Thursday, April 18, 2013

[W&W: Autre Histoire] The New Goddess


W&W: Autre Histoire

“The New Goddess”


NAABUTANG ni Kei na kumakain ng Double Cheese Burger si Jeremy ng pumasok sya sa Burger Shop ni Aling Tin. Nilingon lang sya ni Jeremy ng maupo sya sa tabi nito. Patuloy lang ito sa pag-kain. Hinihintay ni Kei na batiin sya ni Jeremy pero ni “Hi” man lang ay wala syang narinig dito.


“Grabe! Hindi mo lang ba ko babatiin?”reklamo nito sa kaniya. Nilingon sya ni Jeremy na may nakakunot na nuo.


“Bakit? Chiks ka ba?”maangas na tanong ni Jeremy bago ito nag-patuloy muli sa pag-kain ng burger. Parang gustong batukan ni Kei si Jeremy, kung hindi lang nya ito kaano ano ay baka nasipa na nya ito. “Ano ba ‘yung sasabihin mo?”pag-iiba ni Jeremy sa usapan.


Sumeryoso ang mukha ni Kei, pag-kuway nilingon nito ang Clinic ni Doctor Park na nasa tapat lang ng Burger Shop ni Aling Tin. Hindi alam ni Kei kung paano nya sisimulang sabihin kay Jeremy ang katotohana tungkol sa pag-katao nito. At hindi nya rin alam kung sya ba ang dapat na mag-sabi o si Doctor Park. Tutal naman ito ang tunay nyang ama. Matagal na nanamik si Kei, bagay na napansin ni Jeremy.


“Hoy! Ano ba yung sasabihin mo? Natameme kana dyan!”tawag sa kanya ni Jeremy.


“Hindi, ikaw na muna ang mauna. Diba sabi mo may sasabihin ka rin?”kailangan munang makahanap ni Kei ng timing bago nya ibulgar kay Jeremy ang lahat.


“Tsi! Arte!”umayos ng upo si Jeremy, humigop pa ito ng Iced Tea tapos ay nilingon nya si Kei saka sya nag-salita. “Nakatulog kasi ako pag dating ko sa bahay galing sa beach. Habang natutulog ako may napanaginipan ako. Ang weird nga eh! Kasi nandun si Jay, umiiyak. Tapos si Doctor Park, ikaw at may iba pang mga tao na hindi ko kakilala. Tapos si Jay may hawak syang kwintas na kumikintab yung bato. Ewan, hindi ko kasi maintindihan eh!”kwento ni Jeremy. Sarkastiko namang natawa si Kei.


“Dahil lang dyan kaya ka tawag ng tawag at text ng text sakin?”


“Hindi no! Naalala mo ba nung kinuha si Jay ng mga Lamia? Kaya ko nalaman na nasa panganib sya dahil napanaginipan ko yung pangyayari na yun. Hindi man sya saktong ganun pero pinakita dun na nasa panganib si Jay. At yung worry na naramdaman ko noon, pareho rin sya ng nararamdaman ko ngayon. Kaya nag-aalala ako para kay Jay. Baka kasi nasa panganib nanaman sya.”


Hindi na lang nag-salita pa si Kei. Mas sumeryoso ang mukha nito ng marinig ang pangalan ni Jay. Nilingon nya si Jeremy, halata ang pag-aalala sa mukha nito. “Jeremy.”tawag ni Kei. Kunot nuo naman syang nilingon ni Jeremy. “Gusto mo ba si Jay?”deretsahang tanong ni Kei na ikinagulat naman ni Jeremy.


Namayani ang katahimikan sa dalawa. Ilang segundo rin nakatingin si Jeremy kay Kei, pag-kuway umiwas ito. Ang kaninang worried nitong mukha ay napalitan din ng seryosong mukha.


“Oo. Gusto ko sya. Matagal na.”pag-amin ni Jeremy. Hindi man halata pero ikinagulat ni Kei ang narinig mula dito. Inaamin nya, ayaw nya ang nararamdaman ni Jeremy para kay Jay. Hindi nya alam kung bakit naiinis syang marinig na may nag-kakagusto kay Jay na iba.


Imbis sana may sasabihin pa si Kei ay nawalan na lang sya ng gana ng marinig nya ang pag-amin ni Jeremy. Tahimik syang tumayo sa kinauupuan nya at lumakad na palabas. “Kei! San ka pupunta? Diba may sasabihin ka pa?”sinundan sya ni Jeremy palabas. Nahabol nya pa ito at nahawakan sa kamay. “Problema mo?”nag-tatakang tanong ni Jeremy. Hindi sumasagot si Kei.


Bumitaw si Jeremy sa pag-kakahawak dito. Mukhang nahulaan na nya kung bakit biglan itong umarte ng ganun. Natawa si Jeremy saka isinuksuk ang mga kamay sa mag-kabilang bulsa ng pantalon nya.


“Gusto mo rin ba si Jay?”balik tanong ni Jeremy. Pero hindi parin sumagot si Kei. Natawa ng sarkastiko si Jeremy. May sasabihin pa sana si sya ng may mag-salita mula sa likuran nya.


“Jeremy? Keiigo? Anong ginagawa nyo dito?”napalingon si Jeremy at natigilan naman si Kei.


“Doctor Park!”sabi ni Jeremy. Nilingon ni Doctor Park si Kei, hindi na nag-tanong pa si Doctor Park ng biglang nag-bow sa kaniya si Kei. Naintindihan nya naman agad na marahil ay nasabi na ni Stella ang dapat na malaman ni Kei.


“Gabi na. Bakit nasa galaan parin kayo? Mabuti pa mag-siuwi na kayo.”wika ni Doctor Park. Nag-katinginan sina Kei at Jeremy. 


“Mauna na ko.”si Jeremy na ang unang nag-paalam. Naiwan naman sina Kei at Doctor Park. Saglit na nangibabaw ang katahimikan sa dalawa. Pag-kuway si Kei na ang unang nag-salita.


“Bakit hindi mo pa aminin kay Jeremy na anak mo sya?”tanong ni Kei sa seryoso nyang boses.


“Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang lahat.”sagot ni Doctor Park. Bumuntong hininga na lang si Kei.







[After one week]
[Camping Day]


TAHIMIK na nakaupo si Kei sa unahang bahagi ng bus habang nag-kakagulo naman sa excitement ang mga classmates nya. Nilingon nya ang mga ito, unang tumamban sa mata nya ang nag-haharutang sina Jin at Laurence. Napansin din nya ang mga classmates nyang babae na halatang kinikilig sa kaniya. Napabutong hininga na lang tuloy sya. Lilingon na sana sya sa harapan ng makita nyang lumapit si Jeremy kay Jay sa likuran.


Parang bigla syang na-alarma, feeling nya na kung hindi sya kikilos baka maunahan sya si Jeremy. Hindi nya alam kung bakit nya nararamdaman ang urgent feelings na iyon. Lalo na ng makita nyang may inabot na kung ano si Jeremy kay Jay. Dali dali syang tumayo at lumapit sa dalawa.


Lahat ng nakaharang sa daanan nya ay hinahawi nya. Maging sina Jin at Laurence na nag-papasahan ng bola ay hinawi nya.


“Ano ba! Pambihirang class President ‘to!”wika ni Laurence pero di sya pinansin ni Kei. Tuloy lang ito sa pag-lalakad, pati si Jin ay hinawi din nya.


“Inaatake ka nanaman nang pag-kasaltik mo!”saad ni Jin saka muli silang nag-pasahan ni Laurence ng hindi rin sya pansinin nito.


"Jay! Tikman mo 'to! Gawa yan ni mama."wika ni Jeremy ng iabot nya ang isang baunan kay Jay. Binuksan naman iyon ni Jay, isang cake na hugis heart ang bumulaga sa kaniya. "Favorite shape kasi ni mama heart kaya lahat ng gawa nyang cake hugis heart."paliwanag ni Jeremy sa nine-nerbyos nitong boses. 


"Talaga? Ngayon ko lang nalaman. Sana heart shape na lang binigay kong cake sa kaniya nung birthday nya."sagot naman ni Jay.


Sa puntong iyon naman sumingit sa usapan nila si Kei, "Tabi nga!"tulak ni Kei kay Jeremy at naupo sya sa tabi ni Jay. Kinuha nya ang hawak nitong maliit na baunan sabay nginiwian si Jeremy. "Heartshape pala hu!"kinamay nya ang chocolate cake na nasa baunan at kinain. 


"Sira-ulo---"di naman maipinta ang mukha ni Jeremy sa ginawa ni Kei. Wala na lang syang nagawa kundi ang ambahan si Kei at talikuran ito. Palihim na lang na natawa ng sarkastiko si Kei.


“Kala mo makaka-porma ka sakin hu!”bulong nya sa sarili, saka nya nilingon si Jay na ngayon ay nakatingin na sa bintana ng bus. “In-fairness ang sarap ng cake ni Jeremy ah.”saad pa nya, nilingon sya ni Jay. Napailing na lang si Jay sa kaniya.


“Paka-busog ka hu?”sabi pa nito at muling ibinaling ang paningin sa bintana ng bus.







[At the Camp Site]

SI JAY parin ang binabantayan ni Kei hanggang sa makarating sila sa camp site. Pero pag-dating sa doon ay mas lalong nadag-dagan ang karibal ni Kei dahil naroon din pala si Doctor Park. Ang apple of the eye ni Jay. Ang lalaki sa buhay ni Jay.


"Bakit ba nan dito si Doctor Park?"inis na tanong ni Kei sa sarili, ganun din ang lumabas sa bibig ni Jeremy ng makita nito si Doctor Park.


"Kainis! Bakit ba nan dito yang Doktor na yan!?"sabi ni Jeremy.
 

Pakiramdam ni Kei ay buong mag-hapon ng sira ang araw nya. Mula pa lang kay Jeremy hanggang kay Doctor Park. “Talaga naman! Mag-ama pa talaga ang sumira ng buong mag-hapon ko ah!”bulong ni Kei sa sarili na bahagya namang narinig ni Jin.


“Ano? Sinong mag-ama?”kunot nuong tanong nito. Inis syang nilingon ni Kei. 


“Wala!”sigaw nya sabay tayo at lumakad ito palapit kay Jay. Naupo sya sa tabi nito, pero hindi sya pinag-aksayahang lingunin nito dahil na kay Doctor Park ang atensyon nito. Lalo tuloy syang nainis.


"Tigilan mo nga yang kakatitig mo kay Doctor Park! Baka malusaw na yan mamaya."sabi ni Kei ng sikuhin nya si Jay sa braso. Tiningnan sya nito ng masama bago ito sumagot.


"Wag ka ngang ume-epal! Sa gusto kong titigan si Doctor Park eh!"


"Ano bang nagustuhan mo diyan? Hindi naman gwapo yan! Gwapo pa ko dyan eh!"


"Kapal ng mukha mo! Walang wala ka kumpara sa kaniya no!"


"Bunganga mo! Feeling mo naman magugustuhan ka nya? May girlfriend na naman yan eh!"sumabog na ang init ng ulo ni Kei kaya naman humantong na sa away ang asaran nila ni Jay.


"Wag ka nga makelam! Ang asikasuhin mo na lang kung paano ka aamin dun sa babaeng sinabi ng mang-huhula sayo!"inis na wika ni Jay. Tumayo ito at iniwang mag-isa ni Kei.


"Hoy! Jay! San ka pupunta?"tawag ni Kei sa papalayong si Jay.


"Sa lugar na malayo sayo!"galit na sigaw nito ngunit hindi nito nilingon si Kei. Dire-diretso lang ito sa pag-lalakad. Inis na lang na dinampot ni Kei ang maliit na bato na nasa harapan nya at padabog itong itinapon sa malayo.









ISANG oras na ang nakalipas ngunit hindi parin bumabalik si Jay. Alam ni Kei na kanina pa ito wala dahil simula ng umalis ito ng mag-away sila ay inabangan na nya ang pag balik nito dahil gusto nya nga mag-sorry pero hanggang ngayon nga ay hindi parin ito bumabalik. Napansin na rin ng kanilang teacher ang pag-kawala ni Jay.


“Nakita nyo ba si Jay? Parang kanina ko pa sya hindi nakikita ah. Maya maya matutulog na tayo.”tawag pansin ng teacher nila.


“Sabi nya mag-lalakad lakad lang daw sya. Hindi pa pala sya bumabalik hanggang ngayon?”sagot naman ni Laurence nang maalala nyang nag-paalam sa kaniya kanina si Jay bago ito umalis.


“Ano ba namang bata iyon? Kung kelang gabi saka sya mag-lalakad lakad? Talaga naman!”alalang wika ng kanilang teacher. Lumapit ito kay Doctor Park para sabihin ang problema nila.


Nag-aalala na rin si Kei. Feeling nya sya ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon si Jay. Hindi na sya mapakali kaya naman lumapit sya kay Jeremy para humingin na ng tulong.


“Jeremy!”tawag nya. Nilapitan naman sya ni Jeremy.


“Ano bang nang-yari? Nakita ko kausap mo lang sya kanina ah!”bungad ni Jeremy ng makalapit sya kay Kei, ngunit iba ang isinagot ni Kei.


“Dala mo ba yung wand mo? Tulungan mo ko hanapin si Jay. Kinakabahan na kasi ako eh. Baka kung ano na nang-yari sa kanya.”halata na nga sa boses ni Kei ang pag-aalala.


Nilingon ni Jeremy ang paligid kung may nakatingin ba sa kanila. Nang makumpiram nyang wala saka nya hinatak si Kei papasok sa gubat. Inilabas nya ang wand nya sa likuran ng pantalon nya saka pinailaw nya ang dulo ng wand nya. Nilingon nya si Kei na may kwestyonableng mukha.


“Nasan wand mo?”tanong nito.


“Nandito, sayo na lang gamitin mo.”sagot ni Kei. Napailing na lang sa kanya si Jeremy. Makalipas ang kalahating oras na pag-hahanap ay hindi parin nila nakikita si Jay. “Ano kaya kung mag-hiwalay na lang tayo?”biglang suhestyon ni Kei na sinang-ayunan naman ni Jeremy.


“Sige, dala mo ba cellphone mo? Tawagan mo ko pag nahanap mo na si Jay.”yun lang at lumakad na si Jeremy. Nag-simula na ring lumakad si Kei. Ilang minuto pa ay biglang nakaramdam ng kakaibang enerhiya si Jeremy sa kanang bahagi nya. Bigla syang kinabahan kaya naman hindi na sya nag-dalawang isip pang sumugod papunta doon.


Bumungad naman kay Kei ang isang Lamia na hinihigop ang kaluluwa ni Jay nang takbuhin din nya ang kakaibang aura na naramdaman nya. “Jaydee!!”sigaw ni Kei tapos ay inilabas nya ang wand nya at hinagisan nya ng isang spell ang Lamia. Kumiskap ang kulay pink na ilaw sa wand ni Kei papunta sa Lamia. Natamaan ang Lamia, tumalsik ito at bigla na lang nag-laho sa kawalan.


Nilapitan ni Kei ang bumagsak sa lupa na si Jay. Wala na itong malay, bubuhatin na sana ni Kei si Jay ng bigla syang balikan ng isa pang Lamia. Nasugatan sya ng malaki sa braso dahilan para manghina sya ng bigla.


Nakaramdam na ng pag-kahilo si Kei, pinilit pa nyang lumakad palapit kay Jay pero talagang nahihilo na sya. Babagsak na sana sya ng may biglang sumalo sa kaniya. Iniangat nya ang mukha nya, isang lalaki na hindi pamilyar sa kaniya ang umalalay sa kaniya.


“Kamahalan, kailangan nyo pong magamot sa lalong madaling panahon.”saad nga lalaki.


“Si---si---Jay---.”nauutal namang sabi ni Kei. 


“Si Prinsepe Jeremy na po ang bahala sa kaniya. Sa ngayon isasama po kita para magamot ka.”


“Pe----pero.”pinipilit pa sanang tumayo ni Kei pero hindi nya na talaga kaya kasi gumuguhit na sa buo nyang katawan ang sakit ng sugat nya. “Ahh!!”sigaw nya. 


“Kamahalan.”alalang wika naman ng lalaki. “Tayo na po. Parating na si Haring Brai at Prinsepe Jeremy. Sila na po ang bahala sa Goddess kaya tayo na po.”giit ng lalaki. Kunot nuo syang muling nilingon ni Kei ng marinig nya ang sinabi nito.










Goddess? Anong ibig sabihin ng lalaking ito? Si Jay na ba ang susunod na Goddess a sinasabi ni Stella?








To be continued...






1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^