Saturday, March 30, 2013

[W&W: Autre Histoire] Keiigo Tezuka and Jeremy Williams

W&W: Autre Histoire

“Keiigo Tezuka and Jeremy Williams”



HINDI pa man nakakalapag ang mga paa ni Jeremy ay agad na itong tumalon sa broomstick nito. Hating gabi na pero naroon parin ito sa tapat ng bahay ni Jay. Nang mapanaginipan nya kasi na may mang-yayaring masama kay Jay ay agad syang lumipad papunta sa bahay nito. At ngayon nga ay naroon na sya.


Halos mapudpud na ang kuku nya sa thumb nya dahil sa kaka-ngat ngat habang wala namang tigil sa pag-lakad ng pabalik balik ang mga paa nya. Halata ang tension sa mukha nya, lalo na nang makita nyang bukas ang binta ni Jay. Kaibigan nya si Jay, kilala nya ang mga ayaw nito at isa na nga doon ay ang bukas na bintana sa disoras ng gabi.


Lakad pakari si Jeremy, hanggang sa maisipan nyang tawagan si Jay para matiyak nya lang na naroon nga ito sa kwarto nito. Pero naka-limang ring na ay wala paring sumasagot. Nakaramdam na ng sobrang kaba si Jeremy kaya naman wala na syang ibang choice kundi ang gamitin ang broomstick nya at lumipad papunta sa bintana para silipin si Jay.


Mas naalarma sya ng wala syang makita ni isang bakas ni Jay sa kwarto. “Saang lupalop ba nag-punta si Jay?”inis pero alalang tanong ni Jeremy sa sarili. Bigla syang napalingon ng parang may bigla na lang humahatak sa kanya papunta sa gubat malapit sa bahay nila Jay. Nang maramdaman nya yun ay di n sya nag-alangan pang pumunta doon.


Hawak ang wand nyang may ilaw ay nag-mamadali nyang nilipad ang loob ng gubat. Hanggang sa makarating sya sa pinaka-dulo. Pero natigilan sya dahil sa pamilyar na taong bumulaga sa kaniya.


Kei?”bulong nya sa sarili. Nakikita nyang nakikipag-laban ito sa mga nilalang na ang pag-kakaalam ni Jeremy ay mga Lamia. Gaya nya, mayroon ding wand si Kei at ito ang ginagamit nito para itaboy ang Lamia na gustong kuhain ang kaluluwa ni Jay. Panay ang labas ng ilaw na kulay pink sa wand ni Kei para lang maitaboy ang Lamia.


Jeremy! Si Jay!”doon lang napansin ni Jeremy na naroon si Jay naka-higa sa lapag, walang malay. Mabilis na lumapit si Jeremy kay Jay. “Ibalik mo na sya sa kwarto nya. Mag-kita na lang tayo dun mamaya.”tumango lang si Jeremy sa sinabi ni Kei.


Ngunit ng bubuhatin na nya si Jay ay may isang Lamia na nakalusot kay Kei. Nakalapit ito kay Jeremy, nakalmot nya ito sa braso dahilan para mabitawan ni Jeremy si Jay.


Jeremy!”alalang tawag ni Kei sabay hinagisan nya ng ilaw na pink yung Lamia kaya tumalsik ito at lumipad na palayo. Mabilis na lumapit si Kei kay Jeremy para kamustahin ito. “Ayos ka lang ba?”halatang natataranta si Kei dahil alam nyang may mga lason ang Lamia. “Masama 'to!”wika ni Kei sa sarili.


Ayos lang ako. May gamot ako para sa mga ganito. Si Jay na lang ang isipin mo.”saad ni Jeremy.


Doon lang gumuhit kay Kei ang kwestyonableng mukha. Lalo na nang makita nyang may hawak na wand si Jeremy at nakasakay ito sa isang broomstick ng dumating ito kanina. Pero alam nyang hindi ito ang oras para mag-tanong tungkol sa bagay na yun dahil kailangang mabigyan agad ng pang-lunas si Jeremy.


Ako na mag-hahatid kay Jay. Gamutin mo sarili mo. Dilikado pag pinatagal mo pa yan. Saka na lang tayo mag-usap tungkol dito.”tumango si Jeremy, halata ang sakit sa mukha nito dahil sa sugat na natamo sa Lamia. Sinudan nya ng tingin si Kei habang binubuhat nito si Jay. At sa isang iglap lang ay nawala na ito sa paningin nya. Saka lang din sya umalis ng mawala na sila Kei at Jay.







[AFTER FIVE DAYS]


PANAY lang ang tawanan nila Laurence at Jeremy habang hinihintay nila si Jay sa bus station. Naisipan kasi nilang pumunta sa beach dahil sabado naman ngayon. Hanggang sa maya-maya pa ay dumating na si Jay.


Oh! Jay! Ikaw pala! What brings you here?”biro ni Jeremy pero inis na ngiti lang ang ginanti sa kaniya ni Jay.


Tagal mo! Ikaw nag-invite ikaw pa late!”saad naman ni Laurence.


Bakit kasi ang aga nyo pumunta? Kayo may kasalanan!”sisi naman ni Jay sa dalawa.


Tara na nga! Libre ko kayo pamasahe!”inakbayan ni Jeremy sina Laurence at Jay habang may pahabol pang biro si Laurence.


Yabang! Private school! One hundred baon!”natawa na lang si Jay at Jeremy sa kaniya.








[AT THE BEACH]


EXCITED sina Laurence at Jeremy maliban kay Jay na mas pinili na lang maupo at panuorin ang dalawa na nag-tatampisaw sa dagat.


Jeremy! Tingnan mo si Jay!”natatawang tawag ni Laurence kay Jeremy saka sabay nilang nilingon si Jay na nag-iisa lang habang nakaupo sa tabi ng mga gamit nila. “Kala mo anak na tinakwil ng magulang tapos walang mapuntahan eh.”


Natawa naman si Jeremy at nakipag-apir pa ito sa kaibigan. “Kunyari pa na ayaw nya maligo, pero sa loob loob nyan langoy na langoy na yan.”dugtong pa ni Jeremy.


Talino kasi! Sya nag-yaya sa beach sya pa 'tong walang dalang pang-ligo. Adik lang!”napailing na lang si Jeremy sa sinabi ni Laurence.


Nagulat na lang si Jeremy ng may biglang humawak sa kamay nya. Napalingon sya pero wala syang nakitang tao. Kinabahan sya lalo na ng may marinig syang bumulong. “Si Kei 'to. Mag-usap tayo.”tapos ay bumitaw si Kei. Nakita nya ang mga bakas ng paa nito na lumalakad palayo sa kaniya.


Nilingon nya si Laurence na ngayon ay busy sa pag-pupulot ng shells. Sinakto nya naman ang pag-kakataon para sundan ang mga bakas ng paa ni Kei. Dinala sya ng mga bakas ng paa sa isang tagong lugar. Doon ay nakita nyang nakaupo si Kei sa isang malaking ugat ng puno. Nakataas pa ang isang paa nito habang kumakain ito ng apple.


Sarap ng apple na dala mo hu!”wika pa ni Kei.


Hindi makapaniwalang ngumisi si Jeremy sa kaniya. “Bakit mo kinuha yan? Para kay Ja---”natigilan si Jeremy pero si Kei na ang nag-patuloy.


Para kay Jay? Bakit trip mo si Jay?”kahit na gusto mang itago ay halata ang inis sa mukha at boses ni Kei.


Hindi naman nakasagot agad si Jeremy. Ngunit ng mapansin nya ang reaction ni Kei ay nakahanap sya ng dahilan para ilipat dito ang tanong. “Ba't ganyan reaction mo? Bakit? Gusto mo ba si Jay?”dahil sa tanong na yun ay mas lalong naging worst ang mukha ni Kei.


An---ano? Ako? Kay Jay? Hi---hindi no!”nauutal at parang bata nyang wika at halos hindi pa marinig ang huling salitang sinabi nito, bukod kasi sa mahina ay agad din syang kumagat ng apple.


Sarkastikong natawa sa kaniya si Jeremy, “Tsi! Talaga lang hu?”mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Kei.


Oo nga!”para paring bata nitong reaction. “Anyways! Nandito ako para pag-usapan yung nang-yari five days ago!”


Teka nga muna! Pano ka ba nakarating dito na hindi namin namamalayan? At pano ka naging invisible?”tanong ni Jeremy.


Dahil sa Magic. Siguro naman alam mo na ibig ko sabihin.”ngumiti pa si Kei.


Wag ka nga ngi-ngiti ngiti sa harapan ko. Nakakaurat yang eyesmile mo!”ginaya pa ni Jeremy ang eyesmile ni Kei, habang si Kei naman ay mas lalo pang ipinag gitgitan ang mukha nya kay Jeremy.


Inggit ka lang! Oh yan! Pag sawaan mo eyesmile ko!”sabi pa nya habang ginigitgit nya ang mukha nya sa mukha nito. Sa lapit ay halos mahalikan na ni Kei ang labi ni Jeremy.


Tinulak nya si Kei palayo dahilan para bumagsak ito sa kinauupuan nito. Mabuti na lang at mabilis nitong nahawakan ang wand nito at nakapag-cast ng spell sa isip. Kaya sa halip na bumagsak ay lumutang lang ito.


Pasalamat ka hindi ko dala wand ko ngayon! Kundi lagot sakin yang eyesmile mo na yan! Mabubura talaga sa mundo yan!”


Sige, pipikit na lang ako. Since alam ko na naman na naiinggit ka sa eyesmile ko. Pano ka nga ba nag-karoon ng wand? Magus ka rin ba?”tanong ni Kei habang nakapikit ang mga mata nito.


Hindi alam ni Jeremy kung matatawa ba sya o hind sa itsura ni Kei. “Dumilat ka nga. Mas nakaka-urat pag nakapikit ka eh.”dumilat naman agad si Kei na may kasama pang ngiti.


Sagutin mo na tanong ko.”naupo ulit ito sa ugat ng puno ganun din si Jeremy.


Bumuntong hininga muna si Jeremy bago sya sumagot. “Di ko alam kung Magus nga ba ako. Yung sa wand naman sabi ng mama ko may isang lalaki daw na nag-regalo sakin nun nung nag-isang taon ako. Tinago ni mama yun nakita ko na lang ulit sya ngayon mag-eighteen na ko. Nalaman ko na lang na may kakaiba sa stick na yun nung isang beses na aksidente ko syang maitutok sa mga libro ko. Nagulat ako kasi may bigla na lang lumabas na kulay blue na ilaw.”kwento ni Jeremy sabay biglang napakunot ang nuo nya. “Teka! Pano mo nga ba nalaman yung salitang Magus?”


Hu? Ako?”tanong ni Kei.


Inis na umiling si Jeremy. “Oo ikaw! Bakit may iba pa ba dito?”


Nginiwian lang sya ng labi ni Kei bago ito sumagot. “Dahil kay Doctor Park.“


Sino? Yung Doctor sa mata na may clinic sa Central Market? Yung crush na crush ni Jay?”paninigurado ni Jeremy. Inilapit pa nya ang mukha nya kay Kei, itinulak naman ito ni Kei palayo gamit ang wand nito. Hinawi naman agad iyon ni Jeremy.


Oo! Sya nga! Sya din ang nag-bigay ng wand na 'to sakin. Sabi nya hindi daw ako ordinaryong tao.”


Natawa si Jeremy, “Kelan ka ba naging normal? Kahit naman noong di ko pa alam pag-katao mo mukha ka nang monggoloid eh.”napailing pa ito. Inis syang sinipa ni Kei sa pwetan, bumubulong bulong pa ito ng kung ano. Kunot nuo na lang syang nilingon ni Jeremy habang hinihimas nito ang pwet na sinipa ni Kei.


Teka! Pano naman nalaman ni Doctor Park na Magus ka? Tsaka pano sya nag-karoon ng wand?”


Ewan, siguro Magus din sya. Kahit ano pa man dahilan ayaw ko na isipin ang importante ngayon mahanap ko yung pinapahanap nya sakin.”bumutong hininga si Kei.


Pinapahanap?”


Bingi ka ba? Gusto mo ulit ulitin pa sayo eh. Oo! Pinapahanap nga!”


Ano naman pinapahanap nya?”


Kwintas. Sabi nya pag nahanap ko daw yun may maililigtas akong isang mundo.”


Muling natawa si Jeremy. “Sino ka si Super Man? Di bagay sayo maging Super Hero! Ipapahamak mo lang mundo eh!”


Inambahan sya ng siko ni Kei. Pero parang wala lang kay Jeremy ang amba na yun dahil alam nya namang biro lang iyon ni Kei. “Sira ulo!”patuloy parin sa pag-tawa si Jeremy.


Pano ka nga ba nakaligtas sa lason ng Lamia? Kala ko mamamatay ka na eh.”pag-iiba ni Kei sa usapan.


Nilingon ni Jeremy yung peklat na nasa braso nya dahil sa Lamia. “May kasama kasing makapal na libro 'tong wand ng ibigay sakin noon. Puro potions laman nung libro na yun kaya dun ko nakuha yung potion para sa lason ng Lamia.”binaling nya ang paningin nya kay Kei. “At di pa nabubuhay ang taong papatay sakin.”


This time ay si Kei naman ang natawa sa kanya. Pag-kuway sumeryoso ang mukha nito. “Tingin mo ba Magus ka rin gaya ko?”


Ewan ko.”sagot ni Jeremy. Nag-kibit balikat pa ito.


Biglang naging bright ang mukha ni Kei ng may maisip sya. “Bat di natin tanungin si Doctor Park? Malay mo may makuha tayong sagot sa kaniya kahit pano.”napangiti si Jeremy tanda na sangayon sya sa idea nito.


Pero may kapalit.”natigilan naman sa pag-ngiti si Jeremy. “Tulungan mo ko mahanap yung dapat ko hanapin.”walang utal na sabi ni Kei.


Walang hiya! May kapalit kagad? Wag na! Ako na lang mag-isa mag-tatanong kay Doctor Park tungkol sa pag-katao ko!”




Humihingi lang ako ng tulong sayo! Tinapakan ko na pride ko! Aayaw ayaw ka pa!”pikon nang saad ni Kei.


Tingnan mo 'to! Ikaw na nga nang-hihingi ng pabor ikaw pa galit!”


Arte mo pa kasi eh!”


Pag-iisipan ko muna.”yun lang at umalis na si Jeremy. Wala nang nagawa pa si Kei kundi tingnan sya habang papalayo.


Arte!”bulong nya sabay sipa sa hangin. Itinutok nya sa sarili nya ang wand nya saka sya nag cast ng spell sa inis nyang boses. “Indespectus!”sa isang iglap ay bigla syang naging invisible. Saka sya nag-simulang mag-lakad.


Maingat syang lumapit sa mga ito. Gumamit din sya ng Magic para hindi makita ang bakas ng paa nya. Nang makalapit ay walang kaalam alam ang tatlo na pinag-kukuha na pala ni Kei ang mga wallet nila. Ngumisi pa ito ng pilyo at bago tuluyang umalis ay may sinabi pa ito sa isip. “FTI kayo ngayon! Lalo ka na Jeremy!”saka sya tuluyang umalis.









HABANG nasa byahe si Jeremy ay nasa isip nya ang mga sinabi sa kaniya ni Kei kanina. Lalo na yung tungkol sa totong pag-katao nya. Bigla tuloy may namuong tanong sa isip nya na kung totoong mga magulang ba nya ang kasama nya ngayon? Kung isa nga syang Magus, matagal na kaya itong alam ng mga magulang nya? Tsaka anong gagawin nya pag totoo ngang hindi sya isang normal na tao gaya ni Kei?


Ang isa pang tanong sa isip ni Jeremy ay kung sino nga ba talaga ang nagbigay sa kaniya ng wand at ng libro na punong puno ng potion formula? Ano ba talaga ang pag-katao nito? May kailangan din bang gawin si Jeremy na isang mission gaya ni Kei kaya meron syang wand ngayon?




Lalo tuloy syang naguluhan dahil sa mga panibagong tanong na pumasok sa isip nya dahil sa usapan nila ni Kei kanina sa beach.





3 comments:

  1. ╭━━╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮
    ╰┫┣╯╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╯╰╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃
    ╱┃┃╱╭╮╭╮╭┳━━┳━╋╮╭╯╭╮╭┳━━┳━┳━━┫┃
    ╱┃┃╱┃╰╯╰╯┃╭╮┃╭╮┫┃╱┃╰╯┃╭╮┃╭┫┃━╋╯
    ╭┫┣╮╰╮╭╮╭┫╭╮┃┃┃┃╰╮┃┃┃┃╰╯┃┃┃┃━╋╮
    ╰━━╯╱╰╯╰╯╰╯╰┻╯╰┻━╯╰┻┻┻━━┻╯╰━━┻╯
    ╭╮╱╱╱╭╮╱╱╱╱╱╭╮
    ┃┃╱╱╱┃┃╱╱╱╱╱┃┃
    ┃┃╱╱╭┫┃╭┳━━╮┃┃╭┳━━╮╭━━┳━╮╭━━╮
    ┃┃╱╭╋┫╰╯┫┃━┫┃╰╯┫╭╮┃┃╭╮┃╭╮┫╭╮┃
    ┃╰━╯┃┃╭╮┫┃━┫┃╭╮┫╰╯┃┃╭╮┃┃┃┃╰╯┃
    ╰━━━┻┻╯╰┻━━╯╰╯╰┻━━╯╰╯╰┻╯╰┻━╮┃
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭━╯┃
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╰━━╯
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╱╱╭╮╱╱╱╭╮
    ╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃╱╭╯╰╮╱╱┃┃
    ╭╮╭┳━━┳━╯┣━┻╮╭╋━━┫┃
    ┃┃┃┃╭╮┃╭╮┃╭╮┃┃┃┃━╋╯
    ┃╰╯┃╰╯┃╰╯┃╭╮┃╰┫┃━╋╮
    ╰━━┫╭━┻━━┻╯╰┻━┻━━┻╯
    ╱╱╱┃┃
    ╱╱╱╰╯

    ReplyDelete
  2. amazing!! wag po sana kayo mapagod mag-update :)) until your next update... ^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^