Wednesday, March 20, 2013

[W&W: Autre Histoire] Darkest Days

W&W: Autre Histoire

"Darkest Days”
A/N:  Kamusta naman kayo .?? :DDD Sumulat ako kasi baka may mga scenes sa stories ko na pareho sa mga nababasa o napapanood yung mga magical stories .. kung meron man po gusto ko po sabihin na coincidence lang ang lahat .. Wala po kasi akong binabasang mga magical stories ngayon maliban sa Harry Potter at Wizard's Tale para lang mag-karon ng idea kung ano nang-yayari sa mundo ng Magic,  kaya di rin ako updated .. tsaka first time ko po talaga mag-sulat ng Magical Stories at hindi rin ganun kalawak kaalaman ko sa mga ganito pero i'm doing my best naman po para sa mga readers ng story na 'to .. :DDDD yun lang po .. napadaan lang ako .. thanks ulit sa mga readers .. <3






***

ANIM na buwan na rin ang nakalipas simula ng umalis si Zico. At medyo malayo layo na rin ang nilayag nila. Kahit pano din ay may natutunan na rin ang mga Vulgus na isinama nila ni Jerim sa pag-lalayag nila.


“Sandali! Lapit muna kayo dito.”tawag ni Jerim sa mga Vulgus Pirate kasabay ng pag-lapag nya ng isang maliit na kartoon.


“Ano ba yang dala mo?”kunot nuong tanong ni Ren. Binuksan ni Jerim ang box at ikinagulat ng lima ang laman ng box.


“Wow! Teka! Diba yan yung latest design ng wand? Grabe! Ang ganda!”excited na dumampot ng isang wand si Kelly at sinubukan nya itong pailawin. Lalo syang natuwa ng may lumitaw na kulay blue na ilaw.


“Zico! Zico! May bago kaming wand!”tawag naman ni Ruki kay Zico habang pababa ito galing sa itaas ng cabin.


“Mas maganda palang gamitin ang bakal kesa sa kahoy na wand.”wika ni Kris.


“I agree with you.”sangayon naman ni Gabe.


Lahat sila ay napatingala sa langit ng may marinig silang ingay ng isang agila. Napahinto sa pag-hakbang pababa si Zico at otomatiko nyang sinalo ang isang naka-rolyong papel na inihagis sa kaniya ng agila. Matapos sa kaniyang maibigay ang papel ay agad dinng lumipad palayo ang agila.


“Ano yan?”kunot nuong tanong ni Ren.


Tinanggal ni Zico ang tali para mabuksan ang naka-rolyong papel saka nya ito sinimulang basahin. Matapos basahin ang sulat ay napabuntong hininga sya.

“Jerim ikaw muna bahala dito. Ruki, samahan mo ko sa palasyo ng Tir Na Nog.”saad nya sa seryoso nyang mukha.


“Aye captain!”sumaludo pa si Jerim.


“Teka---Zico, sino gagamit ng spell papunta dun?”worried na tanong ni Ruki.


“Ikaw! Sayo tinuro yan eh.”


“Pero---ngayon ko pa lang susubukan 'to eh.”hindi sumagot si Zico. Sa halip ay hinatak na nya si Ruki at humawak na sya sa mga braso nito.


“Sa Palasyo ng Tir Na Nog.”utos nya.


“O---okay.”


Liquescoilang segundo lang ay bigla na silang nag-laho. Sabay silang bumagsak sa lapag malapit sa hagdan papasok sa palasyo. Nauna ang likuran nila at may kataasan ang pag-bagsak nila kaya naman medyo masakit.


“Aray naman! Ni hindi mo man lang piniling bumagsak sa malambot na lugar!”inis na sabi ni Zico habang iinat inat itong tumayo. Napakamot naman sa ulo si Ruki.


“Sorry.”


“Mag-focus ka kasi sa susunod!”saka nag-patiuna si Zico papasok sa loob ng palasyo.


Habang nag-lalakad sila sa lounge ng palasyo ay hindi maiwasang mapahanga si Ruki. Yun lang kasi ang unang beses na nakapunta sya sa palasyo ng Tir Na Nog mula ng isama sila ni Jerim at Zico sa pag-lalayag nila.


“Di ko inaakala na may ganito pala talagang lugar! Ang ganda naman dito!”wika ni Ruki. Umakyat sila sa itaas haggang sa nasa corridor na sila ng palasyo. Pumasok sila sa isang malaking pinto na mayroong naka-bantay na dalawang kawal at may hawak na sibat ang mga ito.


Sa loob ay nasalubong ni Zico at Ruki ang dating druid ni Zico na si Semias. “Prinsepe Zico!”halata sa mukha ni Semias ang saya ng makita nya ang dating Prinsepe na prinotektahan nya.


Naroon din si Uisias ngunit wala ang dalawang bagong druids dahil kailangan nilang mag-punta sa Ministry of Magus and Praecantrix upang maging opisyal silang Druids ng apat na kaharian. Sa sofa ay naroon nakaupo ang dalawang Prinsesa at si Prinsepe Rome. Sabay sabay silang napatayo. Makikita ang takot at pag-aalala sa mukha nila ng lumapit si Zico sa kanila.


“Zico.”di na napigilan pang mapaiyak ni Prinsesa Hara, niyakap na lang sya ni Zico para i-comfort. Maging si Prinsesa Gyuri ay napaiyak na rin samantalang tahimik lang si Prinsepe Rome.


“Kamusta ang lagay nya?”alalang tanong ni Zico.


“Hindi maganda ang lagay nya. Nang-hihina sya ng nang-hihina habang lumalaki ang tyan nya.”si Prinsesa Gyuri na ang sumagot ng tanong ni Zico. Ilang saglit pa ay lumabas sa isa pang silid si Prinsepe Arke. Nag-bigay galang si Zico nang makita nya ito.


“Prinsepe Zico. Maraming salamat sa pag-punta. Pinadala ko ang sulat na yun dahil gusto ka nyang makita. Nag-hihinatay sya sayo ngayon.”malungkot na wika ni Prinsepe Arke. Tumango si Zico, binitawan nya si Prinsesa Hara tapos ay magalang syang pumasok sa loob ng kwarto.


Sa loob ay nakita nyang nakaratay sa kama si Goddess Danann, hawak nito ang lumalaking tiyan. Nginitian sya ni Goddess Danann ng makita sya nito. Hindi naman magawang ngumiti ni Zico dahil sa nakita nyang kalagayan nito. Nang lumapit sya ay doon nya lang nasilayan ang namumutla nitong kutis. Nawala na ang Goddess like feutures nito. Hindi na ito gaya ng dati. Malaki ang pinayat nito at halatang hinang hina na ito.


“Prinsepe Zico.”ngumiti ulit ito. Inilahad nito ang mga kamay nito at agad naman iyong inabot ni Zico.


“Kamusta na po ang pakiramdam nyo?”tanong nya, pinipilit nyang itago ang lungkot sa boses nya pero lumalabas parin ito.


“Huwag kang mag-alala. Magiging ayos din ang lahat.”natawa si Goddess Danann. “Hindi lang talaga kaya nang katawan ko ang lakas ng batang dinadala ko. Kaya nang-hihina ako. At isa pa.”saglit na huminto sa pag-sasalita si Goddess Danann, “Simula nang mag-buntis ako ay hindi ko na isinuot ang Stone of Destiny.”dugtong nya.


“Pe---pero bakit po? Kaya naman pala nang-hihina kayo. Dapat nyong suotin yun para naman gumaling na kayo.”


Umiling si Goddess Danann sa suggestion ni Zico. “Hindi ko maaring suotin iyon dahil makaka-apekto iyong sa pag-bu-buntis ko.”kinuha ni Goddess Danann ang Stone of Destiny sa side table at inabot ito kay Zico. Kwestyonable naman itong tinangggap ni Zico. “Maari mong hawakan iyan dahil napili ka ng bato.”


“A---ano pong gagawin ko dito?”


“Gusto kong itago mo iyan.”


“Pero bakit sakin?”


“Dahil alam kong hindi mo pababayaan iyan.”


Hindi sumagot si Zico, sinundan nya lang ng tingin si Goddess Danann ng may kuhain muli itong maliit na vial na may lamang maliit na parang pearl at naka-lubog ito sa tubig. Inabot din ito ni Goddess Danann kay Zico.


“May hihilingin sana ako sa iyo.”saad nya.

“Ano po yun?”


“Maaari mo bang dalhin iyan kay Haring Brai? Alam na niya kung ano ang dapat gawin diyan.”muling hinawakan ni Goddess Danann ang kamay ni Zico. “Prinsepe Zico, umaasa ako sa iyo.”









***

TATLONG araw nang hindi pumapasok si Prinsesa Hara simula ng malaman nila ang kalagayan ni Goddess Danann. Nag-aalala na rin si Prinsesa Gyuri para sa kaibigan dahil baka sa sobrang stress nito ay mag-kasakit na rin ito. Kaya naman pag-tapos ng klase ay napag-pasyahan nitong bisitahin ang Prinsesa.


Kasama ang bagong druid nyang si Esras ay dinalaw nga nila ang Prinsesa. Malungkot ang mukha ni Uisias ng salubungin sila nito sa entrance ng palasyo.


“Uisias, kamusta si Prinsesa Hara?”


“Hanggang ngayon ay apektado parin siya sa nang-yayari kay Goddess Danann ngayon Prinsesa Gyuri.”malungkot ang tono ng boses ni Uisias habang sinasabi nya iyon.


Napabuntong hininga na lang si Prinsesa Gyuri. “Nasan sya ngayon?”


“Nasa kaniyang silid. Hinihintay nya po kayo doon.”


“Salamat.”


Sinamahan sila ni Uisias papunta sa kwarto ni Prinsesa Hara. Pero si Prinsesa Gyuri na lang ang mag-isang pumasok sa loob. Naabutan nyang nakahiga lang sa kama nito si Prinsesa Hara. Halatang stress na nga ito sa mga nang-yayari at mukhang hindi ito nakakatulog ng maayos.


Lumapit sa kaniya si Prinsesa Gyuri at naupo ito sa tabi nya. “Kamusta ka na? Bakit di ka na pumapasok? Hinahanap ka na ni Professor Eli.”


Bumuntong hininga si Prinsesa Hara. “Nahihirapan akong kumilos pag naiisip ko yung lagay ni Goddess Danann.”hindi na lang nakasagot pa si Prinsesa Gyuri dahil gaya ni Prinsesa Hara ay sobrang nalulungkot din sya sa nang-yayari ngayon kay Goddess Danann.


Sabay silang napalingon sa likuran nila ng may marinig silang matigas na bagay na nahulog. Bumangon si Prinsesa Hara para alamin kung ano yun. “Ang Crystal Ball ko!”saad nya tapos ay madali syang tumayo para kuhain ito sa lapag. Nang hawakan nya ito ay bigla na lamang itong kumislap. Sabay ulit silang napapikit dahil sa silaw.


Pag-dilat nila ay bumulaga sa kanila ang mukha ni Goddess Danann sa bolang kristal. Kausap nito si Haring Brai at naroon sila sa tent ni Sidh. May inabot si Goddess Danann na dalawang maliit na vial kay haring Brai na mayroong kulay pulang liquid sa loob.


“Dugo iyan ng dalawang Prinsesa. Gusto kong humanap ka ng Vulgus na maaring mag-dala ng anak nila.”saad ni Goddess Danann kay Haring Brai.


“Pero para saan pa 'to Goddess Danann, kung pwede namang sila na lang ang mag-dala ng mga anak nila?”naguguluhan naman tanong ni haring Brai ng kuhain nya ang dalawang vial.


“Malalaman mo rin pag dumating na ang araw na iyon. Ang mga bata na iyan kasama na ang anak ni Prinsepe Zico. Sila ang kayamanan ng Tir Na Nog. Dadating ang panahon babalik sila para muling buhayin ang kaharian ng unang dimensyon. Kailangan ko silang itago sa mga pwedeng manakit sa kanila. Kailangan silang ingatan. Haring Brai. Umaasa akong hindi mo sila pababayaan.”hindi nakasagot si Haring Brai dahil inaanalisa pa nya ang bawat sinabi ni Goddess Danann. Pero muling nag-salita si Goddess Danann kaya nawalan sya ng focus.


“Nais ko rin humingi ng patawad sa iyo. Nang dahil sa akin ay malalayo sa iyo ang iyong kapatid.”


“Wala po sa akin yun! Nakikita ko naman na masayang masaya si Kuya. Kaya masaya na rin ako para sa kaniya.”


Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Goddess Danann. Matapos ang usapan na iyon ay biglang nag-iba ulit ang ipinakita ng bolang kristal. Ngayon ay si Haring Brai na lang mag-isa. Nasa hospital sya dala ang dalawang vial na ibinigay sa kaniya ni Goddess Danann. At gaya nga ng sinabi sa kaniya humanap nga sya ng maaring salinan ng dalawang dugo na iyon.


Dahil si Haring Brai ang Doctor ng dalawa sa pasyente na manganganak hindi na ganun kahirap sa kaniya na i-inject lang ang dugo sa katawan nila at sa ilang saglit lang ay balot na ng dugo ng dalawang Prinsesa ang anak na dinadala nila. Sa ilang saglit pa ay hindi na nila ito opisyal na anak kundi anak na ito ng dalawang Prinsesa.


Ilang saglit pa ay muling nag-iba ang bolang kristal. Ngayon ay mukha na ni Prinsepe Rome ang naroon. Ikinagulat ng dalawang Prinsesa ang mga sumunod na nakita nila. Halos hindi sila makapaniwala. Hindi sila maka-pagsalita dahil hindi nila akalain na ang Prinsepe Rome na naroon sa kristal ball ay iba sa Prinsepe Rome na nakilala nila. Napasapo na lang sa bibig si Prinsesa Hara habang si Prinsesa Gyuri naman ay hindi na napigilang mapaiyak.







***

BUMATI si Prinsepe Rome kay Prinsepe Arke ng masalubong nya ito sa corridor ng school. Papunta kasi ngayon si Prinsepe Arke sa potion professor para humingi ng gamot habang si Prinsepe Rome naman ay kagagaling lang din doon. Huminto si Prinsepe Arke bago nya tinawag ang pangalan ni Prinsepe Rome.


“Prinsepe Rome.”tawag nya sabay lingon sa Prinsepe. Napahinto din si Prinsepe Rome, pero ilang segudo pa bago nito lingunin si Prinsepe Arke.


“Prinsepe Arke?”magalang nyang sagot.


Ilang segundo rin bago nag-salita ulit si Prinsepe Arke. “Gusto mo bang malaman kung bakit si Prinsepe Zico at hindi ako ang pinipilit ni Goddess Danann na maging Hari?”wika ni Prinsepe Arke sa seryoso nyang boses.












Hindi man sabihin pero halata sa mukha ni Prinsepe Rome na interesado syang malaman ang totoo. Pero ang nakapag-tataka ay kung bakit sasabihin ni Prinsepe Arke ang tungkol sa bagay na iyon? Dahil ang alam nya ay isang sikreto iyon na iniingat ingatan ni Goddess Danann.


“Bakit?”yun na lang ang tumatak sa utak nya sa mga oras na yun.









To be continued ...



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^