Saturday, April 20, 2013

Love at Second Sight : Chapter 60


CHAPTER 60
( Princess’ POV )


Inilibot niya ang tingin sa paligid niya habang papasok siya sa mansyon nila James kung sa’n ginaganap ang birthday party ng daddy nito.


“Princess.” Sinalubong siya ni James. He kissed her cheek. “You looked stunning tonight.” bulong nito.  Sa totoo lang, muntik na siyang hindi makapunta. Anong oras na siya nagising kanina dahil puyat siya kaninang madaling araw.


“Thank you.” Kumapit siya sa braso nito. Marami nang bisita sa loob. Nakita niya ang daddy nito na may kausap. Pero nang makita siya nito ay agad itong nag-excuse at lumapit sa kanila.


“My Princess!” He kissed her cheek. “You looked stunning tonight!” Mag-ama nga sila ni James. “For sure, maraming maiinggit sa anak ko ngayong gabi.”


“Thank you, Tito. And happy birthday po.” Inabot niya dito ang gift niya.


“Thank you, Princess.”


“Honey.” Ang mommy ni James ang sumulpot.


“Goodevening, Tita.”


Pinasadahan siya nito ng tingin. “Goodevening.” Binalingan nito ang asawa nito. “Honey, can I have you for a second?”


“Kahit buong gabi pa, honey.” Inakbayan ni Tito Eric si Tita Angela. “Enjoy yourself, Princess. Maya na tayo mag-usap.”


“Yes, Tito.”


“Ikaw na ang bahala sa kaniya, James. Don’t make her feel bored.”


“Yes, Dad. I won’t.”


“Honey. Let’s go. Hindi mawawala si Princess.” Inakay na ito ni Tita Angela.


“Pasensya ka na kay mommy.” sabi ni James pagkaalis ng magulang nito.


“Don’t worry. Immune na ko sa mommy mo. I knew from the start the she didn’t like me. Until now pa rin naman.”


“Princess...”


“Hey! We should enjoy this party. Ano ka ba? Isusumbong kita kay Tito kapag na-bored ako.” biro niya.


He smiled. “You want to eat?”


“Sure.” Inakay siya nito palapit ng buffet table. “Hindi pa nga ako kumakain, eh.” bulong niya. “At nagugutom na ko.”


“Nagugutom na kamo ang mga alaga mo sa tiyan.”


“Uy! Nag-joke ka ba? Himala.”


“Did I?”


Natawa siya ng mahina. Natawa din ito.


* * * * * * * *


Katatapos lang niyang kumain ng maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. Lumingon siya likuran niya. Wala siyang nakitang nakatingin sa kaniya maliban sa dalawang babaeng mukhang kanina pa siya pinag-uusapan.


“Princess, are you okay? Kanina ka pa lumilingon habang kumakain tayo.”


Napatingin siya kay James. Tama ito. Simula ng umupo sila sa table at kumain. Naramdaman na niyang may nakatingin sa kaniya.


“I’m okay. Punta lang ako ng restroom, ah.”


“Sure.” Inalalayan pa siya nitong tumayo.


“Thank you.”


“You know, Princess, may nagbago sa’yo simula ng bumalik ka from your vacation.”


“Huh?”


“Lagi kang nakangiti. At isa pa, hinahayaan mo na ang ibang taong tulungan ka kahit sa simpleng bagay, like this. Dati ayaw mong inaalalayan kita dahil ang sabi mo kaya mo na ang sarili mo. Pero ngayon,” He smiled. “Marunong ka na ding mag-thank you.” Naalala niya si Aeroll. “It was because of him, right? That guy.”


Hindi niya namalayang napatango siya. “Yes.” She smiled.


“Ang swerte niya.”


“No. Parehas kaya kaming swerte sa isa’t isa.” biro niya.


“James.”


Napalingon siya sa likuran niya. Ang mommy ni James. May kasama itong babae. At kilala niya ang babae. Nginitian siya nito. “Hi, Princess.”


Ngumiti siya. “Hi, Paige. Kamusta?”


“I’m okay. You looked great.”


“Thank you.”


“Hi, James.” bati nito sa lalaki na tahimik lang na nasa tabi niya.


“Excuse me. Pupunta lang ako ng restroom.” Iniwan muna niya ang mga ito. Dahil kulang na lang sabihan siya ng mommy ni James na umalis muna siya.


Nilingon pa niya ang mga ito. Who’s Paige? She was James’ first love. Kanino niya nalaman? Sa mommy ni James. Kasasagot pa lang niya kay James no’n ng sabihin sa kaniya ni Tita Angela ang tungkol kay Paige.


The first time she met Paige, four months na sila ni James at kagagaling lang ng babae sa France. Dahil na rin kay Tita Angela kaya sila nagkita na mukhang sinasadya talagang ipakilala sa kaniya. Napansin na niyang iwas dito si James o mas tamang sabihing hindi ito masyadong pinapansin ni James. Tinanong niya ang lalaki no’n kung bakit, hindi nito sinabi ang dahilan dahil ayaw na daw nitong pag-usapan pa. Hindi na siya nangulit pa.


Besides, naging okay ang unang pagkikita nila ni Paige. She’s a sweet person. A good person. Palangiti din ito. Approachable. Lady-like kung kumilos. Parang hindi makabasag pinggan. Yung tipong kahit sinong lalaki, gugustuhing alagaan ito. At kaya siguro ito nagustuhan ni Tita Angela. At siya, hindi. Dahil sa totoo lang, medyo kabaligtaran niya ito.


May tiwala naman siya kay James kahit wala itong sinabi o kinuwento tungkol kay Paige. Hindi naman kasi ito yung tipong taong pala-kwento sa buhay nito. Lalo na sa mga problema nito.


Sa loob ng isang taong relasyon nila, sa pagdaan ng mga araw, napansin na niyang may kulang. Siguro dahil may mga bagay na hindi nila mapag-usapan. Hindi niya alam kung dahil walang oras o sadyang ayaw lang ng isa sa kanila na pag-usapan. Never din itong nangulit sa kaniya na pag-usapan ang tungkol sa namatay niyang mga magulang, katulad na lang ng hindi niya pagpilit dito na pag-usapan ang tungkol dito at kay Paige. Kaya tumagal ang relasyon nila na parang may tinatago pa rin sila sa isa’t isa. Basta ang alam nilang dalawa, mahal siya nito, mahal niya ito. May tiwala nga sila sa isa’t isa pero may mga bagay naman na hindi nila masabi sa isa’t isa.


Bihira silang lumabas dahil nga busy ito sa company ng pamilya nito. Madalas pa, nakaka-cancel ang date nila. Kaya nga niya naging close si Tito Eric dahil ito ang pumapalit na ka-date niya kapag hindi siya napuntahan ni James sa restaurant kung sa’n sila mag-de-date.


Wala namang perpektong relasyon. Pero ang relasyon nila ni James dati, hindi perpekto dahil may kulang. May kulang na hindi niya malaman.


She sighed. Humakbang na siya papunta ng restroom. Nakakailang hakbang na siya ng may parang humihila sa kaniyang tumingin sa kaliwa niya. Lumingon nga siya. And there she saw him. Nagtama ang mga mata nila. Walang emosyon ang mukha nito.


“Aeroll?” Hahakbang na sana siya palapit dito ng may nakatabig sa kaniya.


“Sorry, miss.”


“It’s okay.” Agad siyang lumingon sa kaliwa niya. Kumunot ang noo niya ng hindi niya makita si Aeroll. Si Aeroll ba yung nakita ko o naghahalucinate lang ako?


Naghahalucinate ka lang, Princess. Ano namang gagawin ni Aeroll sa party na ‘to? Wag mo kasi siyang masyadong isipin ng hindi mo siya na-mimiss at nakikita sa kung saan. [other self]


She sighed. Dumeretso na siya ng restroom. Matapos makapag-retouch ay lumabas na siya.


“Princess!”  Napalingon siya sa kanan niya.


“Cath? Anong ginagawa mo dito?” May camerang nakasabit sa leeg nito.


Hinila siya nito palayo sa mga tao. “Si Harold ang tanungin mo kung bakit ako napadpad dito.”


As if on cue, ay biglang sumulpot si Harold sa kung saan. “Hinahanap mo ba ko honey? Parang narinig ko ang gwapo kong pangalan.” Napatingin ito sa kaniya. “Princess? Ang ganda mo ngayon, ah! Anong ginagawa mo dito?”


“Kayo? Anong ginagawa ninyo dito?” ganting tanong niya.


“Kinuha kaming photographer sa party na ‘to.” sagot ni Harold.


“Sila lang.” pagtatama ni Cath. “Hinila niya lang ako. Hindi ko alam na dito pala ang party na tinutukoy niya dahil wala naman siyang sinabi.”


“Bakit? Anong problema sa party na ‘to?” nagtatakang tanong ni Harold.


“Wala.” sagot ni Cath. Binalingan siya nito. “Bhest, I saw him.” Kinabahan siya. Parang ayaw na niyang marinig ang sasabihin nito. “I saw Aeroll here.” Si Cath lang ang sinabihan niya ng tungkol sa set up nila ni James. Kaya siguro ng makita nito si Aeroll ay hinanap agad siya nito.


“Nandito si insan? Talaga? Anong ginagawa niya dito? Kasama mo ba siya Princess?”


“Honey, tumahimik ka muna.” saway dito ni Cath.


“Ano ba kasing nangyayari? Sabihin nin—” Tinakpan ni Cath ang bibig ni Harold.


“Bhest, are you okay?”


Umiling siya. “No.” Hindi siya naghahalucinate lang kanina sa nakita niya. Si Aeroll talaga ‘yon! At it din siguro ang nararamdaman niyang kanina pa nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa nito dito? Paanong nakapasok si Aeroll dito? May kilala ba ‘to dito?


Pero ang mas inaalala niya ay ang nakita nito. Magkasama sila ni James! Anong iisipin nito? Walang alam si Aeroll sa set up nila ni James. At kung kanina pa ito nakatingin sa kaniya. Kitang-kita nito ang lahat! Siguradong nag-iisip na ito nang kung ano.


“I need to find him. Now.” Tiningnan niya ang dalawa. “Help me to find him. I need to talk to him.”


“Ano ba talagang nangyayari?” tanong ni Harold.


“Mamaya ko na ipapaliwanag.” Hinila na ito ni Cath.


 Inilibot niya ang tingin. Sa’n niya hahanapin si Aeroll sa dami ng tao?


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )

Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak pumunta ng party kung hindi pupunta si Princess. Kaya para siyang tangang nakaabang sa labas ng subdivision nito at hinihintay ang kotse nitong lumabas.


“Wag sana siyang pumunta. Hindi sana totoo...” Napahinto siya ng matanaw niya ang kotse nito palabas ng subdivision. Inis na hinampas niya ang manibela ng kotse niya. “Bakit, Princess?! Bakit?!”


Inistart na niya ang kotse niya at sinundan si Princess. Gamit niya ang kotse ni King para hindi siya makilala nito. Sa Manila sila nakarating. Hanggang sa makarating sila sa isang exclusive village. Hinanapan siya ng invitation ng guard sa gate ng village, pinakita niya at pinapasok siya. Huminto si Princess sa tapat ng isang mansion. Pinauna muna niya itong makapasok. Bago siya sumunod.


At kitang-kita niya ng salubungin at halikan ito sa pisngi ni James. Kitang-kita niya ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isang lalaki na sa tingin niya ay daddy ni James. Kitang-kita niya ang pagbulong nito nang kung ano kay James at ang pagtawa nito. Pati ang pag-alalay ni James dito. Ang pagkain nito. Ang bawat pagsubo nito. Ang pagiging sweet na James dito. Kahit ang paglingon nito sa gawi niya. Hindi talaga siya nito makikita dahil nakatago siya.


Para siyang stalker sa ginagawa niya. He doesn’t even care. Hindi rin niya mapigilang pagmasdan ito ngayong gabi. She looked so... He sighed.


Nakita niyang tumayo ito. Inalalayan ito ni James. May kung anong sinabi si James kay Princess na ikinangiti nito. Ang ngiti nito na nakikita lang niya kapag kasama niya ito. Kung ano man ang sinabi ni James, ayaw na niyang alamin pa. Tama na ang nakita niya! Hindi siya tanga!


Aalis na sana siya ng makita niya itong umalis at iwan si James kasama ang dalawang babae. Nakilala niya ang isa na mommy ni James dahil ito ang kasa-kasama ng daddy ni James kanina.


Nakita niyang huminto si Princess at nilingon sina James. Hindi na naman niya mapigilang pagmasdan ito. Sinaway niya agad ang sarili niya. Akmang tatalikod na siya ng bigla itong mapalingon sa gawi niya. Nagtama ang mga mata nila. Princess, bakit?! Mukhang nagulat ito na makita siya. May balak pa nga sana itong lapitan siya kung hindi lang ito natabig ng isang babae. Saka lang siya kumilos at umalis.


“Bagay na bagay talaga sila noh.”


“Ang sabi, malapit na daw silang ikasal.”


Huminto siya at hinarap ang dalawang babae. “Sinong tinutukoy ninyo?”


“Oh! Hi, handsome!”


“Sino ang malapit ng ikasal?” pigil ang boses na tanong niya.


“Hah? Oh! Si James at ang girlfriend niya.”


“Ikakasal na ba sila?” tanong ng isang babae.


“I don’t know. Do’n din naman ang punta nila.”


Gigil na iniwan niya ang mga ito. Tinawag pa siya ng mga ito pero hindi niya na pinansin. He should go home. Pero nang malapit na siya sa gate ay napahinto siya. Ganito na lang ‘yon? Aalis na lang ako? No! Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago bumalik sa loob.


And there, he saw her again. Mukhang may hinahanap ito dahil panay ang lingon nito. Malamang, si James ang hinahanap nito!


Gigil na kinuyom niya ang kamao niya. Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Lalo na ng may lumapit ditong lalaki. Mabilis siyang lumapit dito at hinila ito sa gitna ng dance floor.


“Aeroll!”


* * * * * * * *


( Princess’ POV )

Panay ang lingon niya sa mga tao. Pero hindi niya makita si Aeroll.


“Excuse me, miss.”


May lalaking lumapit sa kaniya. “Why?” Mamaya mo na ko kausapin, may kailangan akong hanapin.


“I just want to ask…”


Hindi na niya narinig ang iba pang sasabihin nito dahil may humila na sa kaniya papunta ng dance floor. Nagulat siya ng makilala niya ang taong ‘yon.


“Aeroll!”


“I’m sorry to disappoint you, but I’m not James.” madiing bulong nito. Hinapit siya nito palapit. “Why don’t we just enjoy the music? Bago ka kunin sakin ng boyfriend mo. Palapit na kasi siya dito.”


“Aeroll, let me explain—”


“Explain what?” gigil na tanong nito. “Tama na ang nakita ko, tama na ang narinig ko.”


“No—”


“Yes. By the way, pakisabi sa boyfriend mo, I thank him for inviting me here. I really enjoyed the night.” madiing bulong nito. Iyon lang at walang paalam na iniwan siya nito. Akmang susundan niya ito ng may pumigil sa braso niya.


“Princess.”


Si James ang nalingunan niya. “Bakit, James?” may panunumbat na tanong niya dito.


“Princess...”


Buti na lang at madaming tao, walang masyadong nakakapansin sa nangyayari sa kanila. “Bakit mo pinapunta si Aeroll dito?”


Hindi ito sumagot. Hinila siya nito palayo sa mga tao. Lumabas sila. Sa garden siya nito dinala.


“Kailan kayo nagkita ni Aeroll? Paano?” tanong niya.


“The other day. Pumunta ako sa bahay ninyo. Nando’n siya.”


“Why did you invited him here?” gigil na tanong niya.


“I thought alam niya ang set up natin.”


“But that doesn’t give you the right to invite him here nang hindi ko alam!”


“Princess...”


“Do you know what I felt ng tingnan niya ko kanina na parang ang sama-sama ko?! Kaya pala ang sweet-sweet mo sakin kanina because all along alam mong nandito siya!”


“Yes, you’re right. Sinadya kong imbitahan siya dito. To show him na kaya kitang bawiin sa kaniya. I still love you, Princess. I lied to you ng sabihin kong tanggap ko na. Hindi ko matatanggap ‘yon.”


Madiing niyang pinikit ang mata niya. “If it was not because of your dad, hindi ako papayag. You know how much I love your dad as my father.” Idinilat niya ang mga mata niya. “Ito ba ang ganti mo dahil sa ginawa ko sa’yo?”


Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. “No, Princess.”


“But I deserve this, right? Because of what I did to you. Pero sana...” Hindi niya namalayang tumulo na ang luha niya. “...sana hindi mo na lang dinamay si Aeroll dito. It’s all my fault. I own this heart.” Tinuro niya ang puso niya. “This heart that fell in love with him. Hindi niya ko pinilit na mahalin ko siya...”


Niyakap siya nito. “Yes, Princess. You own your heart. But you’re not the one who decided kung kanino ka mafo-fall. Your heart did.”


Kinagat niya ang labi niya para mapigilang mapaiyak ng tuluyan. “I’m sorry... I’m sorry, James...”


Ilang minuto silang nag-stay ng gano’n ng bigla itong kumawala ng yakap sa kaniya. Nagulat na lang siya ng makita si Aeroll sa likuran nito. Hinila pala ni Aeroll si James palayo sa kaniya. Mas nagulat siya sa sunod na ginawa ni Aeroll. Sinuntok nito si James!


Lumapit siya sa nakaupong si James sa damuhan. Sa lakas ata ng suntok ni Aeroll dito at kabiglaan ay napaupo ito. Dumugo ang gilid ng labi nito. Akmang susugod pa si Aeroll ng pigilan niya ito. “Aeroll! Tama na!”


Kitang-kita niya sa mata nito ang galit. “Magsama kayong dalawa! Mga manloloko!” nanggigigil sa galit na sabi nito bago umalis.


“Aeroll!”


Pinigilan siya ni James. “Princess, dito ka lang.”


Inalis niya ang kamay nito sa braso niya. Kinuha niya ang panyo niya sa pouch niyang dala at nilapat sa labi nito. “I’m sorry, James.” Iniwan na niya ito at sumunod kay Aeroll. Nasalubong pa niya sina Cath at Harold.  Hindi niya pinansin ang tanong ng mga ito. Sa labas ng mansion na niya naabutan si Aeroll. Pasakay na ito ng kotse nito ng pigilan niya ang braso nito.


“Aeroll, let me explain. Kung ano man yung mga nakita mo, hindi totoo ‘yon.”


Tinanggal nito ang kamay niya sa braso nito. “At anong totoo?!” gigil na tanong nito. “Na niloko mo lang ako!”


“Aeroll—”


Sinuntok nito ang ibabaw ng kotse nito. “Bakit hindi mo sinabing kilala mo si Chariz?! Bakit hindi mo sinabing gusto mo lang gumanti sa kaniya kaya sinadyang mong maging malapit sakin?! Bakit hindi mo sinabing kayo pa rin ng James na ‘yon?! Na malapit na kayong ikasal?! Never mong sinabing mahal mo ko! Ginamit mo lang ako! All along, pinasasakay mo lang ako!” Ni ayaw siya nitong tingnan.


“Aeroll, hindi totoo ‘yan!” Nagsimula na namang pumatak ang luha niya.


Tumawa ito ng pagak. “Bakit mo nga pala sasabihin ang mga ‘yon? Ang tanga ko talaga!”


Akmang hahawakan niya ito ng umiwas ito. “Aeroll, look at me. Please.”


“Ayoko! Alam mo bang sa tuwing titingnan ko ang mga mata mo, para akong tangang naniniwala agad sa’yo?!”


“Dahil totoo—” Gigil na hinawakan nito ang balikat niya. Napasandal siya sa kotse nito.


“Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo?!”


Napangiwi siya sa pagkakahawak nito sa kaniya. “Aeroll, nasasaktan ako...”


“At anong tawag mo sa ginagawa mo sakin ngayon?!” pasigaw na tanong nito. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya. Feeling niya, babaon na ang kuko nito. Nasasaktan na siya. Oo. Pero wala na siyang pakialam. Mas nasasaktan siya sa nakikita niya. Aeroll’s hurting. Kitang-kita niya ‘yon sa mga mata nito. At parang hinihiwa ang puso niya sa nakikita niya. Akmang hahawakan niya ang mukha nito. Pero yumuko ito.


“Aeroll...”


“Sinasaktan mo ko, Princess... Sinasaktan mo ko... Hindi ko alam na ganito pala kasakit...” Napatingin siya sa kamay niya ng may maramdaman siyang patak ng luha. Hindi sa kaniya galing ‘yon. Kay Aeroll. Umiiyak ito. Naririnig niya. Pinipigilan lang nito. “Ang sakit... sakit...”


“Aer...”


”Bakit, Princess… Minahal lang naman kita… pero bakit sinasaktan mo ko ng ganito... Bakit ikaw pa... Bakit ginulo mo ang buhay ko...”


Hindi niya maramdaman ang galit sa boses nito. Mas naramdaman niyang parang nanghihina ito. Unti-unti na ring lumuluwag ang pagkakahawak nito sa balikat niya. Hindi na siya makapagsalita dahil nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya. Nasasaktan din siya sa nakikita niya.


“Ayoko na...” Patuloy pa din sa pagpatak ang luha nito sa kamay niya.


“Aeroll...” Hinawakan niya ang mukha nito. Pero mabilis itong lumayo sa kaniya, sumakay ng kotse nito at pinaharurot ‘yon palayo. “Aeroll!” Sinubukan pa niya itong habulin ng may pumigil sa kaniya.


“Bhest.”


“Cath...” Niyakap siya nito. “Habulin natin siya...please...”


“Hayaan muna natin siya, Princess. Kilala ko ang pinsan kong ‘yon. Mas gusto niyang mapag-isa.” Si Harold ‘yon.


Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. “I hurt him...”


“Mukha hindi lang ang nakita niya ngayon ang dahilan kung bakit siya naging gano’n. I’m sure. May iba pang dahilan.” Narinig niyang sabi ni Harold.


“I love him, Cath...”


Hinagod nito ang likod niya. “I know. I know.”


Pero hindi niya alam dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

* * *

3 comments:

  1. aww! kakahurt ang chappy na 2..

    ReplyDelete
  2. OH eeem JIIII!!!! my gass!! grabe nmn tong chappy na to!! waaaahh! ayoko ring umiyak!!! hndi ko kering umiiyak si aerol.. kasi nman eh!

    ReplyDelete
  3. hwaAaaa,,, bKit gaNun atEy,,, aNg skit LNg s dibdiB hA,,, fEeL n feeL q uNg ekSenA,,, aerOLL kAse!!!!!!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^