Saturday, April 20, 2013

Love at Second Sight : Chapter 59


CHAPTER 59
( Princess’ POV )


2:OO am



Ipinarada niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada. Buti na lang at mapuno. Maitatago no’n ang kotse niya. Buti na lang din at hindi masyadong madilim. Hindi din masyadong maliwanag. Sakto lang ang liwanag ng buwan ngayong gabi.



Katulad ng suot niya ng pinasok niya ang bahay nila Aiza. Naka over-all black siyang outfit, pati rubbershoes niyang suot. Nagpalinga-linga siya sa paligid niya. At payukong tumakbo papunta ng factory. Medyo malayo ang tinakbo niya pero okay lang.



Nakarating siya ng likod ng factory. Sa likuran ng restroom na pinasok niya kanina. O mas tamang sabihin kahapon ng umaga. Umupo siya at nagpalinga-linga bago isuot ang bonnet niya. Buti na lang at abot niya ang bintana. Tinanggal niya ang takip no’n. At inilapag sa tabi niya.



Sumilip muna siya sa loob. Sinubukan niyang hindi gumawa ng ingay ng pumasok siya sa bintana. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan siyang mapasok sa loob ng cubicle. Inilabas niya ang mini-flashlight niya. Sumilip siya sa labas ng restroom. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nang masiguro niyang walang tao ay lumabas na siya ng restroom.



Nasa tabi siya ng pader habang naglalakad. Huminto siya sa paliko at sumilip sa kaliwa. Yun ang daan papunta ng factory. Nang wala siyang makita ay dumeretso siya ng lakad. Papunta sa kwartong sana ay papasukin niya kahapon. Naka-lock ang pintuan. Pero okay lang. Magaling siyang magbukas ng pintuang naka-lock.



Click.



Napangiti siya ng tuluyan niya ‘yong mabuksan. Akmang bubuksan na niya ‘yon ng biglang may kamay tumakip sa bibig niya. Nanlaki ang mata niya. Nabitiwan niya ang flashlight niya.



“Wag kang maingay.”



Napalunok siya. Pero natigilan din siya nang may pumasok sa isip niya. Kung nagkataong nahuli siya, dapat hindi ito ang gawin sa kaniya. Dapat nga sumigaw na ito. Pero hindi.



“Ikaw ba ‘yan?” lakas-loob na tanong niya.



“Yes, it’s me.”



Nakahinga siya na maluwag. Humarap siya dito ng makarinig siya ng mga yabag. Mabilis niyang kinuha ang flashlight niya at hinila ito papasok ng kwarto. Pinatay niya ang ilaw ng flash light niya. “Patayin mo ‘yang sa’yo.” bulong niya dito.



“Bakit?”



Inagaw niya ang flash light dito. Siya na ang nag-off. Bumaha ang dilim. Pero may liwanag pa ring nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto. Nakiramdam siya sa labas. Sumilip pa nga siya.



“Anong ginagawa mo?” tanong ni Ash sa kaniya.



“Shhh...” Maya-maya ay may narinig na uli siyang yabag. May flashlight na gamit ang mga ito. Mga. Dahil narinig niyang nag-uusap ang mga ito. Mukhang galing ang mga ito sa restroom. Syete! Sana hindi nila napansing nawawala ang takip ng bintana sa isang cubicle. Sinarado niya ang pintuan.



“Wala na sila.” bulong niya.



“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ash.



Ini-on niya ang flash light niya. At mabilis na inilibot sa loob ng kwarto. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nakilala kanina?”



“Anong ginagawa ko dito? Katulad ng dahilan mo. How did I know you? Nahulaan ko lang.” Itinapat niya ang flashlight dito. Gano’n din ang ginawa nito. “Sa’n ka dumaan?” tanong nito.



“Sa restroom.” Lumapit siya sa table at naghanap ng kung anong pwede niyang makita. “Bakit ba kung nasa’n ako, nando’n ka din?”



“Bakit ba kung nasa’n ako, nando’n ka din?”



Tiningnan niya ito ng masama. Nasa bookshelves ito. “Gaya-gaya ka talaga.”



“Shhh… wag kang maingay. Maghanap ka na lang dyan at baka mahuli na tayo dito. At siguraduhin mo lang na mabilis kang takbo pag nahuli tayo.”



Tumahimik na siya. At tinutok ang atensyon sa paghahanap niya. Binuksan niya ang dalawang drawer sa table. Papel lang ang nando’n at... may picture siyang nakita. Kinuha niya ‘yon.



Si papa ‘to, ah. At si... Tiningnan niya ng mabuti ang katabi ng papa niya. ...Mr. Alex? Magkaakbay ang dalawa sa picture at parehong nakangiti. Mukhang close na close ang dalawa. Kaya din palang ngumiti ni Mr. Alex? Pero bakit ngayon? Parang napakadamot nitong ngumiti.



Kumunot ang noo niya ng may mapansin siya sa picture. May batang may hawak na stuffed toy na nakatago sa isang puno. Ako ‘to, ah.



“Uy, ano ‘yan?” Hindi niya namalayang nakalapit na si Ash sa kaniya. Inagaw nito ang picture frame. “Sino ‘to? Oh! Ang cute nung bata, ah. Ang sarap panggigilan ng pisngi.”



Inagaw niya dito ang picture frame. “Wag ka ngang pakialamero.”



Nakita niyang ngumiti ito. “Parang siya, hindi nangingialam. Hindi din naman sa’yo ‘yan.”



Ibinalik niya ang picture frame sa drawer at pumunta sa cabinet. Inisa-isa niyang buksan ‘yon. Pero mukhang wala naman siyang makikitang clue do’n. Ano ba kasing clue ang dapat niyang hanapin? Umupo siya sa upuan.



“Ano? May hanap ka?” tanong ni Ash.



“Ano bang dapat kong hanapin?” Akala niya kasi may makikita siya dito. Pero mukhang wala naman. Simpleng office lang naman pala ‘to.



“Hindi mo alam, pero nandito ka.”



“Ikaw may nahanap ka ba? Mukhang wala din naman.”



Nakarinig sila ng tunog ng sasakyan. Tunog ng truck. Sabay pa silang sumilip sa bintana. Pero hindi nila matanaw ang truck.



“Sa labas.” sabi ni Ash. Sabay pa silang lumapit sa pintuan at nagkauntugan.



“Aray naman!” madiing bulong niya.



“Aray din kaya.”



Lumabas na sila ng kwarto. At dahan-dahang humakbang papasok ng factory. Walang tao. Hindi na nila ginamit ang flashlight nila dahil may liwanag na nagmumula sa malaking bintana ng factory. Payukong humakbang si Ash habang nagtatago sa mga makina. Sumunod din siya dito. Lumapit ito sa isang pintuang bahagyang nakabukas. Pumwesto siya sa likuran nito.



“Anong nakikita mo?” tanong niya ng pabulong.



“Shhh...” Umusod ito para makita niya.



Mukhang bodega ang nasa likod ng pintuan. Dahil may sinasakay na mga stuffed toy sa likuran ng truck pero ang pinagtataka niya ay bakit madaling araw kinokolekta ng mga ito ang mga stuffed toy. Mas kumunot ang noo niya ng marinig niyang nagsalita ang isa.



“Bilisan ninyo ang kilos. Ayaw ni Master ng babagal-bagal.” utos nito.



Ang boses niya! Bakit parang narinig ko na?



“We have to get out of here. Hindi maganda ang kutob ko.” bulong sa kaniya ni Ash.



“Ay!” Tinakpan niya ang bibig niya. May gumapang na ipis sa paa niya!



“Ano ‘yon?”



“Tingnan ninyo! Bilis!”



Mabilis din siyang hinawakan sa kamay ni Ash at hinila sa likod ng isang malaking makina para magtago. Hawak pa rin niya ang bibig niya. Pigil niya ang paghinga niya. Humigpit ang hawak sa kaniya ni Ash ng marinig niya ang yabag papalapit. Sa kanila. Hanggang sa huminto ‘yon. Malapit sa kanila. Lihim siyang nagdasal na wag sana silang makita nito.



Hanggang sa marinig niyang umalis na ang taong ‘yon. “Wala hong tao. Isang malaking daga lang ang nakita ko.”



Narinig niyang sabi ng taong ‘yon. Kasunod no’n ay narinig niyang nagsarado ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag. Napasandal siya sa balikat ni Ash sa sobrang relieve.



“Maya ka na sumandal, iha. Umalis na muna tayo dito.” Inalis niya agad ang pagkakasandal dito. “Paano ‘yan? Sa’n tayo dadaan? Sa bodega ako dumaan kanina.” bulong nito.



“Sa restroom tayo.” bulong niya. “Sumunod ka sakin.” Sumunod naman ito sa kaniya hanggang sa makarating sila ng restroom. Saka lang niya napansing hawak pa rin nito ang kamay niya. “Ba’t nakahawak ka pa rin sakin?” Bumitaw siya dito.



“Oh! Hinila mo kaya ako. Ito talaga. Pinapasa sakin ang kasalanan niya.”



“Pwede ba wag kang ngumiti?” madiing bulong niya. “Muntik na tayo do’n kaya wag kang ngumiti.”



“Sorry naman po.” Pero nakangiti pa rin ito.



Pumasok na lang siya sa cubicle sa dulo. “Dito ako dumaan.”



“Dyan? Ikaw lang ata ang kasya dyan, eh.”



“Kung ayaw mo, wag mo. Basta ako, aalis na dito.”



“Ang sama naman nito. Iiwan ako dito.”



Nakonsensya naman agad siya. “Sige na. Ikaw muna ang mauna. Itutulak kita kung hindi ka kasya. Bilis na.”



“Yes, madam.” Sumuot ito sa bintana. Hindi nga ito kasya. Kaya itinulak niya ito.



“Pilitin mong makapasok.”



“Ang sikip nga.”



“Sa susunod kasi, mag-diet ka.”



“Hindi ako mataba. Palibhasa payat ka kaya feeling mo mataba ako.”



Sa inis niya dito. Itinulak niya ito ng ubod ng lakas. Prente nakapasok ito.



“Aray!”



Sumilip siya sa bintana. Para itong palakang nakadapa sa damuhan. Hindi niya mapigilang matawa ng mahina. Sumunod siya dito. Saka niya naisip na wala siyang hahawakan. Baka magaya siya dito. “Uy! Tumayo ka dyan! Bilis! Tulungan mo ko dito!”



“Ayoko nga.” Umupo ito ng maayos at humalukipkip. “Tinulak mo na nga ko, pinagtawanan mo pa ko. Kaya pagtatawanan din kita.” Ngumiti pa ito. “Bilis. Labas na. Baka abutan ka nila dyan sa loob. Hala ka.”



Mukhang wala itong balak na tulungan siya. At ayaw din niyang may makakita sa kaniya sa loob. Pikit-matang lumabas siya ng bintana. At ang anong pigil ng tawa nito ng mapadapa siya sa damuhan na parang palaka. Bumunot siya ng damo at hinagis dito. “Bwisit ka!” Kinuha niya ang takip ng bintana at ibinalik. “Dyan ka na nga!” Tumakbo na siya pabalik ng kotse niya. Sumunod ito sa kaniya.



“Karerahan tayo, Princess.”



Napahinto siya. “Baliw ka ba? Nakita mo na ngang muntik na tayo kanina may balak ka pang makipaglaro?”



“Muntik na nga tayo. Kung nahuli tayo do’n, hindi natin magagawa ‘to diba? Ang mahuli, may malaking pigsa sa pwet.”



”What?!” Tumakbo na ito. “Ang mahuli, may malaking pigsa sa pwet?” ulit niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit niya pinatulan ang sinabi nito dahil mabilis siyang tumakbo pasunod dito.



Malapit na ito sa kalsada ng madapa ito. “Lampa!” natatawang sabi niya ng lagpasan niya ito. Una siyang nakatapak sa kalsada. Tinanggal niya ang bonnet niya.



“Natanggal lang yung pagkakasintas ko kaya nadapa ako. Kung hindi ako ang nadapa, ako ang panalo.” paliwanag nito sabay tanggal ng bonnet nito. Yumuko ito at inayos ang pagkakasintas ng rubber shoes nito.



Nagkatinginan sila pagkatapos. Hindi niya alam pero parehas silang nag umpisang tumawa. Hindi niya alam kung bakit. Kung muntik na silang mahuli kanina, kung yung para silang palakang sumubsob sa damuhan kanina, o yung nadapa ito habang nagkakarerahan sila.



“You know, what? Marunong ka din naman palang tumawa.” sabi nito.



“Ano ako? Robot?”



“Hindi naman. Para kasing ang sungit-sungit mo.”



“Parang lang.” Binuksan niya pintuan ng kotse niya. “I have to go.”



“Ingat ka.”



“Ikaw din.” Pumasok na siya ng kotse niya ng marinig niyang tawagin siya nito. Lumapit ito sa kotse niya.



“I know that you’re a brave girl. Pero hindi mo na kailangang gawin at ulitin ang ginawa mo ngayon. Mapapahamak ka lang. Hindi ka si wonderwoman o si super girl. Wala kang powers, iha.”



“I know. Hindi ka din si superman. Kung wala ako ngayon, makakalabas ka ba ng factory na ‘yan?”



“I’m an NBI agent. At parang BDO lang ‘yan, I can always find my ways.”



“Yeah, right.” Inistart na niya ang kotse niya.



“I’m serious.” Napalingon siya dito. “Mapapahamak ka lang.”



 “I know. I just—”



“Kung ano man ang nalalaman mo, sabihin mo na lang sakin. Ako ng bahala sa lahat. Trabaho ko ‘to.”



“Pag-iisipan ko pa.”



“Ang tigas ng ulo mo. Buti hindi sumasakit ang ulo ng boyfriend mo sa’yo.”



Naalala niya bigla si Aeroll. Hindi pwedeng malaman ni Aeroll ‘to.



Napakislot siya nang may pumitik sa pisngi niya. “Natahimik ka na dyan.”



Inis na pinahid niya ang pisngi niya. “Wag ka nga!”



“Ang arte naman nito. Naghugas ako ng kamay kanina noh.” Inamoy pa nito ang kamay nito. “Siyanga pala. Thank you uli sa dinala mong food. Pwede ba uling—”



“Neknek mo!”



Pinaandar na niya ang kotse niya.



“Ingat ka!” Natanaw niya ito sa side mirror ng kotse niya na kumakaway pa. Napailing na lang siya.



What a crazy night! Napatingin siya sa relo niya. Or should I say, what a crazy morning!


* * *



2 comments:

  1. wonderwoman and superman.. hahaha.. ang cute na tandem na to..

    ReplyDelete
  2. hwAhihi,,, nAmiss q tO,,, tgAL q diN ndE nkPag-OL ng bonggA at psiLip-siLip LNg aq s upd8s,,, ngAun maraThoN q n itEy,, yeSss!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^