CHAPTER 61
( Princess’
POV )
“Anong kailangan mo
sakin?” Si Chariz ang sumalubong sa kaniya sa labas ng
hospital.
“I’m sorry to disappoint
you, pero hindi ikaw ang kailangan ko.”
“Kung si Aeroll ang
hinahanap mo, I’m sorry to disappoint you, too, pero hindi siya pumasok
ngayon.”
Lihim
siyang napabuntong-hininga. Out of reach ang phone ni Aeroll ng subukan niya
itong tawagan kaninang umaga. Sinunod niya ang sinabi ni Harold kagabi na
hayaan muna ito. Pero hindi na niya kayang palipasin ang araw na hindi ito
nakakausap. Kaya nga pumunta siya ng hospital ngayon.
“Mukhang may problema
kayo ni Aeroll.” Napatingin siya kay Chariz. Humalukipkip
ito. “Hiwalay
na kayo noh?” Hindi siya sumagot. Nagulat siya ng tumawa ito. “Anong sabi ko
sa’yo? Na maaagaw ko siya sa’yo. And looked at you now. You looked miserable.”
Kinuyom
niya ang kamao niya. Kung pwede lang na manampal ngayon, at dito mismo sa
hospital, binigyan na niya ng mag-asawang sampal ang babaeng ito. Tiningnan na
lang niya ito.
“Anong tinitingin-tingin
mo?”
“Wala naman.” Tinotorture lang kita sa isip ko. Nang
may maalala siya sa sinabi ni Aeroll kagabi. “Can I talk to you?”
“Sure. Break time ko
naman. At kailan ba kita inurungan?” Nauna ito sa kaniya.
Para namang makikipagsabunutan ako sa
kaniya. Sumunod siya dito. Sa parking lot sila nakarating.
Pabor ‘yon dahil walang tao. Walang makakarinig sa usapan nila.
“Anong sinabi mong
kasinungalingan kay Aeroll?” agad niyang tanong dito.
Humarap
ito sa kaniya. At ngumisi. “Gusto mo ba talagang malaman?” Naglakad ito
paikot sa kaniya. “Sinabi ko lang naman na inagaw mo ang boyfriend ko nung
college tayo.”
Nagsalubong
ang mga kilay niya. “What?! Alam mong hindi ‘yan ang totoo!”
“Alam nating dalawa ang
totoo. Pero si Aeroll, hindi. At pinaniwalaan niya ako. Mas pinaniwalaan niya
ako.” Humalakhak
pa ito.
“Nababaliw ka na.”
Tumalikod na siya nang hablutin nito ang braso niya.
“Hindi pa ako tapos.
Marami pa akong gustong sabihin. Alam mo bang gustong-gusto kong nakikitang
nasasaktan ka. Katulad ngayon.” Inilapit nito ang mukha
sa kaniya. “I
told Aeroll na ginamit mo lang siya para paghigantihan ako dahil hindi mo
naagaw sakin ang boyfriend ko no’n. Na lahat ng ‘to ay plano mo.”
“Puro kasinungalingan lang
ang sinabi mo!”
“Just what I told you,
hindi na mahalaga ‘yon. What matters was Aeroll believed me.”
Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya pero mas lalo lang humigpit
‘yon. “Hindi
pa ako tapos. There’s more, Princess.” Ngumisi
ito. Binitiwan nito ang braso niya.
“Ano pa bang sinabi mo
sa kaniya?!” Walang hiya talaga ‘tong babaeng ‘to!
May
kinuha ito sa bulsa nito. At hinarap sa mukha niya. “Taran!” nakangiting sabi nito. “Ang sweet nila
noh?”
Nanlaki
ang mata niya. Ang nasa picture! Siya ‘yon at si James! Kuha ‘yon ng mapadaan
si James sa subdivision nila. In the picture, James kissed her. It was just in
the cheek. Pero kung titingnan ang picture, parang sa labi siya hinalikan ni
James.
Pigil
niya ang galit ng tingnan niya si Chariz. Hanggang tenga ang ngiti nito. Paano
nito nakuhanan ang picture na ‘yon? “Are you stalking me?”
“Napadaan lang ako.”
painosenteng sagot nito. Nag-iba din ang expression ng mukha nito. Para itong
maamong tupa sa bait.
Hinawakan
niya ito sa braso nito. Nanggigigil na siya sa babaeng ito. Nababaliw na ito! “Tell me! What
did I do to you para gawin mo sa kin ‘to, Chariz?” nanggigigil na
tanong niya.
“I’m sorry. I just want
to help Aeroll. Ayoko lang naman na niloloko mo siya. I love him.”
Kumunot
ang noo niya sa pinagsasabi nito. Lalo na ng makita ang mukha nitong
pagka-amo-amo. Pinaglalaruan ba siya nito? Nanggigigil na binitawan niya ang braso
nito. Na ikinagulat niya. Dahil bigla na lang itong napaupo. Hindi naman niya
ito itinulak, ah. Anong arte nito?
“Princess. I’m sorry.
Wag ka ng magalit kung pinakita ko sa kaniya ang picture ninyo ng boyfriend mo. Wag ka na ding magalit kung sinabi ko sa
kaniya na ginamit mo lang siya para paghigantihan ako. Totoo naman kasi diba?”
Sa
totoo lang, ng mga oras na ‘to, iniisip niyang nababaliw na ito. She was acting
like one. Humakbang siya palapit dito. “Hindi ko alam—”
“Stop it!”
Agad
siyang napalingon sa likuran niya. “Aeroll!” Mukha itong walang tulog sa itsura
nito. Hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Nilapitan nito si Chariz.
“Aeroll...”
Parang batang umiiyak na yumakap si Chariz dito.
At
habang nakatingin siya sa dalawa. Parang sinasaksak ang puso niya. At ngayon,
nasagot na ang tanong niya kung bakit biglang nagbago si Chariz kanina. Dahil
nakita nito si Aeroll na paparating. Alam ninyo kung bakit gano’n ang naisip
niya? Dahil hindi lang ngayon ginawa ni Chariz ang bagay na ‘yon. Nung college
sila. Ganito din ang ginawa nito nang tuluyan silang maghiwalay ng boyfriend
niya.
Naalala
niya ang sinabi ni Chariz kanina.
“Alam nating dalawa ang totoo. Pero si
Aeroll, hindi. At pinaniwalaan niya ako. Mas pinaniwalaan niya ako.”
Kuyom
niya ang kamao niya. Mas pinaniwalaan
niya ang babaeng ‘to kesa sakin! Hindi man lang niya ako binigyan ng
pagkakataong magpaliwanag...
Walang
emosyon siyang nabasa sa mukha ni Aeroll ng tingnan siya nito. “Ano ‘to?”
parang batong tanong nito. Parang hindi si Aeroll ang nasa harap niya. Parang
ibang tao ito.
Bakit
pa siya magpapaliwanag kung nakapili na ito ng taong paniniwalaan nito? Para
saan pa ang paliwanag niya? Magsasayang lang siya ng laway. Lalo na ng makita niya
ang ngiti ni Chariz. Na parang nanalo ito sa laban.
Tumalikod
na siya. Ayaw na niyang magsalita pa. Mas masasaktan lang siya. Nang tuluyan
siyang makasakay sa kotse niya ay saka lang niya pinalaya ang luha niya. Nakita
pa niya sa sideview mirror ng kotse niya ng alalayan ni Aeroll si Chariz patayo.
Yumakap pa si Chariz dito.
“I love you that’s why I trust you.”
Iyon
ang sinabi nito sa kaniya ng death anniversary ng papa niya.
“Sinungaling ka, Aeroll...”
Patuloy sa pagdaloy ang luha niya. Itinabi niya ang kotse niya at hinayaang
maubos ang luha niya. Hinayaang maubos ang sakit na nararamdaman niya na
unti-unting humihiwa sa puso niya.
* * * * * * * *
( Aeroll’s
POV )
Nakarinig siya
ng katok sa labas ng kwarto niya. “Aeroll? Pwede bang pumasok?” Boses ng mama niya
‘yon.
Hindi
siya sumagot. Tinungga niya ang beer niyang hawak. Nakaupo siya sa sahig at
nakasandal sa kama niya. Narinig niyang nagbukas ang pintuan ng kwarto niya.
Maya-maya ay umupo ang mama niya sa kama, sa tabi ng kinasasandalan niya.
“Ang sabi ni Manang,
madaling araw ka ng umuwi kanina. Ang sabi mo pupunta lang kayo ng party ni
Princess.”
Tama.
Madaling araw na siya nakauwi dahil inumaga na siya sa kotse niya. Ayaw niyang
pumunta sa bar kaya bumili na lang siya ng alak at nagpakalunod sa loob ng
kotse niya. May hang-over pa nga siya ngayon at wala pa siyang tulog.
“Sobrang sayang party.”
“Ramdam kong may nangyari.
Hindi ka magkukulong dito sa kwarto mo kung wala. At ngayon lang nangyari na
hindi ka pumasok sa trabaho. Umalis ka lang saglit kanina.”
“I gave my resignation
letter to my head. Effective immediately.”
“Aeroll...”
“Sinabi ko na po sa inyo
na bago mag-June, mag-reresign na ko. Ang sabi ko sa inyo no’n, hayaan ninyo
muna ko sa gusto ko. And it’s about time now na tumulong na ko sa negosyo
natin. Sa negosyo ng pamilya natin. Sa negosyo ng Montelagro.”
Nakatitig siya sa kawalan. Gusto lang niyang magsalita. Magsalita ng magsalita.
“Pero Aeroll, alam kong
masaya ka sa profession na pinili mo. Besides, may mga pinsan ka naman na
tumutulong na magpatakbo ng negosyo.”
Chain
of hotel and restaurant ang negosyong pag-aari ng pamilya Montelagro. It was a
family business. Na minana pa nila sa mga ninuno nila. Simpleng kainan lang
‘yon noon na lumago hanggang sa paglipas ng panahon. Tulong-tulong ang mga
kamag-anak niya sa pagpapatakbo no’n.
“I need a new
environment, Ma.”
“Kung ‘yan ang desisyon
mo.”
Tinapik nito ang balikat niya. Inubos niya ang laman ng beer niya. Nagbukas uli
siya ng bago. “Nakakadami
ka na, hijo.”
“I need to forget, Ma.
Kailangan kong maging manhid. Ayoko ng nararamdaman ko ngayon. I need an
anesthesia and this beer will help me.”
“Care to tell your mother
kung anong problema?”
“Problema po bang
matatawag ang nararamdaman kong sakit ngayon? Hindi, eh. Parusa ang tawag
dito.”
“Aeroll...”
“Nakita ko siya kanina.
I didn’t know na nasa hospital siya. Ang sabi ko kagabi, ayoko na. Pero
sinundan ko pa rin siya. Halos isang oras akong parang tangang nakatingin sa
kaniya. Mula sa malayo. Alam kong para akong tanga. Gustong-gusto ko siyang
lapitan. Gusto ng puso ko, pero ayaw ng isip ko. At kitang-kita ng mata ko. Kasama
na naman niya ang lalaking ‘yon kanina. Parang kagabi lang...”
Inagaw
ng mama niya ang beer niyang hawak. Pero madiin ang pagkakahawak niya do’n. “Ibigay mo sakin
‘yan, Aeroll. Baka mabasag mo ‘yan at masugatan pa ang kamay mo.”
Inilapag
na lang niya ‘yon sa tabi niya. “Niloko niya ko... Niloko lang niya ako...”
“Hindi mo ba siya hinayaang
magpaliwanag?”
“Hindi, Ma. Hindi ko
siya hinayaang makapagliwanag last night. Pero kanina, may pagkakataon na
siyang magpaliwanag sakin. Pero hindi niya ginawa.”
“Hindi mo ba naisip na baka
natakot siyang magpaliwanag sa’yo. Dahil inisip niyang nakatatak na sa isip mo
ang gusto mong paniwalaan.”
“Ma...”
“Hindi ko alam ang buong
kwento. Pero, been there, done that. Papunta ka pa lang, pauwi na ko. Alam mo
bang pag nag-aaway kami ng papa mo no’n, titingnan ko lang siya sa mga mata
niya. Malalaman ko na kung nagsasabi siya ng totoo.”
“Ayoko.”
“Dahil natatakot kang
makitang nagsasabi siya ng totoo?”
“Natatakot akong maging
tanga na naman.”
“Aeroll...”
“She doesn’t love me,
Ma.”
Para na namang hinihiwa ang puso niya sa sinabi niyang ‘yon. “Ang sabi ko
no’n, handa akong agawin siya sa lalaking ‘yon. Dahil alam kong may
nararamdaman rin siya sakin. Pero pa’no ko aagawin ang isang taong hindi ako
ang gusto. Ang tanga ko talaga! Wala naman siyang sinabing mahal niya ko in the
first place. Ang tanga ko talaga! Ngayon lang ako naging tanga! Sa kaniya lang
ako naging tanga!” Sa totoo lang, parang sarili lang niya ang
kinakausap niya.
Tinungga
niya ang beer niyang nilapag kanina. “Minahal ko siya pero anong ginawa niya? Siya lang ang
babaeng minahal ko ng ganito...” Yumuko siya. “Ganito ba talaga kasakit...”
“Aeroll...”
“Iwan mo muna ko, Ma...
please...”
Naramdaman
niyang hinaplos nito ang ulo niya. Narinig niyang nagsara ang pintuan ng kwarto
niya. Inubos niya ang beer hanggang sa masaid yon. Inabot niya ang picture
frame na nasa side table ng kama niya. “Princess...” Kuha ‘yon ni Princess habang
tumatawa. Nung nasa resort sila. Hinaplos niya ang mukha nito. “Bakit,
Princess...” Hindi niya namalayang pumatak na ang luha niya. “Wala ka na sa
harap ko... pero bakit nagagawa mo pa rin akong saktan ng ganito...”
XaryannaX
ReplyDeletewhen nio po kaya ito mafifinish? been trying myself not to read it p ksi ayoko mabitin. btw, your stories are my favorite here! ang gganda po ng mga short stories and oneshots mo so i'm looking 4ward to read the longer novels. hope you can finish this soon and make more stories pa. GL and ILY!
By June sis tatapusin ko na siya. Busy lang dis summer eh. And thank you so much for reading my stories! Super duper thank you! ^_________^ Ca't find the right words but thank- thank you talaga!
DeleteLuvyah too! Muaaaaahhhh!
kaiNis muCh c chAriz,,,
Deleteang sarap pasukin ang screen at sabunutan si chariz!! hahah.. waaah! teary-eyed kei fafa aeroll! :c
ReplyDeletesistah Leesh! is the end near?.. parang ma mimiss ko talaga tong story mo,especially the characters..
Yes my dear Dems. :)) The end is near na! Mamimiss ko din sila! Super! T____T
DeleteMatapos man ang story nila, may bago namang darating. :)))
ExcitEd n aq peO s toToo Lng, iOko p pOng mtApos niO itO atEy,,, hwAheHe,,, peO syEmpre LhAt ay dpAt mei enDing,,, sO wiSh q n LNg ay haPpy eNding p riN,,,
DeletePrinCess X aErOLL forEver!!!