Saturday, April 20, 2013

[W&W: Autre Histoire] Last Chapter

W&W: Autre Histoire

“Last Chapter”



SI KEI na ang dumampot ng abo ni Zico at sya na rin ang nag-lagay nito sa isang banga. Lahat ay nag-luluksa sa pag-kawala ni Zico lalo na ang Vulgus Pirates na si Rukki na ilang taon ding inalagaan at tinuruan ni Zico. Masakit para kay Rukki na masaksihan kung paano namatay ang captain na tinanawan nya ng utang na loob. At ngayon nga ay hindi nya alam kung paano nya sasabihin sa mga kasamahan nya ang pag-kawala nito.



Bigla nya tuloy naalala ang mga sinabi ni Zico noon. “Hoy! Makinig kayo! Sakali mang may mang-yari sakin! At mamatay ako! Gusto kong ibigay nyo sa mahal kong si Rita ang abo ko.”



“Ano? Bakit naman?”



“Gusto ko namang maranasang makasama si Rita at ang anak ko kahit na abo na ko.”



Lalong tumulo ang mga luha ni Rukki dahil sa ala-alang yun. Hindi nya pinakikinggan si Zico noon dahil hindi nya naman aakalain na hahantong talaga sa ganito. Buong buhay ni Zico, alam ni Rukki kung gaano ito na-ngu-ngulila sa mag-ina nito. Alam ni Rukki kung gaano ito kalungkot kahit na matapang itong humaharap sa kanila. Mabuti na lang at nasilayan ni Zico ang anak bago ito mawala.



“Bilin sakin ni Zico na ibigay ang abo nya sa mama ni Jay pag namatay sya.”wika ni Rukki sa mga ito. Sumangayon naman ang lahat maging ang mga Ministro, dahil iyon naman ang huling habilin ni Zico.



“Ako na lang mag-bibigay kay Tita Annita.”presenta ni Kei pero pinigilan sya ni Doctor Park.



“Hindi, kailangan mong pumunta ng Tir Na Nog. Ikaw naman ang dapat na humarap sa magulang mo, Kamahalan.”saad nito.



“Ako na lang ang mag-hahatid.”singit ni Jeremy.











SI JEREMY nga ang nag-hatid ng abo ni Zico sa mama ni Jay, kasama nito ang Vulgus Pirate na si Rukki. Sa pinto pa lang ay mama na agad ni Jay ang bumungad sa kanila.  Kapansin pansin ang lungkot sa mukha nito na para bang alam na nito kung ano ang nang-yari kay Zico.



Naupo sila sa salas bitbit ang abo. Hindi alam ni Jeremy kung paano ie-explain ang lahat sa mama ni Jay dahil ang alam nya ay wala itong ideya sa ganitong bagay. At hindi nito alam kung ano ang katauhan ng ama ni Jay. Ngunit laking gulat na lang ni Jeremy maging ni Rukki ng si Rita mismo ang naunang mag-salita.



“Alam kong hindi ordinaryong tao ang ama ni Jay.”wika nito. “Alam kong may malaking dahilan kaya nya kami iniwan noon. Umaasa ako na babalikan nya kami, at pag nang-yari yun gusto ko sabihin sa kaniya na pinapatawad ko ano man ang nagawa nya. Pero…”napaluha na si Rita. “Hindi ko inasahan na babalik syang abo na.”



“Ti---Tita. Pano nyo po nalaman lahat?”kunot nuong tanong ni Jeremy.



“Si Stella, sya ang nag-sabi sakin ng lahat. Kaibigan ko si Stella at inamin nya sakin lahat. At alam ko din kung nasaan si Jay ngayon.”patuloy lang ito sa pag-iyak.



“Alam ko kung gaano kasakit kay Zico na iwan kami noon. At alam kong nangu-ngulila sya ng husto. Kaya masakit para sakin na nang-yari ito sa kaniya. Ni hindi man lang sya nakasama ng mas matagal ng anak nya. Zico~”napahagulgul na sa iyak si Rita. Wala naman ibang magawa sina Jeremy at Rukki kundi ang damayan na lang ang ina ni Jay.



Iniabot ni Jeremy ang maliit na banga kay Rita, sa gitnang parte ng bahay nya naman ito naisipang ilagay. Tapos ay inumpisahan nilang dasalan ang abo. Mahigit isa’t kalahating oras na namalagi doon sina Jeremy at Rukki. Matapos ang dasal ay umalis na sila para bumalik sa kaharian ng Ablach.











SA ISANG islang nag-ye-yelo dinala si Kei ni Doctor Park at Marcio. Napalilibutan ng karagatan ang isla ngunit hindi nalulusaw ang yelong nakapalibot sa isla na ito. Sa gitna ay may kweba na gawa din sa yelo. Pinasok nila ang kweba na iyon, hindi madilim kundi napakaliwanag sa loob. Parang may ilang milyong fluorescent na nakapalibot doon dahil sa liwanag.



Maririnig mo rin ang bawat patak ng tubig mula sa mga patulis na bahagi ng yelo. Pwede ka na ngang mag-salamin dahil sa mga ito. Ang ipinag-tataka ni Kei ay kung bakit hindi man lang sya giniginaw kahit na napalilibutan na sila ng yelo. 



Patuloy lang sila sa pag-lalakad hanggang sa huminto sila. Nakuha ang atensyon ni Kei sa isang babaeng nakahiga sa isang mahabang higaan na gawa din sa yelo. Nakauot ito ng putting gown at may mahabang buhok. Nakapatong ang mag-kabilang kamay nito sa tiyan. Kung titingnan mo para lang syang natutulog. Kahit na puro yelo sa paligid, nanatili paring mukhang soft at mamula-mula ang balat nya. At hindi parin talaga maitago ang ganda nya.



Sabay na nag-bigay galang sina Doctor Park at Marcio sa babaeng nakahiga. Matapos nun ay humarap si Doctor Park kay Kei. “Kamahalan, sya ang tunay mong ina. Si Goddess Danann”nakangiti nitong sabi.



Parang alangan pa si Kei sa narinig kaya alangan din syang lumapit sa ina. Bitbit ang Stone of Destiny, lumapit sya dito at marahan nyang inilapag ang bato sa kamay ni Goddess Danann, wala pang ilang segundo ay kumislap ang bato ng iba’t ibang kulay na para bang rainbow. Nasilaw si Kei kaya napatakip sya sa mata.



Sa pag-alis nya ng takip, ang nakangiting si Goddess Danann na ang bumungad sa kaniya. “Keiigo, anak.”saad nito. Niyakap nya si Kei ng mahigpit na para bang sobrang na-miss nya ito. Nang maramdaman ni Kei ang init na dampi ng ina nya, feeling nya bigla syang naging secure. Kahit yun pa lang ang unang beses na niyakap sya ni Goddess Danann, feeling nya parang matagal na nya itong naramdaman.











MATAPOS na ma-reunite ang mag-ina ay doon lang nag-karoon ng tyempo si Doctor Park na sabihin kay Goddes Danann ang mga nangyari. At pati na rin ang tungkol kay Zico. Ikinalungkot ni Goddess Danann ang pag-kamatay ni Zico, at the same time masaya din sya dahil ligtas ang apat na treasures, naibalik ang sandata ng mga druids, buhay ang anak nya at naibalik na rin ang kapangyarihan ng Tir Na Nog.



“Nalulungkot ako sa pag-kawala ng mabuti at mahusay na Prinsepe gaya ni Prinsepe Zico.”iniabot ni Goddess Danann ang Stone of Destiny kay Kei. “Ngayong tapos na kami, kayo na ang mag-patuloy ng mga nasimulan namin.”kinuha ni Kei ang kwintas. “Ibigay mo yan kay Jay sa oras na maitalaga sya bilang susunod na taga-pangalaga ng bato na iyan.”ngumiti si Goddess Danann.



“Kei, hindi na ako babalik. Pero ang espirito ko at ng iyong ama ay mananatili sa tabi mo. Alagaan mo ang Tir Na Nog, alagaan mo ang bawat kaharian ang tagapangalaga nito. Alalahanin mo ang bawat mamamayan mo. At higit sa lahat, dapat mong ingatan ang mga bagay na mahalaga sayo.”muling niyakap ni Goddess Danann si Kei. “Mahal na mahal kita anak.”



Parang gustong maiyak ni Kei ng marinig nya ang salitang yun. Hindi na sya nakasalita dahil nabibigla sya sa mga nang-yayari. Maya-maya pa ay may umilaw at lumabas ang isang lalaking nakangiti.



“Ku---kuya~”mangiyak ngiyak na saad ni Doctor Park. Hindi nag-sasalita si Prinsepe Arke, sa halip ay nakangiti lang ito kay Doctor. Sunod nitong sinulyapan ang anak na si Kei. Nakangiti parin sya, tapos ay inilahad nya ang kamay nya kay Goddess Danann.



“Sinusundo na ako ng iyong ama. Lagi mo lang tatandaan na nan dito kami sa tabi mo kahit anong mang-yari.”tinanggap ni Goddess Danann ang kamay ng asawa. Bago sila tuluyang mag-laho ay nginitian nya muna si Kei.



Nakakalungkot isipin para kay Kei na huli na ng makilala nya ang kanyang tunay na mga magulang. Kung sana ay maibabalik lang ang mga sandal, gusto nya itong ibalik, pero kahit magic ay wala ng magagawa pa sa kung ano man ang nang-yari noon. Ang magagawa nya na lang ay ang ipag-patuloy ang mga naiwang unfinished business ng kaniyang mga magulang.



Kailangan nyang magsimula ng panibagong yugto ng buhay nya, kasama ng mga mamamayan ng Tir Na Nog, ng mga kaibigan nya na ngayon ay Prinsepe at Prinsesa na, at si Jay… si Jay na hinabilin sa kaniya ng namatay na si Zico.



“Doctor Park, pwede bang ako na lang ang susundo kay Jay?”pakiusap ni Kei na sinang-ayunan naman ni Doctor Park.











SI LAURENCE na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila ni Mari. Sinundan kasi ni Laurence si Mari ng makita nya nitong lumabas ng silid. Naroon parin sila sa kaharian ng Ablach, hinihintay ang pag-babalik ni Kei.



“Mari.”tawag nya sa kababata pero hindi ito lumingon. Tuloy tuloy lang ito sa pag-lalakad palabas ng kaharian. “Mari.”tawag ulit ni Laurence, huminto sa pag-lalakad si Mari dahil sa inis. Galit nyang hinarap si Laurence.



Pinigilan nya lang ang sarili nya na huwag mapasigaw. “May sasabihin ka ba?”saad nito sa pigil nitong galit.



Hindi naman agad nakapag-salita si Laurence. Hindi nya kasi alam kung paano nya sisimulan ang gusto nyang sabihin dito. “Uhm---Kasi---Ano---.”utal utal nyang sabi.



“Kung wala ka rin namang sasabihin, wag mo na kong sundan.”tinalikuran sya ni Mari, hahakbang na sana ito ng biglang mag-salita ulit si Laurence.



“Yung nang-yari noon---.”hindi din nya natapos ang sasabihin dahil sumingit na si Mari.



“Kinalimutan ko na yun. At kinalimutan ko na ring may best friend ako noon.”walang kasing lamig nitong wika saka ito tuluyang lumakad palayo kay Laurence.



Hindi naman naka-react agad si Laurence sa narinig mula kay Mari. Gumuhit sa buong pag-katao nya ang sakit sa bawat linyang binitawan ng kababata. Wala syang ibang nagawa kundi ang mapaiyak na lang dahil sa sakit.



“Sorry.”bulong ni Laurence sa hangin.











MABILIS na nasalo ni Kei si Jay ng matumba ito dahil sa biglaang pag-litaw ng malaking dragon mula sa ilalim ng dagat.



“Ayos ka lang?”alalang tanong ni Kei, pero malayo ang naging sagot ni Jay.



“Kei?”halos hindi makapaniwala nitong sabi. Hindi na sya sinagot ni Kei, sa halip ay tinulungan sya nitong makatayo tapos ay hinatak sya ni Kei papunta sa likod nito. Inilabas ni Kei ang wand nya saka hinagisan ng spell ang dragon.



Impedimentum Halo!



Tinamaan sa ulo ang dragon, nag-wala ito na para bang nasisiraan ng bait. Nag-pahampas hampas ang katawan nito sa dagat hanggang sa bigla na lang itong sumabog at nag-kalat ang na-ngingintab nitong katawan na parang glitters sa ere.



Hinarap ni Kei si Jay, hinawakan nya ito sa mag-kabilang pisngi. Makikita ang pag-aalala sa mukha nito. “Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?”wika ni Kei.



Naiiyak namang umiling si Jay. “Kei.”tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Jay. Hindi sya makapaniwala na buhay si Kei at nasa harapan nya ito ngayon. Ngumiti si Kei tapos ay niyakap nya ng mahigpit si Jay. Doon nya lang na-realized na sobrang na-miss nya talaga ito.



“May nabasa ako! Pag namatay daw yung isang Legendary Creature sumasabog daw sila tapos yung nangi-ngitab nilang katawan na sumabog dapat daw sinasalo, dahil mag-bibigay daw sayo ng swerte yun!”saad ni Gabe ng may maalala syang isang libro na nabasa nya.



“Totoo ba yang sinasabi mo?”paninigurado naman ni Kelly.



“Oo! Nabasa ko talaga yun!”giit naman ni Gabe.



“Ano pang hinihintay natin? Saluhin na yan!!!”nag-takbuhan ang mga Vulgus,  nag-paunahan at paramihan sila sa pag-salo ng na-ngingintab na katawan ng dragon.



Napakunot naman ang nuo ni Jay ng biglang kumalas sa pag-kakayakap si Kei sa kaniya. Napansin nyang parang may-iniisip ito pag-kuway, “Si-swertehin?”sabi ni Kei. Napailing na lang si Jay ng maging si Kei ay nakiagaw na rin sa mga Vulgus para makasalo ng katawan ng Dragon.



“Hoy! Ano ba! Tirahan nyo ko! Inangkin nyo na lahat eh!”sigaw pa ni Kei.



“Si Zico, hindi na nya nagawang makabalik.”kahit nakangiti ay halata kay Jerim ang lungkot. Hindi man nya nakikita ang nang-yayari, pero nararamdaman nya naman ito. Kwestyonableng napatingin si Jay sa kanya. “Nasan man sya ngayon, alam kong ginagabayan ka nya.”inangat ni Jerim ang paningin sa langit at bumuntong hininga sabay lingon kay Jay. “Mahal na mahal ka ni Zico, wala syang ibang inalala kundi ikaw at ang mama mo. Nag-sakripisyo sya kahit na mahirap para sa kaniya para lang mailigtas kayo. Kaya sana Jay, i-recognized mo sya bilang ama mo.”



“Ikaw yung kumausap sakin noon ah?”singit naman ni Kei na ngayon ay nakatayo na sa likuran nila.



“Tama, ako nga.”lumapit si Jerim kay Kei at tinapik nya ito sa balikat. “Buhay ni Zico ang ibinigay nya ma-protektahan lang si Jay, at ganun din ang gagawin ko. Kay asana ganun ka rin.”bulong nito, pinisil pa nya ang balikat ni Kei saka sya lumapit sa mga Vulgus na nag-kakagulo parin sa pag-salo ng katawan ng mga dragon.



“Kahit hindi mo sabihin, yun ang gagawin ko.”pahabol sa saad ni Kei sabay lingon kay Jerim. Natigilan si Jerim at napalingon din sa kaniya.



“Good.”nakangiti nitong wika.











Panibagong yugto ang kakaharapin nila. Alam ni Kei na hindi magiging madali ang lahat pero kahit gano pa ito kahirap, kakayanin nya basta nasa tabi nya ang mga taong mahalaga sa buhay nya.







~ The end ~



2 comments:

  1. Finally tapos na!
    the special chapters are beautiful, ang dami kong nalaman.
    now waiting for the 2nd book na lang.

    ReplyDelete
  2. san mkkita ang continuation nito?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^