya.


“Let’s go, Rich.” Humakbang na ko ng hawakan niya ang damit ko. “Pahawak, ah.”


“Nakahawak ka na, eh.”


“Sa braso mo. Sa iba nag-landing ang kamay ko, eh.”


Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa braso ko.


Ayaw niya ng inaalalayan siyang maglakad. Pero gusto niyang nakahawak. Ano bang pagkakaiba no’n? Parang parehas lang naman.


Pumasok na kami ng loob. At nalaman kong ang charity na ‘to ay para sa mga batang may kapansanan.


“Kailan ka pa pumupunta dito?” tanong ko sa kaniya.


“This is my third time. Close na nga kami ng mga bata, eh. Sinabi ko rin kay daddy na gusto kong tumulong sa mga bata dito. In my own ways.”


May sumalubong na matandang babae samin. “Goodmorning, Sir Ardie.”


“Goodmorning din. By the way this is Rich, my girl friend.” Bigla akong napalingon sa kaniya. “Bakit parang naramadam kong nagulat kayo?” tanong niya.


“Anong girlfriend ka dyan?” bulong ko sa kaniya.


“Girl friend naman talaga kita.”


“Hi, Miss Rich. Welcome po dito.”


Nginitian ko ang matandang babae. “Salamat po.”


“Bagay na bagay kayo ng girlfriend ninyo, Sir Ardie.” Napagkamalan pang kami.


“Magaling talaga kong pumili ng kaibigang babae.”


“Po? Kaibigan ninyo lang po siya?”


“Opo. Girl friend po diba ang sinabi ko?”


“Akala ko po kasintahan ninyo siya?”

“Kaibigan babae po. Girl friend.”


Sumingit na ko. “Ang mabuti pa po, pumasok na tayo sa loob. Mapupurga lang po ang utak natin kay Ardie.” Nauna na ang matandang babae. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.” bulong ko sa kaniya.


“Wala namang kalokohan sa sinabi ko. Girl friend. Kaibigang babae. Anong kalokohan do’n?”


“Ewan ko sa’yo.” Nauna na ko sa kaniya.


“Rich!”


Napangiwi ako. At mabilis na lumapit sa kaniya. “Sorry.” Nakalimutan ko. Kapag kasi ganito siya mangulit, parang walang kulang sa kaniya.


“Okay lang.” Humigpit ang kapit niya sakin.


Sa garden kami dinala ng matandang babae. Nando’n ang mga bata. “Mga bata, nandito na ang Kuya Ardie ninyo. Anong sasabihin ninyo?” Habang sinasabi niya ‘yon ay nagsa-sign language din siya. For those children who can’t hear.


“Magandang araw po, Kuya Ardie!”


“Goodmorning, too, kids! Na-miss ninyo ba ko?”


“Opo!”


“Namiss ko din kayo. May ipapakilala nga pala ako sa inyo. This is Rich, my girl friend.” Pasimple ko siyang siniko. “Kaibigan ko.”


Kanya-kayang bati ang mga bata sakin. Binati ko din sila. Umupo kami ni Lio. Nagulat ako ng hubadin niya ang sunglass niya. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Ngayon ko lang makikitang walang sunglass ang mata niya. Ngayon lang. At kahit naka-side view siya, kitang-kita kong parang ngumingiti din ang mga mata niya habang nakikipagkwentuhan sa mga bata.


Nakuntento na lang ako sa pag-tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Na nawala rin ng mapalingon siya sakin. Kahit hindi nakatutok mismo sa mga mata ko ang mga mata niya, umiwas agad ako ng tingin.


“Rich, nakatingin ka ba sakin?”


“Hah? Hindi, ah.”


“Para kasing...”


“Hindi nga. Teka, punta lang ako ng restroom, ah.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nilapitan ko agad ang isang babae at tinanong kung nasa’n ang restroom.


Ilang minuto lang akong nag-stay sa restroom. Bumalik na agad ako sa garden. At habang palapit ako, may naririnig akong musika. Binilisan ko ang lakad ko.


Pagdating ko sa garden, I saw Ardie. I saw Ardie with his eyes closed. With his closed playing a violin. Hindi ako bumalik sa tabi niya. Pumwesto ako sa lugar kung sa’n ko makikita ang buong mukha niya. Ang pagtugtog niya.


Hindi ko mapigilang humanga. He really plays well. Sa kabila ng... Para akong hinehele sa musikang naririnig ko. Feeling ko kung hindi ko tatakpan ang bibig ko, tutulo ang laway ko. Tahimik din ang mga tao sa paligid ko. Parang walang ingay kundi ang huni ng ibon kasabay ng musikang nililikha ni Ardie.


Nang matapos siya, isa ako sa mga pumalakpak. Lumapit agad ako sa kaniya. “Ang galing mo naman.”


“You heard it? Akala ko nasa restroom ka pa.”


“I heard it with my two ears. Ang galing mo, Ardie.”


“Thank you, Rich.”


“Paano yung mga batang walang pandinig?” bulong ko sa kaniya.


“They used their eyes to see the expression of my face while I’m playing. And the way I played. Wala man silang narinig, naramdaman nila ‘yon sa bawat galaw ng kamay ko at sa nakita nilang expression ng mukha ko.”


“Parang ikaw. Ginagamit mo naman ang pandinig at pakiramdam mo para malaman mo ang nangyayari sa paligid mo.”


“May tama ka, Rich.” Guguluhin sana niya ang buhok ko, pero sa tenga ko tumama ang kamay niya.


“Aray.”


“Sorry, hindi ko makita, eh.” natatawa niyang sabi.


Napangiti ako. “Okay lang.”


Isusuot na sana niya ang sunglass niya ng pigilan ko siya. “Bakit?” tanong niya.


“Wag muna. Ngayon ko palang kasi makikita ang mga mata mo.”


“Ang ganda noh?” He even blinked his eyes so many times.


“Wag kang magulo. Hindi ko makita, eh.”


Tiningnan niya ko. “Hindi din kita makita.”


“Ardie naman.”


“Eh, hindi nga kita makita, eh.”


Napakamot ako ng kilay. Puro talaga siya kalokohan. Kinuha ko ang sunglass niya at ako na ang nagsuot sa kaniya.


“O, gusto mo pang makita ang mga mata ko diba?”


“Hindi na.” Tumayo na ko. “Hintayin na lang kita sa labas, ah.”


Hinawakan niya ang kamay ko. “Sorry na.”


“Hindi ako galit.” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Do’n lang ako sa labas.” Iniwan ko na siya. Pero hindi ako sa kotse naghintay. Do’n sa hallway kanina kung sa’n kami sinalubong ng babae.


Fifteen minutes pa kong naghintay ng makita ko siya kasama ang matandang babae kanina. Hanggang sa tumapat sila sakin. “Ako na po.” sabi ko.


Nagpaalam na kami sa babae. Hinawakan ko ang braso ni Ardie. “Rich. Akala ko sa labas ka naghintay.”


Hindi ako sumagot.


“Sorry.”


“Hindi nga ako galit.”


“Sorry kung ang tagal ko. Ayaw pa kasi akong paalisin ng mga bata.”


Bumitaw ako sa kaniya. Akala ko naman nag-so-sorry siya dahil ang kulit niya kanina. Hinawakan niya ko. Pero sa laylayan ng damit ko siya napahawak. “Sorry.”


“Okay lang kung matagal ka.”


“Sorry kung nainis ka kanina sa kakulitan ko.”


Napailing ako. Napangiti na lang ako. “Sira ulo ka talaga.”


“Hindi ka na galit?”


“Hindi ako galit, okay. Ang kulit mo kasi, eh. I just want to see your eyes. Tapos ang kung anu-anong pinaggagagawa mo.”


Tinanggal niya ang sunglass niya. “O, ayan. Magsawa ka.”


Tinitigan ko ang mga mata niya. Tutal naman, hindi niya makikita ang ginagawa ko. “Bakit tinanggal mo ang sunglass mo kanina?”


“Gusto ko, kapag nakikipag-usap ako sa mga bata, nakikita nila ang mga mata ko. Except for those blind kids like me.”


“Eh, pag nasa bahay ka?”


“Minsan mero’n akong suot na sunglasses, minsan wala. Nasanay lang ako na kapag lumalabas ako, may suot ako. Iwas-iwas din sa puwing. Iniingatan ko pa rin ang mga mata ko kahit wala na ang paningin ko.”


“Bakit pag ako?”


“Gusto mo bang makita ang mga mata ko kapag nakikipag-usap ako sa’yo?”


“Oo.”


Ngumiti siya. “Then your wish is my command.”


Hindi na ko sumagot. Tinitigan ko na lang ang mga mata niya. Nang bigla niyang pitikin ang ilong ko. “Aray!”


“Matutunaw ang mga mata ko sa ginagawa mo.”


Naramdaman niya. “Pero bakit ilong ko ang pinitik mo?”


“Ilong ba ‘yon? Akala ko noo.” natatawa niyang sabi. “Sorry. Hindi ko makita, eh.”


“Umuwi na nga tayo.” Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa braso ko. “Kailan ka pa natutong mag-play ng violin?” tanong ko habang naglalakad kami.


“When I was a kid, I used to play it. Seven ata ako no’n. Nine years old ako ng mag-stop ako. Nawalan daw akong gana sabi nila mommy. And when I got blind. Nag-isip ako ng pwede at kaya kong gawin dahil nga hindi ko na magagawa ang trabaho ko bilang photographer. I tried everything, from guitar to piano up to drums. Hanggang sa mapunta ako sa violin. Biruin mo, nakaya ko.”


“When you got blind, naisip mo na ba agad ang gagawin mo? I mean...” Paano ko ba ‘to sasabihin?


“Hindi. When I got blind, I didn’t know what to do with my life. Kung sa’n ako mag-uumpisa. Kung ano nang mangyayari sa buhay ko.”


“Parang ako. Hindi ko alam ang plano ko sa buhay ko.”


“No, Rich. We’re different. I lost my sight. You still have yours. Madami ka pang magagawa sa buhay mo. Siguro ngayon, hindi mo lang maisip ‘yon dahil magulo ang utak mo. Just take it slow. Step by step. Hindi yung agad-agad, gusto mo may sagot ka na. Ba’t hindi mo muna i-relax ang isip mo. And I have a bright idea.”


“Ano ‘yon?” tanong ko habang iniisip ang mga sinabi niya.


“Free ka ba tomorrow night?”


“Nope.”


“The next night after tomorrow?”


“Nope.”


“The next, next night after tomorrow?”


“Nope.”


“Eh, kailan ka free? Pag magugunaw na ang mundo?”


Napalingon ako sa kaniya. “Hah? Ano ba yung tinatanong mo?”


“Hindi ka naman pala nakikinig, eh. Free ka ba kako tomorrow night?”


“Sa susunod na araw na lang.”


“O sige. The next night after tomorrow. Magkita tayo este...basta, punta ka na lang sa bahay.”


= = =


“Ano bang gagawin natin sa rooftop ninyo?” Hawak ko ang braso ni Ardie habang paakyat kami sa rooftop nila.


“Basta. Mare-relax ka.”


“Excuse me.” Dumaan sa gilid namin si Kiel. Paakyat din siya sa rooftop habang may dalang comforter, dalawang unan at kumot.


“Balak bang matulog ni sungit sa rooftop?” tanong ko kay Ardie.


“Hindi.”


“Eh, bakit may dala siyang comforter?”


“Secret.”


Nasa rooftop na kami ng salubungin kami ni Kiel. Pababa na siya.


“Thanks, Kiel.” sabi ni Ardie.


“Welcome.”


“Hello, Kiel.” bati ko sa kaniya. As usual, wala sa mood si sungit kaya dinedma ako ngayon. Bumaba na siya. “So, anong gagawin natin dito?” Nakita kong nakalatag sa gitna ang comforter, pati ang kumot at unan.


“Hihiga.” Humiwalay sakin si Ardie at naunang lumapit sa comforter.


“Uy!”


“Kabisado ko ‘to. Hindi ako mada—“ Natalisod siya sa dulo ng comforter at nadapa sa ibabaw. “—dapa. Sabi ko nga diba? Kabisado ko. Nadapa tuloy ako.” Asual, tinawanan lang niya ang nangyari sa kaniya.


Lumapit ako sa kaniya. “Okay ka lang?”


“Oo naman.” Pakapang hinanap niya ang unan at humiga. “Madalas akong mabunggo kung saan-saan nung nasa States pa kami. Sanay na ko.” Umupo ako sa tabi niya. “Humiga ka na.”


“Bakit ba kasi? Ano bang mero’n dito?”


“Ayun, o.” Tumuro siya sa langit. Na parang nakikita niya kung anong mero’n do’n.


Tumingala ako. Para lang mapangiti. “Wow... ang daming stars. Ang linaw ng langit. Ang ganda...”


“Sabi ko naman sa’yo, eh. Kaya humiga ka na. Tinanong ko pa si Kiel kanina kung maganda ang langit ngayon.”


Malaki naman ang comforter kaya humiga na din ko at pinagmasdan ang langit.


“Madalas kong gawin ‘to nung nakakakita pa ko. May rooftop ang bahay namin sa States, kapag gusto kong mag-relax, pupunta ako sa rooftop, hihiga at pagmamasdan ang langit. Nakaka-relax kasing tingnan ang mga bituin sa gabi.”


“Tama ka.”


“Ngayon mo lang ba ginawa ‘to?”


“Oo. Ang pagmasdan ang mga bituin sa langit kapag gabi habang nakahiga. Maganda sana kung may nginangata ang bibig—aray!” May bumagsak sa mukha ko. Nang tingnan ko ‘yon, isang balot ng M&M ang nakita ko. “Sa’n galing ‘to?” Dumapa ako at lumingon sa likuran ko. Nakita ko si Kiel na may kinakalikot sa phone ni Lio. Maya-maya ay may kanta na kong naririnig. Isang nakakaantok na kanta. Nilapag niya ang phone sa bandang ulunan namin.


“Mission accomplished. I’m going to sleep now.”


“Thanks, Kiel.” sabi ni Ardie.


“Welcome.” Tumalikod na si Kiel ng tawagin ko siya. Nilingon niya ko. “Why?”


“Thank sa chocolate. Pero sana hindi sa mukha ko pinag-landing mo. Saka matutulog ka na agad? Ang aga pa, ah.”


“Whatever.” Tumalikod na siya. Kasabay ng pagdilim sa paligid. Pinatay niya ang mga lamp post na nasa sulok ng rooftop. Nag-tira lang siya ng isa na malapit sa hagdanan pababa.


“Tingnan mo ‘yong kapatid mong ‘yon. Pinatayan pa tayo ng ilaw.” Umayos ako ng higa. “May galit ba sakin ang kapatid mo? Parang two weeks ago lang, sinabi niyang he likes me.” Binuksan ko ang balot ng M&M.


“He said that?”


“Yap.” Kumuha ako ng isang M&M at sumubo.


“Maswerte ka. Bilang na bilang ang mga taong sinasabihan niya no’n.”


“Dapat ba kong matuwa? Gusto mo ba?” Inalok ko siya ng M&M.


“Sa’yo na lang ‘yan. Baka kulang pa sa’yo ‘yan. Umiyak ka pa.”


“Ano ako? Matakaw.”


“Sa chocolate? Oo.”


“Bahala ka kung ayaw mo.” Pinagmasdan ko uli ang langit habang kumakain ng M&M.


“How do you feel?” tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.


“It’s relaxing. Tapos yung music pa, nakaka-relax ng utak, nakakaantok pa.” Napahikab ako. “Parang gusto kong gawin ‘to every night.”


“Edi gawin natin.”


“Every night? Hindi pwede.”


“Every other night?”


“Every three days.”


“Every three days it is.”


Humikab na naman ako. “Anong oras na ba?”


“Hmm... Hindi ko alam. Puro kadiliman ang nakikita ko.”


Napalingon ako sa kaniya. Nakapikit siya. “Ardie.”


“Hmm?”


“Bakit ka ba nabulag?”


Hindi siya sumagot. Kaya tumahimik na lang ako. Mukha ayaw talaga niyang pag-usapan ang dahilan ng pagkabulag niya. Tumagilid ako ng higa. Paharap sa kaniya. Pinagmasdan ko siya. Ilang minuto ko siyang pinagmasdan hanggang sa antukin ako.


“Rich.”


Hindi ako sumagot. Malay ba niya kung tulog ako o hindi. Dumilat siya. Kinapa niya ang unan papunta sa ulo ko. Pumikit ako ng ma-realize ang gagawin niya. Kinapa niya ang mga mata ko.


“Nakatulog agad.” Naramdaman kong bumangon siya. “Nasa’n kaya yung M&M? Baka hawak niya, ah. Ayoko namang kapain at baka kung ano pa ang makapa ko.”


Pinigilan ko ang mapangiti sa mga sinasabi niya. Ayokong mabuko niya ko. Pero teka, hindi naman niya makikita kung ngingiti ako, ah. Pero hindi pa rin ako ngumiti. Kaya ang ginawa ko, “Hmm...” Tumihaya ako ng higa at inextend papunta sa kaniya ang hawak kong balot ng M&M. Sinigurado kong maririnig niya ang plastic ng M&M pagbagsak ko ng kamay ko. Naramdaman kong kinapa niya ‘yon sa kamay ko. At kinuha.


Ilang segundo lang ng maramdaman ko namang may pumatong na kumot sa katawan ko. Kinumutan niya ko.


“Ito ang kailangan mo. Mag-relax. Hind yung isip ka ng isip. Tapos puro trabaho ka pa. Para sa’n pa ang off mo kung ginagamit mo lang naman para magsenti. Baka magulat na lang talaga ko, nasa mental ka na.”


Pinigilan ko na naman ang mapangiti. Naramdaman kong humiga na uli siya. Saka ko lang idinilat ang mga mata ko. Nilingon ko siya. Nakadilat ang mga mata niya habang nakatutok ‘yon sa langit. Napangiti ako. Tumingin din ako sa mga bituin. Hanggang sa unti-unti akong napapikit.


After a weeks na hindi ako makatulog ng maayos sa pag-iisip ng kung anu-ano, this is the first time I feel na masarap ang magiging tulog ko. Maybe because of the night, the stars, the soothing music and the M&M. Or maybe... because of this guy lying next to me... I don’t know... I just want to sleep...

= = =


4 comments:

  1. im like her too.. hndi ko rin alam ang plano ko sa buhay.. hahah..


    eeeeehhhh!!!! so sweeeeettt!! ever!!!

    ReplyDelete
  2. Ano ba 'to! Nasa katauhan ata ni Ardie yung Palaging nasa isip ko eh. >_________< Kaines! Ganyan na ganyan yun eh.

    ReplyDelete
  3. eeeeehh naman sis eh . why so kilig??? may feeling ako bakit siya nabulag . i dont know . feel ko lang . HAHAHHAHA XD spoiler !! emerged !! hahaha I love Kiel promise kahit masungit . hahahah XD he's really a good brother :)) I love his character.. :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^