Sunday, March 31, 2013

Worst Feeling Ever!!!


Worst Feeling Ever!!!

        Alam mo yung feeling na parang walang kwenta yung buhay mo? Yung walang nakaka-appreciate sayo, yung feeling na parang hindi ka nage-exist sa mundong ito? Pwes ako, alam na alam ko!


        Hindi ko alam kung bakit, but I really feel so alone, I really feel na walang kwenta lahat ng ginagawa ko. Ma-drama pero iyon talaga eh!

        Ewan ko ba, feeling ko talaga walang nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko, parang wala silang kwenta lahat. Minsan nga naisip ko, itigil ko na lang kaya ang ginagawa ko tutal wala rin naman akong napapala. Hindi na ako magsusulat, trabaho at pahinga na lang ang gagawin ko sa buhay ko.

Ang arte ko diba, pero pasensya na lang kasi yan talaga ang nararamdaman ko. Ayokong lokohin ang sarili ko! Siguro kasi every writer wants to hear something from his/her readers, meron naman ako nun pero parang may kulang. Well siguro kasi may kulang din dun sa ginagawa ko. Gusto kong bumalik yung panahon na nagsisimula pa lang akong magsulat ng stories online, kasi iyon yung time na wala akong pekelam kung may nagbabasa man o nagco-comment sa ginagawa ko. Pero habang tumatagal pala, gugustuhin mo talaga na makarinig mula sa iba. I don’t care if you’ll criticize my works, if you’ll praise it, basta gusto ko lang na may mabasa mula sa bumabasa ng ginagawa ko.

Gusto kong bumalik yung time na yon kasi noon, hindi pa ganong kagulo ang isip ko. Nawawalan na ako ng ganang magsulat, hindi na ako katulad ng dati. I want to reach the expectations of my readers, pero gusto ko rin naman na umiba ng linya. Ayokong matali sa iisang genre lang, pero habang ginagawa ko yung gusto kong isulat, nawawala yung mga bumabasa ng gawa ko.

Tung inu naman oh, para ‘kong bakla sa kaartehan ko, pero seryoso ako. Nauubos na yung laman ng utak ko, wala na akong mailabas na nakakatuwa, nakaka-kilig na kwento. I want to write a matured story, pero nahihirapan din ako. I don’t know how to give an ending to all the stories I’m writing, kaya siguro wala pa akong natatapos na series kahit isa. Meron naman pala, pero open-ended naman, may part two pa dapat pero hindi ko naman magawa.

Gusto kong magpahinga sa pagsusulat at magbasa na lang ng magbasa. Pero kapag naman nakakabasa ako ng magagandang kwento, gusto ko na namang magsulat. Kapag wala ako sa harap ng laptop ko ang dami kong naiisip, pero kapag ayan na naglalaho silang lahat na parang bula.

Alam ko nahihirapan kayong intindihin ako, kasi kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyare sa buhay ko, lalo na sa pagsusulat ko.

Inaamin ko, minsan naiinggit talaga ako sa mga writers na maraming nagbabasa ng gawa nila. Siguro kasi sanay silang makipag-communicate sa readers nila, at iyon ang wala ako. I don’t know how to express my feelings thru words, I can’t find the right words to say how and what I really feel. I can say na wala akong kwentang writer dahil naiinggit ako, na hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko. I keep on disappointing myself, and I really hate myself because of that!

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko eh, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Gusto kong magsulat, pero gusto ko ring magpahinga. Gusto kong may mabasang comment, pero hindi ko naman nasasagot. Gusto kong umiba ng genre, pero hindi ko naman magawa ng maayos. Pachuchay na buhay to, ang gulo-gulo ko!

Gusto kong magpahinga, pero kapag nakatunganga lang ako sa harap ng pc at nagbabasa gusto kong bumalik kahit wala pa sa hwisyo ang utak ko. Kaya ang resulta, nakakagagong kwento, walang kwentang kwento!

Ang baliw ko lang diba, pinipintasan ko yung sarili ko, sinasabi ko sa inyong lahat na wala akong kwentang manunulat, na walang patutunguhan ang ginagawa ko na to. Pero yung totoo, hindi ko alam kung matapang ako kasi nasasabi ko to, o kung baliw lang talaga ako! Pero alam nyo ba kung ano pa ang mas nakakatawa? Nangangarap pa akong magsulat ng manuscript na pwede kong ipasa sa isang publishing company ng isang tagalong romance pocketbook. Yun nga lang mga series ko sa blog at wattpad hindi ko na matapos, tapos gagawa na naman ako ng panibagong disappointment, ng bagong problema.

Babalitaan ko na lang kayo kapag pinasok na ako ng magulang ko sa mental, o kaya naman kapag nakaburol na ako! Hahahaha!!! Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung anong plano ko sa buhay ko, sa pagsusulat ko. Mis na mis ko na yung college bestfriend ko, wala akong mapaglabasan ng lahat ng inis ko sa buhay! Kahit gaga yun, mahal na mahal ako nun at naiintindihan nya ako! Princess, isang linggo ko ng hinihintay ang tawag mo!!!


Crazy Big Piggy…
Queen Richelle


P.S.

I already ask Bratty/Aegyo to delete all my on-going and on-hold stories, hindi ko pa nga lang alam if papayag sya. I want to start over again, I want a fresh start. Kung hindi naman sya papayag, ewan ko kung ano gagawin ko sa kanila. 

Temporary unavailable ang utak ko, temporary unavailable ang katawang lupa ko, hindi rin available ang imagination ko.

Pasensya na sa lahat ng nagbabasa ng series ko, pero talagang kailangan ko neto at sana maintindihan ninyo. Kokonti lang kayo pero sana wag pa rin kayong magsawa, at sana pagbalik ko nandyan pa rin kayo.

Sorry and thank you!!!

4 comments:

  1. waaaaahh . same tayo ng nararamdaman ate Queen, yungfeeling na parang may kulang sa mga sinusulat mo. Na hindi ka satisfied sa mga gawa mo. wew. kung ganian ang nararamdam mo ate, pano pa kaya ako. e frustrated writer ako, sobrang nakakastress kapag feeling ko walang magandang nangyayari sa mga sinusulat ko. Lalo na kapag narereject yung mga sinusulat ko sa College Inquirer namin sobra yung stress. Pero ate Queen wag mo pong iisipin na hindi maganda yung mga gawa mo. SUPER GANDA po ng mga sinusulat mo. to be honest isa ka po sa mga gusto kong writer dito sa blog. At actually nga po isa ka sa naging inspiration ko sa isang isusulat ko na short novel. Alam mo pa sobrang na feel ko tong sinulat mo na to kasi ganito rin po ako e. Self pity lagi. PEro for sure magiging ok din po yan. Binigyan ka ni GOD ng knowledge at talent kaya magiging ok po yan. siguro nga po kelangan lang ng konting pahinga :)) at after niya. magiging maayos din po :)) Isa ako sa mga maghihintay sa pagbabalik mo ate Queen :)) dahil SUPER GANDA po ng mga stories mo :)) (waaaaah Luh??? ang haba na pala nito) hihih. ^_______________^ GO ATE QUEEN !! hehehe :))

    ReplyDelete
  2. hehe .. for me di na mahala comment nila .. masaya na ko dahil kahit pano may bumabasa ng mga sulat ko .. tsaka imposible naman po na walang nakaka- appreciate ng mga stories mo .. nakita ko po marami kang readers ..


    kung buburahin mo pa lahat ng on-going stories mo sayang naman po yung mga nag-effort na basahin at hinatayin yung UD nyo ..


    once na naumpisahan mo na at may mga nakabasa na or may nakakita na .. you have no choice but to continue .. wala ka na po dahilan para huminto kasi may mga nag-effort na rin po para sayo ee ..


    kailangan din po natin isipin yung readers .. to be honest po di lang halata pero yung Fiction and Fact ko na kwento mali po yung kabuuhan ng kwento .. pero since marami na pong nag-abang at nag-basa wala na kong magagawa kundi ipag-patuloy yun .. ginawa ko na lang po yung makakaya ko para kahit pano matama ko yung kwento ..


    alam ko po yung feelings na nararamdaman mo ngayon .. at hindi lang po tayo or si weak mae yung nakakaramdam ng ganito .. alam ko po lahat tayo dito even si IDOL AEGYO naranasan yung ganitong pakiramdam .. pero we have no reason to stop dahil lang po kaonti or walang nakaka-appreciate ng ginagawa natin ..


    kung naniniwala ka po sa talent mo na yan .. wag ka po huminto .. wag mo po burahin mga on-going stories mo .. siguro hindi pa po ito yung time para mag-shine ka .. :DD it takes a lot of time and effort po para makuha mo yung gusto mo .. kasi po the more na gusto mo makuha yung goal mo the more na icha- challenge ka ..


    isipin mo na lang po na challenge 'to sayo .. kaya kung susuko ka po .. paulit ulit lang po mang-yayari sayo 'to ..


    sulat lang po ng sulat .. kung passionate ka po sa ginagawa mo hindi ka mapapagod kahit na wala o onti man ang nakaka-appreciate ..





    sinasabi ko lang po 'to as you co-author and friend ..sana po wag ka po magalit .. :DDD

    ReplyDelete
  3. O_O ??????????? malaking pasabog talaga to!! mas malakas pa nung sumabog ang Mt. Pinatubo!! wait ka lang 2m ate josa ko sa bongga kong comment.. im not in myself kasi right now, plakda pa galing prctice.. ngayon palang prang naiiyak na ako.. how much more if im going to write my comment na.. oh i know,emotera kasi ako..

    ReplyDelete
  4. i know the feeling ate.. all of us nman siguro naka experience ng loneliness.. it can't be help.. that just proves that we are human... we long to be loved, appreciate, and to be pleased..

    i think ate your just burnt out.. u just need to take a break for awhile.. sayang nman ate if you would delete all of your stories.. if you didnt notice, a lot of people love ur stories and waiting for your Uds.. you're an amazing writer.. dnt give up,coz you're soo good! u inspire others to bring out the best into their crafts,including me..

    please dnt stop writing,please continue your beloved craft.. writing is a part of you,dnt let it go.. you've already started those stories and they are products of ur wild imagination,they came from you.. and again they are already a part in you.. mybe right now,that's what you feel, but somehow, somewhere or someday,you'll miss your beloved characters and the story itself.. this is just a challenge ate.. kaya mo yan,ikaw pah..

    u love writing right? if you love something,u'll never get tired of it.. that's how powerful love is.. dnt worry.. in God's perfect time, everything will fall into place.. Dont lose hope..

    im just here ate.. always on support.. and put this kung saan mang mei space sa alog mong brains na,i always appreciate you and your stories.. eeh!cheesy.. nauumay na ko.. hahha..

    pahinga mo muna yan.. hanap ng insparaytion! or should i say baka kulang ka lng ng lovelife that's why your acting like that.. hahaha.. jz kidding.. we'll be waiting.. ^___^ iluubyuuu!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^