Thursday, April 18, 2013

[W&W: Autre Histoire] The Princes and Princesses

W&W: Autre Histoire

“The Princes and Princesses”



MATAPOS  bigyan ng gamot ni Doctor Park ang walang malay na si Kei ay lumabas sya ng kwarto kasunod ang lalaking tumulong kay Kei kanina sa gubat.


“Kamahalan, kamusta po ang lagay nya?”agad na tanong nito.


“Wag ka na mag-alala Marcio. Ayos na si Kei. Maya maya lang magigising na sya. Sa ngayon kailangan ko munang bumalik sa mundo ng mga Vulgus. Dahil kailangan ko ding gamutin si Jay.”


“Pano ang mga nag-hahanap sa kamahalan?”


“Sa ngayon ang alam nila ay nawawala sya.”sagot ni Doctor Park. “Ang importante ngayon ay makapag-pahinga sya.”


Maya maya pa ay bumalik na si Doctor Park sa mundo ng mga Vulgus. Naabutan nyang nag-hihintay si Jeremy sa clinic nya kasama ang walang malaya na si Jay. Gaya ni Kei, nasugatan din ito ng Lamia.


“Doctor Park! Tulungan mo si Jay!”pakiusap ni Jeremy. Agad namang ginamot ni Doctor Park si Jay ng magising ito.


Sa pag-gising ni Jay ay si Kei agad ang hinanap nya dahil makailang beses nya itong naaninag sa mga oras na nawawalan na sya ng malay. May mga kakaiba din syang naaninag bukod kay Kei. Mga ilaw na kumikislap at mga pangyayari na hindi nya maintindihan. Nai-kwento din nya kay Doctor Park ang bato na nakita nya sa gubat. Ngunit dahil nga sa pang-yayari ay nawala ni Jay ang bato. Sa mismong oras din na yun ay binalikan nila ang gubat para hanapin ang bato.


Pero ang hindi nila alam isa nanamang panganib ang nag-aabang sa kanila doon. Nahanap ni Jay ang bato at nagawa nilang pakawalan ang mga Druids na ikinulong ni Lycus pero kasabay ng pag-laya ng mga ito ay sya namang pag-labas din ni Lycus na naging dahilan ng pag-kamatay ni Jeremy. Inakala ng lahat na patay na si Jeremy pero ang totoo ay dinala sya ni Doctor Park sa kaharian ng Ablach para doon ito gamutin at para aminin dito ang tungkol sa pag-katao nito.


Ilang araw lang din ang nakalipas, ipinalabas na namatay na rin si Kei pero ang totoo ay kinailangan nyang gawin iyon dahil dumating na rin ang panahon na kailangan nyang gampanan ang tadhanang naitakda sa kaniya.








TULALA si Kei ng maabutan sya ni Marcio sa kwarto nito. Naroon parin sila sa pangalawang dimension. Ang Ablach. Maingat na lumapit si Marcio sa kaniya dala nito ang isang tasa ng gamut para sa sugat niya. Nakuha lang ang atensyon ni Kei ng ilapag ni Marcio ang tasa sa lamesang nasa gilid nito. Napalingon sa gawing iyon si Kei, bumuntong hininga ito saka nag-salita.


“Si Jeremy? Kamusta na sya?”ang pinsang si Jeremy agad ang unang itinanong ni Kei kay Marcio.


“Ayos na po ang lagay ng pinsan ninyo kamahalan. Sa ngayon ay nag-papahinga sya sa Royalty Hall. Hanggang ngayon hindi parin sya maka-paniwala sa mga nang-yayari.”wika ni Marcio.


Napayuko si Kei tapos ay nilingon nito ang tasa a glid. “Si Jay?”sunod nitong tanong.


“Para mailayo sya kay Lycus kinailangan syang dalhin sa Tir Na Nog dahil isa po sya sa kayamanang itinago bukod pa doon sya rin ang naitakdang maging susunod na tagapangalaga ng Stone of Destiny kaya naman kailangan syang protektahan habang hinahanap pa ang dalawang Prinsepe at ang isa pang Prinsesa. Sa ngayon ang Tir Na Nog lang ang naisip naming lugar na ligtas sya. At isa pa naroon ang ama nyang si Prinsepe Zico kaya naman nakakasiguro kaming nasa mabuti syang kalagayan.”sagot ni Marcio. 


Sa pag-stay si Kei sa Kaharian ng Ablach at dahil na rin kay Marcio, ang naatasan noon ni Goddess Danann na mag-bantay kay Kei. Mas naliwanagan sya sa lahat ng bagay. Ang buong akala nya ang mga nalaman nya kay Stella ay hanggang doon na lang. Pero wala pa pala iyon sa kalahati ng mga nalaman nya ngayon kay Marcio at Doctor Park. Hindi nya akalain na mag-kakadugtong ang buhay nila ni Jeremy at Jay. Kaya nga hanggang sa mga oras na iyon ay tuliro parin si Kei, hindi nya naman kasi inaasahan na ganito ang mang-yayari sa kanila.


Sa pag-uusap ng dalawa ay may biglang kumatok at pumasok ang isang kawal. Nag-bigay galang muna ito bago ito nag-salita. “Kamahalan, heneral. Nahanap na po ang mga Prinsepe at ang Prinsesa.”wika nito na ikina-bigla naman ng dalawa.










NAGULAT si Zico ng may makita syang picture frame sa lamesa nya ng pumasok sya sa cabin nya. Kinuha nya ang frame at pinag-masadang mabuti ang mukha ng babaeng nasa picture.


“Ganda nya no?”napalingon sya ng mag-salita sa likuran nya si Jerim.


“Chiks mo nanaman? At talagang sa lamesa ko pa mo nilagay.”wika ni Zico saka iniabot nya kay Jerim ang frame.


“Gusto ko sana kaso mapapatay mo ko pag naging chiks ko  sya.”tinitigan pa ni Jerim ang picture.


“Ano?”kunot nuong tanong ni Zico.


Inabot muli ni Jerim ang frame kay Zico bago sya nag-salita. “Sya si Jay. Anak mo.”diretsahang saad ni Jerim na ikinagulat naman ni Zico. Mabilis nyang inabot ang frame kay Jerim at muling tiningnan ang mukha ng babae sa picture.


“Pano---.”


“Bago tayo mag-layag noon kumuha ang ng silver dust kay Sidh. Wala lang naisip ko lang na kakailanganin ko sya at nagamit ko nga sya. Nakita ko kasi na simula ng ma-disabled ang magic dito sa Tir Na Nog lagi ka nang tulala at lalamya lamya. Malungkot, hindi ka na gaya ng dati. Yung mga Vulgus, tanong na rin sila ng tanong sakin kung okay ka lang ba.”bumuntong hininga si Jerim.


“Alam kong nami-miss mo na ang pamilya mo. Kaya sinubukan kong pumunta sa mundo ng mga Vulgus para kamustahin sila. Mukhang nasa ayos naman sila.”natawa si Jerim bago sya muling nag-patuloy. “Si Jay, dalaga na sya. Parang kelan lang, baby pa sya nung huli mo syang nakita. Ngayon, ayan na sya Zico. Kamukha mo nga sya eh.”


Hindi na nakasagot pa si Zico, sa halip ay napaluha na lang ito. Tama si Jerim, sobrang miss na nga ni Zico ang mag-ina nya, lalo na nga si Jay. Napapangiti sya habang lumualuha, hindi nya maialis ang paningin nya sa picture ni Jay. “Jaydee Ryan.”yung na lang ang nasambit nya.










NAPAHINTO si Zico nang may makita syang pamilyar sa kaniya. Tinitigan nyang mabuti. Tama ba ang nakikita nya? Si Jay ba iyon? Ang anak nya?


“Jay?”bangit ni Zico na narinig naman ni Ren.


“Jay? Sinong Jay?”pero hindi sila sinagot ni Zico. Nakatitig lang ito sa babaeng nakikipag-agawan sa pila para makakain. Nang matumba ang babae ay doon lang lumapit sina Zico.


Ngunit napahinto si Zico ng may mapansin syang bato sa lapag. Napataas ang kilay nya dahil pamilyar sa kaniya ang batong iyon. Dinampot nya ito at doon nya lang nakumpirma na ito nga ang Stone of Destiny na nawawala ilang taon na ang nakakalipas.


“Sino ka? Ibigay mo sa amin ang baton a iyan!”napalingon si Zico ng ambahan sya ng isang babae ng espada. Minumukaan din ni Zico ang babae. Pero hindi nya maalala kung sino ito.


Ang mas ikinagulat ni Zico ay nang muli nyang makita ang Druid na dati nyang taga-bantay. Si Semias. Ang alam nya ay nakakulong ito ngayon pero bakit narito ito sa harapan nya? Nag-bigay galang ito kay Zico ganun din si Uisias ang druid ng namatay na si Prinsesa Hara. At kung ganun, ang dalawang ito ay ang bagong druids na nahalal ng umalis sya noon.


Naguguluhan si Zico sa mga nang-yayari at isa pa nang-hingi ng tulong si Semias sa kanya. Kaya naman para maliwanagan sya sa lahat isinama nya ang mga ito para kausapin. Dumiretso sila sa lugar kung saan naka-stay ang mga pirata sa tuwing lalapag ang barko nila sa lupa. Pag-pasok mo pa lang sa loob ay mga pirating manginginom na agad ang maabutan mo.


Ngunit pag-ayat mo sa itaas ay tanging ang grupo lang ni Zico ang naroon. Nagulat si Jerim ng makita nya si Jay na kasama si Zico. Ngunti imbes na matuwa ay nainis sya dahil hindi parin nya matanggap na sa iba mapupunta si Jay. Noon pa man ay gusto na talaga nya si Jay, baby pa lang ito pero dahil hindi sila ang nakatadhana. Wala na syang ibang magawa kundi ang mainis sa tuwing makikita nya si Jay.


Ipinatawag ni Zico ang mga Druids habang naiwan naman sa labas si Jay kasama ang sina Jerim.


“Sabihin nyo sakin! Bakit nan dito si Jay?”bungad ni Zico.


“Prinsepe Zico, sya ang naitakdang maging susunod na Satoori.”sagot naman ni Semias.
 

“Satoori? Ibig sabihin sya ang susunod na hahawak sa Stone of Destiny?”hindi makapaniwala si Zico sa nalaman. Ang anak nya ang magiging susunod na Goddess ng Tir Na Nog? Pano nang-yari yun? Lahat naman ginawa ni Zico para maiiwas si Jay sa mga ganitong responsibilidad pero bakit si Jay parin ang napili?


“Ang anak ni Goddess Danann at Prinsepe Arke, nasa pangangalaga ngayon ni Haring Brai. Nag-pa-plano na sila kung paano nila matatalo si Prinsepe Rome. Nais naming tumulong pero hindi kami makaka-kilos hanggat wala sa amin ang aming mga sandata. Prinsepe Zico, humihingi kami ng tulong sa inyo. Kung maari sana dalhin mo kami sa Nubus Illa para makuha ang sandata naming.”pakiusap ni Semias.


Hindi agad nakasagot si Zico. Inisip muna nito ang mga pang-yayari. “Kung ganun, kaya nandito si Jay dahil hindi na sya ligtas sa Earth?”nilingon nya ang apat na Druids. “Hindi, wala sa Nubus Illa ang mga sandata nyo. Hawak ni Rome ang apat na sandata. Ang dapat nating gawin makuha ang mga sandata nyo kay Rome. At ako na rin ang mag-bibigay kay Goddess Danann ng Stone of Destiny.”


“Kung ganoon, ano po ang plano natin?”tanong naman ni Uisias.


“Kailangan nating bumalik sa Earth. Labanan si Rome at bawiin ang sandata nyo sa kaniya.”sumangayon naman sila sa planong iyon ni Zico.



“Pano ang binibini?”alalang tanong ni Morfesa.
 

“Hayaan na muna natin silang mag-layag.”wika ni Zico.


“Pero, paano kung makarating sila ng Nubus Illa? Masyadong mapanganib doon lalo pa at hindi sila maaring gumamit ng kapangyarihan.”singit naman ni Esras.


Matagal bago nakasagot si Zico. “Hindi ko hahayaan yun dahil anak ko si Jay. Hindi ko hahayaang mapahamak sya.”ikinagulat naman ng mga druids ang rebelasyong iyon maliban kay Uisias at Semias. “Pangako, bago pa man sila makarating sa Nubus Illa ay maibabalik natin sa dati ang lahat.”


“Sasabihin ba natin sa binibini ang lahat?”muling tanong ni Morfesa.


“Wag muna. Hindi pa nya pwedeng malaman ang lahat. Masyado lang syang mag-aalala.”saad ni Zico.


Matapos ang usapang iyon ay magkakasamang bumalik sa mundo ng mga Vulgus sina Zico, Rukki kasama si Semias at Esras para kuhain ang sandatang itinago ni Lycus. Bumalik sila sa Earth gamit ang Silver Dust na kinuha ni Jerim kay Sidh noon.









HALOS hindi makapaniwala si Kei na ang dalawang Prinsepe ay ang kaibigan nyang sina Jin at Laurence. Samantalang, kababata naman ni Laurence ang isang Prinsesa. Naisip nya tuloy na sinadya talagang magkakila-kilala silang lahat dahil iisa lang naman pala ang tadhana nila.


“Kei? Ang---ang akala naming patay ka na?”nang-lalaki ang mata ni Jin ng makita nya sa harapan nya ang buhay na buhay na si Kei. Hindi na lang nag-salita si Kei. Lahat sila napalingon ng bumukas ang pinto. Mas lalo silang nagulat ng si Jeremy ang pumasok.


“Jeremy!!”napakapit sa isa’t isa sina Jin at Laurence ng makita si Jeremy. Ang buong akala kasi nila ay patay na ito. Nasaksihan pa nga nila ang pag-libing dito. Ngayon ay pareho nang nakatayo sa harapan nila ang dalawang lalaking inakala nilang patay na.


“Totoo ba ‘tong mga nang-yayari?”parang wala sa isip na tanong ni Jin sa sarili nya.


“Totoo bang mga buhay kayo?”paniniguradong tanong ni Laurence sa dalawa.


“Buhay pa kami. Palabas lang ang lahat.”sagot ni Jeremy.


“Palabas? Bakit? Para saan?”sunod sunod na tanong ni Jin.


“Mahabang kwento.”inis na saad ni Kei.


“Si Jay, matapos nyong mawala. Sabi ng mama nya doon na daw muna sya sa tita nya. Hanggang ngayon nasasaktan parin sya sa pag-kawala nyo. Akala nya talaga patay na kayo.”kwento naman ni Laurence na ikinatahimik na lang ng dalawa. Dahil alam nilang nasa Tir Na Nog talaga si Jay para ma-protektahan ito.











At gaya ni Jay, kailangan din nilang manatila sa lugar na safe sila dahil ano mang oras ay maari nang mag-umpisa ang gera laban kay Lycus o Prinsepe Rome.







2 comments:

  1. WiiEee aNg gAndA,,, eXzoitEd n tLgA aq s mgiGing cMuLa ng bOok 2 atEy,,, prOmise kHit mtGaL p yAn hiHintyiN q p riN,,, peO snA wAg gNun ktGaL,,, hwAhihi,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^