Wednesday, May 1, 2013

Love at Second Sight : Chapter 62


CHAPTER 62
( Princess’ POV )


I will kill you all! Walang makakalagpas sa mata ko! Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya habang hawak ang shutgun at pinagbabaril ang mga terorista sa loob ng video game.


Matapos ang mala-baldeng pag-iyak niya kanina. Sa mall siya dumeretso. At dito sa arcade siya dinala ng mga paa niya. Pinapalit niya ang one hundred pesos niya ng token. Wala siyang pakialam kung abutin siya ng gabi dito. Mahigit isang oras na siyang naglalaro. Wala siyang pakialam kung magkakalyo na ang mga daliri niya. Wala rin siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid niya dahil isang oras na siya sa pwesto niya.


Ng mga oras na ‘to. Feeling niya, wala siyang nakikita. Wala siyang naririnig. Na siya lang ang nag-iisang tao dito. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob niya. Kung sa bahay lang siya ngayon, mababaliw lang siya sa kakaisip. Maiisip lang niya si Aeroll.


Aeroll...


Unti-unti na naman niyang nararamdaman ang sakit. Naramdaman niyang tutulo na naman ang luha niya kaya tinutok niya ang atensyon niya sa video game.


I will kill you all! Walang makakalagpas sa mata ko! I will kill you all! Walang—


May bumangga sa likuran niya. “Ano ba! Bulag ka ba?!”


“Shhh... wag kang maingay.” Nagtago ito sa gilid ng video game.


Kumunot ang noo niya ng makilala ito. “Justine?”


“Uy, miss ganda! Ikaw pala ‘yan.” Sumilip ito. “Nakita mo yung babaeng ‘yon?” Napalingon siya sa itinuro nito sa labas ng arcade. “Remember her? Yung kasama kong girl nung iligtas kita no’n? Nakipag-break na kasi ako sa kaniya. Hindi niya matanggap kaya hinahabol niya ko. May bago na kasi akong pinalit sa kaniya kaya—”


“Wala akong paki. Mga manloloko!” Itinutok uli niya ang atensyon sa paglalaro niya.


“Ang sungit mo naman, miss ganda.”


Itinutok niya dito ang toy shutgun. “Gusto mong ikaw ang barilin ko?”


“Go. I’m ready to die.”


Sa halip na patulan ang sinabi nito ay binitawan niya ang shutgun. Lumapit siya sa isang game na may mga butas, tapos may lalabas na mga nakadila, malaki ang mata at nang-aasar na hayop sa iba’t ibang butas bawat segundo. Ang gagawin ng maglalaro ay papaluin ang mga hayop once na lumitaw ‘yon sa kahit na anong butas gamit ang pamalo in big version na ginagamit ng mga judges. Nag-shoot siya ng token at hinawakan ng mahigpit ang pamalo. Nanggigigil na pinalo niya ang bawat hayop na lumitaw sa mga butas.


“Masira mo ‘yan.”


Hindi niya ito pinansin.


“May pambayad ka ba dyan?”


Dedma pa rin.


“Worth one million ‘yan. Baka kahit buhay mo hindi mabili ‘yan.”


Tiningnan niya ito ng pagkasama-sama. “Hindi ka ba marunong umintindi? Hindi ako sumasagot sa mga tanong mo. Meaning, ayaw kitang kausap. At pwede ba, kahit ngayon lang, o kahit habang buhay na lang, stay away from me.” Makita lang ang mukha nito ay naaalala na niya si James. Ang ginawa ni James. Pero hindi naman niya masisisi si James. Ang dapat niyang sisihin ay ang sarili niya.


“Whoah! Wala naman akong sinabing masama, ah. I’m just—”


“You’re just too insensitive.” Tinalikuran na niya ito at lumabas ng arcade. Naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya. “Ano pa bang kailangan mo?” hindi lumilingong tanong niya.


“Yang mukha mo kasi, parang gusto mo ng magpakamatay. May alam akong way. Yung madali at walang sakit kang mararamdaman.”


Hindi na siya sumagot. Hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong gawin. Malayo na ang nalakad niya pero ramdam pa rin niyang nakasunod ito sa kaniya.


“Sweetheart!” Kumunot ang noo niya ng mapansing sa gawi niya papunta ang babae. Lumagpas ito sa kaniya. Nabangga pa nga siya nito. Ni hindi man lang nag-sorry. Hindi sana niya ito papansinin ng...


“’Yan ba ang babaeng pinalit mo sakin?”


Huminto siya. At nilingon ito. Nakaturo ito sa kaniya. Ito ang girlfriend ni Justine? At bakit parang galit ito sa kaniya?


“Siya ba ang babaeng pinalit mo sakin?” umiiyak na tanong nito kay Justine na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng babae. Napagkamalan pa siya nitong bagong babae ni Justine.


Marami na siyang iniisip ngayon, at ayaw na niyang may dumagdag pa. Isa pa, pinagtitinginan na sila ng mga tao. Agaw-eksena naman kasi itong babaeng ‘to, eh. Dito pa sa mall nag-drama. Tinalikuran na lang niya ang mga ito. Nang magsalita uli ang babae.


“Ipinagpalit mo ko sa katulad niya lang? Walang ka-class-class. At ikaw babae! Mang-aagaw ka! Ang landi mo!”


Nagpanting ang tenga niya. Kuyom ang kamao niya ng lingunin niya ito. Inilang hakbang niya ang babae. “Anong sabi mo?” Napaatras pa ito at tila natakot sa kaniya. Ng mga oras na ‘to, mukha ni Chariz ang nakikita niya sa malditang babaeng ‘to! Hindi siya war freak, pero ayaw niya ng inaapi siya. Lalo ng babaeng ‘to na hindi naman siya kilala! “FYI, miss. Hindi ko kilala ang lalaking ‘yan.” Itinuro niya si Justine. Hindi naman talaga. Hindi sila close.


“Eh, bakit kayo magkasabay kanina? At bakit parang nakita na kitang kasama niya dati?” taas kilay na tanong nito. Mukhang natandaan siya nito noong iligtas siya ni Justine.


Tumawa siya ng pagak. “Hindi ka ba nag-iisip? Mall ‘to. Malamang magkasabay ang mga tao dito.”


Parang napahiya ito sa sinabi niya. Lalo na nang magbulungan ang mga tao at tila sumang-ayon sa sinabi niya. “Di bale ng walang class, miss. May utak naman ako at ginagamit ko sa tamang paraan. Hindi katulad mo na may class nga, pero hindi naman ginagamit ang utak ng maayos at nanghuhusga na lang basta ng ibang tao.”


“Oo nga!”


“Tama!”


Sang-ayon sa kaniya ng mga uzi sa paligid.


“Kaya kung ano man ang problema ninyo ng boyfriend mo, wag ninyo akong idamay. May problema din ako ngayon.”


Tiningnan muna niya ng masama si Justine bago tumalikod ng may maalala siyang sabihin. Humarap uli siya sa babae. “Alam mo, miss. Maganda ka sana. Mukha ka namang matalino. Yun nga lang sa maling lalaki ka nagkagusto. Just find another guy who deserves you. Wag kang tanga.” Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang mga ito.


Wala talagang ginawa ang love na ‘yan kundi ang magbigay ng problema sa mga tao.


Naalala na naman niya si Aeroll. Kinagat niya ang labi niya para pigilin ang nagbabantang luha niya. Akala niya ubos na, hindi pa pala. Unti-unti na naman niyang nararamdaman ang sakit lalo na at mga lovers ang nasasalubong niya.


Once again, nilagyan niya ng pader ang paligid niya. Para wala siyang marinig. At wala siyang makita. At hindi na madagdagan ang sakit na nararamdaman niya.


* * *


Nandito siya sa isang restaurant sa mall. Dito siya dumeretso. Idadaan naman niya sa pagkain ang nararamdaman niya. Nakadalawang round na siya ng kanin ng may umupo sa katapat niyang upuan.



“Ang daming pagkain, ah.”


“Sinusundan mo ba talaga ko? Baka mamaya sumulpot na naman ang girlfriend mong may class at gumawa pa ng eksena dito.”


“Ex girlfriend, miss ganda. Hindi na ‘yon babalik.” Nagpangulambaba ito sa mesa. “Sinundan nga kita. Katulad ng sinabi ko sa’yo kanina, mukha kasing magpapakamatay ka.”


“So? Ano naman sa’yo?”


“Hindi ka mamamatay kapag nabilaukan ka.”


“Gusto mo na ba kong mamatay?”


“Wala kong sinabi, ah.”


“Parang yun ang sinasabi mo. At bakit parang ang dali lang sa’yo na sabihin ang salitang kamatayan?” Pansin din niya ‘yon ng ng huli silang magkita.


“Lahat naman kasi tayo mamamatay. Una-una nga lang.”


“Pwes, ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap. Kung gusto mong mamatay, mauna ka.”


“Sure.”


Hindi niya alam kung seryoso ba ito o hindi sa sinabi nito. Wala siyang pakialam. Nagsimula na uli siyang kumain.


“Hindi mo ba ako aaluking kumain, hilaw na hipag?”


Bigla siyang napalingon dito. Makahulugan itong ngumiti. “Yes, miss ganda. Remember the last time we saw each other? When I saved you. I saw you with that guy. Siya din yung kasayaw mo sa party ni daddy bago umeksena si James. And I saw you with James talking at the garden. Mas nauna ako sa inyo do’n, hindi ninyo lang ako nakita dahil busy kayo sa ex-lovers quarrel ninyo. At nakita ko din ng suntukin ng new boyfriend mo ang kambal ko. Ano kayang mararamdaman ni dad kapag nalaman niyang hiwalay na ang paborito niyang anak at ang kanyang tinatawag na prinsesa?”


“Ano bang gusto mong palabasin?”


Nagkibit-balikat ito. “Wala naman.”


“May balak ka bang sabihin kay Tito Eric?”


“Ano namang mapapala ko kung sasabihin ko? Besides, ayoko ng makialam. Tuwing nakikialam ako, may nangyayaring hindi maganda. So it’s better to zipped my mouth.”


Hindi na siya sumagot para hindi na humaba ang usapan nila. Kumain na lang siya ng kumain. Napansin niyang nakatingin ito sa kaniya.


“What? May dumi ba ko sa mukha ko?”


“Masyado kang masungit ngayon.”


“Wala kang pakialam.”


“Buti hindi sumasakit ang ulo ng magulang mo sa kasungitan mo.”


“Wala na kong magulang. They were both in heaven.” May kung anong emosyon siyang nakita sa mukha nito na hindi niya mabasa. “Wag kang maawa sakin. Maawa ka sa sarili mo. Buhay pa ang mga magulang pero mas pinili mong maglagalag sa iba’t ibang lugar. Ilang beses mo ba silang nakikita sa loob ng isang taon? Isa? Dalawa? Lima? Gusto mo bang dumating ang oras na magsisi ka dahil hindi mo man lang nasabing mahal mo sila?”


Gustong niyang magsalita ngayon. Magsalita ng magsalita para kahit papano makalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya. Dahil kapag wala siyang ginawa. Alam niyang unti-unti na naman niyang mararamdaman ang sakit. Para siyang tinorture pag gano’n.


Tiningnan niya ang plato niya. “Hindi kita dapat husgahan. Kung ano man ang dahilan mo kaya mas pinili mong lumayo sa kanila, labas na ko do’n. Mahirap talaga ng may kakambal. Minsan kung ano ang ini-expect sa isa, dapat gano’n din ang isa. Minsan hindi maiiwasan ang inggitan, ang awayan. Kung magkapatid na hindi kambal, nangyayari ang gano’n, sa kambal pa kaya.”


Bigla niyang naisip ang magulang niya. Lagi silang sinasabihan ng mga ito na lagi silang magmahalan ng ate niya dahil magkapatid sila. Kung may problema, pwedeng pag-usapan. Wag idaan sa sigaw. At hindi matutuwa ang magulang niya sa inaakto niya ngayon. Binubunton niya sa iba ang frustration na nararamdaman niya. At ang kawawang napagbuntunan niya ay si Justine.


Huminga siya ng malalim. “Pero kahit kambal kayo ni James, magkaiba pa rin kayo. Kahit tatlong beses pa lang tayong nagkita, magkaibang tao ang tingin ko sa inyong dalawa. Magkaiba kayo. Magkaiba ang mga gusto ninyong gawin sa buhay ninyo. Pero hindi dapat maging dahilan ‘yon para kalimutan mong may pamilya ka. Na may magulang ka. Kung nararamdaman mong hindi ka importante sa magulang mo, nagkakamali ka. Walang magulang na hindi nagmamahal sa mga anak nila.”


Matagal bago ito sumagot. Nang tingnan niya ito, parang may nag-iba dito. Parang nawala ang kapilyuhan sa mata nito. Parang umaliwalas ang mukha nito.


“Ang dami kong sinabi. Siguro namiss ko lang sila mama kaya napangaralan tuloy kita.” She waved her hand. “Wag mo na ngang pansinin ang mga sinabi ko.” Nagpatuloy na siya sa pagkain niya ng maya-maya ay nagsalita ito.


“Princess.”


Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakangiti ito. The smile of his na ngayon lang niya nakita. Hindi ito katulad ng ngiti ni James. It was a genuine smile. At ngayon lang siya nito tinawag sa pangalan niya na karaniwan ay miss ganda.


“Pwede bang makahingi? Nagugutom na talaga ko.”


The way he said those words. Hindi mayabang. Hindi nang-aasar. Walang angas. Napatango na lang siya. “Sure.”

 * * *

1 comment:

  1. I totALLy agRee s mgA sinsBi ni pRincesS,,, gaNda ng chApter,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^