W&W:
Autre Histoire
MULING
lumapit si Goddess Danann sa
L'eau du
Destin habang ang
dalawang Prinsesa naman ay panay lang ang sunod ng tingin sa kaniya.
“Lumapit
sa akin ang ina ni Prinsepe Zico upang makiusap kung maari ko bang
pag-bigyan ang hiling ng asawa nya na maging dalawa ang anak
nila.”patuloy lang sa
pagtingin si Goddess Danann sa L'eau
du Destin. “Ngunit
ng mga panahon na yun ay nag-dadalang tao na sya kay Prinsepe Zico.
At buo na rin ang loob nyang kitilin ang buhay nya matapos nyang
isilang ang anak nila ni Master Ziro.”bumuntong
hininga si Goddess Danann. “Nais ko sana masilayan nya
ang isa pa nyang anak bago man lang sya mawala.”
Humarap
sya sa dalawa. “Kaya naman naisip ko na gumawa ng isang
itim na mahika para lang mapag-bigyan sya at kahit pano man lang ay
masilayan nya ang isang pang anak na ninanais nya.”
“Black
Magic?”halos sabay na saad ng
dalawa.
Tumango
tango si Goddess Danann. “Kailangan ko ng dugo mula sa
kaniya at mula kay Master Ziro. Kailangan kong salinan ng itim na
mahika ang dugo na iyon, tapos ay kailangan kong mag-hanap ng isang
Vulgus na maaring mag-dala sa batang mabubuo ng itim na mahika.”
“Pe---pero,
pano kapag nailabas na yung baby? Sino po ang magiging magulang
nun?”kunot nuong tanong ni
Prinsesa Hara.
“Kung
sa una ay dugo at laman ng Vulgus and sangol. Kaya kong palitan yun
gamit ang itim na mahika. Kaya kahit dugot laman man nya ito sa una,
sa oras na isalin ko ang dugong may itim na mahika. Mabilis nitong
mako-kontamina ang katawan ng sangol. Para itong nakakahawang sakit
na papasok sa loob ng katawan ng sangol hanggag sa ganap na itong
maging kagudo ni Master Ziro.”explain
ni Goddess Danann. “Wala pang nakakaligtas sa ganitong
mahika. Lahat ng Vulgus na magsilang sa sangol na gaya ni Zunji ay
hindi kakayanin ang malakas na kapangyarihang nakapalibot sa bata.
Mamamatay ito sa oras na mailabas nya ang sangol.”dugtong
pa ni Goddess Danan
Sumilay
ang takot sa mukha ng dalawang Prinsesa. Halos hindi rin sila
makapaniwala na pwede pa lang mangyari ang mga ganoong bagay.
Nag-katinginan pa ang dalawang dahil sa narinig nila.
“Aakalain
din nila na patay ang bata matapos itong isilang dahil kailangan ng
oras ng katawan niya para masanay sa itim na mahika. At doon ko
sasamantalahin ang pag-kakatao para makuha siya at ibigay sa tunay
nitong ina.”bumalik si
Goddess Danann sa L'eau
du Destin. “Naunang
lumabas si Zunji kaya naman naging nakatatandang kapatid siya ni
Prinsepe Zico.”nakangiting
wika ni Goddess Danann. “Matapos ipanganak si Prinsepe
Zico ay nabalitaan na lang namin na patay na nga ang ina nito.”
Nagulat
sila ng bigla umangat ang bolang kristal ni Prinsesa Hara. Hawak na
ito ni Goddess Danann tapos ay inabot nya kay Prinsesa Hara. Mabilis
namang iyong kinuha ni Prinsesa Hara. Lumapit din si Prinsesa Gyuri
sa kanila. Pag-kuway hinawakan ni Goddess Danann ang kamay ng dalawa.
“Kailangan
lagi kayong handa. Dahil sa mga araw na darating ay magiging mabigat
ang kahaharapin ng bawat kaharian, nang Tir Na Nog. Magiging mabigat
ang lahat sa oras na mag-laho ang lakas ng kaharian na ito. Kailangan
nyong mag-pakatatag.”kahit
hindi man maintindihan ng dalawang Prinsesa ang sinasabi ni Goddess
Danann ay tumango tango parin ang mga ito at ngumiti.
***
NAKA-MUSANGOT
si Prinsesa Hara ng masalubong sya nila Prinsesa Gyuri at Prinsepe
Rome sa corridor ng Royal Academy kasama nito ang Druids nitong si
Uisias.
“Princess
Hara! Anong meron? Bakit nakamusangot ka nanaman?”natatawang
tanong ni Princess Gyuri.
“Pano
kasi si Zico! Bwinisit nanaman ako!”inis
na inis nyang sabi. Humalukipkip pa sya at talaga namang
nang-gagalaiti sya sa galit.
Sabay
namang nagulat ang dalawa sa narinig. “Si Prince Zico
bumalik na?”tanong ni Prince
Rome.
Mataray
syang nilingon ni Prinsesa Hara. “Oo! At talagang
nakakainis yung mukha nya!”
Napasunod
na lang ng tingin ang dalawang Prinsesa ng biglang tumakbo si
Prinsepe Rome, “Prince Rome! San ka pupunta?”tawag
ni Prinsepe Gyuri pero hindi na sumagot pa si Prinsepe Rome.
“Hmp!
Hayaan mo na nga sya! Malamang pupunta sya sa bestfriend nya! Tara!
Pumunta na lang tayo sa Underground Market!”hatak
ni Prinsesa Hara kay Prinsesa Gyuri. Gusto sana sundan ni Prinsesa
Gyuri si Prinsepe Rome pero hinatak na nga sya ni Prinsesa Hara. Wala
na tuloy sya nagawa.
***
KUMATOK
si Semias bago sya pumasok sa
loob ng opisina ni Zico. Naabutan nyang nag-susulat si ito at
natigilan lang ng makita sya.
“Prinsepe
Zico, hinhintay ka po ni Prinsepe Rome sa hardin.”saad
ni Semias. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Zico at mabilis na
tumakbo palabas patungong hardin.
Doon
ay naabutan nya si Prinsepe Rome na nakaupo sa isang bench. Huminto
sya saglit upang titigan ito pag-kuway tinawag nya ito. “Rome!”agad
namang tumayo si Prinsepe Rome ng makitang si Zico pala ang tumawag
sa kaniya.
Excited
syang niyakap ni Zico ng makalapit ito sa kaniya. Gumanti naman ng
yakap si Prinsepe Rome. Parang ilang taon silang hindi nag-kita ng
mga oras na iyon dahil kitang kita sa mga mukha nila ang excitement.
“Nakaka-miss
ka rin pala?”saad ni Zico.
Nakaramdam naman ng pag-kahiya si Prinsepe Rome dahil rinig na rinig
ng druid nya at si Semias ang sinabi nito.
“Sira
ulo ka talaga! Mamaya isipi nila may relasyon tayo!”natatawang
bulong ni Prinsepe Rome.
“Ano
ka ba! Meron naman talaga! Bromance! Brotherhood Romance!”niyakap
pa ni Zico si Prinsepe Rome. Tawa na lang ang sinagot ni Prinsepe
Rome. “Na-miss ko talaga 'tong Prince of Gorias!”dugtong
pa nya.
“Oo
na! Prince of Murias!”
MATAPOS
ang kulitan ay naging seryoso
na ang usapan ng dalawa. Nag-lakad lakad sila sa hardin ng Murias
habang pinag-uusapan nila ang nalalapit na pag-alis ni Zico.
“Sigurado
ka na ba talaga sa pag-alis mo?”tanong
ni Prinsepe Rome.
Bumuntong
hininga si Zico tapos ay huminto sila sa ibabaw ng isang tulay kung
saan tanaw mo ang malawak na lupain ng kaharian na matagal nyang
pinangalagaan. Inilibot nya ang paningin nya sa paligid. Ipinatong
nya ang mga kamay nya sa gutter ng tulay bago sya nga-salita.
“Alam
mo, may line akong narinig sa isang kanta nung tumira ako sa mundo ng
mga Vulgus.”nilingon nya si
Prinsepe Rome bago nya sinabi yun. “Do what you want,
Love what you do.”tapos ay
muli nyang binaling ang paningin sa harapan nya. “Favorite
ko talaga yung line na yun.”nag-simula
uling lumakad si Zico kasunod si Prinsepe Rome. “Gusto
kong maging Pirata dahil yun yung gusto kong gawin. At alam kong mas
magiging natural ang lahat kung gagawin ko yung bagay na gusto ko.
Isa pa, gusto kong maging masaya kahit pano.”napalitan
ng lungkot ang mukha nito ng muling maalala ang mag-ina.
Mukhang
nahulaan na ni Prinsepe Rome ang ibig sabihin ni Zico. Saglit na
tumahimik ang paligid, maya maya pa ay muling nag-salita si Zico.
“Maiba
ako. Alam mo ba na buntis si Goddess Danann?”tanong
ni Zico na halatang ikinagulat ni Prinsepe Rome.
“Hu?
Hi---hindi ko alam.”utal na
saad ni Prinsepe Rome.
“Pumunta
kanina dito si Hara at binalita nya nga na buntis si Goddess Danann.
Si Prinsepe Arke ang ama.”
“Si
Prince Arke ng Magh Maell? Yung nakatatandang kapatid ni King Brai?”
Tumango-tango
si Zico na parang bata, tapos ay tumingala sya sa isang puno na may
kakaibang bunga ng prutas. Tiningnan nya lang ang prutas at nahulog
na ang dalawang piraso ng kulay pulang bunga na parang mansanas sa
kamay nya. Inalok nya ang isa kay Prinsepe Rome. Wala sa sarili naman
itong tinanggap ni Prinsepe Rome. Kumagat si Zico bago nag-salita.
“Nakakagulat
no? Minsa parang ayaw ko maniwala sa bolang kristal ni Hara. May
bolang kristal ba na Past at Present lang pwede makita? Tsi!”umasim
ang mukha nya tapos ay kumagat sya ulit. Hindi sumasagot si Prinsepe
Rome, napansin ni Zico na tila wala ito sa sarili. Kunot nuo sya
nitong sinulyapan. “Ayos ka lang? Nagulat ka ba?”
Pilit
na ngumiti si Prinsepe Rome sa kaniya. “Hu?---Ah---Oo.
Nakakagulat nga yung balita na yun. Teka---kung ganon pwedeng si
Prinsepe Arke ang maging susunod na Hari kung ikasal sila ni Goddess
Danann?”
Bigla
namang napalitan ng lungkot ang mukha ni Zico. “Tama ka.
Sorry hu? Sa totoo lang nalungkot ako dun. Dahil alam kong ikaw ang
second choice at ikaw na sana ang susunod na King kaso yun nga.”
Mabilis
namang sumagot si Prinsepe Rome. “Ano ka ba! Bakit ka
nag-so-sorry. Wala naman tayong magagawa pa dun.”saad
nito kahit na sa loob loob nito ay hindi yun okay.
“Pero
alam mo may kakaiba sa mga nang-yayari eh!”hinarap
ni Zico si Prinsepe Rome tapos ay hinatak nya ito paupo sa damuhan.
“Kasi ang alam ko nakikita ng Stone of Destiny ang isang
pang-yayari bago pa ito mang-yari. Ibig sabihin nakita na nang Stone
of Destiny na mabubuntis si Goddess Danann ni Prinsepe Arke.”bulong
ni Zico kahit na sila lang naman ang naroon sa paligid.
“Ibig
mong sabihin, ang unang napiling Hari ay hindi ikaw kundi si Prinsepe
Arke?”hula ni Prinsepe Rome
na tumama naman.
Tumango-tango
si Zico. “Tama! Ako ang second choice. Ang pinag-tataka
ko pa. Bakit pinipilit ako ni Goddess Danann na mag-hari kung nandyan
naman si Prince Arke.”napaisip
si Zico maging si Prinsepe Rome. “Hindi ko man alam pero
sigurado akong may malalim na dahilan kung bakit nya ko pinipilit na
maging Hari.”nang mapansin ni
Zico na mukhang disappointed si Prinsepe Rome ay agad syang bumalik
sa pagiging bubbly. “Di bale! Mukhang wala pa namang
balak mag-pakasal si Goddess Danann kay Prinsepe Arke. Pag hindi sila
nag-pakasala malaki pa ang chance na mapili ka bilang Hari.”ngumiti
si Zico ganun din si Prinsepe Rome sa kaniya pero halata na ang
dissapoinment sa mukha nito.
***
HANGGANG
sa kaharian ng Gorias ay wala sa mood si Prinsepe Rome. Mainit ang
ulo nito kaya naman ay sa kwarto na nya ito agad na dumiretso.
Hanggang sa mga oras na yun ay nasa isip parin nya ang mga sinabi ni
Zico kanina. Masaya na nga sya dahil hindi tinanggap ni Zico ang
posisyon pero heto naman si Prinsepe Arke, humaharang sa pangarap
nya.
Matagal
lang syang nakatayo sa tapat ng isang painting, hanggang sa ilang
saglit lang ay nang-gagaliiti na sya sa galit. Dahan dahang tumulo
ang mga luha nya dahil sa galit. Naka-kuyom ang mga kamao nya tapos
ay bigla syang napahawak sa mag-kabilang tenga nya na para bang may
ayaw syang marinig.
“Sino
ka!? Sino ka ba?!”sigaw nya
habang mahigpit nyang tinatakpan ang tenga nya. Ilang saglit pa ay
aligaga syang nag-palingon lingon sa paligid nya na para bang may
nakikita syang nakakatakot na mukha. “Sino ka!?”takot
na takot nyang tanong.
Madapa-dapa
sya ng lumapit sya sa lamesa tapos ay dinampot nya ang mga libro at
walang ano ano ay ibinato nya ito sa kung anong nilalang na nakikita
nya. “Layuan mo ko!!”inilabas
nya ang wand nya at nag-umpisa syang mag-cast ng spell.
Nilalamon
na nang apoy ang kama ni Prinsepe Rome ng pumasok ang druid nya.
“Prinsepe Rome!”tawag
nya sa Prinsepe na tulala at wala sa sarili habang nakatayo ito at
nakatitig sa kamang nasusunog. Kinuha ng Druid ang sibat na nasa
gilid nito tapos ay tinutok nito sa umaapoy na kama saka ito nag-cast
ng spell para mamatay ang apoy.
Maya
maya pa ay kalmante na ulit ang paligid, bumalik na rin ang ulirat ni
Prinsepe Rome. “Walang ibang pwedeng makaalam nito.”saad
ni Prinsepe Rome habang nakasilip sya sa bintana. Nag-bigay galang sa
kaniya ang Druid bago ito lumabas ng kwarto.
Kahit
kalmante na ang sitwasyon ay nasa isip parin ni Prinsepe Rome ang mga
sinabi ni Zico. At sa tuwing naalala nya iyon ay talagang umiinit ang
ulo nya. Doon lang din pumasok sa isip nya ang isa sa mga isabi nito.
“
Pag hindi sila nag-pakasala malaki pa ang chance na mapili ka bilang
Hari.”dahil
doon ay nakabuo sya ng isang hindi inaasahang plano.
to
be continued ...
uY gUsto q unG cNabi niA ha,,, uNg 'dO whAt u wAnt aNd LuV whAt u dO'.. tAma uN at quOte of d dAy q uNg ngAun,,, hwAheHe,,,
ReplyDelete((Ang ganda))
ReplyDelete((Sana masundan agad))
((At pati ang Book 2, magawa na din))